You are on page 1of 92

CLUSTER 3

GENERAL EDUCATION
FILIPINO

Panitikan

Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
TAYUTAY

Ang tayutay ay salita o isang pahayag na
ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o
damdamin.

Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng

talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng
pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang
saloobin.

3
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
1. SIMILI O PAGTUTULAD
Di tiyak na paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga
salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila,
sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito
ay tinatawag na Simile sa Ingles.

Ang kaniyang kutis ay mamula-mula katulad ng

rosas.

4
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
2. METAPORA O PAGWAWANGIS
Tiyak na paghahambing ngunit hindi na
ginagamitan ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng
paghahambing na nakalapat sa mga pangalan,
gawain, tawag o katangian ng bagay na
inihahambing.

Ikaw ay tinik sa aking lalamunan.

5
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
3. PERSONIPIKASYON O PAGTATAO
Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng
mga katangiang pantao-talino, gawi, kilos ang mga
bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga
pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa
at pangngalang-diwa.

Nagalak ang buwan sa kasiyahan ng mga tao sa

lupa.
6
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
4. PAGMAMALABIS O HAYPERBOLE
Ito ay lagpa-lagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o
kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari,
kaisipan, damdamin at iba pang katangian,
kalagayan o katayuan.

Nabali ang tadyang ng malikot na langgam.

Lumindol sa bigat ng lakad niya.

7
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
5. SENEKDOKE O
PAGPAPALIT-SAKLAW
Isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng
kabuuan ang binabanggit.

Ang masang Pilipino ay umaasa pa rin kay G.

Estrada.

8
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
6. PAG-UYAM

Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais

iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng
damdamin.

Tunay na napakahusay niyang magluto, kahit isa

ay walang kumain sa kaniyang karinderya.

9
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
7. PAGPAPALIT-TAWAG O METONIMYA

Pagpapalit ng katawagan o ngalan ng bagay na

tinutukoy.

Higit na makapangyarihan ang pluma kaysa espada.

Siya ang hudas ng kanilang samahan.

10
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
8. APOSTROPE O PAGTAWAG

Isang panawagan o pakiusap sa paraang tila

nakikipagusap sa isang tao o bagay.

O tukso, layuan mo ako.

11
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
9. PAG-UULIT
Aliterasyon – Ang unang titik o unang pantig ay
pare-pareho.

Anapora – Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan

ng isang pahayag o ng isang sugnay.

Anadiplosis – Paggamit ng salita sa unahan at sa

hulihan ng pahayag o sugnay.

12
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
9. PAG-UULIT

Epipora – Pag-uulit naman ito ng isang salita sa

hulihan ng sunud-sunod na taludtod.

Empanodos o Pabalik na Pag-uulit – Pag-uulit

nang pagbaliktad ng mga pahayag.

Katapora – Paggamit ng isang salita na kadalasang

panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala
na binanggit sa hulihan

13
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
10. PAGTANGGI O LITOTES

Gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng

pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig
na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig
sabihin.

Hindi naman sa pagyayabang pero kaya ko ring

gawin ang ginagawa niya.

14
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
11. TANONG RETORIKAL

Tanong na ang layunin ay bigyang-diin ang isang uri

ng damdamin, at di nangangailangan ng
kasagutan.

Pag-ibig! Bakit kay lupit mo!

Katarungan? Katarungan bang matatawag ang

sinapit ko?

15
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
12. OKSIMORON

Pagtatambal ng dalawang salitang magkasalungat

na katanggap-tanggap.

Nakabibinging katahimikan ang sumalubong sa

kanyan pagbungad niya sa pintuan.

16
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
13. PAGTATAMBIS O ANTITHESIS

Nagpapahayag ng magkasalungat na bagay o ideya.

Mahirap maging kaibigan ang babaing iyan,

naiinis sa maganda at sa pangit, naiinggit sa
mayaman at nayayamot sa mahirap.

17
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
14. PAGLILIPAT-WIKA

Tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay

ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang
pang-uri.

