You are on page 1of 5

PATEROS CATHOLIC SCHOOL

Junior High School Department

Pateros, Metro Manila

Tamang Pag gamit ng tamang panandang diskurso sa awiting

Pilipino

(OPM)

Saban, Juner

Ercilla, John Rommel

Mendoza, Josh Venedict

Carisma, Angel Grace

Germo, Aleya Nicole

Mrs. Roxanne Cabrejas

1
Panimula

A. Kaligiran ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay nakaisip na gumawa ng isang pananaliksik ukol sa tamang pag

gamit ng Panandang diskurso sa awiting Pilipino (OPM). Ang tugtugin o musika ay uri ng

sining na gumagamit ng tunog. Karaniwan, ang kanta ay tinuturing na pinakamaliit na

gawang musika, lalo na tuwing mayroon itong kasamang pag-awit. Ang karaniwang

sangkap ng musika ay pitch (na gumagabay sa melodiya at harmoniya), ritmo (at ang

kaugnay nitong tempo, metro, at artikulasyon), dynamics, at lahat ng sonic na katangian

ng timbre at tekstura. Karaniwan itong isinusulat bago lagyan ng tono. Ang mga

Panandang Pandiskurso naman ay nakakatulong sa pag bibigay-linaw at ayos ng

pahayag. Ang mga panandang ito ay maaring mag hudyat ng pag pagkasunod-sunod ng

mga pangyayari o kaya’y maghimaton tungkol sa pagkabuo ng diskurso.

2
B. Layunin

1. Matukoy ang nagiging impluwensya nito.

2. Matukoy ang mga maling pag gamit ng Panandang Pandiskurso sa awiting Pilipino

(OPM).

3. Mailahad ang tamang composition ng liriko ng mga kanta sa pagbuo ng sariling

pangungusap.

C. Mahahalagang Tanong

1. Ano-ano ang epekto ng maling paggamit ng panandang pandiskurso?

2. Ano-anong mga kanta ang may maling paggamit ng panandang pandiskurso?

3. Paano ito makakatulong upang mapanatili ang tamang paggamit ng panandang

diskurso lalo sa mga kabataan o millennials na mahilig gumamit na balbal na salita?

D. Saklaw at Delimitasyon

Ang saklaw at delimitasyon ng pananaliksik na ito ay matukoy ang mga maling paggamit

ng panandang pandiskurso sa mga awiting Pilipino (opm) na nakaka apekto sa ating pang

araw-araw na pakikipag komunika, pag bago ng paksa, opinyon at paglalahad etc. Bukod

pa rito ay nais rin malaman ng mga mananaliksik ang epekto ng mga komposisyon ng

liriko ng mga kanta sa pag buo ng sariling pangungusap. Nais din bigyan importansya ng

mga mananaliksik ang tamang pag gamit ng panandang pandiskurso upang maitama ang

mga maling pag gamit ng panandang pandiskurso. Ito ay upang mapahalagahan ang

wikang Pilipino lalo na sa panahon ngayon kung saan nauuso ang mga salitan balbal.

3
E. Kahalagahan ng Pag-aaral

a. Sa Mag-aaral

Ang ginawang pananaliksik ay maaring magbigay ng mga wastong paraan ng paggamit

ng panandang diskurso.ito rin ay maaaring magbigay ng kaalaman sa mga magaaral kung

paano gamitin ang panandang diskurso sa pagsasalaysay ng pangyayari sa pangungusap.

b. Sa Guro

Magbigay dahilan sa mga guro na nagtuturo sa musika na mahikayat o maituro ang

tamang paggamit ng panandang diskurso. Ito rin ay maaaring makatulong sa mga guro

na nagtuturo sa filipino upang maiwasan ang paggamit ng “slang words” at balbal na

mga salita.

c. Sa Lipunan

May halaga din ang pag sasaliksik na ito sa ating lipunan dahil mag kakaroon sila ng mas

malalim na pag intindi kung paano gagamitin ang tamang pag gamit ng panandang

diskurso.

4
Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura

Sa parte ng pananaliksik na ito matatagpuan ang iba’t iba pang mga pag-aaral na may

kaugnayan sa pananaliksik na ito. Ang ibang impormasyon ay nasalin sa parang literature.

You might also like