You are on page 1of 126

CLUSTER 1

GENERAL EDUCATION
FILIPINO
Kakayahang
Linggwistika

Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
DALAWANG KAKAYAHAN SA WIKA
1. Kakayahang Linggwistika (Lingusitic Competence)
– Ang kakayahan ng tao na makabuo ng mga pahayag na may
wastong kayariang pambalarila.

2. Kakayahang Komunikatibo (Communicative

competence)
– Ang kakayahan ng tao na maunawaan at magamit ang mga
pahayag sa wasto o angkop na mga sitwasyon.

2
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
ANG WIKA AY NAHAHATI SA SUMUSUNOD:

1. Ponolohiya – patern o kombinasyon ng mga tunog sa

loob ng isang wika.

2. Morpolohiya – may kinalaman sa pagbuo ng salita.

3. Sintaks – pagbuo at pagpapahaba ng mga

pangungusap.

4. Semantika – may kinalaman sa interpretasyon ng mga

kahulugan ng mga salita at pangungusap.

3
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
ALFABETONG FILIPINO
May 28 letra

Tulad din ng bigkas sa Ingles maliban sa letrang ñ na

bigkas Kastila

Ang mga letrang pangkatinig ay: Bb, Cc, Dd, Ff, Gg, Hh,
Jj, Kk, Ll, Mm, Nn, Ññ, NGng, Pp, Qq, Rr, Ss, Tt, Vv,
Ww, Xx, Yy at Zz

Ang mga patinig sa wikang pambansa ay kinakatawan

ng mga letrang: Aa, Ee, Ii, Oo at Uu.

4
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
EBOLUSYON NG ALPABETO
A. ALIBATA
– palabaybayang hatid ng Malayo-Polinesyo
– binubuo ng 17 titik (3 patinig; 14 katinig)
– gumamit ng simbolo at hindi mga letra

B. ABECEDARIO (Panahon ng Kastila)

– tinuruan ang mga Pilipinong sumulat sa pamamagitan ng
panitikang Romano upang mapalaganap ang Doctrina
Christiana
– 30 titik
– ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ + ll, rr, ch, ny

5
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
EBOLUSYON NG ALPABETO
C. ALPABETONG INGLES (Panahon ng Amerikano)
– 26 na titik (5 patinig; 21 katinig)
– ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ

D. ABAKADA
– batay sa Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos
– 20 titik (5 patinig, 15 katinig)
– ABKDEGHILMNNgOPRSTUWY

6
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
EBOLUSYON NG ALPABETO
E. ALPABETONG PILIPINO (1987)
– 28 titik (5 patinig; 23 katinig)
– ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ + Ñ Ng

F. ALPABETONG FILIPINO (2001 Revisyon)

– 28 titik (5 patinig; 23 katinig)
– ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ + Ñ Ng

7
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PONOLOHIYA

 Tinatalakay sa ponolohiya ang mga tunog sa isang
wika.

 Ang mga alintuntunin sa pagkasunod-sunod ng mga

ito, ang pagpapantig, at ang mga proseso na
nagaganap sa mga ponema dahil sa mga katabi nitong
ponema, o iba pang dahilan.

 Ang bawat wika ay may kabuuang imbentaryo sa

lahat na tunog na ginagamit nito.

9
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
MGA PRINSIPAL NA SANGKAP SA PANANALITA

1. Enerhiya – nilikhang presyon ng papalabas na

hiningang galing sa baga.

2. Artikulador – nagpapakatal sa mga babagtingang

pantinig (Vocal)

3. Resonador – nagmomodipika ng tunog. Ang bibig at

guwang ng ilong ang itinuturing na mga resonador.

10
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
KATINIG AT PATINIG
Mga katinig:
Panlabi – B, P, M
Pangipin – D, N, T
Panggilagid – L, R, S
Pangngalangala – K, G, Ng, W
Pasutsot – H

Mga Patinig:
A, E, I, O, U

11
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PONEMANG SEGMENTAL
Mga tunog na may katumbas na letra upang mabigkas.

1. Ponema – Ang wikang Filipino ay may 21

ponema (15 ang katinig, 5 patinig, at ang
glotal o impit na tunog).

2. Notasyong ponetik o ponemik

12
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
NOTASYONG
PONETIK – PARES MINIMAL
Ito ay mga pares na salita na magkakatulad
ang bigkas maliban sa isang ponema at dahil
dito ay nagbabago ang kahulugan

Maaaring nasa unahan, gitna o hulihan ang

ponemang iyon.

Hal. Pala – bala, titik – titig, sipag – hipag

Tela – tila, mesa – misa, diles -riles

13
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
DIPTONGGO
Bunga ng kombinasyon ng mga katinig na
sinusundan ng malapatinig ang diptonggo.

