You are on page 1of 4

KAGAWARAN NG EDUKASYON

PANDIBISYONG TANGGAPAN NG MGA PAARALAN


LUNGSOD NG MARIKINA

IKA-APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 6
GAWAING PANTAHANAN - 2
TaongPanuruan 2015-2016

PANUTO: Basahin at unawaing ng mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa bawat puwang bago ang numero.

1. Ang mga gawain sa pamayanan na maaaring pagkakitaan ay dapat nating _____________.


A. ikahiya B. ipasara C.pabayaan D.tangkilikin

2. Alin ang naglalarawan sa isang pamayanang may mga masisipag na mamamayan?


A. Marami ang naghihirap.
B. Maraming walang hanapbuhay.
C. Maunlad na pamumuhay sa pamayanan.
D. Naglipana ang mga sugapa sa bawal na gamot.

3. Ano ang kabutihang naidudulot ng may kasanayan sa pananahi?


A. Pagiging mainisin C. Pagiging matipid
B. Pagiging malikhain D. Pagiging mayabang

4. Ang pagrerecycle ng lumang damit ay ______________.


A. pagsusunog C. pagtatastas
B. pagtatapon D.pagaayos upang maisuot muli

5. Ang malayang oras ay magiging makabuluhan kung gagamitin natin sa____________.


A. pananahi B. pagtulog C.panonoodng TV D. pakikipagkaibigan

6. May proyekto kayong walking short, anong uring tela ang dapat ninyong gamitin?
A. Dacron B. Koton C. Nylon D. Sintetiko

7. Malamig sa bansang Korea, kaya’t naka-jacket ang mga tao doon. Anong tela ang dapat
gawing jacket?
A. Koton B. Lana C.Linen D. Seda

8. Ikaw ay isang mananahi at alam mong pumili ng mahusay na tela. Anong uring tela ang
pipiliin mo para sa school uniform?
A. Koton B. Lana C. Seda D. Sintetiko
9. Anong tela ang nakilala na ginawa ng mga Tsino?
A. Koton B.Lana C.Seda D.Sintetiko

10. Kukunin ang sukat ng katawan ng magpapatahi sa modista. Ang gagamiting panukat
ay:
A. metro B.ruler C. tali D.medida o tape measure

1| E P P – H . E . G r a d e 6
11. Kapag kayo’y mananahi, ano ang dapat ilagay sa gitna ng daliri upang hindi matusok?
Yari ito sa metal o plastic.
A. Aspili B. Karayom C. Didal D. Tracing wheel

12. Ginagamit itong pangmarka o pangguhit sa tatahiin.


A. Colored chalk B. Gauge C. Pentel pen D. Tailor’s chalk

13. Nakita mong may kalawang na ang mga aspili at karayom. Saan mo ito itutusok?
A. Sabulak C.Sa kandila
B. Satela D. Sa emery bag o hasaan

14. Ang gunting ay may iba’t-bang laki. Nais mong gupitin ang sinulid na nakalawit sa
laylayan ng iyong damit, ano ang iyong gagamitin?
A. Kutsilyo B.Maliit na gunting C. Pinking shear D. Shears

15. Ito ay ginagamit bilang gabay sa paggawa ng proyekto.


A. Gamitng proyekto C. Plano ng proyekto
B. Halagang proyekto D. Kagamitan ng proyekto

16. Bahagi itong planong proyekto na nais makamit upang mabuo ang proyekto
A. Layunin C. Pamamaraan
B. Kagamitan D. Pangalan ng proyekto

17. Ano ang tawag sa gilid ng telang hindi naghihimulmol?


A. Raw edge B.Woof C.Warp D. Uriyao selvage

18. Ito ay hiblang tela na paayon o pahaba tulad sa uriya.


A. Warp B.Gilid C.Tuwid D. Uriya

19. Ang paraan ng pagpapaurong ng tela upang hindi mabago ang sukat o laking damit
bago tabasin.
A. Pagkukula C. Pagbababad sa tubig
B. Paglalaba sa tela D. Pagpapakulo ng tela

20. Ito ay tuwid na tahi nanagkakabit sa 2 pirasong tela.


A. Burdahan B. Dugtungan C. Sulsihan D. Tahian

21. Dugtong na ginamit sa pundang unan upang maging matibay ngunit makinis o malinis
tingnan.
A. Dugtong nadapa C.Dugtong balensyana
B. Dugtong napayak D.Dugtong bugtong

22. Ang kaalaman sa pagbuburda ay isa sa mga itinuro sa atin ng _______________.


A. Amerikano B. Arabo C. Hapon D. Espanyol

23. Si Carla ay Grade VI, siya ay tumutulong sa nanay niya sa pagbuburda. Sila ay taga
Laguna, anong bayan sa Laguna kilala ang pagbuburda?
A. Calamba B. Liliw C.Lumban D.Sta. Rosa

24. Isang kahon, lata o bag na pinagtataguan ng kagamitan sa pananahi at pagbuburda.


A. Sewing box B. Shoe box C. Jewelry box D.Tool box

2| E P P – H . E . G r a d e 6
25. Tahing burda na katulad ng tahi sa makina.
A. Tahing buto B.Tahing balangkas C. Tahing baynika D. Tahing pabalik

