You are on page 1of 36

EPEKTO NG PAGMIMINANG LIMESTONE SA MGA RESIDENTE NG SITIO

TAGAYTAY

Isang Papel Pananaliksik

Na Itinanghal sa mga guro ng Mataas na Paaralan ng

Santiago Catholic School

Bilang Bahagi ng mga Gawaing Kailangan sa Pagtatamo

ng Pampinal na Marka sa Asignaturang Filipino,

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Isinagawa nina:

Romina Mae Mamaclay

Francesca Louise Aglibut

Kyla Angelica Villanueva

Franklin Viluan

Enrico Rey Paulo Ojas

Raeden Mina

Jener Justine Gacoscos

Christian Ruzzel Lapena

March 2019
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina ng Pamagat i

Dahon ng Pagpapatibay ii

Pagpapahalaga iii

Pagtatalaga o Dedikasyon iv

Daloy ng Pag-aaral v

Kabanata

Kabanata I- Ang Suliranin at Sanligan nito

A. Introduksyon 1
B. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral 2
C. Pagpapahayag ng Suliranin 4
D. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral 5
E. Pagsusuri at Pagtatalaga sa Problema 6
F. Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral 7
G. Kahulugan ng mga Termino 8

Kabanata II- Rebyu ng Kaugnay na Literatura 9

Kabanata III- Metodolohiya 13

Kabanata IV- Teoretikal na Gabay at Konseptuwal na Balangkas 15

Kabanata V- Eksperimento at Aksyon 16

Kabanata VI- Resulta at Diskusyon

Pagsusuri, Presentasyon at Interpretasyon ng Datos 17

Kabanata VII- Konklusyon at Rekomendasyon 20

Sanggunian o Bibliograpiya 21

Apendiks

Apendiks A- Sulat Pahintulot o Liham Pagpapatibay 22

Apendiks B- Sampol na Palatanungan 26

Apendiks C- Karanasan ng mga Mananaliksik 29


Curriculum Vitae
Republic of the Philippines

Nueva Segovia Archdiocesan Catholic School

SANTIAGO CATHOLIC SCHOOL

Santiago, Ilocos Sur

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino, “Pagbasa at


Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik”, ang papel pananaliksik na ito ay
pinamagatang “EPEKTO NG PAGMIMINANG LIMESTONE SA MGA RESIDENTE NG
SITIO TAGAYTAY” ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik na binuo nina:

ROMINA MAE MAMACLAY RAEDEN MINA JENER JUSTINE GACOSCOS

Mananaliksik Mananaliksik Mananaliksik

FRANCESCA LOUISE AGLIBUT FRANKLIN VILUAN ENRICO REY PAULO OJAS

Mananaliksik Mananaliksik Mananaliksik

KYLA ANGELICA VILLANUEVA CHRISTIAN RUZZEL LAPENA

Mananaliksik Mananaliksik

Tinanggap bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino, “Pagbasa at


Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

GNG. NELIA F. MINA

Guro

GNG. MARIA P. GAGTO

Punong Guro
PAGPAPAHALAGA

Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaabot sa mga sumusunod na indibidwal, tanggapan at sa


iba pang mga naging bahagi ng aming pag-aaral para sa walang humpay na suporta, tulong at
kontribusyon upang maisagawa at matagumpayang pag aaral na ito.

Sa buong opisyal at punong barangay ng Ambucao, Santiago, Ilocos Sur para paglaanan nila ng
kanilang oras upang maibahagi ang mahalagang impormasyon at kaalaman aming nagamit sa
aming buong pananaliksik.

Sa mga respondente na naglaan ng kanilang oras na masigasig na nakilahok sa pagsagot ng tapat


sa kanilang kwestyuner at serbey.

Sa aming kapwa mag aaral na nasa ika labing isang taon para sa pagtutulungan, pagbibigay
inspirasyon at pagsuporta upang matapos ang pananaliksik.

Kay Gng. Nelia F. Mina, ang aming minamahal na guro at tagapayo sa asignaturang
pananaliksik, ipinaabot po namin ang aming pasasalamat dahil sa inyong walang
sawangpagsuporta, pagtulong, paggabay at pang unawa sa amin habang isinasagawa namin ang
pananaliksik at lalo na sa pagbabahagi ng inyong mga kaalaman ukol dito.

Sa mga magulang na tumulong at umintindi sa amin sa mga panahong abala kami sa paggawa ng
pag aaral na ito at sa pagbibigay ng moral at pinansyal na suporta pagmamahal at inspirasyon sa
amin.

Sa puong maykapal, sa pagbibigay sa aming grupo ng determinasyon upang maisagawa at


maisakatuparan ang pag aaral at pagbibigay ng kaalaman ng aming ginamit sa aming
pananaliksik. Sa pagdinig sa aming mga panalangin lalung lalo na sa mga panahong kami ay
pinanghihinaan ng loob na matapos ito sa takdang panahon.

Muli, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

-Mga Mananaliksik
DEDIKASYON

Ang papel pananaliksik na ito ay iniaalay ng mga mananaliksik sa kanilang mga pamilya, mga
kamag-anak, mga kaibigan, mga guro, mga kapwa mag-aaral at sa mga residente ng Sitio
Tagaytay. Sa kanilang mga magulang na tumulong sa pagsasagawa ng proyekto na ito. Kapag
may kailangan ang mga mananalikisk palagi silang nandyan para ibigay ito sa kanila. Ito ang
hindi mapapantayang pagmamahal na nag-udyok sa mga mananaliksik na ipagpatuloy pa ang
gawain. Gusto rin nilang ialay ang papel pananaliksik sa poong Maykapal na nagbigay ng isang
matatag na pagmamahalan at tatag ng loob, Siya rin ang nagbigay ng kalasag na lagging
pumapalibot sa mga mananaliksik at kailanman ay hindi nagsawang gabayan ang mga
mananaliksik. Sila ang isa sa mga nagbigay-daan upang mabawasan ang anumang hirap na
dinanas ng mga mananaliksik sa gawaing ito.
DALOY NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay binubuo ng pitong kabanata at ito ang mga sumusunod:

I. Ang Suliranin at Sanligan nito


II. Rebyu ng Kaugnay na Literatura

III. Metodolohiya

IV. Teoretikal na Gabay at Konseptuwal na Balangkas

V. Eksperimento at Aksyon

VI. Resulta at Diskusyon (Pagsusuri, Presentasyon at Interpretasyon ng Datos)

VII. Konklusyon at Rekomendasyon

VIII. Bibliograpiya

Sa unang kabanata, nagbibigay ng ideya ang mga mananaliksik kung tungkol saan ang pag-aaral
na ito, kung ano ang layunin, ang nais patunayan at ang saklaw ng pag-aaral na ito.

Sa ikalawang kabanata naman ay nagbibigay ng malawakang impormasyon tungkol sa pag-aaral


na ito.

Sa ikatlong kabanata, nagbibigay ng kung ano ang ginamit na metodolohiya at pamamaraan, at


ipinapakita dito ang larawan sa mga lugar na napili (Sitio Tagaytay, Barangay Ambucao,
Santiago, Ilocos Sur) at ang mga residente sa mga lugar na ito.

