You are on page 1of 6

THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2016 | VOLUME II

Pananaw ng mga kalalakihan sa Konsepto ng Seenzone


Laput, Jethro
Bullecer, Ma. Fatima

ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pananaw ng mga mag-aaral na kalalakihan ng Veritas
Parochial School sa konsepto ng “Seenzone” bilang “motivation” o “drive”. Sa kabuuan, Ang
mananaliksik ay nakapanayam ng labing tatlong mag-aaral. Ang mananaliksik ay gumamit ng
deskriptibong paraan ng pananaliksik partikular ang pagtatanung-tanong at pakikipagkwentuhan
upang makuha ng mananaliksik ang tunay na nararamdaman ng mga kalahok at ito ay mas
naaayon sa kamalayang Pilipino. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ng
henerasyon ngayon kung ano ang konsepto ng “Seenzone”, ano ang naging bunga at epekto nito
sa mga kalahok at kung paano ito nakaapekto sa kanilang buhay. Ang problema sa pag-aaral na
ito ay kung bakit may mga lalaki na hanggang sa pampribadong pagmemensahe na lang sila
nakikipagusap sa kababaihan sa kadahilanang nga ba na natotorpe sila sa halip na tanggapin ang
mga dagok sa pagmamahal at sa ganoon ay makuha nila ang kanilang kagustuhan. Iisa at
positibo ang mga damdamin na naging resulta sa pagkuha ng datos sa mga kalahok lalo na sa
mga karanasan at epekto nito sa mga kalahok. Ito ang napiling pag-aaral ng mananaliksik dahil
nais niya mausisa ng lubusan at kung hindi man ay malaman niya kung totoo nga na mayroong
“Seenzone” sa panahong kinakatayuan nating lahat na nahuhumaling sa iba’t ibang teknolohiya
sa ating kapaligiran.
Mga susing salita: Seenzone, Kalalakihan, Komunikasyon, Panliligaw

Ang mabilis na pag-usad ng social networking o SNS ay nararanasan ng higit na ilang


taon na pumupukaw na sa pangkalahatang kultura at ang pagpapadali ng buhay sa pang-araw
araw ng iba’t ibang tao sa mundo. Ang SNS ay nagbibigay ng iba’t ibang pagkakataon at
pamamaraan sa mga tao na kung papaano sila nakikipagusap sa pamamagitan ng paggamit ng
internet, mapa cellphone man ito o PC. Ang SNS ay nagbibigay ng oportunidad na mapadali ang
paggawa ng sariling propayl at makagawa at makakilala ng mga bagong kaibigan (Cruz, 2010)
Ang SNS at ang komunikasyon gamit ang internet ay nagiging tanyag para sa mga
kabataan (Allen, Evans, Hare, Mikami, & Szwedo, 2010) Sa pagdaloy ng mabilis na pagbabago
sa ating kultura at pang lipunan na aspeto at alinsunod sa teknolohikal na rebolusyon, ang
kakanyahan ng social networking ng pagiging mukha ng internet ay nanatiling katanungan pa din
sa ating mga kaisipan (Cruz, 2010)
Isa sa mga pangunahin at mabuting epekto ng Social Networking ang mas pagiging bukas
isip ng mga kabataan sa pakikipagkaibigan at pakikipagkapwa nito na kahit hindi kakilala at
mapadami ang kaibigan sa social networking ay tuloy pa rin ng tuloy sa pag dagdag subalit sa
pagusbong ng mundo ngayon ay minsan nagiging sanhi naman ng kagalitan ang mga ito
halimbawa na lamang sa pakikipag paramihan ng kaibigan na kung saan ay hindi maiiwasang
humantong sa pagkainit ng ulo o sa karahasan. Parte na rin ito ng masamang epekto sa
kadahilanang na nakakaimpluwensya na rin iyong mga kaibigan mo sa social networking sa mga
ikinikilos mo. Minsan pa ang kabataan ngayo'y nagiging mas mapanghusga, marahil ay dahil
narin sa kanilang mga nakikita sa social networking na kalayaan sa pagpapahayag kahit minsa'y
nakakasakit na o minsa'y lumalampas na tayo sa hangganan ng pagpapahayag ng ating sarili
kung saan nakasasakit na tayo ng damdamin ng ibang tao (Binauhan. 2013)
Ang ilang SNS ay naghahatid ng mabilisang pagpapadala ng mensahe katulad ng
facebook na kilala sa larangan ng SNS dahil sa paghatid nito ng pagdiskubre at paggabay sa atin
na nakapaloob sa mundong kinatatayuan natin ngayon at email katulad ng yahoo messenger na
kung saan ay naghahatid ng agarang pribadong mensahe sa iyong gustong padalhan at mababasa
mo din dito na agad kung binasa na ito ng pinagpasahan mo ng mensahe. Para naman sa

