You are on page 1of 3

MGA TRADISYUNAL NA TULA SA

PILIPINAS
March 10, 2015 shaimagpantay Leave a comment

SAMAHAN NIYO AKO!!! TARA!

Ang tradisyunal na tula sa ay mga pahayag na kadalasang nagtataglay ng sukat at tugma sa


bawat taludtod, o mga salita at paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, matayutay, at
masining bukod sa pagiging madamdamin.

Ang sukat ay bilang ng mga pantig sa bawat taludtod, samantalang ang tugma ay
pagkakasintunugan ng mga huling pantig sa bawat taludtod ng saknong.

May aliw-iw at indayog kung bigkasin ang tulang Tagalog dahil sa tinataglay nitong
katutubong tugma. Magkakasintunog ang huling salita ng taludturan. Karaniwan nang
gamitin ang wawaluhin at lalabindalawahin ng pantig ang sukat.

Mayroon itong malalim na kahulugan.

Tradisyunal na Uri ng Tula sa Pilipinas

SALAWIKAIN

Ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay o nagpapanuto ng magagandang


asal o gabay sa pamumuhay, sa asal, sa pakikipagkapwa.

Ang layunin ng salawikain ay ang pagsasabi ng katotohanang hindi mapasusubalian na


naging bahagi nan g ating tradisyong Pilipino na ang karamihan ay mula sa ibang bansa at
ang iba nama’y mula pa sa ating mga ninuno na nagpalipat-lipat sa mga labi ng mga salinlahi.

HALIMBAWA:

Ang sa iba’y ginawa mo, Siya ring gagawin sa iyo.

Ang buhay ay gayon lamang sa ugali’t kalakaran,


Ganti-ganti katwiran: Magbayad ang may utang sa pinagkakautangan

Ayaw ng patulak, gusto’y laging pakabig,

Kung baga sa manok kahig lang ng kahig.

Ang akala’y nakamura, namahalan pala.

AMBAHAN

Ang ambahan ay isang katutubong tula na nililikha ng mga Mangyan, particular ang mga
Hanunuo at Buhid na matatagpuan sa mga bayan ng Bulalacao at Mansalay sa Oriental
Mindoro at sa San Jose naman sa Occidental Mindoro. Ang mga grupong ito ng mga
Mangyan ay may sariling sistema ng pagsulat na ginagamit na nila bago pa man dumating
ang mga Kastila. Ang ambahan ay may sukat na pitong pantig sa bawat taludtod maliban sa
unang taludtod na maaaring higit o kulang sa pitong pantig dahil may mga pagkakataong ang
nagsasalita ay maaaring may mahaba o maigsing pangalan. Ang unang linya sa ambahan ang
nagpapakilala sa kung sino ang nagsasalita.

HALIMBAWA :

AMBAHAN

Kawayan sa Marigit

Pag tanaw ko, palapit

Labong pa siyang kay liit

Nang daanan ko pabalik

Siksikan ang tinik

Mainam nang pansahig!

Buli sa may kaingin

Noong siya pa’y musmusin

Hindi ko pinapansin

Nang gumulang, pagsapit

Tanggi ko ang lumain

Sariwa kong kukunin

Bayong kong lalalain


Lagi kong sasakbitin!

O liyag, aking hirang

Kanina nang lumisan

Galing sa ‘king dingdingan

Palay na inanihan

Akin lang iniwanan

Hinangad kong katuwang

Di basta palay lamang

Sa lakad sa ilog man

Maging sa kaparangan

Kaakbay ko saan man

Kaabay sa higaan!

OYAYI

Ang oyayi ay isang uri ng tula o awit na para sa mga bata, ginagamit ito ng kanilang mga
magulang upang libangin sila at turuan, ginagamit din ito para sa pagpapatulog sa kanila.

INIHANDA NI: SHAIRA M.


MAGPANTAY BSED III-A2/FILIPINO

You might also like