Ang katawan ay binubuo ng sarbey. Sa pagtalakay ng sarbey, narito ang presentasyon ng mga
katanungan na nasa sarbey na isinagawa ng mga mananaliksik. Kasama rin dito ang presentasyon
ng mga resulta. Maipapakita ang mga opinyon at ideya ng mga residente sa Sitio Tagaytay

Ang konklusyon ang susunod sa katawan. Ipinapakita sa konklusyon kung ang nagawang
patunayan ng mga mananaliksik ang kanilang opinyon. Ipinapakita rin dito ang mga bagong
kaalaman na kanilang natamo.

Ang huling kabanata ay ang mga sanggunian. Dito makikita ang mga ginamit na materyales sa
pagkalap ng mga datos na ginamit sa pag-aaral na ito.
KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO

A. INTRODUKSYON

Ayon sa Pambungad ng Mining Engineering nina Howard Hatman at Jan Mutmansky, Ang
pagmimina na siguro ang pumapangalawa sa pwedeng pagsumikapin na trabaho ng mga tao, at
ang nangunguna naman ay ang agrikultura. Ang dalawang industriya na ito ay nairanggo sa
pangunahing industriya ng maagang sibilisasyon. Kung iisipin nating ang pangingisda at
pagtrotroso ay parte ng agrikultura at produksyon ng langis at gaas ay parte din ng pagmimina
kung gayon, ang agrikultura at pagmimina ay patuloy na tinutustusan ang ating pangunahing
pangangailangan na ginagamit ng modernong kabihasnan. Ang kasaganaan ng mineral ay
nagbibigay din ng paraan upang guminhawa ang buhay. Ang mga mineral ay maaaring itinda sa
mga merkado, na nagbibigay pahintulot sa mga ibat ibang bansa na magkamit ng malaking
halaga ng salapi na wala ang ibang bansa. Nagreresulta na ang mga bansang mayaman sa mineral
ay merong kahanga-hangang kabihasnan sa mundo habang ang iba ay nananatiling mababa ang
kabihasnan. Ang pagmimina ay ang pagkuha ng mga mahahalagang mineral, likido at gas mula
sa lupa. Isang uri ng pagmimina ay ang underground mining, kung saan humuhukay ng shafts o
tunnels upang maabot ng mga nakadepositong mineral. Ito ay may dalawang uri, ang large sale
mining at ang small sale mining. at large sale mining, karaniwang nasasangkot ang kumpanya at
empleydo at dumaan ito sa inspeksyon ng mga awtoridad samantala, ang small sale mining ay
kinakasangkutan ng maliliit na grupo at maaaring hindi dumaan sa inspeksyon ayon sa
imni"o.net.

Ayon sa BAN isang non-government organization na nakatuon sa pagsulong ng environmental


justice at isyu ng toksiks, malaki ang naiaambag ng maliitang pagmimina ng ginto sa
pagpapahalaga ng ekonomiya ng Pilipinas. Ito ang pangunahing pinagkakakitaan ng humigit
kumulang sa 30,000 na mamamayan. Kasalukuyang isinasagawa ang maliitang pagmimina sa
mahigit 30 lalawigan sa Pilipinas kabilang ang Itogon, Benguet. Itinuturing ito bilang
pampamilyang hanapbuhay kung saan maging ang mga bata at mga babae ay aktibong
nakikilahok sa pagkuha at pagproseso nito. Magkakainam ang paraan ng pagmimina gayundin
ang lawak o intensidad ng operasyon ng mga maliliit na minero at magkakaiba rin ang proseso
ng paghihiwalay ng ginto mula sa oribe. Ang iba ay gumagamit ng tradisyunal na kagamitan
gaya ng sluice box habang ang iba ay gumagamit ng makabagong makinarya aat kemikal gaya
ng "yanide at asoge”. At sector ng maliitang pagmimina ng ginto nagmula ang mahigit 30
tonelada o 80 bahagdan ng taunang produksyon ng ginto sa ating bansa.
B. RASYONAL AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Ang pagmimina ay isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga bagay mula sa lupa.
Ang anumang materyal na hindi malilikha at mapapalago ay kailangang minahin. Ang
pagmimina ng mga bagay mula sa lupa ay tinatawag na ekstraksyon, paghango, opaghugot.
Maaaring maging kabilang sa pagmimina ang paghango ng mga metal at mga mineral, na
katulad ng uling, ginto, pilak,platinum, tanso, at bakal. Maaari rin namang iba pang mga
bagay, katulad ng langis at likas na gas. Ang taong nagmimina ay tinatawag
na tagapagmina, tagamina, mangmimina, o minero.

Ilang uri ng pagmimina ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkayod ng lupa o dumi mula sa


ibabaw ng lupa. Tinatawag itongpagmiminang patalop o strip mining sa Ingles. Ang ilang
pagmimina ay isinasagawa sa pamamagitan ng malalim na pagpunta sa ilalim ng lupa upang
marating ang isang poso ng mina (mine shaft sa Ingles). Tinatawag ang ganitong pagmimina
bilang pagmimina sa ilalim ng lupa o undergound mining. Ang ilang pagmimina, katulad ng
pagmimina ng ginto, ay isinasagawa sa ibang mga paraan. Ang ginto ay maaaring mamina sa
pamamagitan ng paghahanap sa loob ng himlayan ng isang ilog ibang agusan o bugsuan
ng tubig upang maalis ang mga maliliit na piraso ng ginto. Tinatawag itong pananala ng
ginto.

SANHI AT BUNGA NG PAGMIMINA

SANHI:

1. Isa sa ating kailangan ang pagkuha ng mga mineral na batong ito upang magamit ng ating
mga kababayan para sa ating kabuhayan

2. Dumarami ang mga nagmiminahan dahil malaking pera ang naibibigay sa kanila nito at
ginagamit nila ito upang sila'y lalong yumaman.

BUNGA:

Matapos mahalukay ang yamang natatangi sa lugar ay iniiwan na lamang nilang


nakatiwangwang. Kalimitan pa ang sistema ng pagproproseso sa pagmimina ay isang
maskarang mapanlinlang, na kung saan ang likido at kemikal na ginagamit ng ilang ganid na
dambuhalang korporasyon ay pimupinsala sa balanse ng isang ekosistema na unti-unting
pumapatay sa kahinaan ng mga may buhay sa isang kapaligiran na kung saan nagaganap ang
'di makatuwirang aktibidades.

Hindi lamang iyon, ito rin ay may malaking dulot sa pang-kabuhayang sakahan at pangisdaan
ng ating mga maralitang kababayan at lalot higit sa ating mga kapamilyang katutubo. Damay
din dito ang kalusugan ng ilan nating mga kababayan, na kung saan naapektuhan ng nasabing
pagmimina.

EPEKTO NG PAGMIMINA:

1.Permanente nitong sinisira ang kalikasan at nawawalan ng tirahan ang mga hayop. Ayon sa
mga eksperto, mahigit sandaang taon ang bibilangin bago bumalik ang natural na komponent ng
nasirang habitat.