68
THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2016 | VOLUME II

kabataan ngayong henerasyon, ito ay nagbibigay importansya na kung saan malalaman niya na
binalewala siya o pagpapawalang halaga sakanya ng pinagpasahan niya ng mensahe (Ahn,2010)
Ayon kay Lenhart at Duggan (2014),talagang malaki at positibo ang naging epekto sa
panliligaw lalo na sa mga pangmatagalang pagsasama ng magkarelasyon at kung susuriin man ay
nasa 74% sa gumagamit ng SNS ay di hamak na mataas ang impact habang ang nasa 20% naman
ay nagdulot ng negatibong epekto ang paggamit ng SNS sa cellphone at habang ang 6% ay nasa
pagitan lamang ng dalawang panig. Malaking tulong din ang nagawa ng cellphone at SNS lalo na
sa panliligaw dahil pinadali nito ang paglalahad ng damdamin nito sa kanyang karelasyon sa
pupwedeng magdulot ng kasiyahan at mas pinaigting pagsasama. Ayon din kay Lenhart na ang
henerasyon ng kabataan ngayon na 57% ay bukas sa SNS na nagbubukas sakanila upang
magkaroon ng bagong kaibigan, ang kalalakihan ay mas madaling makahanap ng karelasyon na
pumapatak sa 61% habang ang kababaihan ay nasa 39% tyansang makahanap ng karelasyon sa
pamamagitan ng SNS.
Dahil din sa kabataan na palaging gumagamit ng SNS katulad ng facebook, twitter, at
yahoo messenger, nabubuo ang iba't ibang konsepto na kung saan nilalagyan nila ng laman o
kahulugan kahit hindi pa naman sila ganoong kasigurado kung tama ang kanilang nararamdaman
at naiisip. Ang ekspresyon ay mga salita, pagpapahiwatig o ang komunikasyon ng pansariling
paniniwala o opinyon ng tao, organisasyon at iba pang grupo na naglalahad ng saloobin upang
mas madaling maalala at maibagay ito sa henerasyon nakapaloob dito. Sa larangan ng social
media, partikular sa facebook, maraming kabataan ngayon ang bumubuo ng kanya kanyang
konsepto para sa kanilang profile. Katulad na lamang ng konsepto sa social networking na
facebook na seenzoned. Ang pagbibigay ng konsepto o pagpapahayag ay isa lamang sa iba't-
ibang paraan ng pagpapakita ng pangkaraniwang kahulugan para sa lahat ng gumagamit ng
facebook o anumang uri ng social media. Sa mabilis na paglawak ng kaisipan ng pilipino at
pagtangkilik nating mga pilipino sa modernong komunikasyon ay kaugnay nito ang pagpili ng
bawat miyembro ng social networking na kung sino nga ba ang nararapat mangibabaw at bigyan
pansin.(Hard,2014) Sinikap ng mananaliksik na masagutanang layunin ng pag-aaral sa
pamamagitan ng mga katanungan patungkol sa “Seenzone”. Una ay gusto malaman ng
mananaliksik ay kung anu-ano ang pananaw ng mga kalahok sa konsepto, ikalawa ay kung ano
ang mga karanasan nila sa “Seenzone” at ang naging epekto nito sa mga kalahok.
Seen zone
Ayon kay Ramos (2013), ito ay nakasaad kapag nagchat ka sa crush mo, ngunit ang
makikita mo lang sa chat box mo ay “seen”. Ano nga ba ang ideyang ito? Ito ay isang bagay na
makikita mong lumalabas sa chat or sa conversation niyo ng kausap mo. Kung saan nakasaad
dito kung nabasa or nakita na ng kausap mo ang pinadala mong mensahe, kasama na rin dito ang
oras kung kailan nya nabasa. Nakita mo nang nabasa nya ang pinadala mong mensahe. Ang
masaklap lang ay ilang oras, araw, linggo, buwan at taon na ang lumipas eh inaamag na 'yung
liham mo, wala ka pa ring nakukuhang reply. Dahil dun sa ideya na ito ng Facebook ay
napagtanto mo na binalewala ka ng taong iyon.
Makabagong panahon ng ligawan at pagbabago sa dating mga nakaugalian sa panliligaw
Ayon kay Yapchiongco (2014), Ang makabagong panliligaw ay ibang iba sa mga dating
kaugalian na nakasanayan noong dating panahon at dahil sa pag-usad ng ekonomiya, siyensa at
teknolohiya, nagkaroon na din ng malaking pagbabago sa mga patakaran, ritwal, at mga
inaasahan sa isang pagliligawan. Mayroon na tayong iba’t ibang uri ng panliligaw sa
pamamagitan ng social media katulad ng yahoo messenger, facebook, twitter, tinder, instagram,
at iba pa. Sa pag unlad ng panahon ngayon, nagkakaroon ng malaking pagbabago sa ugali at
pananaw ng mga tao lalo na sa mga kabataan. Ang dating mga nakaugalian ay tinuturin ng
makaluma at hindi na angkop sa modernong panahon. Baduy, “old school” at korny na ang
dating moda ng panliligaw (Yapchiongco, 2014)
Impluwensiya ng teknolohiya sa ligawan

