You are on page 1of 2

St.

John Adaptive Montessori School


Magsaysay, Alicia, Isabela
Buwanang Pagsusulit sa Filipino
Setyembre 2019

BAHAGI I. Tukuyin at salungguhitan ang mga pang-uri na ginamit sa pangungusap.


1. Bagay ito sa kanyang magandang kasuotan.
2. Sariwa ang aming biniling tilapia sa palengke.
3. Isandaang piso ang bili namin sa aklat na ito.
4. Malakas ang patak ng ulan sa bubungan.
5. Isang tahimik na kasalan ang naganap kanina.
6. Sinabitan ng medalya ang mga natatanging mag-aaral.
7. Malakas kumain si Berto.
8. Ang aking tiyuhin ay mahusay magluto.
9. Malamig ang simoy ng hangin tuwing Disyembre
10. Namangha ang lahat sankanyang mabulaklak na pananalita.

BAHAGI II. Salungguhitan at tukuyin ang uri ng pang-uri na ginamit. Isulat bago ang bilang ang
PL, kung panlarawan; PM, kung pamilang; at PT, kung ito ay pantangi.
1. Ang pagtatalo ay isang maayos na paligsahan ng mga kuro-kuro tungkol sa isang paksa.
2. Pagpasyahan natin ang panig na naglahad ng mga makabuluhang katwiran.
3. Maraming-marami na ang mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
4. Ang pag-asa ay abot-tanaw para sa mga nagsisikap na mag-anak.
5. Kailangan ng bawat manggagawa ang tahimik na kalooban, lalo na kung nasa ibang
bansa.
6. Sana ay maiwasan ang mga wasak na ugnayan ng mga pamilya.
7. Walang halaga ang malapalasyong tahanan kung puno naman ito ng kalungkutan.
8. Usad-pagong nga ba ang kabuhayan ng ating bansa?
9. Kailangang maibsan ang mahirap na kalagayan ng mga manggagawang Pilipino.
10. Libo-libong manggagawa ang talagang nagtitiiis upang kumita lamang
BAHAGI III. Tukuyin ang kayarian ng mga pang-uring sinalungguhitan sa pangungusap.
1. Nakakuha kami ng mas mababang halaga ng tiket para sa aming Lakbay-Aral sa Bohol.
2. Sumakay kami sa maliit na sasakyang pantubig patungo sa Isla.
3. Malaking-malaki ang mga estatwa nina Legazpi at Sikatuna.
4. Malasalamin ng tubig sa ilog ng Loboc.
5. Talagang maliit ang mga tarsier.
6. Mayroon silang malaking mata.
7. Gawang-Tsina ang kaniya telepono.
8. Suot niya ang napakakapal na jacket.
9. Sirang-sira na ang kanyang dangal matapos siyang pagsamantalahan.
10. Hindi makatarungan ang pagpatay sa isang kadete ng PMA.

You might also like