Kabilang dito ang iw,ey,iy,aw,oy,uy

Hal. Aliw, giliw, aruy, eywan, totoy, aray,

sabaw

14
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
ARKIPONEM
Tinatawag na arkiponem ang mga simbolong
/I/ o /U/ na maaaring sa pagsulat o pagbikas
ay nagkakapalitan ang /e/ at /i/.

– lalake – lalaki

15
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
SILABIKASYON
 Sa larangan ng pantig, mahahati sa dalawang uri ang
pantig: KP, KPK. Sa pagkakaroon ng klaster ang
pagpapantig ay magiging KKP, PKK AT KKPK o KPKK.

KP + KPK ba-hay
KKP tsi-ne-las
PKK eks-tra
KKPK trak
KPKK nars
KKPKK trans-por-tas-yon

16
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
KLASTER
Ang klaster (kambal-katinig) ay ang magkakabit
na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig.
Matatagpuan ito sa lahat ng posisyon ng pantig:
sa unahan at sa hulihan.

/w/ /y/ /r/ /l/ /s/

/p/ pwersa pyano premyo plato
/t/ katwiran batya litrato kutsara
/k/ kweba kyosko krisis klase
/b/ bwelta gobyerno libro blusa

Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
KLASTER
/w/ /y/ /r/ /l/ /s/
/d/ dwende dyalogo droga
/g/ gwantes gyera grasya glorya
/m/ mwebles myembro
/n/ nwebe banyo
/l/ lwalhati lyab
/r/ rweda dyaryo
/s/ swerte syampu
/h/ Hwes relihiyon

Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PONEMANG SUPRASEGMANTAL

 Mga tunog na hindi tinutumbasan ng letra sa

pagsulat.

 Tinutumbasan lamang ng simbolo upang

matukoy ang paraan ng pagbigkas.

19
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PONEMANG SUPRASEGMANTAL
1. Tono o pitch – Ito ay tumutukoy sa taas-baba ng bigkas
ng pantig ng isang salita.

2. Haba o length – ito ay haba ng bigkas ng patinig ng

pantig.

3. Diin o stress – ito ay lakas ng bigkas ng pantig.

4. Antala o juncture – ito ay saglit na pagtigil na ating

ginagawa sa ating pagsasalita.

20
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Halimbawa (Diin)
1. kasa. ma – companion
2. kasama- tenant
3. magnana.kaw – thief
4. magna. na. kaw – will steal
5. magna.nakaw – will go on stealing

HALIMBAWA (Antala)
– Hindi malaki – It’s not big
– Hindi, malaki – No, it’s big

21
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
MORPOLOHIYA

• Ang morpolohiya ay pag-aaral ng mga morpema ng
isang wika.

• Ito ay sistema ng pagsasama-sama ng mga morpema sa

pagbuo ng mga salitang isang wika.

• Ang morpolohiya ay tumatalakay sa mga proseso at

mga alituntunin sa pagbubuo ng mga salita sa isang
wika.

23
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
MORPEMA
Ang morpema ang pinakamaliit na bahagi ng wika na
nagtataglay ng sariling kahulugan.

Hindi ito dapat ipagkamali sa pantig na likha ng mga

salita kung isinusulat o ang bawat saltik ng dila kapag
binibigkas.

Maraming mga pantig ang walang kahulugan sa sarili

kaya hindi maaaring tawaging morpema.

24
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
MORPEMA
Ang morpema ay maaaring isang salita o bahagi
lamang ng isang salita.

Ang mga pantig ay maaring pagsamasamahin upang

makabuo ng mga morpema.

Ang morpema ay ang isang kombinasyon ng ponema

na may kahulogan.

25
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
MORPEMANG PANLAPI
 Ito ay tinatawag na di malayang morpema.

 Kailangan nito ng ibang morpema gaya ng

salitang ugat upang magkaroon ng kahulugan.

Hal. Ma + ganda = Maganda

26
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
MORPEMANG PANLAPI
Malayang morpema.

Payak na salitang walang panlapi.

Ang salitang-ugat ay nagtataglay ng sariling

kahulugan.

Hal. Tao, bagay, bundok/ tamad, pula, ganda

27
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
MORPEMANG
BINUBUO NG ISANG PONEMA

Hal. Senador - senadora

28
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PAGBUBUO NG SALITA - PAGLALAPI

1. Unlapi
2. Gitlapi

3. Hulapi

4. Kabilaan – panlaping nasa unahan at hulihan

5. Laguhan – panlaping nasa unahan, gitna at hulihan

ng Salitang-ugat

29
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PAG-UULIT
1. Di-ganap o parsyal – kung inuulit lamang ang unang
pantig ng salitang-ugat.
Hal. asa – aasa, takbo – tatakbo, lima – lilima

2. Ganap – kapag inuulit ang buong salitang-ugat.

Hal. araw – araw-araw

3. Magkahalong di-ganap at ganap – inuulit ang isang

bahagi at kabuuan ng salita.
Hal. Takbo – tatakbu-takbo

30
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PAGTATAMBAL
Nabubuo ang ibang salita sa pagtatambal ng
dalawang salitang-ugat, maaaring may linker o
walang linker ang isang salitang-ugat.

