You are on page 1of 83

1.

2.

1
Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat
Ang mga sumusunod ay iba’t ibang pananaw tungkol sa pagsulat:
* Ang pagsulat ay masistemang paggamit ng mga grapikong marka na kumakatawan sa espesipikong
lingguwistikong pahayag.
* Ang pagsulat ay sistema ng permanente o malapermanenteng pananda na kumakatawan sa mga
pahayag.
* Masistema ang pahayag dahil bawat pananda ay may katumbas na makabuluhang tunog at
isinaayos ang mga panandang ito upang makabuo ng makabuluhang salita o pangungusap.
* Masistema ang pagsulat dahil ginagabayan ito ng mga batas sa gramatika.

2
* Ang pagsulat ay nakadepende sa wika. Kung walang wika, walang pagsulat.
* Ang pagsulat ay isang paraan ng pagrerekord at pagpepresenta ng wika.
* Komunikasyon ang isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat.
* Ang pagsulat ay simbolong kumakatawan sa kultura at tao.
* Ang pagsulat ay pundasyon ng sibilisasyon.

3
4
5
6
7
Ang akademikong pagsulat o intelektuwal na pagsulat ay uri ng pagsulat ay uri ng pagsulat na
kailangan ang mataas na antas ng pag-iisip. Ang mahusay na manunulat ng akademikong teksto ay
may mapanuring pag-iisip. May kakayahan siyang mangalap ng impormasyon o datos,
mag-organisa ng mga ideya, mag-isip ng lohikal, magpahalaga ng orihinalidad at inobasyon,
magsuri at gumawa ng sintesis.

May mga katangian ang akademikong pagsulat. Ito ay ang personal at akademikong pagsulat.
Sa personal na pagsulat, maaring impormal ang wika nito. Maari ring magaan ang tono at
kumbersasyonal ang wika. Madalas ang paglalahad ng personal na pagsulat na karaniwan ding
nangangailangan ng hindi literal na pagbasa. Ngunit ang pagsulat ay patuloy na nagbabago, may
ilang manunulat na pinagsasanib ang mga kumbensiyon sa akademikong pagsulat at malikhaing
pagsulat sa pagbuo ng akademikong teksto.

8
9
10
Mga Gamit sa Akademikong Pagsulat

Sa pagbabasa ng sanaysay, encyclopedia, batayang aklat, balita, at iba pang akademikong


sulatin, maoobserbahang may iba’t ibang gamit o hulwarang ginagamit upang maging malinaw ang
daloy ng mga ideya. Kabilang dito ang mga sumusunod:

 Depinisyon - pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino.


 Enumerasyon - pag-uuri o pagpapangkat ng mga halimbawang nabibilang sa isang uri o
klasipikasyon.
 Order - pagsunod-sunod ng mga pangyayari o proseso.
 Paghahambing o pagtatambis - pagtatanghal ng pagkakatulad o pagkakaiba ng mga tao.
 Sanhi at Bunga - paglalahad ng mga dahilan ng pangyayario bagay at ang kaugnay na epekto
nito.
 Problema o Solusyon - paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga posibleng lunas sa
mga ito.

11
Magkaroon ng pasulit

Alamin ang mga katangian ng akademikong sulatin.

12
13
14
15
16
Ang mahusay na manunulat ng akademikong teksto ay may mapanuring pag-iisip. May
kakayahan siyang mangalap ng impormasyon o datos, mag-organisa ng mga ideya, mag-isip nang
lohikal, magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon at magsuri at gumawa ng sintesis.
May mga katangian ang akademikong teksto. Ito ay ang personal at akademikong pagsulat. Sa
personal na pagsulat, maaring impormal ang wika nito. Maari ring magaan ang tono at
kumbersasyonal ang wika. Madalas ay maligoy ang paglalahad ng personal na pagsulat na
karaniwan ding nangangailangan ng hindi literal na pagbasa. Ngunit dahil ang pagsulat ay patuloy
na nagbabago, may ilang ilang manunulat na pinagsanib ang mga kumbensiyon sa akademikong
pagsulat at malikhaing pagsulat sa pagbuo ng akademikong teksto.