2. Hindi sapat ang trabaho at buwis na naiaambag ng mga industriya ng pagmimina sa pinsalang
maaring maidulot nito sakaling gumanti ang kalikasan.

3. Walang mahusay na pamamaraan ng pagmimina. Dahil dito ang masirang kalikasan ay


permanente na habambuhay at ang mga dating naninirahang hayop sa lugar at malapit dito ay
hindi na maaaring bumalik pa.

4. Walang pinipiling lugar ang pagmimina. Kahit sa mga lugar na may potensyal bilang
destinasyon ng mga turista ay pinapayagan. Ang turismo sa bansa ay industriyang maaring
maging alternatibo sa pagmimina.
C. PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

Upang maisakatuparan ang layunin ng pag-aaral, humahanap ang pag-aaral na ito ng mga
kasagutan sa mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang epektong maidudulot ng pagmimina ng limestone o batong apog sa mga resident eng
Sitio Tagaytay sa aspetong:

1.1 Pangkapaligiran?

1.2 Kalusugan?

1.3 Pangkabuhayan?

1.4 Komunidad?

1.5 Tao?

2. Ano ano ang mga maaaring dahilan ng pagmimina sa pananaw ng mga tao sa komunidad?

3. Ano ano ang maaari nating gawin o maaaring solusyon dito?

4. Ano ano ang mga pamamaraan ang ginagawa nila sa pagmimina?

5. Sang-ayon ba ang mga residente ng Sitio Tagaytay sa pagmimina?


D. LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

LAYUNIN:

Ang papel pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang mga epektong naidudulot ng
pagmimina sa komunidad, sa pangkapaligiran, sa pangkabuhayan, sa pang kalusugan,at sa mga
residente ng Sitio Tagaytay. Layuning din nitong tukuyin ang mga dahilan sa likod ng
pagmimina sa pananaw ng mga taong nakatira doon, pag-alam sa uri ng pagmimina na kanilang
nararanasan at pati na rin ang pagtukoy sa mga paraaang isinasagawa ng mga minero sa
pagmimina.

KAHALAGAHAN:

Ang pananaliksik ay mahalaga dahil sa mga sumusunod na dahilan:

1. Upang malaman ang tunay na epekto ng Pagmimina sa mga resident e ng Sitio Tagaytay.

2. Upang malaman ang dapat gawing aksyon kung sakaling ang pagmimina ay nakakasama sa pamumuhay ng mga
resident eng Sitio Tagaytay.

3. Upang matulungan ang mga residente ng Sitio Tagaytay kung paano mailulutasan ang pagmimina sa kanilang
lugar.

4. Upang malaman ang kanilang dahilan sa patuloy na pagkakaroon ng pagmimina sa kanilang lugar.

5. Upang malaman kung nakakatulong ba ang pagmimina sa mga resident eng Sitio Tagaytay.

6. Upang masagot ang katanungan o kuryosidad ng mga mananaliksik.

*Para sa mga residente

Ang pag-aaral na ginagawa na ito ay para makapagbigay kaalaman sa mga residente ng


Sitio Tagaytay na hindi maunawaan at hindi alam kung ano ang magiging epekto ng pagmimina
ng mga limestone o batong-apog sa kanilang lugar at para narin maibahagi ang aming kaalaman
at pananaw sa mga residenteng sarado ang isip

*Para sa mga Mananaliksik

Magbibigay linaw ang pag-aaral na ito sa suliranin na ipahahayag ng mga mananaliksik.


Upang lubos din na maunawaan ang kahaagahang dulot nito, positibo man o negatibo. Upang
magkaroon din ng kaalaman sa mga magaganda at di-magagandang bagay na naidudulot nito sa
ating bansa. Para mapag-aralan at mapag-desisyonan kung dapat ba itong ipagpatuloy o ihinto na
para wala nang mapahamak.
E. PAGSUSURI AT PAGTATALAGA SA PROBLEMA

Ang mga respondante ay ang mga residente ng Sitio Tagaytay sa barangay Ambucao,
Santiago, Ilocos Sur. Natagpuan o nalaman na ang pagmimina ay maaaring magdala o magdulot
ng karagdagang pinsala kaysa sa mabuti sa kanilang buong komunidad. Alam nila ang mismong
panganib na epekto ng pagmimina ngunit ipinagpapatuloy parin nila ang gawaing ito. Sa pa-aaral
na ito, nalaman ng mga mananaliksik na may mataas na porsyento ang epekto ng gawaing
pagmimina sa kabuhayan ng mga resident eng Sitio Tagaytay at hindi man lang nila inisip ang
magiging masama nitong epekto.

Ayon sa surbey ng mga mananaliksik, alam na ng mga residente ang maaring mangyare o
ang masamang maidudulot ng pagmimina ngunit wala parin silang ginagawa upang maitigil ang
gawaing pagmimina. Hanggang sa kanilang napagtanto kung paano nakakaapekto ang
pagmimina ng limestone sa kanilang buhay, sa kanilang komunidad at sa kapaligiran kapag ito’y
nasobrahan at kapag ipagpapatuloy pa ang mga ito.
F. SAKOP AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

PAKSA

Ang paksa ng pananaliksik na ito ay ang epekto ng pagmimina sa mga residente ng Sitio
Tagaytay, kung labis ba ang epekto nito sa mga residente ng nasabing lugar o nagbibigay ba ito
ng kabutihan sa mga residente.

ASPEKTO NG PAG-AARAL

Maisasagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral sa pamamagitan ng survey na kung


saan pipili ang mga manaliksik ng limangpung residente na nasa Sitio Tagaytay.

LIMITASYON

SINO-Ang pananaliksik na ito ay para sa mga residente ng Sitio Tagaytay

SAAN-Ang pananaliksik ay kasalukuyang nagaganap sa Sitio Tagaytay

KAILAN-Ang pananaliksik ay nag-umpisa ng ikalawang semester sa baitang na labing-isa


ikalabing taong dalawampu 't labinsiyam.
G. KAHULUGAN NG MGA TERMINO

Sibilisasyon-ay ang klase o estado ng pamumuhay sa isang lungsod o lugar. Ito ay estado ng
lipunan kung saan may sariling historikal at cultural na pagkakaisa o unity. Mga ibinahagi o
itinuro sa bansang sinakop nito. Buong sistema ng pamumuhay pag-iisip, at pagkilos ng mga tao
sa isang lugar.

Mineral- ay isang solido at inorganikong bagay na kusa o likas na nabubuo sa loob ng mundo.
Mayroon din itong kumposisyon o kabuuang kemikal. Isa rin itong matigas na bagay na
itinuturing na elementong kemikal at may buong kumpuwestong kemikal. May lagpas sa 4,000
mga tipo o uri ng nakikilalang mineral. Dalawa sa pangkaraniwang mga mineral ang kuwarts at
ang peldspar.

Pagmimina- ay isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga bagay mula sa lupa. Ang
anumang material na hindi malilikha at mapapalago ay kailangang minahin. Ang pagmimina ng
mga bagay mula sa lupa ay tinatawag na ekstraksiyon, paghango, o paghugot. Maaaring maging
kabilang sa pagmimina ang paghango ng mga metal at mga mineral, na katulad ng uling, ginto,
pilak, platinum, tanso, at bakal. Maaari rin namang iba pang mga bagay, katulad ng langis at
likas na gas. Ang taong nagmimina ay tinatawag na tagapagmina, tagamina, mangmimina, o
minero.