18
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
15. PASUKDOL

Pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan

ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa
patungo sa pinakamataas na antas.

19
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
16. PANGHIHIMIG O ONOMATOPEYA

Ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog

ay siyang kahulugan o ang pagkakahawig ng tunog
ng salita at ng diwa nito.

Dalawa ang uri nito:

a. Tuwirang onomatopeya
Ikaw’y iniluwal ng baha sa bundok
Hahala-halakhak at susutsut-sutsot.
- D. T. Mamaril, Ang Agos

20
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
16. PANGHIHIMIG O ONOMATOPEYA

b. Pahiwatig na onomatopeya
Ang suot ay puti’y may apoy sa bibig
Sa buong magdamag ay di matahimik,
Ngunit ang hiwagang di-sukat malirip
Kung bakit sa gabi lamang mamamasaid;
Kung araw, ang tao, kahit magsaliksik
Ang matandang ito’y hindi raw masilip,
Ngunit pagdilim na’t ang gabi’y masungit
Ano’t ang simbahan ay lumalangitngit?
- F. Collantes, Ang Lumang Simbahan

21
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
17. PANGITAIN

Ang pangitain ay mga larawan, imahen, o palatandaang

nakikita sa isip.

Sa sinapupunan ni Konde Adolfo

Aking natatanaw si laurang sinta ko!
- F. Balagtas, Florante at Laura

22
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
18. TAGURI
Ang taguri ay patalinghagang pagtukoy sa isang tao upang
ipahiwatig ang katangian nito.

Bulaklak po ito ng lupang Tagalog

Kapatak ng luhang pangala’y kampupot.
- Jose C. de Jesus, “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan”

23
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
MGA SAWIKAIN AT SALAWIKAIN

Ang mga salawikain, kawikaan, kasabihan,
wikain, o sawikain ay mga maiiksing
pangungusap na lubhang makahulugan at
naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-
araw-araw na pamumuhay.

Naglalaman ito ng mga karunungan.

25
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
SAWIKAIN
Ang isang sawikain o idyoma ay isang
pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi
komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo
ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-
kanyang salita na nabuo.

Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at

pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang
lugar.

26
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
MGA HALIMBAWA NG SAWIKAIN

butas ang bulsa — walang pera

ilaw ng tahanan — ina
kalog na ng baba — matanda na
alimuom — mabaho
bahag ang buntot — duwag
ikurus sa noo — tandaan
bukas ang palad — matulungin
kapilas ng buhay — asawa
27
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
MGA HALIMBAWA NG SAWIKAIN

nagbibilang ng poste — walang trabaho

basag ang pula — luko-luko
ibaon sa hukay — kalimutan
taingang kawali — nagbibingi-bingihan
buwayang lubog — taksil sa kapwa
pagpaging alimasag — walang laman
tagong bayawak — madaling makita sa pangungubli
dalawa ang bibig — mabunganga
28
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
SALAWIKAIN
Ang mga salawikaing Pilipino ay mga tradisyonal
na kasabihang ginagamit ng mga Pilipino batay
sa katutubong kalinangan, karunungan, at
pilosopiya mula sa buhay sa Pilipinas.

Kapag ginamit sa pang-araw-araw na pag-uusap,

gumaganap ang mga salawikain bilang mga
pagbibigay diin sa isang punto o isang kaisipan
ng paliwanag o dahilan: ang Pilosopiyang
Pilipino.

29
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
KAURIAN NG MGA SALAWIKAIN

1. Ang mga salawikaing etikal (yung mga

nagsasaad ng isang pangkalahatang gawi hinggil
sa buhay at sa mga batas na nangangasiwa sa
mismong pamumuhay)

2. Ang mga salawikaing nagmumungkahi ng mga

pagpapahalaga at nagtatakwil sa mga bisyo

3. Ang mga salawikaing nagpapadama ng isang

sistema ng mga pagpapahalaga

30
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
KAURIAN NG MGA SALAWIKAIN

4. Ang mga salawikaing naglalahad ng mga

pangkalahatang katotohanan at mga
pagmamasid tungkol sa buhay at kalikasan ng
tao

5. Ang mga salawikaing nakakatawa

31
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
MGA HALIMBAWA NG SALAWIKAIN

Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa

simbahan din ang tuloy.

Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng

magkasintahan, sa bandang huli ay
humahantong din ito sa kasalan.

32
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
MGA HALIMBAWA NG SALAWIKAIN

Ang taong nagigipit, sa patalim man ay

kumakapit.

Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay

napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na
maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang
magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na
pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang
ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan
upang lalu pa siyang mangailangan ng pera.

33
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
MGA HALIMBAWA NG SALAWIKAIN

Pag makitid ang kumot,

magtiis kang mamaluktot.

Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa

buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay
ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong
magtipid at maging payak sa pamumuhay.

34
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
MGA HALIMBAWA NG SALAWIKAIN

Kung hindi ukol, hindi bubukol.

Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag

asahang makakamtan kung hindi nakalaan para
sa iyo.

35
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
MGA HALIMBAWA NG SALAWIKAIN

Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.

Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa

sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng
sikap at gawa upang matamo ang mimithing
biyaya.

36
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
MGA HALIMBAWA NG SALAWIKAIN

Lahat ng gubat ay may ahas.

Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may

mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay
na nakalalason o nakasisira sa samahan ng
bawat isa.

37
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
MGA HALIMBAWA NG SALAWIKAIN

Magkulang ka na sa magulang
huwag lamang sa iyong biyenan.

Kahulugan: Kadalasang ipinapayo eto sa mga

nagbabalak magpakasal o sa mga bagong mag-asawa
upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga
magulang kase ay higit na mapagtatakpan o
mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa
sa pagkukulang ng ibang tao.

38
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
MGA HALIMBAWA NG SALAWIKAIN

Kung ano ang puno, siya ang bunga.

Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa

kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang
ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak,
ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-
uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o
masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti
(o masamang) mga magulang.

39
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
MGA HALIMBAWA NG SALAWIKAIN

Kung ano ang itinanim ay siyang aanihin.

Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay

kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo.
Halimbawa kung naging matulungin ka sa
kapwa ay tutulungan ka rin.

40
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
PANITIKANG FILIPINO
SA IBA’T IBANG PANAHON

Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
PANAHON NG KATUTUBO
 Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon
nang sining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino.

 Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-

dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong,
epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula;
mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong
tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng
babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.

 Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila.

42
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
PANAHON NG KASTILA
 Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong
Gs – GOD, GOLD at GLORY.

 Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang

Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong
mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng
kanilang nasasakop.

 Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong ito: una

ay pamaksang pananampalataya at kabutihang-asal at
ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon.

43
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
PANAHON NG AMERIKANO
 Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa
Pilipino, edukasyon naman ang naging pangunahing
ipinamana ng mga Amerikano.
 Sa panahong ding ito isinilang ang mga ilang imortal na
makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog.
 Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa
bansa, sumulat ang mga Pilipino sa Kastila, Tagalog at
iba pang wikang panlalawigan.
 Nagsimula umusbong ang mga panitikan sa Ingles
noong 1910 dahil sa mga bagong silang na manunulat.
44
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
PANAHON NG AMERIKANO
 Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sina Cecilio
Apostol na sumulat ng mga oda para kay Rizal.

 Claro M. Recto – naging tanyag sa kanyang natatanging

mga talumpati.

 Lope K. Santos – sumulat ng obra-maestrang “Banaag

at Sikat” at nagpauso ng panitikang sosyalista.

 Jose Corazon de Jesus – tinaguriang Makata ng Pag-

ibig at may panulat-sagisag na “Huseng Batute”.

45
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
PANAHON NG AMERIKANO
 Jose dela Cruz – may panulat-sagisag na ‘Huseng Sisiw’
dahil sisiw ang ipinababayad kapag nagpapagawa sa
kanya ng tulang pag-ibig.

