You are on page 1of 5

Quezon

Oktubre 27, 1936


Mensahe sa Asemblea – itinagubilin niya ang paglikha ng
isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang
pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas
Disyembre 30, 1937
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 – ipinahayag ng
Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na
Batay sa Tagalog.
Abril 1,1940
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 – binigyang
pahintulot ang pagpapalimbag ng isang Diksyunaryo at
isang Gramatika ng Wikang Pambansa at itinakdang mula
Hunyo 19,1940 ay pasisimulan ng ituro ang Wikang
Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang-bayan at
pribado sa bansa

Ramon Magsaysay
Marso 26, 1954
Proklama Blg. 186(nagsusog sa Proklama Blg.12,
serye ng 1954)
Inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo
ng Wikang Pambansa taon-taon simula ika-13
hanggang ika-19 ng Agosto. (Agosto 19 –
kaarawan ni Quezon)
Marso 26, 1954
Proklama Blg. 12(Magsaysay) - nagpapahayag
ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa simula Marso 29 hanggang Abril 4
taun-taon, sa tagubilin ng Surian ng Wikang
Pambansa.

Setyembre 23, 1955 (Magsaysay)


Proklama blg. 186 - naglilipat sa pagdiriwang
ng Linggo ng Wikang Pambansa sa ika 13-19
ng Agosto taun-taon.

Marcos
Oktubre 24, 1967
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
- Ang lahat ng gusali, edipisyo at
tanggapan ng pamahalaan ay
papangalanan na sa Pilipino
Agosto 6, 1968(Marcos)
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 –
lahat ng kagawaran, kawanihan,
tanggapan at iba pang sangay ng
pamahalaan na gamitin ang wikang
Pilipino hangga’t maaari sa Linggo ng
Wikang Pambansa
Marso 16, 1971
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 –
nagpapanauli sa Surian ng Wikang
Pambansa
Disyembre 1, 1971
Kautusang Panlahat Blg. 17 – limbagin sa
Pilipino at Ingles sa Offical Gazette
Disyembre, 1972
Atas ng Pangulo Blg. 73 – ang Saligang
Batas ay isalin sa mga wikang sinasalita ng
50,000 mamamayan

Aquino
Agosto 12, 1986
Proklamasyon Blg. 19 – ipinahayag niya na
taon taon, ang panahong Agosto 13
hanggang 19 ang Linggo ng Wikang
Pambansang Pilipino
Agosto 25, 1988
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 –
lahat ng departamento, kawanihan,
tanggapan, ahensya at kaparaanan ng
pamahalaan na gumawa ng mga
kinakailangang hakbang para sa paggamit
ng wikang Filipino sa mga opisyal na
transaksyon

Fidel V. Ramos
Hulyo,1997
Proklama Blg. 1041- Nilagdaan ito ni Ramos na
nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay
magiging Buwan ng Wikang Filipino

You might also like