Underground Mining- ay isinasagawa sa pamamagitan ng malalim na pagpunta sa ilalim ng


lupa upang marating ang isang posong mina. Tinatawag ang ganitong pagmimina bilang
pagmimina sa ilalalim ng lupa o underground mining.

Toksik- isang salitang lumalarawan sa pagkain na nakakasama sa kalusugan ng isang tao.


Maaari rin itong pagmulan ng iba’t ibang sakit o di kaya’y maging sanhin ng kamatayan ng isang
indibidwal.

Shaft Mining- ay naghuhukay ng isang vertical o malapit na patayong lagusan mula sa tuktok
pababa, kung saan may una na walang access sa ilalim. Kapag ang tuktok ang hinuhukay,
tinatawag itong shaft.

Mining Tunnels- ay ginagamit sa panahon ng pagkuha ng mineral, na pinapagaan ng mga


manggagawa at kagamitan upang ma-access ang mga deposito ng mineral at metal sa loob ng
lupa. Ang mga tunnels na ito ay ginawa katulad din ng paggawa sa iba pang uri ng tunnels,
ngunit mas mababa ang gastos nila upang mabuo ito.

Asoge-isang elementong kemikal na may gamit sa simbolong Hg. Isang mabigat na metal, ang
asoge ay isa sa anim na elementong kemikal na tila tubig sa pangkaraniwang temperature at
presyon, gaya ng sesyo, pransiyo, galyo, bromine, at rubidyo.
KABANATA II

REBYU AT KAUGNAY NA LITERATURA

Ang pagmimina ay pagmimina isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga bagay mula sa
lupa. Ang anumang materyal na hindi malilikha at mapapalago ay kailangang minahin. Ang
pagmimina ng mga bagay mula sa lupa ay tinatawag na ekstraksiyon, paghango, o paghugot.
Maaaring maging kabilang sa pagmimina ang paghango ng mga metal at mga mineral, na
katulad ng uling, ginto, pilak, platinum, tanso, at bakal. Maaari rin namang iba pang mga bagay,
katulad ng langis at likas na gas. Ang taong nagmimina ay tinatawag na tagapagmina, tagamina,
mangmimina, o minero.

Ilang uri ng pagmimina ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkayod ng lupa o dumi mula sa


ibabaw ng lupa. Tinatawag itong pagmiminang patalop o strip mining sa Ingles. Ang ilang
pagmimina ay isinasagawa sa pamamagitan ng malalim na pagpunta sa ilalim ng lupa upang
marating ang isang poso ng mina (mine shaft sa Ingles). Tinatawag ang ganitong pagmimina
bilang pagmimina sa ilalim ng lupa o undergound mining. Ang ilang pagmimina, katulad ng
pagmimina ng ginto, ay isinasagawa sa ibang mga paraan. Ang ginto ay maaaring mamina sa
pamamagitan ng paghahanap sa loob ng himlayan ng isang ilog o ibang agusan o bugsuan ng
tubig upang maalis ang mga maliliit na piraso ng ginto. Tinatawag itong pananala ng ginto.

Ang pagmimina ay ang tanging paraan upang makangalap ng uling, isang mahalagang
mapagkukunan ng enerhiya. Ang mga minahang ito ay maaaring pagmiminang patalop, o kaya
ay maaaring pagmimina na umaabot at nagmumula sa daan-daang talampakan ang pagiging
kalaliman sa lupa. Ang pagmimina sa ilalim ng lupa ay isang mapanganib na hanapbuhay.
Nagkakaroon ng mga aksidente sa mga minahan ng uling at tanso, at maraming mga
tagapagmina ng uling ang namamatay taun-taon. Ang mga panuntunan na pangkaligtasan at
natatanging mga kagamitang pangkaligtasan ay ginagamit upang mabigyan ng proteksiyon ang
mga minero mula sa mga aksidente. 1

1. Ang Pilipinas ay mayaman sa ibat-ibang uri ng mineral at mapapakinabangan lamang ito sa


pamamagitan ng pagmimina na isang napakalaking industriya. 2. Nagbibigay ito ng trabaho sa
mga tao at ayon pa nga sa komersyal ng Philex Mining, nakapagpagawa sila ng mga kalsada,
tulay at mga silid-aralan sa komunidad na malapit sa minahan. Libong tao ang nakikinabang at
natutulungan ng industriyang ito. 3. Maaring maisagawa ang pagmimina sa isang ligtas na
pamamaraan.

Ang masamang epekto ng pagmimina:


1. Permanente nitong sinisira ang kalikasan at nawawalan ng tirahan ang mga hayop. Ayon sa

1
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagmimina
mga eksperto, mahigit sandaang taon ang bibilangin bago bumalik ang natural na komponent ng
nasirang habitat. 2. Hindi sapat ang trabaho at buwis na naiaambag ng mga industriya ng
pagmimina sa pinsalang maaring maidulot nito sakaling gumanti ang kalikasan. 3. Walang
mahusay na pamamaraan ng pagmimina. Dahil dito ang masirang kalikasan ay permanente na
habambuhay at ang mga dating naninirahang hayop sa lugar at malapit dito ay hindi na maaaring
bumalik pa. 4. Walang pinipiling lugar ang pagmimina. Kahit sa mga lugar na may potensyal
bilang destinasyon ng mga turista ay pinapayagan. Ang turismo sa bansa ay industriyang
maaring maging alternatibo sa pagmimina.

Ayon mismo kay Manny Pangilinan, hindi ang pagmimina ang suliranin ng bansa kundi ang
kahirapan. Ngunit hindi ba pwedeng masolusyunan ang kahirapan sa bansa ng hindi nasisira ang
kalikasan? Hindi lahat ng bansa ay may industriya ng pagmimina. At mas lalong hindi lahat ng
may industriya ng pagmimina ay yumaman. Ang totoo, sa industriya ng pagmimina ay mas
lalong yayaman ang mga negosyante. Ang publiko at gobyerno ay makikinabang sa munting
halaga pero kapag naningil na ang kalikasan ay sila pa ang mas higit na apektado. Kung sakaling
hindi nga maiiwasan ang pagmimina, marapat lang siguro na taasan ng malaki ang buwis nito
upang makinabang ang lahat ng tao2

Ang apog o kabuyaw[1] (Ingles: lime o agricultural lime) ay isang mineral na gamit sa
paglilinang ng sakahang lupa.. Bago maging panghalo sa lupa, nagmumula ito sa pinulbos na
mga batong-apog o kaya mula sa tisa. Tinatawag din itong pirali at kalbida. Apugan ang tawag
sa pabrika o pagawaan ng mga apog. Nangangahulugan din ang apugan ng kilos o galaw na
paglalagay ng apog, na katumbas ng mag-apog. Apugin naman ang ginagamit na salita para sa
"paggawa ng apog" o "gawing apog".3

Ayon sa $AN to%i"s, isang non go&ernment organi'ation na nakatuon sa pagsulong ng


en&ironmental (usti"e at isyu ng toksiks, malaki ang naiaambag ng maliitang pagmimina ng
ginto sa pagpapahalaga ng ekonomiya ng Pilipinas. Ito ang pangunahing pinagkakakitaan ng
humigit kumulang )**,*** na mamamayan. Kasalukuyang isinasagawa ang maliitang pagmimin
sa mahigit )* lalawigan sa Pilipinas kabilang ang Itogon, $enguet. Itinuturing ito bilang
pampailyang hanapbuhay kung saan maging ang mga bata at mga babae ay aktibong nakikilahok
sa pagkha at pagproseso nito. Magkakaina ang paran ng pgmimina gayundin ang lawak o
intensidad ng operasyon ng mga maliliit na minero at magkakaiba rin ang proseso ng
paghihiwalay ng ginto mula sa oribe.

