You are on page 1of 1

Ekonomiks 9

1. Ekonomoks- pag-aaral ukol sa produksyon at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo.


2. Demand – ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong nais bilhin ng mamimimli sa iba’t bang
alternatibong produkto sa takdang panahon.
3. Adam Smith – Ama ng klasikong Ekonomiks, Lassez Faire o Let Alone Policy
4. David Ricardo – isang negosyanteng yumaman sa stock market, Batas ng Lumiit na Dagdag na pakinabang
(Law of Dimishing Return)
5. Karl Marx – Teknolohiya ang magiging dahilan ng pagsulong ng isang bansa sa ilalim ng kapitalismo.
6. John Maynard Keynes- makabagong ama ng makroekonomiks
Supply – ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa
ibat ibang presyo sa isang takdang panahon.
Alokasyon – isang paraan upang maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng
pinagkukunang yaman ng bansa.
Konsepto ng Ekonomiks
1. Trade Off – ang pagpili o pagsakripisyo ng isang bagay kapalit ng isang bagay.
2. Opportunity Cost – tumutukoy sa halaga ng isang bagay o ng best alternative na handang ipagpalit
sa bawat paggawa ng desisyon.
3. Incentives – ang pagbabago ng desisyon dulot ng pag-alok ng mas mura, maganda at maraming
pakinabang na bagay o maging serbisyo.
4. Marginal Thinking – ay proseso ng pag-aanalisa sa kung paano ang desisyon ay mas makapagbibigay
ng pinakamalaking ibabalik sa potensyal o resulta kaysa sa gastos.
Kakapusan- limitado ang pagkukunan ng likas na yaman, at walang katapusang pangangailangan ng tao.
Kakulangan – panandaliang kondisyon ng pamilihan.
Marginalism – karagdagang gastos at hindi kabuuang gastos ang gamit sa paggawa ng desisiyon.
Micro-Economiks – pagsusuri ng proseso ng alokasyon ng mga maliliit na bahagi ng ekonomiks
Macro-Ekonomiks – pagsusuri ng proseso ng alokasyon sa malalawak na bahagi ng ekonomiya.
Ceteris Paribus at Prediksyon – sa pagtatantiya ng relasyon sa pagitan ng dalawang varyabol,
ipinagpapalagay na ang iba pang varyabol ay hindi nagbabago.
Kita – pinanggagalingan ng pera ng tao, halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong
kanilang ibinigay.
Market Economy – ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay ginagabayan ng
mekanismo ng malayang pamilihan.
Comand Economy – ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong control at regulasyon ng
pamahalaan.
Mixed Economy – sistemang kinapapalooban ng element ng market economy at command economy.
Monopolyo – uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto at nagbibigay-
serbisyo kung kayat walang pamalit o kahalili.
Oligopolyo- uri ng estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang o iilan lamang na prodyuser ang
nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto at serbisyo.
Price Ceiling – ito ay kilala rin sa katawagan bilang maximum price policy o ang pinakamataas na presyo na
maaring ipagbili ng isang prodyuser.
Price Fllor – kilala bilang price support at minimum price policy na tumutukoy sa pinakamababang presyo
na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo.
Monopsonyo – uri ng pamilihan, mayroon lamang iisang consumer ngunit maraming prodyuser ng
produkto at serbisyo.

You might also like