You are on page 1of 4

POSISYONG PAPEL

PAGPAPATUPAD MULI NG DEATH PENALTY SA ATING BANSA

Matagal na ang debate tungkol sa pagpapatupad ng Parusang kamatayan o Death Penalty hindi
lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo.Ito ang isyung pinagtatalunan hindi lamang ng mambabatas
pati na mga pangkaraniwang mamamayan.

Ano nga ba ang parusang kamatayan? Nararapat ba itong ipatulad muli? Sa United States, kapag
ikaw ay nakagawa ng karumal-dumal na krimen ay maari kang maparusahan ng kamatayan kung ito'y
mapapatunayan, pati na rin sa mga bansang nagpapatupad nito. Ang parusang kamatayan ang
pinakamabigat na hatol kung saan ang gobyerno an may hawak ng iyong buhay ngunit ito'y nakadepende
sa kasalanang iyong nagawa o bigat. Ayon pa kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang muling pagpapatupad
ng parusang kamatayan ay hindi pananakot sa mga krimenal kundi pamabayad sa kanilang kasalanan.
Samantalang may mga opisyal ng gobyerno rin na hindi sang-ayon dito, tulad ni Chito Gascon pinuno ng
CHR, sapagkat ang paniniwala niya kung ipapatupad ang parusang kamatayan ay wala na silang
pangalawang pagkakataon upang magsimula ulit.

Sa kabila nito nangingibabaw pa rin sa iba ang pagpapatupad dito. Sa duma-daming mga
kriminal, rapist, drug , traffickers , mga magnanakaw , mga teroristang walang takot na pumapatay at
gumagawa ng lagim , kidnappers, at carjackers , at ang riding in-tandern kung saan walang awang
pumapatay; Sa kasamaang palad ang kadalasang sangkot dito ay mga pulis.

Ang halimbawa nito mula sa Pang-Masa ang karumal-dumal na pagpatay sa 75-anyos na ina ng
aktres na si Cherry Pie Picache. Hindi lamang ito ang naganap na krimen sa bansa dahil napakarami pang
iba. Nakikita at naririnig natin sa mga pahayagan araw-araw na kung minsan pa'y sa ating mismong lugar
nagaganap. Isninulong ni Sen. Sotto ang pagbabalik ng Death Penalty, ayon sa kanya palubha ng palubha
ang mga krimen sa bansa kaya nararapat lamang na ito’y ibalik ang bitay.

Mula sa mga opiniyon at pahayagan ng mambabatas at ibang opisyal ng gobyerno pati na rin ng
pangkaraniwang mamamayan na pagtitimbang natin ito kung alin ang mabigat at nakabubuti. Sa
pagpapatupad nito maaaring ang kinabukasan ng mga sumusunod na henerasyon ay maisalba mula sa
hindi kanais-nais na nangyayari sa ating lipunan. Pati na rin sa pagkakaroon ng patas na batas sa mga
ibang bansa. Dahil kung naririnig ninyo maraming Pilipino na ang naparusahan at nabitay sa mga
dayuhang bansa subalit ang iba'y nanaaakusahan lamang. At ito'y napakasakit pakinggan. Kaya kung ito'y
maipapatupad sa ating bansa kung sinuman ang makagagawa ng krimen maging pinoy, dayuhan o toresta
ay mapaparusahan ng parusang kamatayan, dahil ang batas ay walang kinikilingan at walang
pinoprotektahan dapat lahat ay patas. Upang pagkakaisa ay makamit.

Kaya’t ibalik ang Death Penalty sa ating bansa upang mabawasan ang krimen na nagaganap sa
ating bansa.
Pagpili sa kursong tatahakin sa kolehiyo

“In every transaction there’s a financial effect” yan ang motto naming noong grade 11 at

hanggang ngayon. Ang napili kung kurso na aking tatahakin ay ang akawntansi o pagtutuos. Ang

akawnting ay ang larangan ng pagsusuri at pagpoproceso ng mga ari – arian ng mga indibidwal,

halimbawa ay sa bangko. Karamihan ng mga akawntant ay makikita sa bangko, pawnshop at iba pa. Sabi

nila madugo ang akawnting sabi ko nasa naman nasa tao yan kung ikaw ay magsisikap at may tiwala sa

sarili makakamit mo ang iyong pangarap, sabi nga nila kung may tiyaga may nilaga. Isa sa Gawain ng

akawntansi ay ang makita kung ano nga ba ang kalagayan o estado ng isang negosyo o organisasyon pang

pinansyal.

