You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF LAGUNA
BALIAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
Balian, Pangil, Laguna

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG


TECH VOC
Unang Panahunang Pagsusulit

Talahanayan ng Espisipikasyon

KASANAYAN/KOMPETENSI Blg.ng Kinalalagyan ng Bahagdan Blg. ng Aytem


Araw Aytem

Nabibigyang kahulugan ang teknikal-


bokasyunal na sulatin.
1 1 2.5% 1
(CS_FTV11/12PB-0a-c-105)

Natutukoy ang mga rehistro sa pagluluto


at panimulang varayti ng Filipino sa mga
3 2-5 7.5% 4
Piling Cookbook.

Natutukoy ang kahulugan, mga bahagi,


nilalaman at proseso sa pagsulat ng
4 6-10 10% 5
Manwal

Natutukoy ang mga kahulugan sa


Talasalitaan mula sa Lutong- Bahay 1 at 2
12 11-25 30% 15
ni Gloria Guzman at sa Kain Na! Ng The
Maya Kitchen

Natutukoy ang kahulugan, mga bahagi,


nilalaman at proseso sa pagsulat ng
8 26-35 20% 10
Liham pangnegosyo

Natutukoy ang kahulugan, mga bahagi,


nilalaman at proseso sa pagsulat ng
12 36-50 30% 15
flyers at deskripsyon ng produkto

Kabuuan
40 0 100% 50

Inhihanda ni:
LEILANI E. VIZARRA
DALUBGURO II

Pinagtibay:
CECILIA B. CASTILLO, Ph.D.
PUNONGGURO II

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF LAGUNA
BALIAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
Balian, Pangil, Laguna
UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG: TECH VOC
Pangalan: _________________________ Iskor: __________________
Baitang at Pangkat: ___________________ Guro: Gng. Leilani E. Vizarra

I. Maramihang Pagpipilian
Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat pangungusap. Isulat ang kasagutan sa inyong sagutang
papel.
1. Ito ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman sa paraang nakalimbag.
A. Pakikinig C. Pagsasalita
B. Pagbabasa D. Pagsusulat
2. Ang pagdaragdag ng salita kung saan ang pangngalan ay nagiging pang-uri o pandiwa ay isang halimbawa
ng anong varayti?
A.Panghihiram C. Palit Koda
B.Pagkabit ng afiks D. Pagpapaikli ng salita
3. Ginagamit ito kapag ang salitang gagamitin sa cookbook ay walang katumbas sa wikang Filipino.
A. Panghihiram C. Palit koda
B. Pagkabit ng Afiks D. Pagpapaikli ng Salita
4. Ang pangungusap na “Magiging crunchy ang sili” ay isang halimbawa ng__________.
A. Panghihiram C. Palit koda
B. Pagkabit ng Afiks D. Pagpapaikli ng Salita
5. Mula sa salitang asinan ay nag-aalis ng pantig at tinatawag nalang itong asnan. Ito ay isang halimbawa
ng__________?
A. Panghihiram C. Palit Koda
B. Pagkabit ng Afiks D. Pagpapaikli ng Salita
6. Isang sulating teknikal bokasyunal na naglalaman ng iba’t- ibang impormasyon hinggil sa isang produkto
produkto, kalakaran sa isang organisasyon o samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa proseso,
estruktura at iba pang detalyeng nagsisilbing gabay sa mga mambabasa.
A. Liham Pangnegosyo C. Deskripsyon ng Produkto
B. Manwal D. Cookbook
7. Bahagi ng isang manwal na sulatin kung saan matatagpuan ang mga pahina ng mga paksang nakapaloob
dito.
A. Glosaryo C. Talaan ng nilalaman
B. Apendise D. Pambungad
8. Sa bahaging ito matatagpuan ang mensahe ng lumiKha nga sulatin o kaya’y may mataas na katungkulan sa
isang samahan.
A. Glosaryo C. Talaan ng nilalaman
B. Apendise D. Pambungad
9. Katangian ng isang manwal kung saan nagtataglay ito ng malawak na nilalaman dahil naglalayon itong
maglahad ng impormasyon tungkol sa isang bagay.
A. Komprehensibo C. Nakaayos na pabalangkas
B. May larawan o tart D. Apendise o indeks
10. Matatagpuan sa bahaging ito ang mga kalakip na impormasyon hinggil sa manwal katulad ng mga
impormasyon sa pagkontak, mga tala atbp.
A. Apendise C. Glosaryo
B. Nilalaman D.Pambungad
II. Pagtapat-tapatin
Panuto: Piliin sa Hanay A ang wastong kahulugan sa hanay B. Isulat lamang ang titik ng wastong sagot.
Hanay A Hanay B
___11. Binulay Bulay A. Pagluluto ng karne o gulay sa toyo, bawang, suka.
___12. Humulagpos B. Pagluluto na nilalagyan ng gata ng niyog
___13.Ligisin C.Pagluluto sa baga o diretsong iluto
___14.Sangkutsa D.Lutuin ang asukal hanggang matunaw
___15.Sinuam E. Tanggalan ng Balat
___16.Tinalbog F.Pagluluto ng tira-tirang inihaw ng isda na nlagyan ng sabaw at gulay
___17.Adobo G. Hiniwa ng manipis at mahaba
___18.Kilawin H.Lutuin sa oven o salangang mainit
___19.Banlaw I.Hugasan ng bahagya
___20.Hurnuhin J. Pagbababad sa suka, bawang,sibuyas,paminta at kinakain ng hilaw
___21.Ginayat K.Tuluyang ginisa sa luya at dahon ng sili at nilalagyan ng kaunting patis
___22.Talupan L.Paggisa
___23.Arnibalin M.Durugin upang maisama ang pampaasim sa sinigang
___24.Ihawin N. Kumawala, sumabog ang lamang nakabilot
___25. Ginataan O.Paghiwa-hiwalay gamit ang daliri lamang