 Severino Reyes – sumulat ng imortal na dulang

“Walang Sugat” at tinaguriang Ama ng Dulang Tagalog.

 Zoilo Galang – pinakaunang nobelistang (A Child of

Sorrow) Pilipino sa Ingles at maraming-marami pang
iba.

46
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
PANAHON NG AMERIKANO
 Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale
sa mga Pilipino na ginamit ng mga gurong Tomasites sa
pagtuturo. Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri
(genre) ng panitikan gaya ng oda at nagpakilala sa
pinilakang-tabing – ang pelikula.

 Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong

ito. Dala nila ang mga bodabil na isang uri ng dula kung
saan umaawit at sumasayaw ang mga artista na
nagbunga sa sarsuwela ng Pilipinas.

47

48

PANAHON NG HAPON
 Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na
babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo
at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na
maka-feministang maikling-kwento.

 Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong

taludtod at may bilang na pantig na 5-7-5 sa taludtod),
nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga (maikling tulang
may apat na taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-
7)

49
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
PANAHON NG PAGKAMIT NG KALAYAAN
HANGGANG KASALUKUYAN
 Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa
iba’t ibang uri sa panahong ito ay ang pagkakalimbag ng
mga sumusunod na katipunan ng mga aklat: Mga Piling
Katha at Mga Piling Sanaysay ni Alejandro Abadilla,
Maiikling Kwentong Tagalog ni Teodoro Agoncillo,
Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute at
marami pang iba.

 Kinilala rin buhat sa panahong ito ang mga panitikang

panlalawigan dahil sa mga inilunsad na mga
pambansang pananaliksik at pagsasaling-wika ng
panitikan ng Pilipinas.
50
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
ANYONG PAMPANITIKAN

Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
ANO ANG PANITIKAN?
 Ito ay isang sining na nagsasalaysay tungkol sa
pamumuhay, pamahalaan, pananampalataya at
mga karanasan ng isang lipunan.

 Ito rin ay nagpapahayagng iba't ibang uri ng

damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, pagkapoot at pangamba.

 Ito ay maaaring pasulat o pabigkas.

52
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
DALAWANG ANYO NG PANITIKAN

1. TULUYAN O PROSA (Ingles: prose)

– Maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng
pangungusap
– Nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o
pagpapahayag.

2. PATULA O PANULAAN (Ingles: poetry)

– Pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang
binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma,
at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga
pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga
taludtod sa isang saknong.

53
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
MGA URI NG TULA

1. Liriko – tulang nagpapahayag ng damdamin

gaya ng kaligayahan, kalungkutan, poot at pag-
ibig
2. Pasalaysay – tulang nagkukwento ng mga
pangyayari
3. Padula – tula na nilikha para itanghal sa
entablado

54
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
MGA ANYO NG TULA

1. Tradisyonal – may sukat, may tugma

2. May Sukat, walang tugma
3. Walang Sukat, may tugma
4. Malayang taludturan – walang sukat,
walang tugma)

55
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
AWITING BAYAN

 Naglalarawan ng kultura
 Nagtataglay ng sukat, tugma, kariktan at
talinghaga na nilapatan ng ritmo/ musika

56
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
IBA’T IBANG URI NG AWITING BAYAN

 Sambotani – awit ng tagumpay

 Tigpasin – awit sa paggaod sa dagat

 Soliranin (rowing songs)

 Talindaw (boat songs)

 Diona (nuptial or courtship songs)

57
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
IBA’T IBANG URI NG AWITING BAYAN

 Oyayi – awit na pampatulog sa bata

 Indulin – awit na panlansangan

 Talindaw at Soliranin – awit sa pamamangka

 Hiliraw – awit na pandigma

 Tingad – awit na pantahanan

58
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
IBA PANG MGA TULANG LIRIKO

