You are on page 1of 3

“West Philippine Sea”

Isa sa mga isinabing problema ngayon sa State of the Nation Adress ni Duterte ang siyu

tunkol sa West Philippine Sea. Isa sa mga sinabi niya ay, “You know, I cannot go there even to

bring the Coast Guard to drive them away. China also claims the property and he is in possession.

‘Yan ang problema. Sila ‘yung in possession and claiming all the resources there as an owner. We

are claiming the same but we are not in the position because of that fiasco noong dalawang nag-

standoff doon during the time of my predecessor si Albert, ambassador. If I’m correct. I do not

know his real name. Tayo ang umatras. Pagsabi niya umatras, that was a kind of a compromise.

Tayo ang umatras. Noong umatras tayo, pumasok sila. Marami na” (Duterte). Ang gustong

iparating ng ating pangulo dito na mahirap na gumawa ng kahit anong pag-harap sa China tunkol

sa isyu na ito dahil maiinit pa rin ang bansa tunkol dito.

Base naman sa pinag-usapan ng grupo ay lahat ay sang-ayon na dapat sa atin talaga ang

teritoryo ng WPS. “Sa mapa makikita mo naman talaga na atin yun eh kaya lang naman inaangkin

ng china just because sa paniniwala nila” (Raymundo), “Sabi ni Duterte satin parin daw west

philippine1111 sea pero hinahayaan niya lang daw mangisda yung mga tsino” (Panaglima), “Hindi

dapat maging dahilan ang mga naipatayong mga imparestraktura ng China sa ilang mga isla sa

West Philippine Sea dahil, nakasaad sa batas ng UN na binigyan ang Pilipinas ng karapatang

pangalagaan ang 200 nautical miles or Exclusive Economic Zone (EEZ) nito at hindi dapat ito basta

basta pinapasok or pinapakeelaman ng ibang bansa.” (Drilon). Ang iba naman ay nagsabi na sang-

ayon sila na hindi ngayon ang tamang panahon para harapin ang China tunkol dito. “Sinabi ni
Pres. Duterte na pag ipinadala niya yung marines to drive away Chinese fisherman baka kahit isa

sa kanila wala ng makakabalik o makakauwi ng buhay” (Nepacina), “Kung ang ‘darating na araw’

ay ang tinutikoy ni Pres. Duterte sa paglaban sa Tsina di ipagpatuloy lang niya itong pangako basta

maipakita niya na may paki siya sa bansang ipinaglalaban niya.” (Wisco), …”matalino kasi si

Duterte kinakaibigan nya yung kalaban nya then sinusuri nya yung strength and weakness ng

China.” (Exclamador), “Naniniwala ako na dapat lamang gamitin ang lahat ng paraan at hindi

magtuloy sa away militar para masolusyunan ang problema ng West Philippine Sea. Pag uusap at

hindi armas ang nais kong makita sa ating Presidente at sa bansang China.” (Refuerzo). At ang isa

naman sa amin ay ibinanggit ng kontradiksyon ng sinabi ni Duterte ngayon kumpara sa ginawa

niya dati. “ ‘We have to temper it with the times and the realities we face today’ dagdag pa ng

Pangulo. Ngunit hindi ba kung minsan ang kanyang mga salita ay iba sa kanyang ginagawa? Gaya

na lamang ng pagiging ‘tameme’ ni Duterte noong nalagay sa peligro ang buhay ng mahigit 20 na

mangingisida dahil sa pagbangga ng Chinese vessel.” (Sanchez).

Sa aking opinyon, Sinabi ni Duterte na, in due time , mahaharap din natin ang china tunkol dito,

ang dahilan kung bakit di ngayon ay dahil matindi ang reaksiyon ngayon nang China kung

ihaharap ngayon. Sang-ayon ako kasi kumpara sa Armas ng bansa natin, lugi tayo sa China.

Hintayin natin na bumaba ang tensyon sa pagitan ng bansa at maari kuha natin na opisyal ang

West Philippine Sea.

You might also like