Isa sa mga dahilan kung bakit akawntansi ang nais kung kunin sa kolehiyo ay ang tita ko. Sabi

nya madali lang ang trabaho ng isang akawntant pero mahirap mag – aral lalo na pagtungtung mo sa

kolehiyo. Sabi nya darating ka sa punto na gusto mo nang sumuko. Pero hindi ako natakot kailangan ko

maniwa;a sa sarili gaya ng ginagawa ng tita ko para makatapos sa kursong akawntansi at makatulong at

mapalitan ang mga pagsasakripisyo ng mga magulang ko para sa akin.


Kinakatawan ng mga grade 12 na magbigay ng talumpati para sa araw ng pagtatapos ng klase sa
SHS na may temang “Kabataan Mula sa K to 12, Tagapagdala ng kaunlaran sa Bansang Pilipinas.

Ang bawat kabanata ng pagtatapos ng isang mag-aaral ay hudyat ng panibagong


pakikipagsapalaran at umpisa ng mas malaking hamon sa buhay. Kaya naman ay enjoyin nyo ang
pagiging binata o pagkadalaga mo kasi minsan lang yan mangyari. parang kailan lang, kami ng mga ka-
batch ko ang nasa inyong lugar at naghihintay na mapagtibay ang aming pagtatapos. Siyempre, masaya
dahil sa wakas, natapos ang isang yugto ng aming pagsisikap at maipagmamalaki ng aming mga
magulang na nairaos na kami nila sa high school lalo na ngayon dahil nagkaroon pa ng karagdagang
dalawang taon sa high school na ngayon ay tinatawag nila na K-12 porgram ng DepEd. Kami ang
magtataguyod sa bansang ito upang umunlad at magkaroon ng panibagong pondasyon. Kaya nga maging
ang ating pamahalaan ay nagsisikap na pagbutihin pa ang edukasyong ipinagkakaloob sa kabataang
Pilipino. Ipinatutupad ngayon ng gobyerno ang K to 12 system sa paniniwalang ihahanda nito ang mga
kabataan upang mula sa inyong hanay ay umusbong ang mga lider para sa bagong henerasyon.

Sabi ni Pangulong Noynoy Aquino“Naninindigan pa rin po tayo sa ipinangako nating pagbabago


sa edukasyon: ang gawin itong sentral na estratehiya sa pamumuhunan sa pinakamahalaga nating yaman:
ang mamamayang Pilipino. Sa K to 12, tiwala tayong mabibigyang-lakas si Juan dela Cruz upang
mapaunlad — hindi lamang ang kanyang sarili at pamilya — kundi maging ang buong bansa.”

Pero gaya ng lahat ng pagtatapos, may bahid din ng lungkot dahil maaaring magkahiwalay na
kami ng aming mga kaibigan, mami-miss ang mga crush na ‘di na masisilayan aminin n’yo, kayo rin at
siyempre, ang masasayang sandali kasama ang mga mahal nating guro.

Mangarap ka. Pamagat din ‘yan ng pelikula nina Kapusong Mark Anthony Fernandez at Claudine
Barretto na pinanood ko tuwing hapon. Hindi ko itinitigil ang mangarap. Libre naman, saka ang
mahalaga, ‘yung wala kang sinasagasaan. At kapag nangangarap ako, tinataasan ko na. Para kung
bumagsak man ako, medyo mataas-taas pa rin ang bagsak. Yun lamang po at maraming salamat Batch
2017-2018 San Jacinto National Highschool.
Reporter’s Notebook
“Burak at Pangarap”
ni Kara David

Noong May 3, 2014, Nasunog ang isang komunidad sa brgy. Tansuya, Malabon humigit

kumulang isang libong pamilya ang nawalan ng bahay at mga ari-arian. Isa sa mga nasunugan ay ang

pamilya ni Junjun, Labing dalawang taong gulang. Sa ngayon sila ay sumisilong sa isang maliit na tolda

sa gilid ng kalye sa kanilang bayan.

Upang makatulong sa kanyang pamilya si Junjun ay sumisisid at nangangalakal sa isang

maruming sapa na puno ng basura, burak at ibat – iba pang kemikal na maaaring makaapekto sa kaniyang

kalusugan, bukod pa dun maraming mga bakal na nakausli sa ilalim ng sapa. Delikado man ang

ginagawang pagsisid ni Junjun sa maruming sapa pero mahalaga ang kikitain nito sa pagsisid sa

maruming sapa upang matustusan ang gastusin sa bahay at maipagpatuloy ang pangarap ni Junjun.

You might also like