You are on page 1of 2

Summative Test

Quarter 4

Pangalan:_______________________________ Iskor:____________
Seksyon: ______________________________

Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ito ay isang paraan ng pag-aanunsyo ng mga produkto,serbisyo o kaganapan sa pamamagitan ng iba’t
ibang anyo ng komunikasyon.
A. Patalastas C. Kuwento
B. Sanaysay D. Balita
2. Alin sa mga sumusunod ang dapat tandaan sa paggawa ng patalastas?
A. Sa pagbuo ng patalastas, gumamit ng iba’t ibang bahagi ng pananalita
B. Dapat sumasagot sa tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit at Paano.
C. Ito ay nagbibigay sa tagapakinig o mambabasa ng tamang impormasyon.
D. Lahat ng nabanggit ay dapat isaalang–alang sa paggawa ng patalastas.
3. Ang _______ ay pagbibigay ng sariling saloobin sa pamamagitan ng pagsang-ayon o pagpalungat sa
kaisipan ng nagsasalita o kausap sa magalang na paraan.
A. Reaksyon C. Balita
B. Anunsyo D. Tula
4. Alin sa mga sumusunod ang dapat isaalang-alang sa pagbigay/pagsulat ng reaksyon sa binasa o
narinig?
A. Isulat ang pamagat ng binasa o panayam at ang pangalan ng sumulat o nagtalumpati.
B. Banggitin ang paksa ng binasa o narinig at ang mahahalagang detalye.
C. Maaaring sumalungat, sumang-ayon o magbigay ng puna sa narinig o binasa.
D. Lahat ng nabanggit ay dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng reaksyon.
5. Alin ang angkop na reaksyon sa balitang may inilunsad na pyoyektong “Pera sa basura” ang paaralan
upang maging malinis at kumita ng pera buhat sa basurang itinatapon ng mag-aaral sa paaralan?
A. Sang-ayon po ako sa proyektong “Pera sa basura” dahil mababawasan ang nagkalat na basura
kikita pa ang paaralan.
B. Para sa akin, hindi po masamang kumita ng pera mula sa basura subalit kailangan munang
maturuan ang mga mag-aaral sa wastong paghihiwalay ng mga basura.
C. Tutol po ako sa proyektong “Pera sa basura” dahil magagambala ang pag-aaral ng mga mag-
aaral.
D. Lahat ng nabanggit ay angkop na reaksyon sa balita.
6. Paano napapangkat ang pagkakaugnay ng mga salita?
A. Ayon sa uri at gamit.
B. Ayon sa bahagi at lokasyon.
C. Ayon sa kayarian at pinagkukunan.
D. Ang mga nabanggit ay maaaring batayan sa pagpapangkat ng mga salita.
7. Aling pangkat ng mga salita ang magkaugnay ayon sa gamit?
A. pako, martilyo, kahoy, panukat.
B. saging, bayabas, mansanas, ubas.
C. silid-tulugan, sala, palikuran, kusina.
D. parke, simbahan, aklatan, paaralan.
8. Abogado : korte ; doctor : __________. Ano ang pinakaangkop na ilagay sa patlang para mabuo
ang pagkakaugnay ng mga salita?
A.paaralan B.ospital C.restaurant D. mall

9. Suriin ang pares ng mga salita.” Gunting : panggupit; tinta : bolpen” Paano pinag – ugnay ang mga
salita?
A. gamit B. lokasyon C. kaangkupan D. bahagi
II. Basahin ang pamagat ng kwuento. Isulat sa patlang ang Piksyon kung ito ay kathang isip at Di-Piksyon
kung ito ay di kathang isip.

10. Ang Munting Sirena _______________________

11. Ang Kasaysayan ng Pilipinas _______________________

12. Ang pelikulang ito naman ay patungkol sa mga kaganapan o pangyayari na mahiwaga, maalamat,
makasaysayan.
A. Animasyon B.Epiko C. Aksiyon D.Komedya
13. Ang mga pelikulang halimbawa nito ay ginawa para paiyakin ang manonood, mabigat sa damdamin at
nagtataglay ng kalungkutan.
A.Aksiyon B.Komedya C.Drama D.Katatakutan
14. Ang pelikulang ito ay gawa ng malikot na imahinasyon ng direktor o ito’y kuwentong bayan na maaaring
haka-haka lamang at malayo sa katotohanan at totoong buhay na lubos na kinagigiliwan ng mga bata.
A. Pantasya B. Drama C. Komedya D.Epiko
15-16. Bilugan ang sanhi at salungguhitan ang bunga sa pangungusap sa ibaba.

Sumakit ang ngipin ni Maria dahil kumain siya ng maraming kendi.

III. Pag-aralan ang graph sa ibaba at sagutin ang mga tanong kaugnay nito.

Buwanang Badyet ng Mag-aaral sa Ikaanim na


Baitang

Ipon
5%
Damit
Aklat,papel,magasin at iba 15%
pang gamit sa paaralan
40%
Libangan
10%

Pagkain
30%

Buwanang Badyet: Php 20,000

17.Tungkol saan pie graph?

_______________________________________

18. Anong bahagdan ang nakuha ng aklat, papel, magasin at iba pang gamit sa paaralan?

_______________________________________

19. Sa buwanang badyet ng mag-aaral na Php 20,000, magkano ang nakalaan para sa pagkain?

_______________________________________

20. Ilang bahagdan ang higit ng damit sa libangan?

_______________________________________

You might also like