You are on page 1of 4

SA PAANONG PARAAN NAGKAKAROON NG PAPEL SA INYONG BARANGAY

ANG BAWAT KASAPI NITO?

Tumulong sa pagtatatag at pagsulong ng mga kooperatiba sa negosyo na


naglalayong mapabuti ang ekonomiyang kalagayan at kagalingan ng mga
residente ng barangay.

Magsagawa ng mga aktibidad na maglalayong mangalap ng karagdagang


pondo para sa proyekto ng barangay.

Magsagawa ng mga regular na panayam o programa sa mga problema sa


komunidad patungkol sa kalinisan, nutrisyon, at bawal na gamot at
magsagawa ng mga pagpupulong upang hikayatin ang mg aka barangay na
aktibong makilahok sa pamamahala.

Pakikilahok ng mga kasapi ng komunidad sa paggawa ng desisyon,


pati na sa pag-aaral ng mga suliranin, at sa pagtukoy at pagpapriyoridad
ng mga pangangailangan. Dapat kasama rin sila sa mga proseso ng
pagpaplano at sa pagpapatupad ng mga proyekto. Ang pinakamahalaga, dapat
sila ang makikinabang sa mga proyekto.

PAANO NATITIYAK ANG KAAYUSAN AT KATIWASAYAN SA INYONG


LUGAR? MABIGAY NG MGA HALIMBAWA.

Nag-oorganisa at pinamumunuan ang isang emergency group kapag


ito’y kinakailangan para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa
panahon ng kagipitan o sakuna sa barangay.

Nagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa barangay- ipinapatupad


ang mga batas at ordinansa ng barangay at pinapatupad ang mga batas
kaugnay ng pagbibigay ng proteksyon sa kapaligiran.

Magtaguyod ng mga programa para sa tamang pag-unlad at sa


kapakanan ng mga bata para sa proteksyon lalo na sa mga bata na ang eded ay
pitong (7) taon gulang pababa.
PAANO NATUTUGUNAN NG MGA TAO SA INYONG LUGAR ANG MGA
PANGANGAILANGAN NG BARANGAY? MAGBIGAY NG MGA HALIMBAWA.

Tinitiyak ang pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo- nagtataguyod


ng pangkalahatang kagalingan ng barangay; naghahanda ng taunang badyet;
at inaaprobahan ang mga proyekto patungkol sa pangunahing
pangangailangan ng pamayanan na nasasakupan ng barangay.

Kumonsulta at makipag-ugnayan sa mga youth organizations sa


barangay para sa pagbabalangkas ng mga patakaran at pagpapatupad ng mga
programa para sa kabataan na gaya ng paliga sa basketball o anumang palaro
na maaaring magpaunlad sa barangay.

Isang dahilan kung bakit ang isang barangay ay maunlad ay dahil may
mga proyektong pangkomunidad ayon sa mga pangangailangan ng kasapi
nito, halimbawa na ang pangkalusugan ng mamamayan at pangkabuhayan.

ANO ANG MASASABI MO SA UGNAYAN NG MGA SINAUNANG FILIPINO


KUMPARA SA KAAYUSAN NG LIPUNANG FILIPINO SA KASALUKUYAN?

1. Ugnayan ng mga Unang Pilipino Maayos ang ugnayan ng mga tao sa


barangay. Sila ay tulong-tulong na gumagawa, nagdadamayan sa panahon ng
kagipitan, at sama-samang nagsasaya sa panahon ng mahahalagang
pagdiriwang sa tribo

2. May ugnayan na ang mga barangay noong unag panahon. Nagtatag ang mga
unang Pilipino ng kalipunan ng magkakalapit na barangay. May dahilan kung
bakit naitatag ang kalipunan ng mga barangay: 1. ang pangangalaga sa isa’t-isa
laban sa mga kaaway 2. pagpapakasal ng mga lakambini at lakan na kasapi ng
iba’t-ibang barangay

3. Nagpapatunay ito na kahit noon pa mang unang panahon ay may diwa na ng


pagkakaisa tungo sa pagbuo ng pamahalaan para sa isang malakas at matatag
na bansa.
4. Batay ang uri ng ugnayan ng mga barangay sa pagpapahayag ng digmaan o
kasunduan. Ang ugnayang ito ay kadalasang nagwawakas sa kasi-kasi o
sanduguan

5. Sa paggawa at pagpapatupad ng mga batas, tulong-tulong din ang mga


barangay. Ang datu at ang lupon ng mga matatanda ay tulong-tulong sa
pagbuo ng batas. Sa sandaling tapos na ang batas, isang tagasigaw ang
inaatasang ipaalam ito sa buong barangay. Ito ang umalohokan. Lumilibot siya
sa mga barangay na may dalang kampana. Ipinaaabot niya sa lahat ang
nilalaman ng bagong batas.

6. Ang batas ay maaaring nasusulat o nagpasalin-salin lamang sa bibig ng mga


tao mula sa mga naunang henerasyon. Napakahalaga ng batas sa pag-
uugnayan ng ating mga ninuno noon sapagkat dito umiikot ang buhay ng mga
tao. Ito ang nagsisilbing patnubay sa pakikipag-ugnayan ng mga tao at
barangay sa isa’t-isa.

7. Dahil sa mga batas ay nagkakaroon ng kapayapaan, kaayusan, at


pagkakaunawaan ang pamayanan. Naiiwasan ang anumang uri ng kasakiman
dahil malinaw na nailalahad ang karapatan at tungkulin ng bawat isang
kabilang sa pamayanan.
ARALING
PANLIPUNAN

Submitted by :
DENNYGHIN GION V. TOLENTINO
GRADE V-MAAWAIN

Submitted to:
Teacher Jessica Mustaza

You might also like