69
THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2016 | VOLUME II

Ayon kay Yapchiongco (2014), dahil moderno na ang teknolohiya ngayon ang mga
telepono, hindi na uso ang pag-akyat ng lalaki sa bahay upang manligaw ng pormal. Pwede na
manligaw gamit ang Facetime o Skype. Hindi na kailangan mamasahe ng lalaki o manghiram ng
auto sa kanyang mga magulang upang makadalaw sa babae. Swerte ng mga lalaki ngayon dahil
nakakatipid sila ng husto. Pero di kaya parang lugi naman ang mga babae ngayon? Napakalaki
talaga ng impluwensiya ng teknolohiya sa henerasyon ngayon. Marami na kasing paraan ng
interaksyon ngayon na wala pa noong nakaraang dekada. Bukod sa telepono o smart phones,
nandiyan din ang social networking, instant messaging at video calling.
Pagbubuo
Ang panliligaw, partikular ang paggamit ng modernong pamamaraan nito ay talaga nga
naman nakagawian na lalo na ang kabataan ngayon na mabilis mapukaw ng teknolohiya lalo pa’t
kung ito ay kaaya aya sa lipunan o kung ito man ay naaangkop sa madla
Talagang malaki ang epekto ng social media ngayon sa kabataan dahil dito nagsisimula
ang pagkakaibigan na pwedeng humantong sa pagiibigan. Madali na din masaktan ang kabataan
ngayon lalo pa’t may mga nabubuong mga ekspresyon na malakas makaimpluwensya sa
kabataan sapagkat sila ay madaling makuha ang kanilang loob at hindi hamak na bata pa at hindi
pa gaano kayabong ang kanilang mga nalalaman sa social networking sites at binabase nila ito sa
mga nauuso ngayon halimbawa na lamang ng “Seenzone” na napakalaki ang naging epekto sa
kabataan lalo na noong nailagay na sa facebook messenger ito na nagbunga ng sari saring
opinyon at ideya patungkol dito, karamihan ay sinasabi na ang isang tao ay makakakita ng
mensahe na kung saan ay babasahin lamang ito at hindi tutugunan ito na parang binaliwala o
pinagpawalang halaga ka ng pinaglihaman mo. Ang konseptong seenzone sa social media ay mas
nakakatulong upang mas madaling makilatis kung binasa ito ng pinagpasahan ng mensahe. Ito
rin ang pinagkukuhanan ng ideyang pagkabaliwala at pagpapawalang halaga sayo ng isang tao sa
kadahilanang wala silang interes sayo o ayaw lang talaga sayo. Dahil dito, naisip ng
mananaliksik na gumawa ng isang pag-aaral tungkol sa pananaw ng kalahok sa konsepto ng
“Seenzone”
Ayon kay Binauhan (2013), ang ”Seenzone” ay maihahalintulad sa pagwawaksi dahil ang
rejection ay ang pinakamasaklap na pakiramdam sa buong mundo dahil masakit mareject ng
taong minamahal mo. Kahit anong pilit mo sa kanya marereject ka kase ayaw nya. hindi ba tao
lang tayo may puso at damdamin. Minsan na nga lang magmahal marereject pa. Bakit ba tayo
narereject?may mali ba sa atin o may isang bagay tayo na ayaw nila talaga kahit wala naman
tayong ginagawang mali at ginawa na naten ang pinakamakakaya natin pero narereject pa rin
tayo. Ang sama naman ng tao na nangrereject sa atin. May dahilan din kung bakit nagagawa nila
ang ganun bagay. Tulad ng may mahal silang iba, may karelasyon pa, wala pa sa tamang
panahon at oras, at and pinakamasakit ay iyong talagang ayaw sayo ng iniibig mo (Binauhan,
2013)