Hal. Hampas + lupa – hampaslupa

dalaga ng bukid – dalagang-bukid

31
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PAGBABAGONG MORPONEMIKO
Ang pagbabagong morpoponemiko ay nagaganap
dahil sa mga sumusunod:

1. Impluwensiya ng kaligiran

2. Upang maging madulas ang pagkakabigkas

3. Dahil ang wika ay matipid.

33
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
ASIMILASYON
 Ito ay uri ng pagbabagong morpoponemiko na kung
saan nagaganap ang pagbabago ng ponema dahil sa
impluwensiya ng kasunod na ponema.

 Umaayon ang tunog sa katabing tunog nito.

 Pagbabagong kinapapalooban ng panlaping ng dahil

sa impluwensiya ng kasunod na katinig nito.

34
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
Pang -, Mang-, pam-,mam-,kasim- pan-,man-,kasin-
Kasing
a,e,i,o,u,k,g,h, p,b d,l,r,s,t
m,n,w,y

Pangaltar Pambansa Pandulaan

pangehersisyo pambaranggay panlaro
pangkuha mambobola manligaw
manggagamot mambutas mandaya
mang-api kasimbago kasinlaki
kasingganda kasimputi kasintalino
kasinghaba

7/26/2011 35
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PAGPAPALIT NG PONEMA
Napapalitan ang ponema sa pagbubuo ng mga
salita at kung minsan nagkakaroon din ng
paglilipat diin.

Hal. Madunong – marunong

madami - marami

36
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PAGLILIPAT DIIN
Nagaganap ang paglilipat diin kung ang
pangngalan ay nilapian at naging pandiwa.

Hal. Sabit – sabitan

sulat – sulatan

37
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
METATESIS
 Paglilipat ng lugar ng ponema.

 Kapag ang salitang ugat ay nagsisimula sa /l/

o /y/ at ginigitlapian ng -in- nagkakalapit ang
posisyon ng /i/ at /n/ kaya nagiging /ni/

Hal. -in- + luto > niluto, hindi linuto

-in- + yakap > niyakap, hindi yinakap

38
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
METATESIS
Atip + -an > atipan > atpan > aptan
tanim + -an >taniman > tanman > tamnan

 Bukod sa may kaltas (ang pagkawala ng i)

nagpalit ang posisyon ng dalawang
magkatabing katinig na t at p sa atipan at m at
n sa taniman

7/26/2011 39
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PAGKAKALTAS NG PONEMA
Pagkawala ng isang ponema sa gitna o
hulihan ng salita.
Unahan: ipaki + abot > ipakiabot > pakiabot

Gitna: bukas +an > bukasan > buksan

Huli: tingin + an > tinginan > tingnan > tingni

40
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PAG-AANGKOP/
PAGPAPAIKLI NG SALITA
Pagsasama ng dalawnag salita at nagpapahayag
ng kabuuang diwa ng dalawang salita. May
pagkakaltas pa ring kasama rito.

Hal. Tingnan + mo > tamo

hintay + ka > teka

41
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PAG-AANGKOP/
PAGPAPAIKLI NG SALITA
Paglalagom ng mga salita o pagsasama-sama ng
mga salita.

Hal. Tapsilog
Punlay
Banyuhan

42
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
SINTAKS

SALITA
Yunit ng wika na nagdadala ng kahulugan.

Paraan ng Pagbuo ng Salita

1. Payak – salitang ugat (basa)
2. Maylapi – salitang ugat at panlapi (magbasa)
3. Inuulit – kapag ang salitang ugat ay inuulit (araw-
araw)
4. Tambalang Salita – dalawang magkaibag salitang
pinagsama upang makabuo ng bagong kahulugan
(hampaslupa)
44
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PARIRALA
Lipon ng salita na walang diwa.
1. Pang-ukol – binubuo ng pang-ukol at layon (sa Cebu)
2. Pawatas (neutral) – binubuo ng pantukoy at pawatas
na pandiwa; may panlapi: um, mag, ma, mang, i, ibig,
punla, tuto, kikayat, ibigay (umibig sa kapwa)
3. Karaniwang nagsisimula sa pang-abay o pantukoy o
pang-uri o pangngalan (malaking tirahan)
4. Pangngalang-diwa – binubuo ng pantukoy at
pangngalang-diwa ; pag + salitang ugat (pagdiskubre
ng)

45
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
SUGNAY
May simuno at panaguri na maaring may buong diwa o
hindi (clause).

1. Makapagiisa – may simuno at panaguri na may diwa

(naglaba siya)
2. Di-makapagiisa – may simuno at panaguri ngunit
walang buong diwa(dahil siya ay mayabang)

46
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PANGUNGUSAP
SIMUNO
bahaging pinagtutuunan ng pansin sa pangungusap.

PANAGURI
bahaging nagbibigay impormasyon sa paksa.