17
Ano ang abstrak?

18
19
Ang abstrak ay ang maikling buod ng artikulo o ulat na inilalagay bago ang introduksyon.
Ipinaalam nito sa mga mambabasa ang paksa at kung ano ang aasahan nila sa pagbabasa ng
isinulat na artikulo o ulat.

May dalawang uri ang abstrak: Deskriptibo at impormatibo. Ang uri ng abstrak na iyong
isusulat ay nakadepende sa paksa o sa disiplinang kinapapalooban nito.

20
21
22
Kalikasan at Bahagi ng Abstrak

Sa kabila ng kaiksian ng abstrak, kailangang makapagbigay pa rin ito ng sapat na deskripsiyon o


impormasyon tungkol sa laman ng papel. Ang mga sumusunod ay mga karaniwang bahagi na
bumubuo sa deskriptibo at impormatibong abstrak.

23
24
25
26
27
Ano ang bionote?

28
Hakbang sa Paglalagom

1. Pakinggan o basahin nang mabuti ang akda. Kunin ang pinakadiwa ng napakinggan o nabasa.
2. Habang nakikinig o nagbabasa ay itala ang mahalagang bahagi at suriin ito.
3. Isulat ang naturang puntos sa sariling pangungusap. Huwag magsasama ng pansariling opinyon.
4. Palitan ang bahagi o pananalitang maaring magpahaba o magpawalang linaw sa lagom.
5. Tingnan kung ayon sa orihinal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya.
6. Basahing muli upang lalo pang paiklian.

29
Magpasulat ng buod na ginagamitan ng mga hakbang na pinag-aralan.

30
31
32
33
34
35
36
37
Panukalang Proyekto

Bago magsulat, kailangan munang malinaw ang nais na mangyari sa binabalak na


proyekto. (Pagpapakita ng isang halimbawa ukol sa mga hakbang ng isang
gawain.)

Pamilyar ba kayo sa mga hakbang na inyong nakikita?


Paano nakatutulong ang mga hakbang sa isang gawain?

Pagsasaayos ng mga hakbang ayon sa tamang pagkasunod-sunod.

Pagproseso sa mga hakbang na inayos ng mga mag-aaral.

Paghahanda sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto


Paano sisimulan ang pagsulat ng panukalang proyekto? Bago magsulat, kailangan munang
malinaw ang nais na mangyari sa binabalak na proyekto. Ano ang naiisip mong proyekto? Ano-ano
ang mga layunin nito? Bakit kailangang isagawa ito? Kailan at saan mangyayari ang proyekto? Gaano
ito katagal? Sino-sino ang makikinabang sa proyekto? Kailangan ding tukuyin kung magkano ang
iminumungkahing badyet at kung sino-sino ang sangkot sa pagsasakatuparan ng proyekto.
Kailangang ipaliwanag nang mabuti ang mga ito sa isusulat na panukalang proyekto.
Tandaan, dapat makatotohanan ang iminumungkahi. Kung hindi makatotohanan dahil sa laki ng
badget , limitasyon sa panahon o lugar, kakulangan ng tao, at iba pang salik, malaki ang posibilidad
na hindi ito maaprubahan ng ahensiya ng pamahalaan o pribadong indibidwal o institusyon na siyang
magdedesisyon kung maisakatuparan ang panukalang proyekto.

Bahagi ng Panukalang Proyekto


Ang akademikong sulatin ay karaniwang nahahati sa tatlong bahagi: panimula, katawan at
kongklusyon. Ang estrukturang ito din ang susundan sa pagsulat ng panukalang proyekto. Sa unang
bahagi ng panukalang proyekto, ilalahadang rasyonal o ang mga suliranin, layunin, o motibasyon.
Sa katawan naman ilalagay ang detalye ng mga kailangang gawin at ang iminumungkahing badget
para sa mga ito. Sa kongklusyon ilalahad ang mga benepisyong maaaring idudulot ng proyekto.

38
Ang mga sumusunod naman ang mga espisipikong laman ng panukalang proyekto, ayon sa
pagkasunod-sunod.

Pamagat. Tiyaking malinaw at maikli ang pamagat. Halimbawa, “Panukala para sa TULAAN
2015 sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika”.

