You are on page 1of 3

Isang Pakitang-turo

sa
Banghay- aralin sa Filipino

I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nakapagbibigay kahulugan sa mga salita
b. naiuugnay ang ilang pangyayari sa kwento sa tunay na buhay;
c. napapahalagahan ang mga aral na makukuha sa kwento.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Naging Sultan Si Pilandok
Sanggunian : Internet (https://teksbok.blogspot.com)
Kagamitan : Multimedia Projector, laptop,larawan
Pagpapahalagang Moral : Walang mabuting maidudulot sa kahit
kanino man ang paghahangad ng labis.

III. Pamamaraan:

A. Paghahanda
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng mga lumiban

B. Panimulang Gawain

a. Pagbabalik aral
Ano ang paksa ng aralin na tinalakay natin noong nakaraang tagpu?

b. Pagganyak
Para sa mga lalaki,bubunot sila ng isang tinuping papel na naglalaman ng
salitang “Lalaki ako” at “Bakla ako” Sinumang makabubunot ng salitang “Bakla
ako” ay maaari ng maupo, samantala ang makabubunot naman ng salitang
“Lalaki ako” ay pupunta sa harapan at magbibigay ng ideya tungkol sa salitang
“Mapaglinlang”.

C. Paglinang ng Gawain

a. Paglalahad ng Aralin
Ang aralin na ating tatalakayin ngayun ay tungkol sa kwentong may
pamagat na Naging sultan si Pilandok.Tatawag ng isang mag-aaral na siyang
babasa ng kwento sa harap ng klase.

b. Talakayan
1. Para sa iyo ano ang ibig ipahiwatig ng kwentong ating binasa?
2. Ano ang masasabi mo sa pagkataong ipinakita ni Pilandok at ang Sultan sa
kwento?
3. sa iyong palagay ano ang dahilan ni pilandok kung bakit niya iyon ginawa?
4. Para sa iyo bakit kaya naniwala ang sultan sa mga sinasabi sa kanya ni
Pilandok?
5. Kung ikaw ang Sultan maniniwala ka rin ba sa sinasabi ngibang tao?
6. Para sa iyo tama ba ang ginawa ni Pilandok?
7. Ano ang iyong paglalarawan sa Sultan sa kwento?
8. Anong katangiang hinahangaan mo kay Pilandok?
9. Kung ikaw si Pilandok gagawin mo din ba ang kanyang ginawa?
10. Paano mo maiuugnay ang kwento sa tunay na buhay?

c. Pangkatang Gawain
Panuto: Papangkatin sa dalawang pangkat ang klase. Mula sa grupong
kanilang kinabibilangan pipili lamang sila ng isang pangyayari sa kwento at
gagawan nila ng maikling pagtatanghal sa harap ng klase.

Rubriks:

Nilalaman -------------------- 20%

Kooperasyon --------------------- 15%

Presentasyon --------------------- 15%

Kabuuan --------------------- 50%

d. Paglalahat
1. Ano ang nais iparating ng kwento?
2. Ano ang kaugnayan ng kwento sa totoong buhay?

IV. Pagtataya / Ebalwasyon:


Panuto: Sa inyong papel, gumuhit ng dalawang bilog. Isulat sa loob ng
unang bilog PILANDOK, sa ikalawang bilog naman ay SULTAN. At ibigay ang mga
katangian na mayroon silang dalawa.

PILANDOK SULTAN

V. Takdang Aralin:
Panuto: Magsaliksik ng larawan ng isang pilandok (isang uri ng hayop).
Idikit ito sa isang malinis na puting papel (band paper). Tukuyin ang katangian
na gusto at hindi mo gusto. Ipaliwanag kung bakit iyon ang katangiang gusto at
hindi mo gusto sa isang pilandok.

Ronabelle C. Dordas
BSEDF 3-A
Tagapagpakitang-turo

You might also like