47
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
URI NG PANGURI
PANAGURING PANGNGALAN
Tungkol sa nakaraang eleksiyon ang balita ngayon.

PANAGURING PANGHALIP
Sila ang mga nanalo sa nakaraang eleksiyon.

PANAGURING PANG-URI
Mainam sa kalusugan ang page-ehersisyo.

48
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
URI NG PANGURI
PANAGURING PANDIWA
Naglaan ng pondo ang opisyal.

PANAGURING PANG-ABAY
Bukas na ang dating ng mga hurado.

49
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
URI NG PAKSA/SIMUNO
PAKSANG PANGNGALAN
Naghihintay ng ulan ang mga magsasaka.

PAKSANG PANGHALIP
Gumagawa sila ng mga tarpaulin para sa halalan.

PAKSANG PANG-URI
Ang magaganda ay laging napapansin ng lahat.

PAKSANG PANDIWA
Ang nag-aaral ay huwag mong istorbohin.

50
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PAKSANG PARIRALA
PARIRALANG PAWATAS
Nakakaaliw ang paghuni ng ibon sa kagubatan.

PARIRALANG PANG-UKOL
Ang para sa amin ay para sa inyo na rin.

51
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PAKSANG PARIRALA
SIMUNONG TAMBALANG SALITA
Talagang kahanga-hanga ang makatao, maka-Diyos at
makabayan.

SIMUNONG TAMBALANG PARIRALA

Libangan ng maraming Pilipino ang magbasa ng
magasin at manuod ng pelikula.

52
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PAMPALAWAK NG PANGUNGUSAP
Ang simuno at panaguri ay binubuo ng mga maliliit na
salita na pinagsama-sama upang makabuo ng
pangungusap.

Maaari pang mapalawak ang mga pangungusap sa

pamamagitan ng pagdaragdag ng iba pang maliliit na
bahagi.

53
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PAMPALAWAK NG PANGUNGUSAP
Pagpapalawak sa pamamagitan ng MGA PANINGIT
O INGKLITIK
Alam mo ba ang dahilan ng kanilang paghihiwalay?

Pagapapalawak sa pamamagitan ng KARANIWANG

PANGUNGUSAP
Ang guro ay mahusay.
Ang magandang guro ay mahusay.

54
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
SINTAKS
 Pag-aaral ng pagbubuo ng mga pangungusap
o sentens.

 Dalawang uri ng pangungusap:

1. Pagpapanaguri/Predikeytib
2. Di-pagpapanaguri/Non-predikeytib

55
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PAGPAPANAGURI
Pangungusap na may simuno/sabjek/tapik/paksa
at panaguri/koment/predikeyt.

SIMUNO – pinag-uusapan

PANAGURI – nagsasaad ng tungkol sa simuno.

56
7/26/2011 56
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PANGUNGUSAP
 Sa linggwistika, ang pangungusap ay lipon ng
mga salita na nagpapahayag ng buong diwa.

 Binubuo ito ng panlahat na sangkap, ang

panaguri at ang paksa subalit buo ang diwa.

57
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
MGA AYOS NG PANGUNGUSAP
 May dalawang ayos ang pangungusap:
karaniwan at di-karaniwan.
 Kung panaguri ay nauuna kaysa simuno, ang
pangungusap ay nasa karaniwang ayos; at kung
ang simuno naman ang nauuna kaysa sa
panaguri, ang pangungusap ay nasa di-
karaniwan ayos.
 Ang panandang "ay" ay kadalasang makikita sa
mga pangungusap na nasa di karaniwang ayos.

58
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
MGA AYOS NG PANGUNGUSAP
Karaniwan:
Bumili ng bagong sasakyan si Elsie.

Di- Karaniwan:
Si Elsie ay bumili ng bagong sasakyan.

59
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
DI-PAGPAPANAGURING PANGUNGUSAP

Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PENOMENAL
Nagsasaad ng kalagayan ng panahong dulot ng
kalikasan.
Umuulan.
Umaaraw.
Lumilindol.
Mainit.
Maginaw.
Madilim.

61
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
TEMPORAL
Nagsasaad ng kalagayang panandalian o
panahunan lamang.
Bukas na.
Taglagas na.
Tagtuyot na.
Tagsibol doon.
Mayo na.
Pasko na.
Linggo na.
62
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
EKSISTENSYAL
Nagpapahayag ng pagkamayroon o wala.

Mayroon daw ganito roon.

May pangulong babae.

Walang dumating.

63
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PAGHANGA
 Nagpapahayag ng damdaming paghanga.

 Ginagamitan ito ng panlapi para sa

kaantasang pasukdol na napaka, ng kay at ng
ang na sinusundan ng salitang ugat.

Kayganda ng babaing iyun!

Napakaganda ni Gemma!

64
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
SAMBITLA/PANDAMDAM
Tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing
pantig na nagpapahayag ng matinding
damdamin.
Aray!
Naku!
Aba!
Saklolo!
Holdaper!

