You are on page 1of 6

TUMAUINI NATIONAL HIGH SCHOOL

Tumauini, Isabela

Mala-Masusing Banghay Aralin

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

GRADE XI

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Nauunawaan ang gamit ng wika sa lipunan, pasalita man o pasulat.
B. Inaasahang Pagganap
Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan
ng Wikang Pambansa ng Pilipinas.
C. Mga Kasanayang Pampagkatuto
A. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (Ayon
kay M.A.K. Halliday)
Code: F11PT-Ic-86
B. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan
Code: F11PD- Id-87
C. Naipaliliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga pagbibigay
halimbawa
Code: F11PS-Id-87
II. NILALAMAN

Gamit ng Wika sa Lipunan

III. KAGAMITANG PANTURO

Sanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


May akda: Magdalena O. Jocson
pahina: 80-95
Mga biswal at iba pang karagdagan sa pagtuturo: television, laptop, at mga
sinaliksik na biswal

Gawaing Pangguro Gawaing Pangmag-aaral


A. PANIMULA
a. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o
pagsisimula ng bagong aralin
Ano-ano ang inyong napansin sa mga
sinambit ng bawat pangkat sa
pagpaparinig ng awitin?

b. Paghahabi sa layunin ng aralin.

B. PAGGANYAK

Pangkatang Gawain:
Panuto:Basahin at unawain ang bawat
sitwasyon. Isulat sa speech baloon ang
maaaring
sabihin kaugnay nito. Suriin ang sitwasyon
bago isulat ang angkop na pahayag.

Sitwasyon 1
May dumating na panauhin sa
inyong bahay, paano mo siya
kakausapin?Ano ang sasabihin mo sa
kanya?
Sitwasyon 2
Hindi mo maabot ang iyong
bag dahil masikip ang kinalalagyan
daraan ang isa mong kaklase
makikisuyo kang abutin ito para sa
iyo.Paano mo ito sasabihin?
Sitwasyon 3
Naniniwala ka na malaki ang
magagawa ng mga kabataang tulad mo
sa pag-unlad ng ating bansa.Paano mo
ito ipahahayag?
Sitwasyon 4
Bilang klas president , paano
mo paalalahanan ang mga kaklase mo
na lumiliban, nahuhuli , hindi
nakauniporme at walang ID?
(Pagpapakita ng mga mag-aaral sa kanilang
sagot sa harap ng klase.)

C. ABSTRAKSYON

c. Pagtatalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan:
Pasalita man o pasulat, may kaniya-
kaniyang gamit ang wika sa lipunan.
Mahalaga ang nasabing mga tungkulin
o gamit sa epektibong
pakikipagkomunikasyon.
Gamit ng wika sa lipunan:
1. Pang-instrumental
Katangian: Tumutugon sa mga
pangangailangan.
Nagpapahayag ngb pakiusap,
pagtatanong,at pag-uutos
Pasalita: Pakikitungo,
Pangangalakal, Pag-uutos
Pasulat: Liham Pangangalakal

2. Panregulatori
Katangian:Kumokontrol
/Gumagay sa kilos at asal ng iba.
Pasalita: Pagbibigay ng panuto,
Paalala
Pasulat: Resipe, Direksiyon sa
isang lugar, Panuto sa
Pagsusulit at Paggawa ng Isang
Bagay, Tuntunin sa Batas na
Ipinatutupad.

3. Pang-interaksiyonal
Katangian: Nakapagpapanatili,
nakapagtatatag ng relasyong sosyal.
Pasalita:Pormulasyong
Panlipunan Pangungumusta, Pag-anyayang
kumain, Pagpapatuloy sa Bahay, Pagpapalitan
ng Biro, at marami pang-iba.
Pasulat: Liham Pangangalakal,
Imbitasyon sa Isang Okasyon (Kaarawan,
Anibersaryo,Programa sa Paaralan)

4. Pampersonal
Katangian: Nakapagpapahayag ng
sariling damdamin o opinyon.
Pasalita: Pormal o di-pormal na
Talakayan, Debate, o Pagtatalo
Pasulat: Editoryal o Pangulong
tudling, Liham sa Patnugot,
Pagsulat ng suring basa, Suring-
Pelikula o Anumang Dulang
Pantanghalan.

5. Pangheuristiko
Katangian: Naghahanap ng mga
impormasyon o datos.
Pasalita: Pagtatanong,
Pananaliksik, at Pakikipananayam
Pasulat: Mga Anunsiyo, Patalastas
at Paalala

6. Impormatibo
Katangian: Ang Wika ay
instrumento upang ipaalam ang iba’t- ibang
kaalaman at insight tungkol sa mundo
Pasalita: Pag-uulat, panayam,
pagtuturo, pagpapaliwanang, pagsagot
Pasulat: Mga Anunsiyo,
Patalastas at Paalala, pamanahunang papel o
tesis at daysertasyon

7. Pang-imahinasyon
Katangian: Ang pagiging
malikhain ng tao ay tungkuling
nagagampanan niya sa wika.
Nalilikha ng tao ang mga bagay –
bagay upang maipahayag niya ang
kaniyang damdamin.
Pasalita: Pagbigkas ng Tula,
Pagganap ngTeatro
Pasulat: Pagsulat ng Akdang
Pampanitikan

D. PAGSUSURI

Paglinang sa kasabihan:
“Gabay sa pakikipagkomunikasyon
ang wastong gamit ng wika ng lipunan.”
Sa iyong pag-unawa, ipaliwanag kung
ano ang ibig ipakahulugan ng quotation.

E. APPLIKASYON

Paglalapat ng aralin sa pang-araw-


araw ng buhay:
Mahalaga ba ang iba’t ibang
gamit ng wika?
Paano natin ito nagagamit sa
pang-araw-araw ng buhay natin?

F. PAGTATAYA
d. Pagtataya ng aralin:
Pangkatang Gawain sa iba’t ibang
sitwasyon:
Pangkat I- Bumuo ng Tula ( hinggil sa
wastong Pagkain)
Pangkat II- Paggawa ng Imbitasyon (sa
darating na Pagdiriwang ng Buwan ng Wika)
Pangkat III- Pagsasayaw ( pang-unat
sa katawan –exercise o Sumba)
Pangkat IV- Paggawa ng Islogan(
tamang paghihiwalay ng basura)
(Pagpapakita ng bawat Pangkat
sa Klase)

G. KARAGDAGANG GAWAIN

1.Panoorin at suriin ang pelikulang


pinamagatang “Mumbaki” .
2. Ipaliwanag ang isang konsepto sa
pelikulang Mumbaki na, “Ang mga
ritwal na kanilang (Ifugao) isinasagawa
upang makipag-usap sa kanilang mga
ninuno at anito ay anino mga buhay na
larawang nakakulong sa malaking
telon.”
3. Bigyang-pagpapakahulugan na ang
isang pelikulang tulad ng Mumbaki ay
nagpapakita ng kultura ng isang
pangkat ng tao.
4. Ipagpalagay na ikaw ang doktor na
tauhan sa pelikula na dumaranas ng
malaking kabiguan dahil sa kawalan ng
suporta ng pamahalaan, ano ang iyong
mararamdaman? At kung bibigyan ka
ng pagkakataon na kausapin ang
pamahalaan na tulungan ka sa mga
pangangailangang pangmedisina para
sa mga katutubo? Ano ang iyong
sasabihin?

H. PAGTATALA
I. PAGNINILAY

Ipinasa ni: Ipinasa kay:


CAMILLE J. MANALO MARIBON J. BAGUNU
(Guro sa Filipino) (Assisstant Principal, SHS)

You might also like