Proponent ng Proyekto. Tumutukoy ito sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng proyekto.


Isinusulat dito ang address, e-mail, cell phone o telepono, at lagda ng tao o organisasyon.

Kategorya ng Proyekto. Ang proyekto ba ay seminar o kumperensiya, pananaliksik, patimpalak,


konsiyerto, o outreach program?

Petsa. Kailan ipadadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon upang
maisakatuparan ang proyekto?

Rasyonal. Ilalahad dito ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng proyekto at kung


ano ang kahalagahan nito.

May ihahandang impormasyon ang guro na aayusin ng mga mag-aaral alinsunod sa


mga hakbang na napag-aralan.

Pag-uulat ng bawat pangkat sa bunga ng kanilang gawa.

Pagkatang gawain: Paggawa ng Panukalang Proyekto alinsunod sa iminumungkahing paksa.

Magtatagumpay lamang ang isang gawain kung susundin ang tamang hakbang.

Pormatibong Pasulit: Pagsunod-sunurin ang tamang hakbang sa pagsulat ng


panukalang proyekto gamit ang bilang 1-10.

Subuking magsaliksik ng iba pang halimbawa ng mga panukalang


proyekto.

39
40
Tips sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto

 Alamin ang mga bagay na makapagkukumbinse sa nilalapitang opisina o ahensiya sa


pag-aapruba ng panukalang proyekto.
 Bigyang-diin ang mga pakinabang na maibibigay ng panukalang proyekto. Mahihirapang
tumanggi ang mga opisina o ahensiya kung nakita nilang malaki ang maitutulong nito sa mga
indibiduwal o grupong target ng proyekto.
 Tiyaking malinaw, makatotohanan at makatuwiran ang badget sa gagawing panukalang
proyekto.
 Alalahaning nakaapekto ang paraan ng pagsulat sa pag-apruba o hindi ng panukalang
proyekto. Gumamit ng mga simpleng salita at pangungusap. Iwasan ang maging maligoy.
Hindi makatutulong kung hihigit sa 10 pahina ang panukalang proyekto.

41
42
43
Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto
Ang mga akademikong sulatin ay karaniwang nahahati sa tatlong bahagi: panimula, katawan, at
kongklusyon. Ang estrukturang ito din ang susundan sa pagsulat ng panukalang proyekto. Sa unang
bahagi ng panukalang proyekto, ilalahad ang rasyonal o ang mga suliranin, layunin, o motibasyon. Sa
katawan naman ilalagay ang detalye ng mga kailangang gawin at ang iminumungkahing badget para
sa mga ito. Sa Kongklusyon, ilalahad ang mga benepisyong maaring idulot ng proyekto.
Ang mga sumusunod naman ang mga espesipikong laman ng panukalang proyekto ayon sa
pagkasunod-sunod.
Pamagat. Tiyaking malinaw at maikli ang pamagat. Halimbawa, “Panukala para sa TULAAN
2015 sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika”
Proponent ng Proyekto. Tumutukoy ito sa tao oorganisasyong nagmumungkahi ng proyekto.
Isinusulat dito ang address, e-mail, cell phone, o telepono, at lagda ng tao o organisasyon.
Kategoriya ng Proyekto. Ang proyekto ba ay seminar o kumperensiya, palihan, pananaliksik,
patimpalak, konsiyerto, o outreach program?
Petsa. Kailan ipadadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon upang
maisakatuparan ang proyekto?

44
45
46
Gabay sa Paggawa ng Talumpati
1. Pagpili ng paksa - kailangang suriin ang sarili kung ang paksang napili ay saklaw ang kaalaman,
karanasan at interes.
2. Pagtitipon ng mga materyales- kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay paghahanap ng
materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na gagamitin sa isusulat na talumpati.
Maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating kaalaman at mga karansan na may
kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng paksa, mga awtoridad sa paksang napili.
3. Pagbabalangkas ng mga ideya- ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi panimula, katawan at
pangwakas.
4. Paglinang ng mga kaisipan- dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon na sumusuporta sa
mga pangunahing kaisipan na inilahad sa balangakas.