65
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PAMANAHON
Nagsasaad ng oras o uri ng panahon.

Maaga pa.

66
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PORMULARYONG PANLIPUNAN/
AMENIDAD
Mga pagbati, pagbibigay-galang, atbp. na
nakagawian na sa lipunang Pilipino.

Magandang umaga po.

Salamat po.
Walang anuman.

67
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
AYON SA GAMIT

Ang pangungusap ay may apat na uri ayon
tungkulin, ito ay:

A. Pasalaysay
B. Patanong
C. Pautos
D. Padamdam

69
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PATUROL
 Ang paturol na pangungusap ay tinatawag ding
pasalaysay.

 Ito’y nagsasalaysay ng isang katotohanan o pangyayari.

 Ito ay binabantasan ng tuldok.

 Halimbawa:
Si Jose Rizal ay kinikilalang bayani ng ating lahi.
Magkikita-kita ang aming pamilya sa pagdating
ni Rene.

70
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PATANONG
 Ang pangungusap na patanong ay nagpapahayag ng
pagtatanong o pag-uusisa.

 Ito’y gumagamit ng tandang pananong.

 Halimbawa:

Tutuloy ba kayo kina Tess at Lito pagdating sa

New York?
Sasama na ba ang mga bata sa pamamasyal?

71
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PAUTOS
Ang pangungusap na pautos ay nagpapahayag
ng pag-uutos o nakikiusap. Ito’y gumagamit ng
tuldok tulad ng pasalaysay.

Halimbawa:
Sagutin mo agad ang liham ni Joy.
Dalhin mo ang gamot sa ospital.

72
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PADAMDAM
 Ang pangungusap na padamdam ay nagpapakilala ng
isang matinding damdamin ng pagkabigla, pagkainis o
pagkagalit.

 Ito’y gumagamit ng tandang pandamdam.

 Halimbawa
Naku! Binasag mo pala, ang mamahaling plorera.
Kay ganda ng bansang Pilipinas!

73
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
AYON SA KAYARIAN

Ang pangungusap ay may apat na kayarian:

A. Payak
B. Tambalan
C. Hugnay
D. Langkapan

75
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PAYAK
 Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng
iisang kaisipan, maaaring tambalan ang simuno
at panaguri na pinag-uugnay ng at.

 Halimbawa:
Mega star si Sharon.
Mang-aawit si Lea at Charice.
Artista at mang-aawit si Sharon.
Artista at mang-aawit sina Lea at Sharon.

76
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
Ilan pang mga halimbawa:

Ang pamahalaan ay masigasig sa mabilisang

pagsugpo ng kriminalidad sa bansa.

Ang mga lalaki at babae ay naghahanda ng

palatuntunan para sa darating na pista.

Ang aming pangkat ay naglinis ng mga kalye at

nagpinta ng mga pader sa paaralan.

Ang mga guro at mag-aaral ay aawit at sasayaw

para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

77
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
TAMBALAN
 Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawa o
higit pang sugnay na makapag-iisa. Samakatuwid ay
nagpapahayag ng dalawang diwa at pinag-uugnay ng at,
ngunit, datapwat, subalit.

 Mga Halimbawa:
Mega star si Sharon at International star si Lea.
May kapansanan siya subalit napaglabanan
niyang lahat ang pagsubok sa buhay.
Matanda na siya datapwat malakas pa ang tuhod
niya.
78
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
Ilan pang halimbawa:

Nagtatag ng isang samahan sina Arnel at agad

silang umisip ng magandang proyekto para sa
mga kabataan ng kanilang pook.

Maraming balak silang gawin sa Linggo:

magpapamigay sila ng pagkain sa mga batang
lansangan, magpapadala sila nga mga damit sa
mga batang ulila saka maghahandog sila ng
palatuntunan para sa mga maysakit sa gabi.

79
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
HUGNAYAN
 Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng
isang sugnay na makapag-iisa at isa o dalawang
sugnay na di-makapag-iisa.

 Pinangungunahan ng kung, kapag, samantala,

habang, sapagkat, upang, nang, pagkat, dahil sa.

 May simuno at panaguri ang sugnay tulad ng

pangungusap ngunit bahagi lamang ito ng
pangungusap.

7/26/2011 80
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
Halimbawa:

Kung may pananalig ka sa sarili,

magtatagumpay ka.

Samantalang nasa isip mo iyon walang

mangyayari sa buhay mo.

Kilalanin natin ang katangian ng ating bansa

nang maipagmalaki natin ito.

81
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
Halimbawa:

Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka

sa mga pangaral ng inyong magulang.

Ang batang putol ang mga kamay ay

mahusay gumuhit.

Ang manggagawang ginantimpalaan dahil sa

kanyang kasipagan sa pagtatrabaho sa
kompanya ay nanay ni Randy.

82
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
LANGKAPAN
 Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng
dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa
at isa o mahigit pang sugnay na di-makapag-iisa.

