You are on page 1of 2

Edukasyon sa Pagpapakatao 7 6:10 – 7:10 = H

Ika-1 ng Agosto, 2019 7:10 – 8:10 = E


Huwebes

I. Layunin:
a. Natutukoy ang kanyang mga talento, kakayahan gamit ang Multiple Intelligences
Survey Form ni Walter Mckenzie
b. Natutukoy ang mga aspeto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala sa sarili at
nakikilala ang mga paraan kung paano lalampasan ang mga ito
c. Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at
kakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung pauunlarin ay
makahuhubog ng sarili tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa mga
kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, at paglilingkod sa pamayanan
II. Paksa: Mga Talento at Kakayahan
III. Pamaraan:
A. Multiple Intelligences Survey Form. Basahin at unawaing mabuti ang bawat
pangungusap. Isulat ang bilang 1 hanggang 90 sa bandang kaliwa ng iyong kuwaderno
sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Gabay ang legend sa ibaba, isulat sa sagutang papel
ang bilang na naglalarawan sa iyong sarili. Maging tapat sa iyong sagot sa bawat
bilang. Huwag kang mahihiya kung Hindi (0) o Bihira (1) ang sagot mo sa ilang bilang.
Gabay na Tanong:
1. Batay sa resulta, ano ang natuklasan mo tungkol sa iyong sarili?
2. Naaayon ba sa iyong inaasahan ang iyong mga natuklasang kakayahan? Ipaliwanag.
3. Nasiyahan ka ba sa iyong natuklasan? Ipaliwanag.
4. Angkop ba sa kursong akademiko o teknikal-bokasyonal na nais mong pag- aralan
ang iyong angking kakayahan?
5. Bakit mahalaga ang kaalaman sa taglay mong mga talento at kakayahan?
B. Malayang Talakayan
IV. Ebalwasyon:
Kamusta ka na? Naunawaan mo bang lubos ang talakayan? Ngayon, sagutin mo ang
sumusunod.
1. Sang-ayon ka ba sa sinabi ni Gardner na ang mas angkop na tanong ay “Ano ang
iyong talino?” at hindi “Gaano ka katalino?” Pangatuwiranan.
2. Sang-ayon ka ba sa dalawang bagay na natuklasan nina Prof. Ericsson tungkol sa
talento at kakayahan? Patunayan.
3. Bakit mahalaga ang paglinang ng tiwala sa sarili?
4. Anong mahalagang aral tungkol sa talento ang ipinahahayag ng “Parable of the
Talents”? Ipaliwanag.
5. Bakit mahalaga ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at
kakayahan?

Inihanda Ni: Iniwasto Ni:

MISS KIMBERLY JANE M. DE LA RITA MRS. MARIA C. TISOY


Guro sa ESP

MR. LOLITO N. TOLERO


School Principal

You might also like