 Soneto – may 14 na taludtod

 Elehiya – tula ng panangis lalo na sa paggunita
ng isang yumao
 Oda – tulang paghanga o pagpuri sa isang
bagay
 Dalit – awit na pumupuri sa Diyos
 Pastoral – layuning maglarawan ng tunay na
buhay sa bukid

59
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
TULANG PATNIGAN
1. Karagatan – ginagamit ang tulang ito sa laro,
kadalasan tuwing mayroong namatay.
Kunwari ay may matandang tutula tungkol sa dahilan
Ng laro. Tapos ay paiikutin ang isang tabong may
tanda. Kapag huminto ang tabo sa pag-ikot, ang
Matatapatan nito ay tatanungin ng dalaga ng mga
Salitang matatalinhaga o makahulugan. Ang larong ito
Ay nagmula sa isang alamat ng isang Prinsesang
Naghulog ng singsing sa karagatan. Ang sinumang
Binatang makakuha ng singsing ay siya niyang
pakakasalan.

60
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
TULANG PATNIGAN
2. Duplo – Labanan ito ng pagalingan sa pagbigkas at
pagbibigay katwiran nang patula. Ang mga pagbigkas
ay galing sa mga kasabihan, salawikain at Bibliya. Ito ay
madalas laruin tuwing may lamay sa patay.

3. Balagtasan – Ito ay debate na binibigkas nang patula.

Ipinangalan ito sa tanyag na manunulat na si Francisco
"Balagtas" Baltazar. Pinatanyag ito ng “Hari ng
Balagtasan" na si Jose Corazon de Jesus (Huseng
Batute).

61
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
TULANG PANTANGHALAN
1. Komedya – dulang nagtatapos sa tagumpay ng
pangunahing tauhan.
2. Trahedya – dulang nagtatapos sa kamatayan o
kalungkutan ng pangunahing tauhan.
3. Melodrama – karaniwang ginagamit sa lahat ng dulang
musikal.
4. Parsa – layuning magpatawa at libangin ang mga
manonood.
5. Saynete – pinapaksa ng dulang ito ay ang mga
karaniwang pag-uugali ng tao at pook. Tau-tauhang
nasa likod ng telon ang gumaganap.
62
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
MGA TULANG PASALAYSAY

Awit at Korido
Bugtong
Epiko
Kantahin
Balad
Tanaga
Sawikain
Tula
Salawikain

63
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
AWIT AT KORIDO

 Isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng

mga Espanyol.
 Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may
apat na linya sa isang stanza.
 Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang
pagpapahayag ng mga tula.

Hal. Ibong Adarna, Prinsipe Orentis, Ang Haring Patay

64
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
EPIKO
 Tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang
tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan
dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.

 Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-

gilalas na mga pangyayari.

 Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking

epiko.

Hal. Biag ni Lam-ang (Iloko), Indarapatra at Sulayman(Muslim),

Bantugan, Bidasari, Tuwaang (Bagobo), Tulalang (Manobo),
Ibalon (Bicolano), Labaw Donggon (Kabisayaan)

65
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
TANAGA

Isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman

ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng
matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. May
estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7)
pantig kada taludtod.
Tagpo sa Noche Buena
Nasok ang limang ibon
Sa singit nitong bubong.
Sumiyap ang inakay,
at dilim ang dumantay.
—Roberto T. Añonuevo
7 Disyembre 2007

66
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
IBA’T IBANG TULUYANG PANITIKAN

Alamat Sanaysay
Pabula Anekdota
Parabula Talumpati
Makiling Kwento Salaysay
Nobela Balita
Talambuhay Dula

67
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
1. ALAMAT
Kwento tungkol sa pinagmulan ng isang pook,
bagay o pangyayari.

2. PABULA

Kwentong may aral na gumagamit ng mga hayop

bilang mga tauhan.

68
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
3. PARABULA
Isang maikling kwento na ginagamit para
magturo ng isang aral o katotohanan.

4. NOBELA

Isang kwento na may mahaba-habang banghay

para ito ay mahati sa iba’t ibang kabanata.