47
48
49
Talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito
ng kumunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig.
Uri ng Talumpati
 Daglian o biglaan (Impromptu) hindi binibigyan ng panahon o oras ang mananalumpati.
 Maluwag na Talumpati (Extemporaneous Speech) ay ang agarang pagsagot sa
paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw.
 Talumpating Handa – sinasaulo, binabalangkas, inihahanda at iniaayos ang sinusulat na
talumpati para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
50
51
52
Uri ng Talumpati

 Daglian/Biglaan (impromptu) - walang binabasa, ang paksa ay ibinibigay ng tatlo hanggang


limang minuto bago bumigkas sa harapan ng madla. Ang hinahasa sa kasanayang ito ay ang
bilis ng organisasyon ng kaisipan ng mananalumpati hinggil sa paksang bibigkasin sa
pinakamabilis na sandaling palugit na ibinigay.

 Maluwag (Extemporaneous Speech) ay ang agahang pagsagot sa paksang ibinibigay sa


mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw.

 Talumpating Handa – sinasaulo, binabalangkas, inihahanda at iniaayos ang sinusulat na


talumpati para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Pinaglaanan ng panahon, ang paksa
ay karaniwang naibigay nang maaga at naayon sa inaasahan ng mga tagapakinig, mula sa
pananaliksik ng mga datos na ibibigay o ilalahad sa talumpati.

53
54
55
Katitikan ng Pulong

Kahalagahan ng Katitikan ng Pulong

Ano man ang layunin o uri ng pulong tungkol sa mga pagbabago sa polisiya o sa pagbibigay ng
magandang balita, regular o espesyal na pulong, pormal o impormal, kailangang maitala ang
mahahalagang napag-usapan o nangyari rito. Ang dokumentong nagtala ng mahalagang diskusyon at
desisyon ay tinatawag na katitikan ng pulong.

Ginagamit ang katitikan ng pulong upang ipaalam sa mga sangkot sa pulong, nakadalo o
di-nakadalo, ang mga nangyari rito: kailan at saan ito nangyari, sino-sino ang mga dumalo, sino-sino
ang lumiban at ano-ano ang kanilang mga dahilan, ano ang pinag-uusapan, ano ang mga desisyon, at
iba pa. Makikita sa mga mas detalyadong katitikan ng pulong kung sino ang nagsabi ng ano, kanino,
ano ang tugon dito ng pinatutungkulan at ng iba pang nasa pulong, sino-sino ang magkapareho ng
posisyon sa isang isyu.

56
Katulad ng korespondensiya opisyal, nagsisislbing permanenteng rekord ang mga katitikan ng
pulong. Imposibleng matandaan ang lahat ng detalye ng pinag-uusapan o nangyari sa pulong.
Tandaang hindi magandang ideya ang iasa ang lahat sa iyong memorya. Gaano man katalas ang
memorya, hindi maaasahang manatili nang matagal sa isip ang mga iminemorya.
Sa pamamagitan ng katitikan ng pulong, maaring magkaroon ng nahahawakang kopya ng mga
nagyayaring komunikasyon. Sa paglipas ng panahon, maaring maging mahalagang dokumentong
pangkasaysayan ang isang katitikan ng pulong.

Gabay sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong


Ang mga sumusunod na gabay ay makatutulong sa pagsulat nang maayos at mahusay na
katitikan ng pulong.

Bago ang Pulong. Kung naatasan o nagboluntaryong magsulat ng katitikan ng pulong, siguraduhing
hindi ang sarili ang pangunahin o pinakaimportanteng kalahok dito. Mahahati lamang ang iyong
atensiyon. Lumilikha ng isang template sa pagtatala upang mapadali ang pagsulat. Maglaan ng
maraming espasyo.

57
58
Ano ang Posisyong Papel?

