Professional Documents
Culture Documents
Wika at Nasyonalismo Report
Wika at Nasyonalismo Report
2. Pambansang identidad
3. Dimensyong heograpikal
4. Patriotismo
5. Pangangailangang aksyon
WIKA AT IDEOLOHIYA
Ang wika ay isang elemento ng lipunan. Ito ay ang pangunahing instrumento ng komunikasyong
panlipunan kung saan natatamo ang instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Ito rin ay
behikulo para makisangkot at makibahagi ang mga tao sa mga gawain ng lipunan. Sa pamamagitan ng
isang wikang pambansa mas madaling dumebelop ng mga institusyong pulitikal, ekonomikal at sosyal na
magsisilbi sa buong populasyon.
Kung ang piniling wikang pambansa ay di tanggap ng bansa bilang kinatawan at simbolo.
Kung ang piniling wika ay banyaga o hindi katutubo.
Ito ang mga dahilan kung bakit maliban sa phenomenon ng nasyonalismo nabuo ang
pagpaplanong wika. Ang pagpaplanong wika ay ang paghahanap ng solusyon upang ang mga mamamayan
ay magkaroon ng pagkakaisa sa halip na pagkakawatak-watak at pagkakasundo sa halip na pagtutunggali.
Hindi pa man natatamo ang kalayaan, naging tendensya na ang mga mag-adap sa isang
katutubong wika para ipalit sa wika ng kolonisador. Naging inisyal na reaksyon ang indihenisasyon o
pagsasakatutubo.
Layunin nito na idiskarga at alisin ang mga naunang impluwensya. Naging inisyal na gawan ng
akademyang pangwika ang pagpupuro sa wika. Hindi nagtagal ang reaksyong ito at naging modernisasyon.
MODERNISASYON
Ito ay masasabing pagbabalik sa dating nakagawian pero hindi sa ilalim ng dating among kolonyal,
kundi sa aktutubong edukado na sinanay ng among konlonyal sa pinaghalong katutubo at kolonyal na
Sistema. Ito ay naggng batayan sa ideya ng pangangailangan na maging bahagi ng mas malaking lipunan
at daigdig na lumiliit at mabilis na nagbabago. Kung saan ang lipunang ito ay nangangailangan ng aktibong
pagsangkto at pag-angko sa mga gawaing para sa pagbabago.
PAGPAPLANONG WIKA
SUPRAETNIK – ang pag-adap sa isang katutubong wika na malawak ang gamit sa bansa.
Natatalakay din ang linggwa franca o ang komon na wikang ginagamit pangkomunikasyong ng mga
magkakaibang wika. Hindi nakabase sa bernakular ang proseso ng modernisasyon at unipipkasyon.
Halimbawa:
Ang dahilan nito ay ang maiuugat na malaking papel ng wikang kanluranin at ang naging
tendensiya na palitan or mailaban ang katutubong wika.
Multilinggwal
Biktima ng kolonisasyon
Pagnanais at pagtatamo ng kalayaan
Pagpili sa wikang pambansa at ang pagmodisa nito
Malaking papel ng wikang Ingles