You are on page 1of 2

Kuwento ng Cobo, Tabaco City

Noong unang panahon, ang lugar na barangay Cobo ay wala pang pangalan at hindi pa kilala sa
siyudad ng Tabaco. Konti pa lang ang mga tao at pamilya na nakatira sa lugar. Ayon sa mga
matatanda, ang lugar ay sakop pa ng barangay Tagas.

May isang pamilya na nakatira sa isang maliit na bahay na gawa sa mga magagaan na materyales
gaya ng kawayan, kahoy, nipa at sawali. Ang ibang pamilya sa barangay ay parehas din ang mga
bahay. Sa paglipas ng panahon ay dumami na ang nakatira sa nasambit na komunidad at tumira
sila sa ganoong klaseng bahay na tinatawag na “Kubo”, na ang gustong sabihin ay maliit na bahay.

Isang araw, may mga dayuhan na napadpad sa lugar at nagtatanong kung anong lugar iyon. Dahil
sa hindi nila naiintindihan ang sinasabi ng mga dayuhan, tinuturo nila ang kanilang mga maliliit na
bahay o mga kubo-kubo na. Sinasabi nila sa mga dayuhan habang itinuturo na ang tawag sa
kanilang bahay ay kubo-kubo. Kaya ang sabi ng mga dayuhan, “Okay, we are in Cobo”. Dahil dito,
tinawag ang barangay na Cobo.

Ang barangay Cobo ay kilala sa mga magandang gumawa ng produktong gawa sa bakal gaya ng
kutsilyo, grass cutter, gunting, tabak at iba pa. Ang mga lalaki dito ay karamihang nagtatrabaho
bilang panday ng mga bakal.
Nathan Achilles P. Detecio
Grade II - Sampaguita

You might also like