You are on page 1of 1

Kaalaman ng mga Guro sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa: Implikasyon sa Pagtuturo ng

Asignaturang Filipino sa mga Piling Mataas na Paaralan sa Lungsod ng Lucena

Diana Lyn de Torres


BSED-Medyor sa Filipino

December, 2016
.

ABSTRAK
Ang mataas na kalidad ng edukasyon ay matatamo sa pamamagitan ng mahusay at epektibong guro.
Ayon kay Badayos (2011), malaki ang pananagutan ng mga guro sa isang matagumpay na pagtuturo at
pagkatuto ng wika.
Layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang antas ng kaalaman sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa
ng mga gurong nagtuturo sa Filipino, ang naidudulot nito sa kanilang pagtuturo at maging sa pagkatuto ng mga
mag-aaral sa Asignaturang Filipino na isinagawa sa mga piling mataas na Paaralan sa Lungsod ng Lucena.
Ang pag-aaral na ito ay descriptive quantitative na pananaliksik na naglalayong mailarawan ang kasalukuyang
kalagayan ng mga nasabing baryabol. Ang pagkuha ng datos ay isinagawa sa pamamahagi ng talatanungan sa
mga na gurong tagatugon na may kabuuang dalawampu’t lima (25) mula sa tatlong paaralan sa Lungsod ng
Lucena; Lucena City National High School (LCNHS), Cotta National High School (CNHS) at Dalahican
National High School (DNHS) at sa mga piling mag-aaral na may kabuuang bilang na pitumpu’t lima (75)
mula sa mga nabanggit na paaralan sa unahan.
Mahihinuha sa resulta na ang mga batid na kaalaman sa kasaysayan ng wikang Pambansa ng mga
guro ay may berbal na Interpretasyon na Katamtamang Kadalubhasaan na makapagbabatid na ang kaalaman
ng mga guro ay hindi pa sa sapat. Ayon pa sa mga datos, sumang-ayon ang mga guro na ang kaalaman nila sa
Kasaysayan ng Wikang Pambansa ay nakatutulong sa kanilang pagtuturo sa paraang nakapagbabahagi sila ng
ilang impormasyon sa kanilang mga mag-aaral upang mapagtibay ang pagpapahalaga ng mga ito sa Wikang
Filipino at nahuhubog nila ang pagka-nasyonalismo ng mga mag-aaral sa kanilang pagtuturo ng Asignaturang
Filipino. Samantalang lumabas naman sa resulta mula sa mga mag-aaral na tagatugon na sila ay sumasang-
ayon na ang kanilang guro sa Filipino ay nakatutulong upang magkaroon sila ng pagpapahalaga sa Wikang
Pambansa.
Alinsunod sa mga lumabas na resulta maimumungkahi sa mga guro ng Filipino na sikapin pang
pagyamanin ang kaalaman sa kasaysayan ng Wikang Pambansa upang higit na magkaroon ng makabuluhang
pagtuturo sa Asignaturang Filipino.

You might also like