 Halimbawa:
Ang buhay sa mundo ay pansamantala
lamang at may hangganan din ang lahat ng
bagay kaya't dapat na tayo ay magpakabuti
upang makamit ang kaligayahan sa
kabilang buhay.
83
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
Dumating na ang panahon ng taggutom at ang
kanilang ama ay nababahala kung saan sila
kukuha ng pagkain.

Pinatawad ni Joseph ang mga kapatid at sila’y

sama-samang umuwi upang makasama muli
ang kanilang ama.

84
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
BAHAGI NG PANANALITA

PANGNILALAMAN PANGKAYARIAN
1. Mga Pang-ugnay
1. Mga Nominal
a. Pang-angkop
a. Pangngalan
b. Panghalip b. Pangatnig
2. Pandiwa c. Pang-ukol
3. Panuring 2. Mga Pananda
a. Pang-uri a. Marker
b. Pang-abay b. Panandang
Pampanaguri

86
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
BAHAGI NG PANANALITA: PANGNILALAMAN

Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PANGNGALAN
 Mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay,
pangyayari.
 Ito ay ginamit sa pagtawag sa pangalan ng mga
hayop, tao, atbp.
a. Marker: Nominatib, posesib, obkektib
b. Kaurian: Pambalana at pantangi
c. Kailanan: Isahan, dalawahan, maramihan
d. Kasarian: Panlalaki, pambabae

88
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PANGHALIP
Paghalili sa pangngalan.

Hal. ako, ikaw, siya, atin, amin, kanya.

a. Panao – ako, kita, tayo, siya, sila

b. Pamatlig/demontratib – ito, iyan, iyon, nito,
niyan, niyon, dito, diyan, doon
c. Pananong/Iterogatib – sino, kanino, para kanino
d. Panaklaw/Indepinit – sinumna, gaanuman,
alinman

89
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PANDIWA
 Binubuo ng salitang-salitang ugat at
panlaping makadiwa ang pandiwang
nagsasaad ng kilos.

 Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika

ng pandiwa sa simuno o paksa ng
pangungusap.

 Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na

panlapi ng pandiwa.
90
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
POKUS NG PANDIWA
Nagkakaroon ng iba’t ibang pokus ang
pandiwa ayon sa kung ano ang kaganapan ng
pandiwa sa pusisyong pampanitikan o
pansimuno ng pangungusap.

Halimbawa, kapag ang kaganapang tagaganap

ay ginawang paksa o simuno, ang pokus ng
pandiwa ay pokus ng tagaganap.

91
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
POKUS NG PANDIWA

1. Aktor pokus 5. Lokatib pokus

2. Gol pokus 6. Kawsatib pokus
3. Benepaktib pokus 7. Instrumental pokus
4. Direksyunal pokus 8. Resiprokal pokus

92
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
POKUS NG PANDIWA

Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
1. POKUS AKTOR/TAGAGANAP
 Ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap
kapag ang paksa ng pangungusap ang
tagaganap ng kilos na isinasaad sa pandiwa.

 Halimbawa – Kumain ng suman at

manggang hinog ang bata.

(Ang bata ay kumain ng suman at manggang

hinog.)‫‏‬

94
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
2. POKUS SA LAYON/GOL
 Ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung
ang layon ay ang paksa o ang binibigyang-diin
sa pangungusap.

 Halimbawa – Kinain ng bata ang suman at

manggang hinog.

(Ang suman at manggang hinog ay kinain ng

bata.)‫‏‬

95
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
3. POKUS SA TAGATANGGAP/
BENEPAKTIB
 Ito naman ay tumutuon sa tao o bagay na
nakikinabang sa resulta o kilos na isinasaad ng
pandiwa.

 Halimbawa – Ibinili ko ng ilaw na maganda

ang pinsan kong nagbalikbayan.

(Ang pinsan kong nagbalikbayan ay ibinili ko ng

ilaw na kapis.)‫‏‬
96
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
4. POKUS SA GANAPAN/LOKATIB
 Ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung
ang paksa ay ang lugar o ganapan ng kilos.
 Halimbawa – Pinagtamnan ng gulay ng
aming katulong ang bakuran.
( Ang bakuran ay pinagtamnan ng gulay ng
aming katulong )‫‏‬

97
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
5. POKUS SA KAGAMITAN/
INSTRUMENTAL
 Ito ay tumutukoy sa kasangkapan o bagay na
nakikinabang sa resulta ng kilos o pandiwa na
siyang paksa ng pangungusap.

 Halimbawa – Ipinampunas ko ng mga

kasangkapan ang basahang malinis.

( Ang basahang malinis ay ipinampunas ko ng

mga kasangkapan. )‫‏‬
98
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
6. POKUS SA SANHI/KUSATIB
 Ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang
paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng
kilos.
 Halimbawa – Ipinagkasakit niya ang labis na
pagkababad sa ulan.

