You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

SAN CARLOS PREPARATORY SCHOOL


#15 Ilang Dist., San Carlos City, Pangasinan 2420
Taong Panuruan 2020-2021

Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


M O D Y U L blg. 3-4
Linggo 3-4 ( Setyembre 28-Oktubre 9, 2020)

Pangalan:_________________________________ Petsa ng Pagkuha: ________________


Marka: ___________________________________ Petsa ng Pagbalik: ________________

ARALIN 3: MAPANURING PAGSULAT SA AKADEMIYA


Sanggunian: Constantino, Pamela C., at Galileo S. Zafra. FILIPINO SA PILING LARANGAN
(AKADEMIK). Quezon City: Rex Printing Company, Inc., 2016.

Panimula:
Ang modyul na ito ay para sa iyo. Ito ay inihanda upang mapag-aralan mo ang MAPANURING
PAGSULAT SA AKADEMIYA: Pagbuo ng ng Mapanuring Sanaysay. Taglay rin nito ang mga ilang gawain
na maaaring humasa sa iyong kaalaman ukol dito.

Layunin:
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang:
a. naipaliliwanag ang katuturan, kalikasan at kabuluhan ng mapanuring pagsulat;
b. natitiyak ang proseso ng mapanuring pagsulat; at
c. nakasusulat ng piktoryal na sanaysay o sanaysay-palarawan.

Paunang Gawain:
TASAHIN NATIN ANG IYONG NALALAMAN!
A. Piliin ang pinakaangkop na sagot sa sumusunod na tanong kaugnay ng paksang “Kompyuter at
Pag-aaral.”
1. Alin ang pinakaangkop na paksang pangungusap para dito?
a. Magagamit ang kompyuter upang hindi mainip sa pag-aaral.
b. Magagamit nang epektibo ang kompyuter kung pahahalagahan ang katuturan nito sa pag-
aaral.
c. Matutulungan ng kaalaman sa kompyuter ang mga mag-aaral, pamilya, komunidad, at
bansa.
2. Anong pamagat ang maaaring gamitin para sa naturang paksa?
a. Tara nang Magkompyuter nang Sipaging Mag-aral
b. Ang Kompyuter sa Nagbabagong Mundo ng Teknolohiya
c. Kompyuter: Makabagong Paraan, Bagong Kaalaman
3. Ano ang angkop na pagkukunang datos para sa naturang paksa?
a. Interbyu at sarbey
b. Mga dokumento sa archive
c. Eksperimento sa laboratoryo
4. Ano ang higit na makatutulong para pangatuwiranan ang paksa?
a. Malaki ang tulong ng kompyuter para masanay sa bagong teknolohiya ang mag-aaral.
b. Kompyuter ang sagot sa kakulangan ng libro sa aklatan.
c. Malaki ang tulong ng kompyuter sa pagdagdag ng kaalaman at kasanayan ng mag-aaral.
5. Ano ang epektibong wakas kung susulatin ang paksa?
a. Tunay na malaking tulong ang kompyuter sa pagharap ng mag-aaral sa hamon ng
globalisasyon.
b. Teknolohiya ang sagot sa prolema sa edukasyon.
c. Malaking tulong sa pag-aaral ang kaalaman at kasanayang ibinibigay ang kompyuter.

BASAHIN ANG HAND-OUTS NA INIHANDA NG GURO SA HULING BAHAGI NG MODYUL.


*******
Mayroon ka bang bagong natutunan? Kung oo, magaling! Balikan ang paunang gawain kung may
nabago ba sa iyong kasagutan. 
Panghuling Gawain:
TASAHIN NATIN ANG IYONG NATUTUNAN!
A. Pumili ng dalawang senaryo sa sumusunod. Pagkatapos, sumulat ng isang pahinang sanaysay
na binubuo ng dalawa hanggang tatlong talata ukol dito. Isulat ang dalawang sanaysay sa likod
ng papel.
1. Kung kailangan mong magbigay sa isang dalagitang may bilang na ang araw sa mundo, mula
sa iyong mga ari-arian, alin sa mga ito ang pipiliin mo at bakit?
a. Signature bag c. P20,000
b. Mamahaling cellphone d. mamahaling sapatos
2. Paano kung hindi na natutulog ang tao? Ano ang gagawin mo sa gabi at madaling-araw?
3. Kung makakausap mo ang isang paruparo, ano ang sasabihin mo sa kaniya?
4. Ikaw ba ay masasabing kuwadrado (organisado, nakagagawa sa sarili, di kailangang kasama
sa grupo)? O bilog (optimistiko, mapaghalubilo, mapagkaibigan)? O tatsulok (nakapokus,
madetalye, kumpetitibo, iniisip na laging tama)? Bakit?
5. Mag-isip ng isang naiibang trabaho o propesyon. Ilarawan ito.
6. Kung papipiliin ka, sa aling bansa mo gustong manirahan? Bakit?
7. Kung ikaw ay napadpad sa isang isla na walng kasama, ano ang gagawin mo?
8. Kung bibigyan ka ng libreng isang linggong bakasyon sa kahit saang lugar sa Pilipinas, saan
mo gustong magpunta at bakit?
9. Kung bibigyan ka ng iskolarsyip sa ibang bansa para sa kursong Inhenyeriya pero ang
talagang gusto mong propesyon ay maging doktor, tatanggapin mo ba ito? Bakit?
10. Kung liligawan ng isang Amerikano ang isang kasambahay na hindi marunong sumulat at
bumasa o magsalita ng Ingles, dapat bang makipagrelasyon ang kasambahay sa dayuhan?
Bakit?

