You are on page 1of 3

Mekaniks para sa Madulang Sabayang Pagbigkas (speech choir)

Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2017


Buwan ng Wikang Pambansa Agosto 2017: Filipino Wikang Mapagbago
Panuntunan sa Madulang Sabayang Pagbigkas (Speech Choir)

1. ang patimpalak ay bukas sa lahat ng sekondarya (Junior at Senior High School) at kolehiyo
(pribado at publiko) sa lalawigan ng Marinduque.
2. Bawat kalahok ay binubuo ng 20-25 na mag-aaral para sa kolehiyo at 25-30 sa sekondarya.
3. Ang pagbabasihang piyesa sa gagawing madulang sabayang pagbigkas ay ang ibibigay ng
tagapangasiwa. Ang piyesa ay dapat memoryado.
4. Uniporme ng paaralan ang kasuotan ng mga kalahok. Maaaring gumamit ng angkop na
kasuotan. Ngunit hindi pinapahintulatan ang elektroniks (kailangan gamitan ng baterya o isaksak
sa koryente).
5. Ang bawat kalahok ay may 15 minuto lamang upang magtanghal. Mayroong kaukulang bawas
ng 2 puntos ang bawat 10 segundong sobra sa takdang oras.

Pamantayan sa Paghatol

Performans
(kaalaman, kahandaan at kasanayan sa piyesa) 30%

kahusayan sa pagbigkas, kaangkupan ng ekspresyon ng mukha,


kilos, galaw, kumpas ng kamay, tikas at tindig 50%

istilo ng presentasyon, pagkamalikhain at kagamitan (props) 20%

Premyo

Kampeon 10,000.00 (sekondarya) 15,000.00 (kolehiyo)


Pangalawang Gantimpala 7,000.00 10,000.00
Pangatlong Gantimpala 5,000.00 7,000.00
Wikang Marindukanon, Wikang Filipino: Mapagbago (pang-JHS)
ni: Dr. Diana Palmes Nobleza

Daan taong isinubi ang mga salita


Dito sa kubling hugis-pusong isla
Mula sa supling nina Garduke at Marina
Isisilang tadhana ng kaniyang wika.

Mga salita ay iluluwal


Wikang mag-aambag ng kalutang
Kapara ng bila-bila na maglalakbay
Sa wikang kaluluwa ng kapuluan.

Yano, Ngani, Baya, Mandin!


Marindukanon kung tawagin,
Humayo na at arugain
Wika natin ay kanlungin!

Wikang Marindukanon, wikang Filipino: mapagbago!

Baybayin, Abesedaryo, ABAKADA, at bagong alfabeto


Kaloob sa mga milenyal at bagong siglo
Pamilang na pito at walo magkakawangis tayo
sa Java, Maori, Tahiti at wikang Polynesyo.

Mga hulagway ng diyalekto at wika


Yumayabong sa talinghaga
Sa pilantik ng dila at timyas ng kataga
Mapagpalayang wika ang panata.

Hawanin ang diwang kaalama’y inaapuhap


Manaliksik, magsulat at maglimbag
Itanghal at mahalin ang Wikang Filipino
Papag-isahin damdamin ng bayan ko at bayan mo.

Tinatanaw na pagbabago,
Gabay ang wikang Filipino !

Lunggating nagbibigkis matatamo


Sa wikang pambansa at katutubo
Magpunyagi at gamitin ang Filipino
Tungo sa lipunang uunlad at magbabago.

Wikang Marindukanon, wikang Filipino: mapagbago!


Wikang Marindukanon, Wikang Filipino: Mapagbago (pang-SHS)
ni: Dr. Diana Palmes Nobleza

Daan taong isinubi ang mga salita


Dito sa kubling hugis-pusong isla
Mula sa supling nina Garduke at Marina
Isisilang tadhana ng kaniyang wika.

Mga salita ay iluluwal


Wikang mag-aambag ng kalutang
Kapara ng bila-bila na maglalakbay
Sa wikang kaluluwa ng kapuluan.

Yano, Ngani, Baya, Mandin!


Marindukanon kung tawagin,
Humayo na at arugain
Wika natin ay kanlungin!

Wikang Marindukanon, wikang Filipino: mapagbago!

Baybayin, Abesedaryo, ABAKADA, at bagong alfabeto


Kaloob sa mga milenyal at bagong siglo
Pamilang na pito at walo magkakawangis tayo
sa Java, Maori, Tahiti at wikang Polynesyo.

Mga hulagway ng diyalekto at wika


Yumayabong sa talinghaga
Sa pilantik ng dila at timyas ng kataga
Mapagpalayang wika ang panata.

Hawanin ang diwang kaalama’y inaapuhap


Manaliksik, magsulat at maglimbag
Itanghal at mahalin ang Wikang Filipino
Papag-isahin damdamin ng bayan ko at bayan mo.

Suungin man ang iba’t ibang larang


Sa inhenyeriya, matematika o agham
Sa pamamahala ng negosyo at empleyo
Isports, tech-voc, sining o disenyo.

Tinatanaw na pagbabago,
Gabay ang wikang Filipino !

Lunggating nagbibigkis matatamo


Sa wikang pambansa at katutubo
Magpunyagi at gamitin ang Filipino
Tungo sa lipunang uunlad at magbabago.

Wikang Marindukanon, wikang Filipino: mapagbago!

You might also like