69
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
5. MAIKLING KWENTO
 Isang salaysay ng isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang
tauhan.

 Sumasaklaw ito ng maikling panahon lamang at

may iisang kasukdulan (bahagi ng kwento kung
saan nareresolba ang tunggalian o conflict).

 Naglalahad ng kakintalan o impresyon, isang

kaisipang naiiwan sa mga mambabasa.

70
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
6. TALAMBUHAY

Kwento tungkol sa buhay ng isang tao.

7. SANAYSAY
Ito ay isang komposisyon na tumatalakay sa isang
partikular na paksa. Maaaring nagpapaliwanag,
nagkukwento, nagsasalaysay o nangungumbinsi.

71
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
8. ANEKDOTA
Maikling salaysay ng isang pangyayari o insidente
na nakakapukaw ng interes ng nakikinig o
nagbabasa.

9. TALUMPATI

Anyong tuluyan na nilikha para bigkasin sa

harapan ng mga nakikinig.

72
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
10. SALAYSAY
Kwento ng mahahalagang pangyayari sa isang lipunan o
bansa na madalas ay may pagpapaliwanag tungkol sa
mga sanhi at bunga ng mga nasabing pangyayari.

11. BALITA
 Isang pag-uulat tungkol sa mga bagay na
kasalukuyang nangyayari.
 Ito ay maaaring mabasa sa dyaryo, napakikinggan sa
radyo o napapanuod sa telebisyon.

73
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
12. DULA
 Isang kwentong nilikha para itanghal.

 Ang kwento ay dinedevelop sa pamamagitan

ng narasyon at diyalogo.

74
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
Philippine Festivals

Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
 BINIRAY, Romblon

 LINGAYEN GULF LANDING, Lingayen, Pangasinan

 ATI-ATIHAN, Kalibo, Aklan

 DARO SINULOG, Dumaguete Negros

 SINULOG, Cebu City

 CARACOL SA MAKATI, Makati City, Manila

Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
 APRIBADA, Donsol, Sorsogon

 DINAGYANG, Iloilo City

 TINAGBA, Bicol

 PANAGBENGA, Baguio City

 SUMAN, Town of Baler in Aurora Province

 KALILANGAN, General Santos City

 SIBUG - SIBUG FESTIVAL, Ipil, Zamboanga Sibugay

 KAAMULAN, Malaybalay, Bukidnon

Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
 SANDUGO, Tagbilaran, Bohol

 HOMONHON LANDING, Southeastern Samar

 SINIGAYAN, Sagas, Negros Occidental

 FIRST MASS IN THE PHILIPPINES, Limasawa Island,
Southern Leyte
 MORIONES, Marinduque

 KALILANG, Marawi City

 PAHIYAS, Lucban, Quezon

Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
MAGAYON, Mt. Mayon Volcano in Albay, Bicol Region
TACLOBAN PINTADOS FESTIVAL, Tacloban City
BARAGATAN, Puerto Princesa City
SANDUGO FESTIVAL, Tagbilaran City
KADAYAWAN SA DABAW, Davao City
MASKARA FESTIVAL, Bacolod City

Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
MITOLOHIYANG PILIPINO
Panitikan sa Panahon ng Katutubo

Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
MGA DIYOS AT DIYOSA
Bathala/Alah – pangunahing Diyos
Idionale – Diyos ng mabuting gawain
Anion Tabo – Diyos ng hangin at ulan
Apolaki – Diyos ng digmaan
Hanan – Diyos ng mabuting pag-aani
Mapolan Masalanta – Patron ng mangingibig
Libongan – Tagatanod sa pagsilang ng isang buhay
Limoan – Tagapangasiwa sa namamatay
Tala – Diyos ng pang-umagang bituin

81
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
MABUBUTING ESPIRITU
Patianak – Tagatanod sa lupa
Mamanjig – Tagapangiliti sa bata
Limbang – Tagatanod sa kayamanang nasa ilalim ng
lupa