*************************************************************

ARALIN 4: ETIKA AT PAGPAPAHALAGA SA AKADEMIYA


Sanggunian: Constantino, Pamela C., at Galileo S. Zafra. FILIPINO SA PILING LARANGAN
(AKADEMIK). Quezon City: Rex Printing Company, Inc., 2016.
Panimula:
Ang modyul na ito ay para sa iyo. Ito ay inihanda upang mapag-aralan mo ang ETIKA AT
PAGPAPAHALAGA SA AKADEMIYA: Pagsulat ng Replektibong Sanaysay. Taglay rin nito ang mga ilang
gawain na maaaring humasa sa iyong kaalaman ukol dito.

Layunin:
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang:
a. nalilinaw ang kahulugan ng etika at pagpapahalaga sa loob at labas ng akademiya;
b. natutukoy ang ilang etikal at di-etikal na mga gawain sa Pilipinas at maging sa ibang bansa;
c. natitiyak ang mga katangian ng pagsulat na etikal na gamit ang angkop at tamang pagpapahalaga
sa akademiya; at
d. nakasusulat ng isang replektibong sanaysay na naglalahad ng komitment sa integridad at
pagpapahalaga sa katapatan sa pagsulat.

Paunang Gawain:
TASAHIN NATIN ANG IYONG NALALAMAN!
A. Narito ang ilang senaryo. Tukuyin kung sa palagay mo ay etikal o hindi ang mga sitwasyon.
Ipaliwanag ang sagot. Kung hindi etikal, ano sana ang dapat ginawa?
1. Nagsumite ng iskrip si Marian sa kaniyang propesor sa script writing. Humiram siya ng
iskrip sa isang kaibigan. Sinabi niyang gagamitin niya lamang ito upang gawan ng
ebalwasyon at kritika sa klase ngunit ipinasa niya ang mga ito bilang kaniyang sariling gawa.
Etikal o Hindi Etikal? ________________________________________________________
Paliwanag: _________________________________________________________________
Dapat sanang ginawa: ________________________________________________________

2. Dinala ni Dr. De Gracia ang kaniyang nanay sa isang kapuwa doktor upang ipagamot.
Karaniwang praktis na hindi sinisingil ng manggagamot ang malapit na kamag-anak ng
kapuwa manggagamot. Siningil ng naturang doktor ang ina ni Dr. De Gracia.
Etikal o Hindi Etikal? ________________________________________________________
Paliwanag: _________________________________________________________________
Dapat sanang ginawa: ________________________________________________________
3. Tumatanggap ng malaking donasyon ang isang simbahan mula sa isang kilalang taong may
criminal record.
Etikal o Hindi Etikal? ________________________________________________________
Paliwanag: _________________________________________________________________
Dapat sanang ginawa: ________________________________________________________
4. Nag-iiwan ng paninda sa labas ng kaniyang silid-aralan si Gng. Domino, isang guro sa
ikatlong baitang. Doon bumibili ang mga mag-aaral niya kapag recess. Ang kinita niya mula
rito ay pandagdag daw niya sa gastusin ng kaniyang pamilya.
Etikal o Hindi Etikal? ________________________________________________________
Paliwanag: _________________________________________________________________
Dapat sanang ginawa: ________________________________________________________
5. Malaki ang kinikita ni Dado sa pagdadala ng ilang parte ng katawan (halimbawa, bahagi ng
atay) sa isang ospital. Ayon sa kaniya, ang mga ito ay “boluntaryong” donasyon. Gagamitin
ang mga ito ng ospital sa mga pasyenteng nangaingailangan nito. Malaki ang bayad sa mga
“boluntaryong” parte ng katawan.
a. Etikal ba o Hindi Etikal ang ginawa ni Dado o ng mga boluntaryo?
_______________________________________________________________________
Paliwanag: ______________________________________________________________
Dapat sanang ginawa: _____________________________________________________
b. Etikal ba o hindi etikal ang ginawa ng ospital?__________________________________
Paliwanag: ______________________________________________________________
Dapat sanang ginawa: _____________________________________________________

BASAHIN ANG HAND-OUTS NA INIHANDA NG GURO SA HULING BAHAGI NG MODYUL.