Metodo ng Pag-aaral
Disenyo ng Pananaliksik
Ang ginawang pag-aaral ng mananaliksik ay isang deskriptibong pag-aaral na gumamit
ng makapilipinong pananaliksik partikular ang pagtatanung-tanong at pakikipagkwentuhan.
Napili ng mananaliksik ang disenyong ito, sapagkat ito ay akmang akma sa pagkuha ng pananaw
ng mga kalahok sa “Seenzone” at upang mas makakalap ng higit na impormasyon sa paggamit
ng deskriptibong pag-aaral.
Mga Kalahok
Ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay ang mag-aaral ng Veritas Parochial School
partikular ang ikaapat na taon sa sekundaryang paaralan. Napili ng mananaliksik ang mga
kalahok na ito sa kadahilanang bukas ang paaralan sa paggamit ng modernong teknolohiya
katulad na lamang ng e-tablets at tumatangkilik sila sa modernong pamamaraan ng panliligaw sa

70
THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2016 | VOLUME II

kababaihan. Random na pamamaraan ang ginamit ng mananaliksik at nasa 16 hanggang 17 na


edad na kalahok na ang nakapanayam ng mananaliksik at ibabase lamang niya ito sa kanilang
pagtangkilik at paggamit sa social networking sites.
Ayon sa teorya ni Erikson, ang mga nasa ganitong edad pamula 13 hanggang 19 ay
kinikilala pa lamang ng mga kalahok sa sarili sa kung papaano sila makikiangkop sa lipunan at
kung paano sila tatanggapin ng mga ito. Sa edad na ito ay gumagawa sila ng paraan kung paano
sila makikibagay sa kapwa nila, susubukin din ng mga kalahok kung ang nasa tingin nila ay
naaayon hanggang sa paglaki nila at dito din sila nagdedesisyon para sa kanilang kinabukasan.
Instrumento ng Pananaliksik
Ang mananaliksik ay gumamit ng rekorder sa cellphone at talatanungan. Ang
talatanungan ay naglalaman ng demograpikong propayl na mayroong pangalan, edad, at taon ng
paggamit ng “SNS” nila, ano ang pananaw ng mg kalahok sa nasabing konsepto, ano ang
kanilang karanasan at epekto ng “Seenzone” upang makuha ng mananaliksik ang kanilang
saloobin Ang mga impormasyong nakalap ng mananaliksik ay ginamit upang gawing basehan sa
layunin ng pag-aaral.
Paraan ng pagkuha ng datos
Una sa lahat, ang mananaliksik ay nakikipagpalagayang loob sa mga kalahok para
makuha yung totoo nilang pananaw at makatulong sila kaagad sa mananaliksik sa kabila ng