( Ang labis na pagkababad sa ulan ay

ipinagkasakit niya. )‫‏‬

99
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
7. POKUS SA DIREKSYON/
DIREKSYUNAL
 Pinagtutuunan ng pandiwa ang direksyon o
tinutungo ng kilos.

 Halimbawa – Pinagpasyalan ko ng aking

mga panauhing kabilang sa Peace Corps ang
Tagaytay.

( Ang Tagaytay ay pinagpasyalan ko ng aking

mga panauhing kabilang sa Peace Corps. )‫‏‬

100
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
7. POKUS SA DIREKSYON/
DIREKSYUNAL
Halimbawa – Pinuntahan nila ang Laguna.
Puntahan mo ang kusina.

101
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
8. RESIPROKAL POKUS

 Kapag ang tinutukoy ang gumaganap at

tumatanggap ng kilos ang pokus.

 Halimbawa
Nagmamahalan ang mag-asawa.
Nagsuntukan ang magkalaban.
Nag-iibigan sina KC at Piolo.

102
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
ASPEKTO NG PANDIWA

1. PERPEKTIBO O PANGNAGDAAN
Ginanap na o natapos na

2. IMPERPEKTIBO O PANGKASALUKUYAN
Ginaganap at hindi pa natatapos

3. KONTEMPLATIBO O PANGHINAHARAP
Gaganapin o hindi pa nasisimulan ang kilos.

104
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
URI NG PANDIWA AYON SA KAUKULAN

1. PAYAK
Ito ay ipinalalagay na ang simuno.
Halimbawa: Lubos na masiyahan ang mga may tiyaga sa buhay.

2. KATAWANIN
Ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap.
Halimbawa: Ang masipag at determinado ay nagtatagumpay.

3. PALIPAT
Ito ay may simuno at tuwirang layon.
Halimbawa: Naglinis ng silid si Juan.

105
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
MGA URI NG PANDIWANG
DI-KARANIWAN
1. MAYKALTAS - Ito ay kapag may titik o pantig na kulang sa
salita. Kunin (kuhanin), damhin (damahin), bathin (bati-hin)

2. MAYLIPAT - Ito ay may titik na nag-iiba ng lunan sa loob ng

salita. Tupdin (tuparin), tamnan (taniman) , sidlan (siliran)

3. MAYPALIT - Ito ay kapag mayroong isa o dalawang titik na

napalitan ng iba. Hagkan (halikan), datnan (datingan), tawanan
(tawahan)

4. Metatesis - (pagkakaltas + paglipat)

– mangtahi = mananahi
– mambato = mamato
106
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PAGKAKAISA NG
SIMUNO AT PANDIWA
Ang simunong nasa kailanang isahan ay
nangangailangan ng pandiwang isahan din.
Halimbawa: Si Tonio ay naglalakbay sa kahabaan ng Edsa.

Ang simunong nasa kailanang maramihan ay

humihingi ng pandiwang maramihan din.
Halimbawa: Sina Tonio at Juan ay nagsipagtapos sa kolehiyo.

107
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
MGA GAMIT NG
PANGNGALANG PANDIWA
Ang pangngalang-pandiwa ay binubuo ng panlaping pag-
at salitang ugat.
– pag + sukat = pagsukat
– pag + tulong = pagtulong

1. Bilang Simuno ng Pangungusap

Ang pagtulong sa kapwa ay pinagpapala.

2. Tuwirang Layon sa Pandiwa

Si Dexter ay mahilig sa paglalaro ng volleyball.

108
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
MGA GAMIT NG
PANGNGALANG PANDIWA
3. Bilang Kaganapang Pansimuno
Halimbawa:
Ang susi sa tagumpay ay pagtitiis.

4. Bilang Di-tuwirang Layon

Halimbawa:
Si Andrew ay magtatayo ng paaralan ukol sa pagtuturo ng
Ingles.

109
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PANG-URI
Mga salitang-ugat na nagpapahayag ng katangian o
mga salitang naglalarawan.
1. Kaantasan: lantay, pahambing, pasukdol

2. Kailanan: Isahan, maramihan

3. Pamilang: patakaran/kardinal, panunuran/ordinal,

pamahagi, palansak (isa-isa), patakda (iisa)‫‏‬

110
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PANG-ABAY
Pang-abay: nagbibigay-buhay sa pandiwa, pang-uri
o kapwa pang-abay
1. Pamanahon – nagsasaad ng panahon ang uring ito
(kailan).

2. Panlunan – pook o lunang kinaroroonan o

pinaggampanan ng kilos (saan o nasaan).