82
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
MASASAMANG ESPIRITU
Tiktik – isang ibong kasama ng aswang
Tanggal/Aswang – matandang babaeng sumisipsip
ng dugo ng sanggol. Sa kanyang paglalakbay, iniiwan
ang kalahati ng kanyang katawan.
Tama-Tama- maliit na taong kumukurot o
nagpapaiyak ng sanggol
Kapre – maitim na higanteng laging nakatabako
Salot – nagsasabog ng sakit

83
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
ANG TULA
Elemento ng Tula

Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
ANO ANG TULA?
 Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng
kagandahan ng kariktan, ng kadakilaan: tatlong
bagay na kailangang magkatipun-tipon sa isang
kaisipan upang mag-angkin ng karapatang
matatawag na tula. (Balmaceda)

 Ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at

kabuuan ng tanang kariktang makikita sa silong
ng alin mang langit. (Regalado)

85
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
ELEMENTO NG TULA

1. SUKAT – tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat

taludtod. Ang karaniwang sukat ng isang tula ay
wawaluhin at lalabindalawahin.

2. TUGMA – tumutukoy sa pagkakapareho ng huling

tunog o titik ng salita sa bawat taludtod. May
dalawang uri ng tugma. Ito ay ang tugmang ganap at
di-ganap. GANAP, kapag magkakapareho ang tunog at
titik ng huling salita sa bawat taludtod. DI-GANAP,
kapag magkapareho lamang ng tunog ang huling salita
sa bawat taludtod.

86
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
ELEMENTO NG TULA

1. TUGMA
Tunog sa dulo ng taludtod ng tula na kahimig ng dulo ng
mga ibang taludtod sa loob ng isang estropa.
a) Ganap - Ang mga taludtod ay nagtatapos sa
magkakatulad na tunog at tuldik.
Marami ang nag-akalang siya'y makabayan
Gumamit pa ng salitang kalayaan
Ang demokrasya at ang kalayaan
Ay nakasalalay sa ating kakayahan

87
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
ELEMENTO NG TULA

1. TUGMA
b) Di-ganap - nagtatapos sa mga tunog na
magkakahawig at magkakaiba ang huling pantig.
Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon

88
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
ELEMENTO NG TULA

2. SUKAT
Bilang ng pantig sa loob ng isang taludtod o bahagi ng
isang pangungusap.

Sa loob at labas ng bayan kong sawi

Kaliluha’y siyang nangyayaring hari
Kagalinga’t bait ay nalulugami,
Ininis sa hukay ng dusa’t pighati.

89
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
ELEMENTO NG TULA

3. TALINGHAGA
Sinadyang paglayo sa ordinaryong paggamit ng salita.
Sa paggamit ng tayutay humuhulagpos sa ating
isipan ang bagay o pangyayaring tinutukoy.

4. LARAWANG DIWA
Ang unang imaheng makikita mula sa tula matapos itong
mabasa.

90
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
PEN NAME NG MGA PILING MANUNULAT

1. Jose Rizal – Laon-Laan, Dimasalang

2. Andres Bonifacio – Agapito Bagumbayan/May Pag-Asa
3. Pio Valenzuela – Madlang-Awa
4. Marcelo H. Del Pilar – Plaridel , Pupdoh, Piping Dilit,
Dolores Manapat (Dasalan at Tocsohan, Kaiingat Kayo)
5. Antonio Luna – Taga-ilog
6. Mariano Ponce – Tikbalang, Naning, Katipulako

91
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.
PEN NAME NG MGA PILING MANUNULAT

7. Jose Maria Panganiban – Jomapa

8. Juan Luna – Potacio
9. Graciano Lopez Jaena – Diego Laura
10. Jose Corazon de Jesus – Huseng Batute
11. Apolinario dela cruz – Hermano Pule
12. Amado Hernandez – Makata ng Manggagawa
13. Emilio Jacinto – Pingkian, Dimas-ilaw

92
Exclusively for My Review Coach online LET review. Not for redistribution. © 2014 My Review Coach of Philippines.

You might also like