unang pagkakataon pa lamang sila nagkausap at magsama.
Ikalawa, ang paraan naman ng mananaliksik ay gumamit ng pakikipagkuwentuhan sa
mga kalahok tungkol sa panliligaw at sa mga karanasan nilang pagkabigo sa pag-ibig kasunod
nito ay ang pagtatanung-tanong ng mananaliksik tungkol sa konseptong “Seenzone”
Ikatlo, pagkatapos malikom ng mananaliksik ang mga datos na nakuha niya sa mga
kalahok ay susuriin ng mananaliksik na kung ano ang pananaw nila sa seenzoned at ano ang
naging epekto sa kalahok mapapositibo man o negatibo ay balido pa din ito sapagkat ito ay base
sa mga naranasan ng kalahok.
Pagsusuri ng datos
Una ay pinagsamasama muna ng mananaliksik ang mga kasagutan ng mga kalahok ayon
sa layunin ng pananaliksik. Pangalawa ay nilagom ang mga kasagutan na magkakatulad ang
pahayag upang makabuo ng iba’t ibang temang ayon sa pananaliksik.
Presentasyon at Interpretasyon
Ang isinagawang pag-aaral ng mananaliksik ay tungkol sa pananaw ng mga kalahok sa
konsepto ng “Seenzone” at ito ay base sa makapilipinong pamamaraan na kinailangan ng
maingat at masusing pagkalap ng datos. Sa kabuuan mayroong labing-tatlong kalahok ang
nakapanayam ng mananaliksik.
Demograpikong propayl ng mga kalahok
Ang mga kalahok na nasa edad 16 ay 9 o 69% at ang mga kalahok naman na ang edad ay
17 ay nasa 4 o 31%. sa bilang ng paggamit naman ay 4 o 31% ng mga kalahok ay gumagamit na
ng SNS taong 2010 pa habang ang 6 o 46 % ng mga kalahok ay gumagamit na ng SNS taong
2009 pa at ang 3 o 23% ng mga kalahok ay gumagamit na ng SNS taong 2013 lamang.
Pananaw ng mga mag-aaral sa konsepto ng “Seenzone”
Labing-tatlong mag-aaral ang nagbahagi ng kanilang saloobin sa konsepto na “Seenzone”. Ang
ilan sa mga sumusunod na pahayag ay sinipi ng mananaliksik:
“Karamihan ang sasabihin kapag nakarinig ng “Seenzone” ay ang pag ignore sa iyo ng
babae pero sa kalagayan ko ay hindi dahil ang “Seenzone” ay isa sa mga dahilan kung bakit
tumatag ang aking loob upang udyokin ang babaeng hinahangaan ko.” kalahok #2
“As a student, I’d say that “Seenzone” is one of the major components of being in the
state of the “Friendzone”. In order of being in that state you have to undergo through one of the
‘zones’ that is being used by students like us” kalahok #3