Ang iba ay gumagamit ng tradisyunal na kagamitan gaya ng slui"e bo% habang ang iba ay
gumagamit ng makabagong makinarya aat kemikal gaya ng "yanide at asoge. #a se"tor ng

2
https://bayangpilipinas.wordpress.com/2012/04/05/ang-pagmimina/
3
https://tl.wikipedia.org/wiki/Apog
maliitang pagmimina ng ginto nagmula ang mahigit )* tonelada o +* bahagdan ng taunang
produksyon ng ginto sa ating bansa.

Layunin ng pamanahunang papel na ito ang Makita ang kabisaan ng ginagamit na pamamaraan
estratehiya at malaman ang mga isyung pangkalusugan ng mga minero. ayon din ng
pananaliksik na matugunan ang mga sumusunod na mga Katanungan- A n u a n o a n g
mga kemikal na ginagamit sa pagmimina/0Ano anu ang mga
maaaring sakit na makuha sa loob ng minahan/)Ano ang epekto
n g p a g m i m i n a s a m g a m a m a m a y a n n a n a k a t i t a malapit sa
minahan/Kahalagahan ng Pag aaral Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pananaliksik na
ito ay mahalagasa mga bagay na maidudulot nito sa mga sumusunod-Para sa mga mananaliksik-
1pang mapayaman at mahubog ang isang bagong kaaalaman dahil sawalang humpay na
pagbasa, nag iisip at nanunuri na lubos namang makatutulong sa kanilang kurso.Para sa
lipunan- 1pang malaman nila ang tungkulin ng mga 2espiratory 3herapist at mabatid nila ang
maaaring sakit na maidudulot ng pagmimina.Para sa mga mambabasa.4

Isa sa masamang epekto ng pagmimina ay permanente nitong sinisira ang kalikasan at


nawawalan ng tirahan ang mga hayop. Isa rin ang mga epektong pagsabog at pagyanig dahil sa
minahan. Ang mga yamang-tubig din ay nakokontamina dahil sa pagmimina. Hindi
mapakinabangan ang irigasyon para sa pagsasaka. Ang hangin din ay nagdudumi.

Permanente nitong sinisira ang kalikasan at nawawalan ng tirahan ang mga hayop. Ayon sa mga
eksperto, mahigit sandaang taon ang bibilangin bago bumalik ang natural na komponent ng
nasirang habitat.5

Malaki ang kahalagahan nito sa pamumuhay ng mga tao.

Una, nakukuha ang mga mahahalagang metal at bato tulad ng ginto, pilak, tanso, diamante at
maraming pang ibang mahahalagang mineral sa ilalim ng lupa. Ang mga bagay na ito ay
ginagamit sa iba pang industriya na siya ring nakakatulong sa mga imbensyon at abanteng
teknolohiyang mayroon ang tao sa ngayon.Ikalawa, malaki rin ang naiaambag ng pagmimina sa
ekonomiya ng bansa at takbo ng pamumuhay ng mga tao.

Halimbawa, ang produktong langis ay nakukuha sa pamamagitan ng pagmimina. Isipin na


lamang kung walang nagmimina, ano kaya ang mangyayari sa napakaraming sasakyan?Ikatlo,

4
http://www.academia.edu/24878666/INTRODUKSYON?fbclid=IwAR1nHKSF3r94o597T8Ym
tqcdteTQG22ulf5vMhLUmkRIzqFI6OrfmOCNomw

5
https://brainly.ph/question/276382?fbclid=IwAR1EUZ2Mkqki50wl0UvIsoa_iKq0Lwicz3xknAf
oNv2Wc0SX5psa_PefDDY
ito rin ang nagbibigay ng maraming trabaho sa mga tao. Libo-libong tao ang nabubuhay dahil sa
pagmimina.6

Ang batong-apog ay isang batong kalsita na naglalaman ng mahigit na 50 porsiyentong calcium


carbonate. Ito’y malaon nang nabuo bunga ng iba’t ibang proseso, na gumawa ng iba’t ibang uri
ng batong-apog. Ang mga hayop sa dagat gaya ng mga tulya, susô, at mga korales ay kumukuha
ng calcium carbonate mula sa tubig at ginagamit ito upang gawin ang kanilang mga kabibi at
mga buto. Ang labí na mga kalansay ay naiiwan kapag namatay ang mga hayop. Kaya, ganito
ang sabi ng The World Book Encyclopedia: “Karamihan ng mga suson ng batong-apog sa lahat
ng bahagi ng lupa ay dating buhanging galing sa kabibi o korales at putik.”

Ang batong-apog ay nabubuo rin kapag ang calcium carbonate ay napupuwersang ilabas sa
pamamagitan ng pagsingaw ng tubig kung saan ito ay natutunaw. Ang ilan ay tuwirang
humihiwalay sa tubig, nagtitipon sa paligid ng ilang bukál gayundin sa mga lawa at mga
karagatan. Ang mga pagtaas ng ibabaw ng lupa ay nagpangyari na ang mga bahagi ng lupa na
dating nasa ilalim ng tubig na tumaas sa ibabaw ng tubig. (Ihambing ang Awit 104:8.) Kaya
napakaraming batong-apog. Ayon sa isang tantiya, ito ay binubuo ng 20 porsiyento ng lahat ng
latak na bato. Subalit ang batong-apog ay lubhang kapaki-pakinabang din.

Ang tisa (chalk), na binubuo ng pagkaliliit na mga kalansay ng mumunting buhay sa dagat, ay
batong-apog. Ngunit gayundin ang marmol. Ang marmol ay nabubuo kapag ang mga deposito ng
batong-apog ay napailalim ng init at bigat sa loob ng mahabang panahon. Maraming bantog na
malalaking kuweba, gaya ng Carlsbad Caverns sa Estados Unidos, ay may magagandang batong-
apog na mga estalaktita at mga estalagmita. Ang mga ito ay nag-aanyo sa pamamagitan ng
tumutulong tubig na naglalaman ng calcium carbonate.7

6
https://brainly.ph/question/170441?fbclid=IwAR364mdg5V_p7hevGHxZC1YUZoBocgD4tFX
OTovwFQamHH_clp6HfYqvt-c

7
https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-
tg/101992444?fbclid=IwAR2gwEwTIUg5RQJ5lpzl1AoBogX4OmFjXiYPF6rdm0gQ7GkULM7
CoNa0rpI
KABANATA 111

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN

I.DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa “EPEKTO NG PAGMIMINA NG LIMESTONE SA


MGA RESIDENTE NG SITIO TAGAYTAY”. Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng close-
ended at open-ended questions upang makakalap ng mga datos mula sa mga repondente na
magagamit at makakatulong sa nasabing pag-aaral.