Ang posisyong papel ay sanaysay na naglalahad ng mga opinyon tungkol sa partikular na paksa
o usapin. Dito, kailangang pumosisyon sa isang panig. Halimbawa, naniniwala kang nakagagamot
ang marijuana kaya isinusulong mo ang paggamit nito sa medisina. O kaya, pro-choice ka kaya pabor
ka sa aborsiyon. Anuman ang posisyon, kailangang magbigay ng malinaw at matatag na mga
argumento at mga makatuwirang ebidensiyang susuporta sa mga ito sa kabuuan ng papel.
Ang posisyong papel ay maaaring nasa simpleng anyo ng liham sa editor o kaya naman ay sanaysay.
Maaari rin namang mas masalimuot ang anyo nito, tulad ng akademikong posisyong papel o opisyal
na pahayag na binabasa sa mga pandaigdigang kumperensiya. Karaniwang ginagamit ng malalaking
organisasyon ang posisyong papel upang isapubliko ang kanilang opisyal na paniniwala, posisyon o
rekomendasyon.

59
60
61
Ano ang Repleksibong Sanaysay?

Ang repleksibong papel o mapagmuning sanaysay ay isang pagsasanay sa pagbubulay-bulay.


Sa pamamagitan nito, natutuklasan ang sariling pag-iisip, damdamin, o opinyon tungkol sa isang
paksa, pangyayri, o tao, at kung paano naapektuhan ng mga ito. Bukod dito, ang pagsulat ng
repleksibong sanaysay ay isang gawaing humahamon sa mapanuring pag-iisip. Ang sulating ito ay
maaaring nasa anyo ng personal na sanaysay, lahok sa journal, diary, reaksiyong papel, o learning
log.
Kahalagahan ng Repleksibong Sanaysay

Sa pagsulat ng repleksibong sanaysay, tayo ay nagpapahayag ng damdamin, at dito ay may


natutuklasang bago tungkol sa sarili, sa kapuwa, at sa kapaligiran. Ang pagsulat ng repleksibong
sanaysay ay proseso rin ng pagtuklas. Sa pamamagitan din nito, natutukoy natin ang ating mg
kalakasan at kahinaan, at nakaiisip tayo ng mga solusyon sa mga problemang kainahaharap natin.
Hinahasa rin ng pagsulat ng repleksibong sanaysay ang karanasan sa metacognition o ang
kakayahang suriin at unawain ang sariling pag-iisip.

62

63
64
Mga Katangian ng Repleksibong Sanaysay

Personal ang repleksibong sanaysay. Sa sulating ito, sinasagot ng manunulat ang mga
repleksibong tanong na naglalayong ipakita ang ugnayan ng manunulat sa kaniyang paksa.
Halimbawa: Ano ang iyong naging reaksiyon sa pinanood mong teleserye? Ano ang paborito mong
asignatura sa paaralan at bakit? Paano mo iuugnay ang sarili sa pangunahing tauhan ng binasa mong
nobela? Ano ang kalakasan at kahinaan mo sa pagsulat?

Ang pagsulat ng repleksibong sanaysay ay hindi lamang limitado sa paglalarawan o paglalahad


ng kuwento. Nangangailangan din ito ng mas mataas na kasaysayan sa pag-iisip, gaya ng
mapanuring kamalayan at mapagmuning diwa. Kapag nagsusulat nito, nagsasagawa rin ng pagsusuri
(ano-ano ang mga sanhi at bunga ng kahirapan?), bumuo ng sintesis (Ano-ano ang mga natutuhan
mo sa mga naobserbahan?) at nagsusuri at nagpapasya (Ano-anong mga kaisipan ang tanggap o
hindi mo tanggap?).

Sa pagsulat ng akademikong repleksibong papel, mahalagang gumamit ng deskriptibong wika.


Sa pamamagitan nito, maipababatid sa mga mambabasa na nauunawaan at lubos na pinag-isipan
ang paksa. Dahil ito ay nakabatay sa karanasan, inaasahang magsusulat dito tungkol sa sarili, mga
ideya, at opinyon. Kaya naman hindi problema ang paggamit ng mga panghalip na “ako” sa
repleksibong sanaysay.
65
66
67
Magiging matagumpay ang isang panukala kung maglaan ng sapat na panahon at
tiyak na layunin sa gaganaping pagpupulong.