71
THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2016 | VOLUME II

“Seenzone. Simple lang yan kung ipapaliwanag. Pero sa mas madaling salita, walang
pagasa sa nililigawan” kalahok #5
“Ang seenzone ang nagsisilbing ‘motivation’ ko para lalong suyuin ang babaeng nais
kong makasama habang buhay. Subalit bigo ako sa unang hakbang nang maseenzone niya ako
di ito naging hadlang para tuparin ang pangarap ko makasama siya” kalahok #6
“Seenzone para sakin ay yung pagkakawalang oras sayo ng tao nais mong makausap at
ito ay siguro para sa pangkalahatang aspeto dahil sa katamaran niya siguro na mareply sayo o
hindi kaya ay hindi ka talaga type nung minessage mo. Pasok din yan pagdating sa pag private
message mo sa crush mo siguro hindi ka lang talaga niya gustong makausap at may iba pang
tao siyang kailangan niyang abalahin” kalahok 11
Ang mananaliksik ay namangha at napansin ang mga magagandang pananaw galing
kanila kalahok 2, kalahok 6, at kalahok 10 na kung saan ay sinabi nila ang positibong konsepto
sa pananaw ng “Seenzone”na nagbibigay “motivation” sa kanila na kung ito man ay ang dahilan
ng pagkatatag ng kanilang loob upang mas lumapit sila sa babaeng hinahangaan nila at ito
lamang ay isang pagsubok na kailangan nilang tahakin upang malaman ng babae kung hanggang
saan ang kakayanin nila o ang limitasyon nila sakanila at siyempre may nagsabi din na “neutral”
lamang ang “Seenzone” dahil sa kanyang mga naoobserbahan sa kapaligiran at pang kalahatang
tao siya kung sumagot kaya binase niya ito sa ganitong aspeto ng pagkaka”Seenzone”.
Karanasan at epekto ng konsepto sa “Seenzone” ng mga kalahok
Ang labing-tatlong mag-aaral ay nagbigay ng kanya kanyang saloobin patungo sa epekto
ng “Seenzone” sakanila tila nanguna ang mga positibong komento nila patungkol sa “Seenzone”,
nagbahagi din sila ng kanilang saloobin ukol sa kung paano nila naranasan ang nasabing
konsepto at paano nila ito tinanggap sa aspetong pang-emosyonal. Ilan sa mga ito ay ang mga
sumusunod:
"Nagbunga ng kagandahan dahil sa pagkalakas ng loob ko at umalis sa "comfort zone"
ko. Hindi ako nagpadaig sa takot na humarap at kinulit ko siya sa facebook at naging kami na
ngayon" kalahok 2
"Wala naging epekto ito sa akin. Tinukso ako ng mga kabarkada ko sa kanya at mas
naging malapit ako sakanya at mukhang mapapasagot ko pa siya" kalahok 10
"Mas naging thankful ako sa Diyos dahil sinagot niya ang mga hiling ko sa kadahilanang
naging kami sa kakasuyo ko sakanya sa loob lang ng limang buwan" kalahok 12
"Open mindedness ang naging epekto nito sa akin. yung taong nangseenzone sa akin ay
may magandang relasyon kami na iniigihan namin ang pag-aaral namin alang-alang sa aming
magulang imbis na unahin namin ang isa't isa ay kami muna ang dapat naming ayusin" kalahok
13
Ang mga positibong sagot ang pumukaw sa mnanaliksik na kung saan ay ang naging
epekto sakanila nito, maraming sinabi na nakatulong ito upang mas makilala nila ang sarili nila,
umalis sa kanilang “comfort zone”, nagpursigi, at mas napabuti nila ang kalagayan nila.
Maganda din ang sinabi ni kalahok 12 dahil dinala niya sa usapan ng mananaliksik ang
paniniwala niya sa Diyos na kung saan ay mas naging mapagpasalamat siya dito at tinupad ang
kanyanag mga hiling upang makamtam niya ang tagumpay na makuha ang parehas na damdamin
ng babae sakanya. Ayon kay Binauhan (2013), ang pagkakaroon ng positibong epekto ng
“Seenzone” makakatulong sa lalaki upang mas tumaas ang kanilang “Self-esteem” at “Self-
worth” sa kanilang sarili dahil mas nagkakakumpiyansa ang mga lalaki na kausapin ang babae at
tugunan ang mga kagustuhan nito.
Ang karamihan naman sa mag-aaral ay purong positibo ang kanilang mga karanasan at na
kung saan nagbunga ng magandang pagsasama ang mga kalahok at ang nang”Seenzone”
sakanila, naisakatuparan ang kanilang mga hiling na maging sakanila ang mga babaeng
hinahangaan nila at ang pinakahuli ay si kalahok 13 na kung saan ay inuna ang kapakanan ng