II. LOKAL AT POPULASYON NG PANANALIKSIK

Respondente:

Ang serbey na nilahikan ng mga respondente ay nagmula sa mga resident eng Sitio Tagaytay,
ang mga kalahok sa pananaliksik ay binubuo ng 50 na respondente. Sila ay ang aming napili na
pagbigyan ng mga serbey dahil gusto naming malaman ang kanilang opinyon at kalagayan
tungkol sa epekto ng pagmimina ng limestone sa Sitio Tagaytay.

III. KASANGKAPAN SA PAGLIKOM NG MGA DATOS

Ang aming grupo ay nagkasundo sa kung anong kasangkapan ang aming gagamitin sa
pananaliksik na aming gagawin at kami ay nagkasundo na gumamit ng talatanungan upang
malikom ang mga impormasyon o datos na aming kailangan. Sa paggamit ng talasagutan, mas
mapapadali ang aming pananaliksik. Mas mapapadali na rin para sa mga napili naming tagasagot
dahil magsasagot na lamang sila at hindi na namin sila kailangan interbyuhin. Sa kasangkapang
ito napadali para sa bawat isa ang trabaho at hindi na masyadong maaabala pa ang bawat
mananaliksik.

IV. PARAAN SA PAGLIKOM NG MGA DATOS

Gumamit ang mga kasalukuyang mananaliksik sa pag-aaral na ito ng mga sumusunod na paraan:

1.Bago gumawa ng pag-aaral na ito ay humingi ang mga mananaliksik ng pahintulot mula sa
Punong Guro ng paaralan upang gawin ang pag-aaral sa labas ng paaralan.
2.Pinuntahan ng mga mananaliksik ang opisina ng punong guro at ng punong barangay ng Sitio
Tagaytay upang humingi ng permiso na gawing tagapagtugon ang mga residente ng Sitio
Tagaytay.

3.Itatala ng mga kasalukuyang mga mananaliksik ang mga katangian at natuklasang


impormasyon mula sa gagawing pagtatalakay at pagtataya sa loob ng klase.

V. PARAAN SA PAGSUSURI NG DATOS

VI. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pamimigay ng mga talatanungan.


Personal na ipapamigay at papasagutan ng mga mananaliksik ang kwestyoner sa mga napiling
respondante.

VII. TRITMENT NG DATOS

Ang mga datos na makakalap ng mga mananaliksik mula sa mga respondente na tumugon sa
talatanungan ay ipagsasama o itatally. Ang mga datos na ito ay magsisilbing kasagutan sa mga
katanungang inilahad ng pag-aaral. Ang mga resulta ay ikukumpara ayon sa pagkakaiba ng mga
kasagutan. Ang mga datos na makakalap ay isasalarawan gamit ang bar grap upang maayos at
organisadong mailahad ang resulta. Ang pormularyong gagamitin sa pagkuha ng porsyento ng
tugon sa bawat tanong ay:

bilang ng tugon
𝑃𝑂𝑅𝑆𝑌𝐸𝑁𝑇𝑂 = x 100
kabuuang bilang ng respondente
KABANATA IV

TEORETIKAL NA GABAY AT KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Ang pag-aaral na ito ay sinusubukan ang mga sumusunod na mga teorya.

Ang ilang mga talatanungan ng pag-aaral na ito na pinamagatang, “EPEKTO NG


PAGMIMINA NG LIMESTONE SA MGA RESIDENTE NG SITIO TAGAYTAY” ay
makabuluhang may kaugnayan sa mga personal na bagay tulad ng:

a. Kasarian

b. Nakamit na edukasyon, at

c. Ang trabaho ng mga residente sa Sitio Tagaytay


KABANATA V

EKSPERIMENTO AT AKSYON

Sa paghahanda ng gamit na datos, ang mga mananaliksik sa iba’t ibang pinagmulan ay


may kinalaman sa kanilang pag-aaral. Batay sa kanilang surbey, natipon nila ang mga sagot na
may kaugnayan sa kanyang paksa na natagpuan sa kanilang pag-aaral. Ang
pangunahingpaglikom sa pag-aaral na ito ay ang talatanungan. Ito ay tumutugma sa dalawang
bahagi, para sa unang bahagi ay ang propayl ng mga respondante sa mga tuntunin ng kasarian,
gulang, nakamit na edukasyon, at ang kanilang trabaho. Ang ikalawang bahagi, ay ang sa anyo
ng isang checklist at pagbilog sa mga letra na naglalaman ng kredibilidad na sagot sa mga tanong
para sa mga sumagot. Ang mga blangko o puwang ay karagdagang ibinigay sa ilalim ng bawat
aytem para sa mga mungkahi o mga karagdagang aytem na ang mga katugon ay ito’y natagpuan
upang kanilang maintindihan.

Pagkatapos ang pagkakasalin ng dokumento, ito ay dumating o lumabas kasama sa


kanilang guro ang kanilang komento. Kapag ang mga mungkahi ng kanilang guro ay isinaalang-
alang, ang mga mungkahing ito ay kinuha na magkaroon ng isang mas mahusay na pagtitipon ng
datos.
KABANATA VI

RESULTA AT DISKUSYON

PAGSUSURI, PRESENTASYON NG DATOS

Ang kabanatang ito ay nagtatanghal ng datos na natipon sa pamamagitan ng mga


talatanungan, ito ay pinag-aralan at binigyang-kahulugan ang datos sa pag-aaral na ito.

Ang unang partikular na problema ay ang pag-aaral na tawag sa propayl ng mga


respondante. May tatlong sukat na isinaalang-alang ang propayl ng mga respondante sa pag-aaral
na ito; kararian, nakamit na edukasyon, at ang trabaho ng mga residente sa Sitio Tagaytay.

Ang pangalawang talahanayan na ito ay nagpapakita para sa mga sumusunod na tanong


sa surbey.