26. Tahing burda na ginagamit pamuno sa mga puwang ng disenyo.


A. Burdang buto B.Burdang eyelet C. Hinating satin D.Tahing blanket

27. Isang uri ng satin na hinahati sa dalawang bahagi pahaba bago burdahan.
A. Burdang buto B. Burdang eyelet C.Hinating satin D.Tahing baynika

28. Tahing burda na pinaiikot ang sinulid ng maraming ulit sa karayom


A. Buhol pranses B. Buhol-buhol C. Tahing herringbone D.Tahing ohales

29. Ang salitang “crochet” ay hango sa salitang Pranses, ano ang ibig sabihin nito?
A. Baluktoto crooked B.Ekis C. Pahalang D. Tuwid

30. Ito ang batayang tahi sa panggagantsilyo.


A. Burda C. Tahing balensyana
B. Kadena o chain D. Tahing pabalik

31. Ang sumusunod ay pangkalusugang gawi sa paggagantsilyo. Alin ang hindi kasali?
A. Umupo ng tuwid.
B. Manggantsilyo sa madilim na lugar.
C. Maghugas ng kamay bago gumawa.
D. Gumamit ng gunting sa pagputol ng sinulid.

32. Isang samahan kung saan ang may-ari ay ang mga kasapi nito.
A. Carenderia B. Kooperatiba C.Shopping mall D. Sari-sari store

33. Ang nagmamay-ari nito ay isang tao lamang o pamilya at ang tubo ay para sa kanila
lamang.
A. Kooperatiba C. Tindahan sa Divisoria
B. Tingiang tindahan D. Natatanging tindahan

34. Ang mga kasaping tindahang kooperatiba ay kailangang kumuhang permisosa City Hall
upang magtinda. Anong kaukulang papeles ang kanilang ibinibigay?
A. Driver’s license C.Lisensya sa pagtitinda
B. Lisensya sa lupa D. Papelde ahensya

35. Alin sa mga salik ang dapat isaalang-alang sa pagtatatag ng tindahang kooperatiba?
A. Daming paninda C. Lugar at puhunan
B. Halagang paninda D.Pagbabayad ng buwis

36. Ang mga paninda ay mabili at madaling maubos kung ito ay may taglay na katangiang.
A. Ipapautang C. Magandaang pagkakabalot
B. Galing sa Amerika D. Katamtamang halaga o presyo

37. Ilang porsyento ang itinalaga ng pamahalaan na dapat ipatong sa mga paninda?
A. 12% B. 15% C. 10% D. 14%

38. Saan ka dapat mamiling maramihan at mura pa?


A. Divisoria B. Grocery C.Palengke D. Talipapa

3| E P P – H . E . G r a d e 6
39. Matapos maitakda ang mga batas at alituntunin ng kooperatiba kinakailangang ipatala
ito sa _________________.
A. Bank Development Authority C. Land Development Authority
B. Cooperative Development Authority D.Metro Manila Development Authority

40. Ang kawili-wiling mga salita sa pamimili ay ginagamitan ng mga salitang _____________.
A. Ang bagal mo C. Hoy, Dalian mo
B. Ayoko nga D. Pakisuyo nga po

41. Ang bawat kasapi ng Kooperatiba ay may karapatang tumanggap ng _____________.


A. bonus B. boto C.dibidendo D. sahod

42. Ang mga paninda ay maaaring ipagbili ng maramihan (wholesale) at maaari


namang_____________.
A. madalian C. pana-panahon
B. pangtustos D.paunti-unti (retail)

43. Ang pagtatala sa mga nabili at natirang paninda ay tinatawagn a:


A. Pamimili C.Pagtatanghal
B. Pagtitinda D.Pagiimbentaryo

44. Hinahati-hatiang tubong tindahang kooperatiba sa mga kasapi bilang _______________.


A. kita B. sosyo C. puhunan D. dibidendo

45. Si Gng. Salvador ay tumubong Php 200.00 sa kanyang tindahan. Ilang porsiyento ang
tubo kung ang puhunan ay Php 2,000.00?
A. 10% B. 12% C. 20% D.30%

46. Ano ang lalabas na tubo kung ikaw ay namumuhunan ng Php 800.00 na 15% dagdag sa
mga paninda?
A. Php 12.00 B.Php 120.00 C. Php 815.00 D. Php 1,200.00

47. “Sale” ngayon sa Marikina kung ang halaga ay Php 950.00 at 50% ang discount.
Magkano ang ibabayad mo?
A. Php 47.50 B.Php 475.00 C.Php500.00 D.Php 1,200.00

(48.-50.)Pinagsama-sama nina Carlo, Jose, Alex at Danny ang kanilang pera upang gawing
puhunan sa isang kaing ng mangang hinog.

Carlo – Php 150.00 Jose – Php 150.00 Alex – Php 300.00 Danny – Php 150.00

Ang isang kaing ng manggang hinog ay nagkakahalagang Php 750.00. Ang


napagbilhan nila ay Php 1,000.00.

48. Magkano ang kanilang tubo?


A. Php 25.00 B. Php 250.00 C.Php 1,000.00 D. Php 2,500.00

49. Sa ilan hahatiin ang tubo?


A. 3 B. 4 C.5 D. 6

50. Magkano ang dibidendo ni Alex?


A. Php50.00 B.Php 75.00 C. Php 100.00 D. Php 150.00
4| E P P – H . E . G r a d e 6

You might also like