You are on page 1of 1

Ieoh Ming Pei (I.M.

Pei)

Ieoh Ming Pei, kilala din bilang I.M. Pei ay isang


Chinese-American na arkitekto. Ipinanganak siya sa
Guangzhou noong ika-26 ng Abril, 1917 pero lumaki sa
Hong Kong at Shanghai. Si Pei ay kumuha ng inspirasyon
galing sa mga hardin ng mga villa sa Suzhou, isang
bakasayonan ng mga iskolar at edukado kung saan
napabilang ang pamilya niya.

Noong 1935, lumipat siya sa Estados Unidos at pumasok sa paaralan ng


arkitektura ng University of Pennsylvania, pero mabilis din na lumipat sa Massachusetts
Institute of Technology. Hindi siya masaya sa pokus ng dalawang paaralan sa
arkitektura ng Beaux-Arts, at ginamit ang libreng oras niya sa pananaliksik ng iba’t
ibang umuusbong na arkitekto, lalo na si Le Corbusier. Pagtapos niya sa kaniyang pag-
aaral, sumali siya sa Harvard Graduate School of Design (GSD) at naging kaibigan sa
mga arkitekto ng Bauhaus, Walter Gropius at Marcel Breuer.

Noong 1948, hinikayat siya ng napakasikat na William Zeckendorf, isang


tagapag-unlad ng real estate, kung saan nagtrabaho siya kasama si Zeckendorf ng
pitong taon bago niya itayo ang sarili niyang kompanya., ang I.M. Pei & Associates
noong 1955. Pinalitan ito ng I.M. Pei and Partners noong 1966, hanggang naging Pei
Cobb Freed & Partners noong 1989. Nagretiro si Pei sa pagiging kabuuang-oras na
arkitekto noong 1990. Sa kanyang pagretiro, nagtrabaho siya bilang kasangguni ng
arkitektura mula sa kompanya ng kanyang mga anak, ang Pei Partnership Architects.

You might also like