1. Sang-ayon ba kayo sa pagmimina ng limestone sa inyong lugar?


Baryable Bilang ng Tugon Porsyento
Oo 11 44%
Hindi 14 56%
Kabuoan: 25 Kabuoan: 100%

Kung OO,
Baryable Bilang ng Tugon Porsyento
nagkaroon ng trabaho ang mga residente dito 8 72.72%
nagkakaroon ng buwis ang komunidad kapag ito 2 18.18%
ay naibenta na ang mga ito.
nakatutulong ito sa economic growth at 1 9.1%
magbibigay ng progreso sa komunidad.
Kabuoan: 11 Kabuoan: 100%

Kung HINDI,
Baryable Bilang ng Tugon Porsyento
nawawalan ng tirahan ang mga hayop at 6 37.5%
naaapektuhan ang biodiversity o komunidad na
nakatira malapit sa minahan

nagdudulot din ng matinding pag-init ng 7 43.75%


panahon dahil sa pagputol ng kahoy
pinapalambot nito ang lupa na maaaring gumuho 3 18.75%
Kabuoan: 16 Kabuoan: 100%
2. Sa dinami-rami ng nakukuha nila, nagkaroon ba ng pagbabago ang inyong komunidad?
Baryable Bilang ng Tugon Porsyento
Oo 10 40%
Hindi 15 60%
Kabuoan: 25 Kabuoan: 100%

Kung OO,
Baryable Bilang ng Tugon Porsyento
pinapagawa ang daanan gamit ang waste product 2 20%
na galing sa minahan
napupunta ito sa pondo ng barangay 4 40%
ginagamit ang nakukuhang buwis sa mga 4 40%
residenteng nangangailangan ng tulong
Kabuoan: 10 Kabuoan: 100%

Kung HINDI,
Baryable Bilang ng Tugon Porsyento
hindi ginagamit sa tamang paraan ang buwis na 8 44.44%
nakukuha nila mula sa pagmimina
walang maayos na proyekto sa komunidad 7 38.89%
walang maayos na proyekto sa komunidad 3 16.67%
Kabuoan: 18 Kabuoan: 100%

3. Sa pagmimina ng limestone na nagaganap sa inyong lugar, sumusunod ba ang mga minero sa


regulasyon?
Baryable Bilang ng Tugon Porsyento
Oo 14 56%
Hindi 11 44%
Kabuoan: 25 Kabuoan: 100%
4. May nararanasan ba kayong negatibong epekto ng pagmimina?
Baryable Bilang ng Tugon Porsyento
Meron 17 68%
Wala 8 32%
Kabuoan: 25 Kabuoan: 100%

Ayon sa mga residente ng Sitio tagaytay, ang kanilang sinabi tungkol sa negatibong epekto ng
pagmimina ay ang mga:

-kapag umu-ulan ay ang mga lupa sa bundok ay bumababa at dumadaloy patungo sa mga kalsada
o ang pagguho ng lupa

-nagkakaroon ng landslide

-habang ipinagpapatuloy nila ang pagmimina ng limestone, nauubos ito at maaring magdulot ng
landslide

-pagbabago at pag-init ng panahon

-nasisira ang kalikasan

-nawawalan ng tirahan ang mga hayop sa bundok

5. Mayroon bang dinadaluyan ang mga kemikal na nanggagaling sa minahan?


Kung meron saan?
Baryable Bilang ng Tugon Porsyento
Patungong Dagat 9 36%
Patungong Komunidad 16 64%
Kabuoan: 25 Kabuoan: 100%

6. Sa iyong palagay , ano ang masamang epekto ng pagmimina sa kalusugan, kapaligiran at


pamumuhay ng mga tao? (maaaring sumagot ng higit sa isa)
Baryable Bilang ng Tugon Porsyento
a. 11 26.19%
b. 11 26.19%
c. 20 47.62%
Kabuoan: 42 Kabuoan: 100%
KABANATA VII

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
KABANATA VIII

BIBLIOGRAPIYA

URL:

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagmimina

https://bayangpilipinas.wordpress.com/2012/04/05/ang-pagmimina/

https://tl.wikipedia.org/wiki/Apog

http://www.academia.edu/24878666/INTRODUKSYON?fbclid=IwAR1nHKSF3r94o597T8Ymt
qcdteTQG22ulf5vMhLUmkRIzqFI6OrfmOCNomw

https://brainly.ph/question/276382?fbclid=IwAR1EUZ2Mkqki50wl0UvIsoa_iKq0Lwicz3xknAf
oNv2Wc0SX5psa_PefDDY

https://brainly.ph/question/170441?fbclid=IwAR364mdg5V_p7hevGHxZC1YUZoBocgD4tFXO
TovwFQamHH_clp6HfYqvt-c

https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-
tg/101992444?fbclid=IwAR2gwEwTIUg5RQJ5lpzl1AoBogX4OmFjXiYPF6rdm0gQ7GkULM7
CoNa0rpI
APENDIKS

Apendiks A

Republic of the Philippines

Nueva Segovia Archdiocesan Catholic School

SANTIAGO CATHOLIC SCHOOL

Santiago, Ilocos Sur

LIHAM PAGPAPATIBAY

March 11, 2019

G. EDUARDO SABADO SR.

PUNONG BARANGAY

BRGY. AMBUCAO

SANTIAGO, ILOCOS SUR

Ginoo,

Ang mga nakalagdang mananaliksik ay kasalukuyang gumagawa ng papel pananaliksik hinggil


sa “EPEKTO NG PAGMIMINA NG LIMESTONE SA MGA RESIDENTE NG SITIO
TAGAYTAY”, upang maisakatuparan ang mga kinakailangan sa asignatura sa Filipino,
“Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik”.

Kaugnay nito, hinihiling ng mga mananaliksik ang inyong permiso na bigyang pagkakataon na
makapagsurbey sa inyong barangay, partikular na sa mga residente ng Sitio Tagaytay, upang
maisakatuparan ang aming isinasagawang pag-aaral sa papel pananaliksik.

Lubos na inaasahan ng mga mananaliksik ang inyong positibong kooperasyon at kagya’t na


pagsang-ayon sa kahilingan na ito.

Maraming Salamat.
Lubos na gumagalang,

ROMINA MAE MAMACLAY RAEDEN MINA JENER JUSTINE GACOSCOS

Mananaliksik Mananaliksik Mananaliksik

FRANCESCA LOUISE AGLIBUT FRANKLIN VILUAN ENRICO REY PAULO OJAS

Mananaliksik Mananaliksik Mananaliksik

KYLA ANGELICA VILLANUEVA CHRISTIAN RUZZEL LAPENA

Mananaliksik Mananaliksik

Inaprubahan nina:

GNG. NELIA F. MINA GNG. MARIA P. GAGTO G. EDUARDO SABADO


SR.

Guro Punong Guro Punong Barangay


Republic of the Philippines

Nueva Segovia Archdiocesan Catholic School

SANTIAGO CATHOLIC SCHOOL

Santiago, Ilocos Sur

LIHAM PAGPAPATIBAY

March 11, 2019

GNG. MARIA P. GAGTO

PUNONG GURO

SANTIAGO CATHOLIC SCHOOL

Ginoo,

Ang mga nakalagdang mananaliksik ay kasalukuyang gumagawa ng papel pananaliksik hinggil


sa “EPEKTO NG PAGMIMINA NG LIMESTONE SA MGA RESIDENTE NG SITIO
TAGAYTAY”, upang maisakatuparan ang mga kinakailangan sa asignatura sa Filipino,
“Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik”.

Kaugnay nito, ipinapaalam ng mga mananaliksik na isasagawa ang pangangalap ng datos sa mga
resident eng Barangay Ambucao, Sitio Tagaytay, Santiago, Ilocos Sur.

Lubos na inaasahan ng mga mananaliksik ang inyong positibong pagsang-ayon sa kahilingan na


ito.

Maraming Salamat.