3. Pamaraan – kung paano ginaganap ang kilos (paano).

4. Pang-gaano – kalidad ng ipinapahayag ng kilos (gaano).

111
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PANG-ABAY
A. Kataga // Ingklitik: mga katagang sumusunod
sa unang salita ng pangungusap
man, kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy, lamang //
lang, din // rin, ba, pa, muna, pala, na, naman, daw //
raw

B. Pamanahon: sumasagot sa tanong na kailan

ginanap, ginaganap o gaganapin ang sinasabi ng
pandiwa sa pangungusap

112
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PANG-ABAY
C. Pamaraan: sumasagot sa tanong na paano
ginanap, ginaganap o gaganapin ang isang kilos

D. Pang-agam: nagsasaad ng pag-aalinlangan o

walang katiyakan
– tila, marahil, baka, wari, siguro

E. Kundisyunal: nagsasaad ng kundisyon para

maganap ang kilos
– kung, kapag, pag, pagka

113
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PANG-ABAY
F. Panang-ayon: nagsasaad ng pagsang-ayon
– oo, opo, tunay, talaga

G. Pananggi: nagsasaad ng pagtanggi

– hindi, di, ayaw, huwag

H. Panggaano: nagsasaad ng sukat o timbang

114
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
BAHAGI NG PANANALITA: PANGKAYARIAN

Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PANGATNIG (CONJUNCTION)‫‏‬

 Ito ay ginagamit para ipakita ang relasyon ng

mga salita sa pangungusap.

 Mga kataga o salitang nag-uugnay ng isang

salita o kaisipan sa isa pang salita o kaisipan
sa isang pangungusap
Hal. dahil, maging, man, gawa ng, upang,
nang, para, samatala atbp.

116
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PANGATNIG (CONJUNCTION)‫‏‬

A. Pamukod: ginagamit upang itangi ang isa

sa isa pang bagay
ni, maging, o, at, pati, saka

B. Paninsay // Pasalungat: ginagamit sa

pagsasaad ng kasalungat
subalit, datapwat, bagama’t, ngunit, bagkus

117
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PANGATNIG (CONJUNCTION)‫‏‬

C. Panubali // Panlinaw: nagsasaad ng panubali o

pasakali
kung, kapag, pag

D. Pananhi: tumutugon sa tanong na bakit;

nagsasaad ng dahilan
sapagkat, dahil sa, palibhasa, kasi, kaya

118
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PANG-UKOL (PREPOSITION)
Mga katagang iniuugnay sa lugar, direksyon at
kinauukulan. Nagsasaad ng kaugnayan ng
pangngalan o panghalip sa ibang salita sa
pangungusap.
Hal. Ayon sa, alinsunod sa, ukol sa, laban sa, para
sa, ukol sa, laban sa, alinsunod sa, labag sa, ayon
sa, batay sa, tungkol sa, sang-ayon sa, ukol kay //
kina, para kay // kina, laban kay // kina

119
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PANG-ANGKOP (LINKER)
 Dalawa ang anyo ng linker: na at ng

 Ginagamit ang na kapag ang salitang iniuugnay

ay nagtatapos sa katinig maliban sa n.

 Ang ng ay ginagamit kapag ang salitang iuugnay

ay nagtatapos sa patinig.

Hal. Banig na plastik

bolang kristal

120
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PANG-ANGKOP (LINKER)
Pang-angkop: mga katagang nag-uugnay sa
panuring at salitang tinuturingan
A. na: ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos
sa katinig maliban sa n; ito ay hindi ikinakabit sa
salita
B. -ng: ginagamit kapang ang unang salita ay
nagtatapos sa patinig; ito ay ikinakabit sa unang
salita
C. -g: ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos
sa katinig na n; ito ay ikinakabit sa unang salita

121
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
PANANDA
Mga marker: ang, ng, sa, ay
ay – panandang pampredikeyt (matatagpuan
lamang ito kung hindi normal ang ayos ng
pangungusap.
Pantukoy – mga katagang laging nangunguna sa
pangngalan o panghalip na ginagamit na
simuno.
Hal. si/sina, ang/ang mga

122
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
SEMANTIKA

Sistema ng pagbibigay ng kahulugan sa mga
pangungusap.

Nauugnay ito sa pag-aaral ng kahulugan ng wika.

124
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
MGA URI NG KAHULUGAN
1. DENOTASYON – tumutukoy sa literal na
pagpapakahulugan sa grupo ng mga salita o
pangungusap. Ito ay ang kahulugang
matatagpuan sa diksyunaryo.
2. KONOTASYON – tumutukoy sa di-literal na
pagpapakahulugan sa grupo ng mga salita o
pangungusap. Ikalawang kahulugan na
ikinakapit sa salita. Ang konteksto ng kahulugan
ay iba sa nakaugalian o nakagawian na.
125
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.
MGA URI NG KAHULUGAN
3. SINONIM – salitang may magkatulad o magkaugnay na
kahulugan.

4. ANTONIM – salitang may magkasalungat ang

kahulugan.

5. POLISEMI – mga salitang may dalawa o mahigit pang

kahulugan na magka-ugnay.

6. HOMOFON – salitang magkapareho ng tunog o anyo

subalit magkaiba ang kahulugan.

126
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2011 My Review Coach of Philippines.

You might also like