III. Tama o Mali


Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinapahayag ng mga pangungusap; kung hindi naman, isulat ang
MALI.
_______26.Ang lahat ng liham pang negosyo ay iisa lamang ang layunin.
_______27. Sa patunguhan nakalagay ang pamitagang pangwakas.
_______28.Ang pamuhatan ay address ng sumulat ng liham.
_______29. Ang liham pagkambas ay naglalayong makahingi ng impormasyon o price list kaugnay sa
produktong nais bilhin.
_______30. Gumagamit ng bantas na kuwit sa pamitagang pangwakas.
_______31. Hindi kailangang gumalang sa liham na iyong susulatin.
_______32. Binubuo ng panimula, katawan at konklusyon ang katawan ng isang liham.
_______33. Gumamit nga pormal na wika sa liham kahilingan.
_______34.Lagyan ng lagda ang liham na iyong susulatin.
_______35. Nakapasok ang unang bahagi ng pangungusap kapag gumagamit ng anyong block na pormat.
_______36. Gawing makulay at kaaya-aya ang flyer na gagawin.
_______37. Kinakailangang maraming pahina ang isang flyer.
_______38. Ang booklet at flyer ay iisa lamang.
_______39. Maging mapaglaro sa mga salita upang mas maging kakaiba at angat ang tag line sa iyong flyer.
_______40. Hindi na kailangang lagyan ng mga kontak o website ang iyong flyer para mas ligtas ang pribado
mong numero.
_______41. Maiksing talata lamang ang nilalaman ng deskripsyon ng produkto.
_______42. Gumamit ng mga karaniwang pahayag upang mapanatili ang pagkaangat ng produkto.
_______43. Ang online shop ay isa naring kakumpetensya sa industriya ng pagnenegosyo.
_______44. Magbigay ng mga patunay kapag gumamit ng mga superlatibong pahayag mula sa mga sumubok
na ng iyong produkto.
_______45. Huwag ng gumamit ng mga salitang pandama upang hindi na mahirapan sa pagpopromote na
iyong produkto.
_______46. Ang auction ay isang paraan ng pagbebenta kung saan nagpapataasan ng presyo ng pera sa
pag bid ng isang produkto.
_______47. Maging totoo lamang sa mga materyales na ginamit sa produkto upang maiwasan ang pagkasira
ng reputasyon ng iyong negosyo.
_______48. Laging isaalang-alang ang mga target na mamimili sa tuwing gagawa ng isang deskripsyon ng
produkto.
_______49.Naglalaman rin ng mga benepisyo para sa mga mamimili ang isang deskripsyon ng produkto.
_______50.Gumamit nga mga madaling maunawaan at mabasa na pormat para sa isang deskripsyon ng
produkto.

Mga kasagutan
I. Maramihang Pagpipilian
1. D
2. B
3. A
4. C
5. D
6. B
7. C
8. D
9. A
10. A

II. PAGTAPAT-TAPATIN
11.O
12.N
13.M
14 L
15. K
16 F
17.A
18.J
19.I
20. H
21. G
22. E
23 D
24. C
25.B

III. TAMA O MALI


26.MALI
27.MALI
28.TAMA
29.TAMA
30.TAMA
31.MALI
32.TAMA
33.TAMA
34.TAMA
35.MALI
36.TAMA
37.MALI
38.MALI
39.TAMA
40.MALI
41.TAMA
42.MALI
43.TAMA
44.TAMA
45.MALI
46.TAMA
47.TAMA
48.TAMA
49.TAMA
50.TAMA

You might also like