72
THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2016 | VOLUME II

pamilya partikular sa kanyang magulang na nagtatrabaho para mairaos siya sa magandang


buhay.
Konklusyon at Rekomendasyon
Sa kabuuan, Ang pananaw ng mga kalahok patungkol sa “seenzone” na naayon sa resulta
ng pag-aaral ay may iisang damdamin sa pananaw ng mga lalaking mag-aaral sa konsepto ng
“Seenzone”. Ang konsepto ay isang pagganyak sa kadahilanang isa lamang itong pagsubok na
makakapagsabi kung hanggang saan ang kanyang kakayahan pagdating sa pagseryoso sa isang
bagay. Iba’t iba man ang pananaw na nakalap ng mananaliksik, hindi maipagkakaila na tila iisa
lamang ang konsepto ng “Seenzone” ay kataga na nagbibigay “motivation” o pagganyak ng tao
upang ipagpatuloy gawin ang isang kahit ano man ang mangyari at kahit ano pa ang sitwasyon.
Ang importante ay nagawa lahat ng makakaya at hindi ka sumuko.
Para sa epekto ng konsepto sa mga kalahok, masasabi na ayon sa mga nakuhang datos,
ang pagkakaroon ng konsepto ay may positibong epekto, Positibo dahil para sa nakakarami ay
nakakapagganyak ng tao dahil sa pinanghahawakan silang konsepto ng “Seenzone” na kung saan
ay ganado at may motibo kang dagdagan ang mga kulang na bagay sa mga sinauna mong ginawa
sa babaeng hinahangaan mo. Bukod sa mga nagbuo ng konseptong ito, ganoon din ang naging
epekto nito kahit sa kalaunan’y wala ng pag-asa na kung saan ay hindi lang talaga nila
sinusubukan yung abot nilang makakaya upang makuha ang matamis na tagumpay. Talagang
nagkaepekto ito sa mga lalaking mag-aaral dahil sa unang pagkakilala na negatibo ay nag bunga
ng magadang resulta na kung saan ay karamihan sa nakapanayam ng mananaliksik ay
nagkatuluyan o naging magkasintahan ang lalaking mag-aaral at ang babaeng gusto nila.
Iminungkahi ng mananaliksik na higit na mapaghusay pa ang kanyang pag-aaral ukol sa
konsepto sa kadahilanang nais pa ng mananaliksik na higit na maunawaan ang pinagmulan ng
“Seenzone” at ang mga mas malalim pang bagay patungkol dito. Ang maiaambag ng
mananaliksik na makakatulong sa lipunan ay ang gumawa ng seminars patukoy sa “SNS” na
maaaring makatulong sa kabataan na may limitasyon lang ang paggamit ng mga “SNS”
pagdating sa panliligaw. Inirerekomenda din ng mananaliksik sa mga susunod na gagawa ng
pag-aaral nito na gumamit ng kwantitatibong uri ng pananaliksik upang makuha naman ang
ibang perspektibo sa “Seenzone” at sa gayon ay makalikom at mas makatiyak ng
makapilipinong pananaliksik sapagkat ito ang naaayon sa kultura ng mga Pilipino at nang sa
gayon ay malikom ang mga datos na nais makamit.

Mga Sanggunian:
Allen, J.P., Evans, M.A., Hare, A.L., & Mikami, A.Y. (2010). Adolescent Peer Relationships
and Behavior Problems Predict Young Adults’ Communication on Social Networking
Websites. Developmental Psychology, 46(1), 46‐56. doi: 10.1037/a0017420
Binauhan, J. (2013) Rejection. Retrieved from https://maykwentoooakoo.wordpress.com/2014/0
1/07/r-e-j-e-c-t-i-o-n/
Cruz, C., & Mirasol, M. (2010, October 1). The perceived effects of social networking sites on
the study habits of the students. Retrieved from http://www.scribd.com/doc/74724607/
Thesis-1-3#scribd
Lenhart, A., & Duggan, M. (2014). Couples, the Internet, and Social Media. Retrieved from
http://pewinternet.org/2014/02/11/couples-the-internet-and-social-media/
Lenhart, A. (2015). Teens, Technology and Friendships. Retrieved from http://www.pewinternet.
org/2015/08/06/teens-technology-and-friendships/
Ramos, M. (2013) Na-SeenZone dre?. Retrieved from http://chipsmakoy.blogspot.com/2013/05/
na-seenzone-dre.html
Yapchiongco, R. (2014) Makabagong paraan ng panliligaw. Retrieved from http://thepoc.net/
index.php/makabagong-paraan-ng-panliligaw/#comment-21039

73

You might also like