You are on page 1of 2

ANG MGA PONEMANG SUPRASEGMENTAL (TONO, INTONASYON, PUNTO)

PONEMANG SUPRASEGMENTAL

- tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra
sa pagsulat. Sa halip,sinisimbulo ito ng mga notasyong ponemiko upang matukoy ang paraan ng
pagbigkas ng isang salita o pahayag. - Resuma (2002)

Saklaw ng Ponemang Suprasegmental ang mga sumusunod: ang intonasyon, tono at puno.

INTONASYON

Ayon kay Resuma (2002) ang intonasyon ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita,
maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag.

Ayon naman kina Otanes at Shachter (1972), ang bawat pitch points ay may tatlong natatanging
pitch levels: ang mataas (3), katamtaman (2), at mababa (1) tulad ng makikita sa halimbawa sa ibaba.

a) Nandito siya kanina?

b) Nandito siya kanina.

Mapapansin ang dalawang pangungusap o pahayag ay naglalaman ng magkatulad na sangkap


maliban na lamang sa paraan ng pagpapahayag o sa pagtaas at pagbaba ng tinig ng pagsasalita. Kapansin
– pansin na ang pahayag a mawawari natin na ang ispiker ay nagtataka o di kaya’y humingi ng pagtitiyak
o kumpirmasyon sa isang mensaheng natanggap. Samantalang kung ang pahayag b naman ang
bibigkasin, mawawaring ang ispiker ay nagsasalaysay ng isang katatapos na pangyayari.
Bukod dito, nag – iiba – iba ang intonasyon ng ispiker o tagapagsalita kapag nagpapahayag. Ito ay
sapagkat ang intonasyong ginagamit niya ay naaayon sa kanyang layunin at damdamin. Tingnan natin ang
sumusunod na halimbawa:

Pagsasalaysay o paglalarawan: Dumating sila kanina.

Pagpapahayag ng matinding emosyon: Naku,may sunog!

Pagbati: Magandang umaga po.

TONO

Ayon kay Aganan et al.(1999) ang tono ay nakatuon sa paraan ng pagbigkas o pagsasalita na
nagpapahayag ng matinding damdamin na maaaring malambing, pagalit, marahan at iba pa. Ang
pagbabago ng tinig o tono ay makakapagbigay ng kahulugan o makapagpahina ng usapan.

PUNTO

Ito ay tumutukoy sa rehiyunal na tunog o accent. Halimbawa, sa rehiyong Katagalugan ay mapapansin na


iba ang punto ng mga taga – Bulacan sa mga taga – Batangas at maging ng mga taga – Cavite.

linggwistikawikafilipinogramatikaponemasuprasegmentaltonointonasyonpuntopahayagpasalaysaypalara
wanponetikapilipino

See filipino101-blog's whole Tumblr

You might also like