You are on page 1of 5

SI MARIANG MAPANGARAPIN

Magandang dalaga si Maria. Masipag


siya at masigla. Masaya at matalino rin siya.
Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang
dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin.

Umaga o tanghali man ay nangangarap


siya. Lagi na lamang siyang nakikitang
nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at
nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala
siya sa tawag na Mariang Mapangarapin.
Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang
ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit
sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok.


Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang
manliligaw niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok
niya. Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria.

Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon.


Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni Maria ang
pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng
maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang
lahat na inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga
inahing manok araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng
labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang
saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo
ito sa limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria.
Sunong niya ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang
gising si Maria.

Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng
magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng
pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-
kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan.


Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng
pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.
BUOD

Ang pangunahing tauhan sa kwento ay si Maria. Siya ay binansagang


mapangarapin dahil marami siyang pangarap sa buhay. Gayunpaman ay hindi siya
nagagalit bagkus masaya siyang tinatawag na ganito.

Nagsimula ang kwento ng regaluhan siya ng mga sisiw ng kanyang manliligaw


at inilagaan niya ito ng mabuti. Lumaki itong malusog at nagbigay ng napakaraming
itlog. Masaya si siya kasi malaki ang maitutulong nito para makamit niya ang kanyang
mga pangarap sa buhay.

Isa sa mga pangarap niya ng makabili ng magagandang damit at nais niya ibinta
ang mga itlog sa bayan upang makabili nito. Masigla siyang nagtungo sa bayan at sabik
siyang mabinta ito. Sa sobrang saya niya ay pakendeng-kendeng siyang naglalakad
habang nakasunong ang dose-dosenang itlog hanggang sa nahulog ang mga ito at
nabasag. Malungkot si Maria sa nagyari at kasabay nito ang pagguho ng kanyang mga
pangarap.
REPLEKSYON

Maganda ang mensaheng nais iparating ng kwento dahil patungkol ito kung
paano tayo mangarap. Walang masama sa pangangarap sapagkat ito ang isang
layunin ng tao habang siya ay nabubuhay, makamit at magtagumpay sa buhay.
Nagiging masama lang ito kapag gumagawa na tayo ng mga bagay na minsan ay
nakakasakit ng damdamin ng iba, masamang bagay na natatapakan na ang reputasyon
at nakukuha na ang kanilang mga karapatan para lamang marating mo ang iyong
pangarap.

Ang iniregalo na dumadalagang manok kay Maria ay sumisimbolo sa


opurtunidad na ibibinibigay sa atin upang gamitin para umunlad sa buhay. Kailangan
lang natin ng matibay na paniniwala at maayos na adhikain para magtagumpay tayo.

Tulad ni Maria Mapangarapin, marami rin akong pangarap sa buhay. Ang pag-
aaral ko ngayon ang isa sa mga binibigyan ko ng panahon at halaga dahil alam ko na
ito ang unang hakbang upang makamit ko ang aking mga hinahangad sa buhay.

Nahulog ang dose-dosenang itlog dahil walang pokus si Maria na sunong ito.
Tulad din ng ating mga pangarap, kailangan meron tayong direksyon at maging maingat
palagi upang mas mabilis nating makakamit ito. Kailangan ng matinding pokus para
alam mo kung ano ang iyong tinatahak at layunin sa buhay.

Talagang nakikita ko rin ang aking sarili kay Maria kasi minsan ay mayroon ding
mga panahon na nagkamali ako. Ang pagkakamaling iyon ay nagging leksyon para
bumangon at magsimula ulit. Sana lang ay hindi si Maria mawalan ng pag-asa dahil
may dahilan ang lahat. Isa itong paraan para magkaroon ng bagong araw at gawing
maayos at mabuti ang bagay na magdadala sa atin sa tagumpay.
KONKLUSYON

Ang mensaheng nakapaloob sa kwento ay dapat gawing makatotothanan ang


mga layunin o adhikain upang ito ay maisakatuparan. Hindi pwedeng inuuna natin ang
mga bagay na wala naming katuturan at pwede makasira sa ating mga plano sa buhay.

Napagtanto ko na hindi maingat si Maria sa kanyang mga kilos dahil mas inuuna
niya ang mga bagay na nagpapaganda sa kanya dahilan ng pagbabago ng kanyang
layunin na ibenta muna ang produkto bago tumungo sa mga bagay na magpapaganda
sa kanyang sarili. Dahil dito nahulog at nasira ang mga itlog kaya parang gumuho na
din ang kanyang pangarap.

Tulad din natin si Maria, kailangan natin isaalang alang kung ano ang mga bagay
na dapat natin unahin o tapusin. Wag nating bigyang panahon ang iba kung hindi
naman ito nagangailangan ng pansin. Pwede naman natin itong gawin sa ibang
panahon depende lang kung mahalaga ito.

Ito rin ay isang leksyon kung saan ay dapat tayong matuto sa ating mga
pagkakamali ng sa ganon sa susunod ay magawa na natin ito ng maayos . Tandaan
lang natin na walang perpekto sa mundo at ang pagkadapa ay hindi dahilan para hindi
tayo tumayo ulit.
AMBAG SA KASALUKUYANG PANAHON

Ang kwento ay napapanahon dahil ang mundo ay puno ng pangarap. Si Maria ay


kumakatawan sa mga kabataan ngayon. Mga kabataang nangangarap upang
matulungan ang kanilang mga magulang at para guminhawa sa buhay.

Marami rin mga kabataan natin ngayon na naligaw ng landas dahil sa


naiipluwensyhan ng masasamang Gawain tulad ng droga at hindi kaaya-ayang bisyo.
Nawawala sila sa tamang daan dahil mas inuuna nila ang mga bagay na panandaliang
saya. Ang iba ay tumigil sa pag-aaral at maagang nag-asawa dahil kulang ang
atensyon na naibibigay ng kanilang mga magulang at minsan ay nagrerebelde na sila.

Isa pa sa nais iambag ng kwento ay kailangan natin ng pokus upang marating an


gating mga pangarap. Sunong na antin an gating mga pangarap at tanging tayo lamang
ang magdadala nito sa tuktok ng tagumpay. Ang naglalabasang makabagong
teknolohiya ay minsan kinukuha ang ating pokus at napapabayaan na natin ang mga
bagay na kailangan tapusin o prayoridad natin.

You might also like