You are on page 1of 4

BANGHAY-ARALIN sa FILIPINO 1

I. Layunin
 Natutukoy ang pangngalan ng tao, bagay, hayop, at pook/ lugar
 Nakapagbibigay halimbawa ng mga pangngalan ng tao, bagay, hayop at
pook/ lugar
 Nabibigyang halaga ang gamit ng pangngalan sa komunikasyon.

II. Paksang – Aralin

Paksa: Pangngalan

Sanggunian: Filipino 1,”Landas sa Wika at Pagbasa”; mga pahina 23-24, ni

Lydia B. Liwanag, Ph. D. 2011 ng EduResources Publishing Inc.

Mga Kagamitan: Larawan, Visual Aids, Word Cards

Pagpapahalaga: Pagbibigay halaga ng pangngalan sa komunikasyon.

III. Pamamaraan

A. Pangunahing Gawain
a. Pagsasanay (Dril)
Magpapakita ang guro ng mga salita at ipabasa ito sa mga mag-aaral:

bata bag sapa dalaga

papa lata bola daga

b. Balik – Aral
Magtatanong ang guro tungkol sa nakaraang aralin na pinag-
aralan.
Sabihin: Ano ang Pandiwa?
- Magbigay mg mga halimbawa ng salita na nagsasaad ng kilos.
(ang gusting sumagot ay dapat itaas ang kamay)
- Magbigay ng ilang halimbawa at pumili ng mag-aaral upang
salangguhitan ang salitang kilos sa pangungusap.

Halimbawa:

Naglalaba si Michael.

Ako ay naghuhugas ng pinggan.

Nagsusulat si Ana ng liham.


c. Pag-alis sa Balakid
Ngalan- o “Pangalan” isang salita o mga salitang tumutukoy sa
isang tiyak na bagay, pook, tao, o hayop.

B. Paglinang Gawain
d. Paggangyak
Magpakita ng mga larawan ng tao, bagay, hayop at pook/
lugar.
Sabihin:
Ano-ano ang nakikita ninyo sa mga larawan?
Ano ang tinutukoy ng mga larawan?
e. Paglalahad
Pagpresenta sa bagong aralin.
Sabihin: Ang bagong paksang ating tatalakayin ngayon ay
tungkol sa Pangngalan.
f. Pagtalakay
Ang Pangngalan – ay ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa
ngalan ng tao, bagay, hayop, at pook/lugar.

Mga Halimbawa:

Tao Hayop Lugar/Pook Bagay

Ana aso Luneta park Bola


Mang Ben Blacky Boracay Ballpen
Lola Kalabaw Davao Mesa
Bb. Cruz Tigre ilog Papel

- hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng iba pang


halimbawa ng pangalan ng tao, bagay,hayop at lugar.

Sabihin: tumingin sa paligid. Sabihin ang ngalan ng mga tao,


bagay, hayop, lugar na iyong nakikita.

g. Paglalahat
Matapos natalakay ng guro ang Pangngalan, kanya itong irerebyu
muli upang malaman kung naintindihan o nauunawaan na ba ito.
At ilahad ang kahalagahan ng pangngalan sa komunikasyon.

h. Paglalapat
Susubukin ng guro ang mag-aaral sa pamamagitan ng ilang mga
Gawain.
- Ang klase ay hahatiin sa tatlo (3).
Ang mga sumusunod ay ang ilang mga Gawain na ibibigay ng guro
sa mag- aaral.

Panuto: Ilagay ang mga salitang ibinigay kung saan ito nabibilang.

TAO BAGAY HAYOP LUGAR/ POOK

Unan kawali Gng. Rosa Ate Palaka Relo

Daga Libro pagong Lito Laguna Rizal Park

i. Pagpapahalaga
Pagbibigay halaga ng pangngalan sa komunikasyon.
IV. Pagtataya

Panuto: Isulat sa patlang kung ang mga salita ay nabibilang sa pangngalang


ng: Tao, Bagay, Hayop, Lugar.

1 . Palaka

2 . susi

3. palengke

4. aklat

5. weytres

6. Mang Robin
V. Takdang Aralin

Panuto: Magbigay ng ‘tig lilimang (5) halimbawa ng pangalan ng tao,


bagay, hayop at lugar/pook.

Noted By: Prepared By:

NORMA C. GENETIALIZA EDELYN JANE P. TUNDAY


Cooperating Teacher Student Teacher

ELSA P.CARATAO
School Principal I

You might also like