*******
Mayroon ka bang bagong natutunan? Kung oo, magaling! Balikan ang paunang gawain kung may
nabago ba sa iyong kasagutan. 

Panghuling Gawain:
TASAHIN NATIN ANG IYONG NATUTUNAN!
A. Sagutin ang mga tanong tungkol sa tinalakay. Isulat ito sa likod ng papel.
1. Ano-ano ang batayan upang masabing etikal ang isang gawi o gawain?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. May pagkakataon bang nalilito ang mga Pilipino kung ano ang etika at kung ano ang
pagpapahalaha? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, alin ang mas sinusunod ng mga kakilala mo, ang etika o ang
pagpapahalaga? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Ano-anong isyu ng paglabag sa etika at pagpapahalaga sa pagsulat dito sa Pilipinas ang
pamilyar kayo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, sapat ba ang kaparusahan na ipapataw ng iyong paaralan sa mga
lumalabag sa etika ng pagsulat.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
6. Magbigay ng iba pang pagpapahalagang dapat isabuhay ng mag-aaral na Pilipino. Ipaliwanag
ang sagot.
a. ________________________________________________________________________
b. ________________________________________________________________________
c. ________________________________________________________________________
7. Paano dapat ipaalam sa mga kabataang Pilipino ang kahalagahan ng etika at pagpapahalaga
sa kanilang pamumuhay? Magbigay ng mga mungkahi.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

B. Tukuyin kung etikal o di-etikal ang sumusunod na gawain. Isulat ang sagot sa patlang bago ang
bawat bilang. Tukuyin din kung anong pagpapahalaga ang isinasabuhay o nilalabag nito. Isulat
ito sa loob ng panaklong.
__________1. Pag-uuwi sa bahay ng mga suplay na ballpen, papel at iba pa ng opisina.
(_________________________)
__________2. Paggamit ng telepono ng opisina para sa long-distance overseas call nang may
permiso. (_________________________)
__________3. Pag-absent sa klase at pagsasabing kunwari ay maysakit dahil hindi nakagawa o
tinamad gumawa ng takdang-aralin. (_________________________)
__________4. Pagsusumite ng report na may reperensiya sa huli at may pagkilala sa siniping
may-akda sa loob. (_________________________)
__________5. Pagpapapunta sa field trip ng klase, kung saan kahati ng inarkilang bus ay kikitain
ng guro. (_________________________)
__________6. Pagrereseta ng doktor sa pasyente ng mamahaling gamot na produkto ng
kompanyang nagbibigay sa kaniya ng libreng biyahe sa ibang bansa.
(_________________________)
__________7. Pagsasabi ng pasyente sa ospital na hindi siya indigent at kaya niyang magbayad
para maibigay ang slot sa ibang pasyenteng nangangailangan. (_________________________)
__________8. Pagtatapon ng basura sa kalye o pag-iipit ng basura sa pagitan ng mga upuan sa
bus. (_________________________)
__________9. Pagsasauli ng drayber ng taksi ng naiwang laptop at bag ng pasahero.
(_________________________)
__________10. Hindi pagsagot sa telepono dahil pinagtataguan ang mga taong nagawan ng
atraso. (_________________________)
C. Sumulat ng replektibong sanaysay na may tatlo hanggang limang talata kaugnay ng integridad
at katapatan sa pagsulat. Gumamit ng sariling karanasan o karanasan ng iba bilang konkretong
halimbawa.
Ang isang replektibong sanaysay ay binubuo ng:
1. Deskripsiyon ng mga datos, pangyayari, at iba pa.
2. Ebalwasyon ng pangyayari, karanasan sa pamamagitan ng sariling opinyon.
3. Pagtalakay kung paano naapektuhan o maaaring maapektuhan o mabago ang sarili.

Mahalagang magsagawa ng:


1. Pananaliksik
2. Pamamaraan upang makuha ang atensiyon ng mambabasa gaya ng sumusunod
a. Anekdota
b. Flashback
c. Sipi
3. Makabuluhan, tiyak at kongkretong bokabularyo

You might also like