You are on page 1of 2

Ang Bahay Na Bigla Na Lang Nawala Isang Gabi

Nag-iisang anak nina Mang Kanor at Aling Pacita si Jose kung kaya’t ginagawa nila ang lahat para dito.
Nakatira ang maliit na pamilya sa isang baryo sa probinsya ng Santo Tomas. Simula noong ipinanganak si
Jose ay doon na sila tumira.

Hindi masyadong malaki ang bahay nina Jose pero palaging malinis ang loob nito lalong-lalo na ang silid
ng nag-iisang anak ng mag-asawa.

Kahit hindi man marangya ang pamumuhay nila, masasabing komportable ang buhay na ibinibigay nina
Mang Kanor at Aling Pacita kay Jose. Kaya lang, habang lumalaki ay tumitigas ang ulo ng kanilang anak.

“Wala pa si Jose? Anong oras na,” sabi ni Mang Kanor.

Dali-dali na bumihis ang mag-asawa at naglakat patungong baryo. Wala na kasing masasakyan na dyip pag
sumapit na ang alas diyes ng gabi. Sinundo nila si Jose sa isang tyangge.

“Nagku-kwentuhan lang naman po kami ng mga barkada ko. Wala namang masama doon, uuwi ako kung
hindi man mamaya, e, bukas pag may dyip na,” sabi ni Jose.

Walang nagawa ang mag-asawa. Hinintay nila si Jose malapit sa tyangge na tinatambayan ng grupo niya
hanggang magpasya ang magbabarkada na umuwi.

Padabog pa si Jose noong dumating na sila sa bahay nila habang ang ama’t ina niya ay pagod kakalakad.

Nagpatuloy ang ganung ugali ni Jose. Palagi siyang sinasabihan ng mga magulang niya na umuwi agad
pagkatapos ng klase pero wala ito sa kanya hanggang isang gabi ay dumating ang hindi niya inaasahan.

Mag-aalas onse na ng gabi nang dumating si Jose sa kanila. Malayo pa lang ay tanaw na niya ang mga ka-
baryo nila na nagsisitakbuhan papunta sa kanilang bahay na may bitbit na balde.

“Jose ang bahay niyo nasusunog,” sigaw ni Mang Tonyo, ang karpentero na nakatira malapit sa kanila.

Natulala si Jose. Naalala niya ang bilin ng mga magulang niya na umuwi ng maaga at nami-miss na nilang
maghapunan kasama siya. Pumatak ang luha niya ng hindi niya namamalayan.

Madaling-araw na ng naapula ang apoy. Halos kusina na lang nina Jose ang natira. Hindi na rin makilala
ang katawan ng mga magulang niya. Natagpuan ang mga ito sa kanilang hapag-kainan.

“Tay, Nay patawad,” ang nasabi ni Jose sa harap ng mga bangkay ng magulang niya bago siya nagsimulang
humagulgol.
Reflection:

Ang kwentong “Ang Bahay Na Bigla Na Lang Nawala Isang Gabi” ay tungkol sa isang bata na si Jose
na anak nila Mang Kanor at Aling Pacita. Nakatira sila sa isang baryo sa probinsya at hindi gaano malaki
ang kanilang bahay pero ginagawa naman ng mga magulang ni Jose ang lahat para sa anak nila, palaging
malinis ang kanyang kwarto, at masasabi naman na nabibigyan si Jose ng komportableng buhay ng
kanyang mga magulang, ngunit habang lumalaki si Jose ay tumitigas lalo ang ulo nito. Noong isang gabi na
hindi parin umuuwi si Jose ay hinanap nila Mang Kanor at Aling Pacita ang anak nila. Nasa may tyange pa
si Jose at kakwentuhan ang kanyang mga kabarkada, at nung natapos na sila magkwentuhan saka sila
naglakad pauwi ng kanyang mga magulang kasi wala ng jeep sa mga oras na yun ng gabi. Kahit palagi
naman siyang sinasabihan ng kanyang mga magulang na umuwi agad pakatapos ng klase niya, hindi niya
naman ginagawa ito, hanggang sa isang gabi ng mag-aalas onse na at pauwi palang siya ay nakita niya na
maraming mga kabaryo niya na nagsisitakbuhan papunta sa kanilang bahay na may bitbit na mga balde.
Nasusunog ang bahay nila Jose at natulala nalang siya ng maalala niya ang bilin ng kanyang mga magulang
na umuwi ng maaga kasi namimiss na nilang kumain ng hapunan kasama siya. Madaling araw na ng
napuna ang apoy at halos kusina nalang nila ang natira. Hindi na makilala ang katawan ng mga magulang
ni Jose na natagpuan sa kanilang hapag-kainan. Humingi ng tawad si Jose sa bangkay ng kanyang mga
magulang niya bago siya nagsimulang humagulgol.

Ang aral na nakuha ko sa kwentong ito ay dapat palagi tayong sumunod sa mga magulang natin
at wag dapat matigas ang ulo kasi para lang naman sa ikabubuti natin ang gusto at iniisip nila, at ayaw nila
tayong mapahamak dahil mahal na mahal nila tayo at nag aalala lang naman sila. Ginagawa ng mga
magulang natin ang lahat para mabigyan tayo ng buhay na maganda at komportable kaya dapat palagi
nating sabihin at ipadama sakanila kung gano rin natin sila kamahal para kahit papano ay makabawas
naman ito sa pagod na nakukuha nila sa araw araw, kasi di natin alam at masasabi kung gano nalang natin
sila katagal makakasama at baka bigla nalang silang mawala ng hindi tayo handa.

You might also like