68
Kahulugan ng Agenda

Ang agenda ay ang listahan ng mga tatalakayin (ayon sa pagkakasunod-sunod)


sa isang pormal na pagpupulong. Layunin ng dokumentong ito na bigyan ng ideya ang mga kalahok
sa mga paksang tatalakayin at sa mga usaping nangangailangan ng atensiyon. nakasaad din dito
ang mga aksiyon o rekomendasiyong inaasahang pag-usapan sa pulong.

Kung ibinigay ang agenda sa mga kalahok ilang araw bago ang pagpupulong, nagkakaroon
ng sapat na panahon ang bawat isa na paghandaan ang talakayan at mga desisyong mangyayari sa
pulong. Sa kabuuan, layunin ng agenda na mabigyan ng pukos ang pagpupulong.

Karaniwan na ang nagpapatawag ng pagpupulong (presidente, CEO, director, tagapa- mahala,


pinuno ng unyon, at iba pa) ang responsible sa pagsulat ng agenda. Madalas silang
nakikipagtulungan sa kanilang mga kalihim sa paghahanda nito dahil ang mga kalihim din ang siyang
responsible sa pamamahagi ng mga agenda sa lahat ng lalahok sa pulong.

69
70
71
Photo Essay ay koleksiyon ng mga larawang maingat na inayos upang maglahad ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, magpapaliwanag ng partikular na konsepto, o magpahayag
ng damdamin. Hindi limitado ang paksa ng photo essay. Maaaring ito ay serye ng mga imahen sa
mataong bangketa, magulong konsiyerto, o tahimik at payapang bukirin. Maaaring ito ay tungkol sa
isang natatanging tao o mga kakaibang pangyayari.
Ito ay katulad din ng iba pang uri ng sanaysay na gumagamit ng mga teknik sa pagsasalaysay.
Ang kaibahan lamang ay ang paggamit ng mga larawan sa pagsasalaysay. May mga photo essay
na binubuo lamang ng mga larawan. Ang iba naman ay binubuo ng mga larawang may maiikling
teksto. May mga nagsasabing photo essay ang isang sulatin kung ang kalakhan nito ay teksto at
sasamahan lamang ng ilang larawan. May iba namang nagsasabing ang mga larawan dapat ang
lumulutang sa anyong ito, hindi ang mga salita.

72
73
74
Ang pagbuo ng photo essay ay siguraduhing pamilyar sa pipiliing paksa. Kailangang alamin din
kung magiging interesado ba sa paksa ang mambabasa o titingin nito. Mahalaga ring kilalanin kung
sino ang mambabasa. Kailangang malinaw sa kung ano ang nais patunguhan ng photo essay.
Kailangan ding may kaisahan ang mga larawan sa photo essay. Isaalang-alang ang konsistensi sa
framing, komposisyon, anggulo, pag-iilaw, o kulang maliban na lamang kung may nais na idiing ideya
o damdamin.

75
76
77
Lakbay-sanaysay ay isang uri ng sulating tumatalakay sa karanasan sa paglalakbay ngunit hindi
lamang ito tungkol sa paglalarawan ng mga lugar o tao. Ang sulating ito ay tungkol sa kung ano ang
natuklasan ng manunulat tungkol sa lugar na pinuntahan niya, sa mga taong nakasalamuha niya at
higit sa lahat tungkol sa kanyang sarili. Kung gayon, ang pagsulat ng lakbay sanaysay ay isang
paraan ng pagkilala sa sarili.

Ang lakbay-sanaysay ay hindi parang Diary. Hindi basta lamang isusulat ang lahat ng nakita,
nalasahan, narinig, naamoy, naramdaman, o naisip sa paglalakbay. Hindi ito record o simpling
pagdudugtong-dugtong ng mga pangyayari. Nangangailangan ang sulating ito
nang malinaw na pagkaunawa at perspektiba tungkol sa naranasan habang naglalakbay (O’Neil,
2005).

78
79
80
Ang portfolio ay koleksiyon ng mga gawaing pang-intelektuwal na nag-aangat sa antas na
kaalaman ng mga mag-aaral. Ito ay isang pangangailangan upang mabatid ng guro ang kasanayang
natamo ng bawat mag-aaral.

81
82
83

You might also like