Lubos na gumagalang,

ROMINA MAE MAMACLAY RAEDEN MINA JENER JUSTINE GACOSCOS

Mananaliksik Mananaliksik Mananaliksik


FRANCESCA LOUISE AGLIBUT FRANKLIN VILUAN ENRICO REY PAULO OJAS

Mananaliksik Mananaliksik Mananaliksik

KYLA ANGELICA VILLANUEVA CHRISTIAN RUZZEL LAPENA

Mananaliksik Mananaliksik

Inaprubahan nina:

GNG. NELIA F. MINA GNG. MARIA P. GAGTO

Guro Punong Guro


Apendiks B

Republic of the Philippines

Nueva Segovia Archdiocesan Catholic School

SANTIAGO CATHOLIC SCHOOL

Santiago, Ilocos Sur

LIHAM PARA SA MGA RESPONDANTE

Mahal naming Respondante,

Maalab na pagbati!

Kami po ay mga mag-aaral sa asignaturang Filipino (Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik), nagsusulat ng isang papel pananaliksik hinggil sa “EPEKTO NG
PAGMIMINA NG LIMESTONE SA MGA RESIDENTE NG SITIO TAGAYTAY”.

Kaugnay nito, hinihiling na basahin ang panuto at matapat na sagutin ang mga tanong na
nakatala. Ang sagot na makukuha namin mula sa iyo ay lubos na kapaki-pakinabang sa aming
pag-aaral. Asahan na aming iingatan ang anumang impormasyon na ipinagkatiwala sa amin.

Maraming salamat sa iyong kooperasyon!

Lubos na gumagalang,

Romina Mae Mamaclay Franklin Viluan

Francesca Louise Aglibut Enrico Rey Paulo Ojas


Kyla Angelica Villanueva Christian Ruzzel Lapena
Raeden Mina Jener Justine Gacoscos

PROPAYL NG RESPONDANTE

Pangalan: _____________________________________
Gulang: _____ Kasarian: _____

NAKAMIT NA EDUKASYON

Nagtapos ng Kolehiyo _______________________________

Hindi nagtapos ng Kolehiyo _______________________________


Nagtapos ng Sekondarya _______________________________

Hindi nagtapos ng Sekondarya _______________________________

Nagtapos ng Elementarya _______________________________

Hindi nagtapos ng Elementarya _______________________________

TRABAHO

Magsasaka _______

Guro _______

Empleyado sa opisina _______

OFW _______

Maglalako _______

Iba(pakitukoy) _____________

Talatanungan

7. Sang-ayon ba kayo sa pagmimina ng limestone sa inyong lugar?

a.OO b.HINDI

Kung OO, ano ang dahilan ng inyong pagsang-ayon? Lagyan ng tsek(/)ang patlang bago ang
pahayag. (maaaring sumagot ng higit sa isa)

___nagkaroon ng trabaho ang mga residente dito

___nagkakaroon ng buwis ang komunidad kapag ito ay naibenta na ang mga ito.

___nakatutulong ito sa economic growth at magbibigay ng progreso sa komunidad.

Kung HINDI, ano ang dahilan ng iyong hindi pagsang-ayon. (maaaring sumagot ng higit sa isa)

___nawawalan ng tirahan ang mga hayop at naaapektuhan ang biodiversity o komunidad na


nakatira malapit sa minahan

___nagdudulot din ng matinding pag-init ng panahon dahil sa pagputol ng kahoy

___pinapalambot nito ang lupa na maaaring gumuho

8. Sa dinami-rami ng nakukuha nila, nagkaroon ba ng pagbabago ang inyong komunidad?

a.OO b.HINDI
Kung OO, ano? Lagyan ng tsek(/) ang patlang bago ang pahayag. (maaaring sumagot ng higit sa
isa)

___pinapagawa ang daanan gamit ang waste product na galing sa minahan

___napupunta ito sa pondo ng barangay

___ginagamit ang nakukuhang buwis sa mga residenteng nangangailangan ng tulong

Kung HINDI, ano? Lagyan ng tsek(/) ang patlang bago ang pahayag. (maaaring sumagot ng higit
sa isa)

___hindi ginagamit sa tamang paraan ang buwis na nakukuha nila mula sa pagmimina

___walang maayos na proyekto sa komunidad

___maraming gastusin ang komunidad

9. Sa pagmimina ng limestone na nagaganap sa inyong lugar, sumusunod ba ang mga minero sa


regulasyon?

a.OO b.HINDI

May nararanasan ba kayong negatibong epekto ng pagmimina?

a.MERON b.WALA

Kung meron anu-ano ang mga ito? Ilahad __________________________________________

Mayroon bang dinadaluyan ang mga kemikal na nanggagaling sa minahan?

Kung meron saan?

Patungong Dagat Patungong Komunidad

10. Sa iyong palagay , ano ang masamang epekto ng pagmimina sa kalusugan, kapaligiran at
pamumuhay ng mga tao? (maaaring sumagot ng higit sa isa)

Pagkakaroon ng sakit tulad ng: Ubo, Pananakit ng dibdib, Pagkakaroon ngTB

Nagbibigay ito ng pag-init ng panahon

Pinapalambot nito ang lupa

Iba (pakitukoy)___________________________________________________
Apendiks C

KARANASAN NG MGA MANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay magagawang masagot ang kanyang tanong batay sa kanyang mga
respondente upang ilabas ang resulta.

Bago maisagawa ang pagaaral dumaan muna ang mga mananaliksik ng matinding karanasan na
hindi malilimutan. Nagkaroon ng mahabang pagdedesisyon kung ano ang paksang gagamitin o
kung ano ang mga bagay na interesado ang mga mananaliksik na sila mismo ang makakahanap
ng kasagutan upang makapagbigay ng mabisang rekomendasyon.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag aaral napagdesisyunan ng mga mananaliksik kung ano ang
paksang gagamitin sa pag aaral. Ang pagkalap ng datos ng mananaliksik sa maagang panahon
upang maging mainam ang pagsasagawa ng maka-pilipinong pananaliksik.

Pumunta ang mga mananaliksik sa sitio tagatay sa Brgy. Ambucao Santiago Ilocos Sur. Dumaan
ang pinagsakyang traysikel sa Brgy. Busel busel kung saan sa unang matayog na daan ng brgy
busel ay naitaas ng drayber ang traysikel. Bumaba kami pagkatapos ng unang matayog na daan
dahil hanggang doon lang ang kaya ng drayber.

Naglakad kami ng ilang kilometro bago matunton ang sitio tagaytay. Nadaanan ng mananaliksik
ang tatlong matatayog na daan, tumulo ang mga pawis dahil sa paglalakad. Uhaw na uhaw ang
mga mananaliksik ng matunton ang sitio tagaytay. Hindi inalintana ang pagod ng mga
mananaliksik dahil gusto nila itong matapos kaagad. Natapos ang mga mananaliksik sa
pagseserbey bandang hapon ng Marso 17, 2019.

Hindi inalintana ng mananaliksik ang tuloy tuloy na pag eencode, pananaliksik tungkol sa paksa,
at pagsusulat ng mga RRL na nagdulot ng pananakit ng ulo, mata at mga daliri. Ngunit ang mga
pagod at paghihirap ay nagbunga ng matagumpay na pananaliksik.
CURRICULUM VITAE

You might also like