You are on page 1of 7

Fil2 Midterm

Mga Bahagi ng Teksto


1. Panimula : Paksa at Tisis
 ito ay napakahalagang bahagi ng isang tekso sapagkat nagsisilbi itong pang-akit sa mga
mambabasa upang basahin ang teksto.
 Ito rin ang nagpapakilala sa paksa at tisis ng teksto. Sa bahaging ito, iniintrodyus ang topic na
iniikutan ng teksto at inilalatag dito ang tisis o ang kaligiran ng paksa na maaaring buuin ng
proposisyon, pahayag o asersyon hinggil sa tatalakaying paksa o mga katwirang
papatunayan o pasisinungalingan.
Wika nga nina Bernales, et al. (2001) , maihahalintulad ito sa Display window ng mga
tindahan na hindi lamang nagsisilbing pang-akit sa mga mamimili kundi nagpapakita rin ng ilang
abeylabol na paninda o haylayt na paninda.
 Ito ay nagbibigay- ideya sa mga mambabasa kung tungkol sa aling paksa ang teksto at kung
ano ang paniniwala, asersyon o proposisyon ng may akda sa paksang iyon.
2. Katawan : Istraktura , Nilalaman at Order
 ang kalakhan at pinakamahabang bahagi ng isang teksto.
 ito ang pinakamahalagang bahagi ng anumang teksto.
 nilalaman din nito ang pinakakaluluwa ng teksto.
Istraktura at order ang pinakalansay ng teksto.
3. Wakas : Paglalagom at Kongklusyon
 Ito ang panghuling bahagi ng teksto. Tulad ng panimula, kailangan din itong maging
makatawag- pansin sapagkat ang pangunahing layunin sa pagbubuo nito ay ang pag-iiwan
ng isa o ilang mahahalagang kakintalan sa mambabasa.
 Ito ang nagsisilbing huling impresyon na mananatili sa isipan ng mga mambabasa na
maaaring makaimpluwensya sa pagbabago ng kanyang pananaw ukol sa paksang tinalakay o
impormasyong natutunan.
Lagom ang pinakabuod ng kabuuan ng teksto. Dito inilalahad ang kabuuan ng teksto sa
pinakamaikling paraan.
Kongklusyon ang naglalahad ng inferences, proposisyon o deductions na mahahango sa
pagtatalakay sa teksto.
Mga Kasanayan sa Akademikong Pagsulat
 Ang akademikong papel ay may higit na masinsinang pagtalakay at may sinasagot na
katanungan o larangan ng pananaliksik sa pamamagitan ng mga datos o impormasyong
makakalap mula sa mga makikitang pag-aaral at literatura.
 Ang isang akademikong papel sa antas kolehiyo ay karaniwang binubuo ng 2,000 hanggang
3,000 salita o 15 hanggang 20 pahina.
 Ang pagsulat ng akademikong papel ay nangangailangan ng masusi at maingat na pagsisiyasat at
pangangalap ng mga datos upang mapagtibay, maipaliwanag mapasubalian at mapahalagahan
ang isang paksain.
Mga Pakinabang na Dulot ng Akademikong Pagsulat
• Mapapaunlad ang kakayahan sa paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at
mapapaunlad ang mga pagpapahalagang iskolarli.

1
Fil2 Midterm

• Malilinang ang kakayahan sa mapanuring pagbasa at pagsulat tulad ng paggawa ng buod,


pagtatala, pagbabalangkas ng mga ideya at pag-oorganisa ng mga impormasyon sa isang
mapanghikayat na sulatin.
• Makikilala ang mundo ng aklatan bilang balon ng impormasyon at datos at ang mundo sa
pangkalahatan bilang batis ng iba’t ibang kaalamang kailangan salain at suriin para sa
akademikong pagsulat.
• Magkakaroon din ng kasiyahan sa pagtuklas ng kaalaman at sa pagkakataong makapagdagdag sa
kaalaman ng lipunan.
• Magkakaroon din ng kasiyahan sa pagtuklas ng kaalaman at sa pagkakataong makapagdagdag sa
kaalaman ng lipunan.
• Malilinang ang pagpapahalaga sa paggalang sa katotohanan --- ang paggalang sa likha at akda ng
iba bunga ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap.
• Sa pamamagitan ng pagtatala at maingat na dokumentasyon ng pinaghalawan ng mga ideya at
impormasyon ay maaari ring masanay sa pagkilala ng akda ng may akda at ang pagpapahalaga sa
katapatang intelektwal bilang sangkap ng akademikong pagsulat.
• Inaasahan ding mabubuksan ang isip ninyong mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa
pamamagitan ng pagharap ng hamon ng pagiging obhetibo sa pagtanaw sa mga pangyayari at
impormasyon.
• Matututunan din ninyo ang pagiging mapili sa pagsusuri ng mga datos na mahalaga at hindi ng
mga impormasyong kapaki- pakinabang para sa inyong tinutuntong imbestigasyon.
Pangunahing Bahagi ng Konseptong Papel
1. Tiyak na Paksa
• Isa sa mga tinitiyak sa pagbubuo ng akademikong papel ay ang pagpili at pagtiyak ng paksa o
larangan ng pagsisiyasat na nais isagawa.
Halimbawa:
Larangan: Dula sa Pilipinas
Tiyak na paksa: Kasaysayan ng dula sa Pilipinas
Lalong tiyak na paksa: Kasaysayan at pagpapakahulugan sa salitang “dula”
2. Rasyunal
• Sa pagtitiyak ng mga paksang nais talakayin at sa larangang kinabibilangan ng paksaing nais
siyasatin, mangyayaring maihanay ang mga motibasyon at inspirasyong nagtulak sa pagtatangi
ng napiling paksain.
3. Layunin
• ang pagtukoy ng layunin ng pagsisiyasat ay maaaring maihayag sa pamamagitan ng isang
katanungang nagbubukas ng pinto ng pagsisiyasat.
• halimbawa ay ang mga tanong na ano, sino, saan, kailan at bakit.
4. Panimulang Haka
• pagbuo ng panimulang tugon sa suliraning nais tuntunin.
• hindi dapat na maging tiyak sapagkat ito ay pagtantiya lamang sa posibleng kahihinatnan ng
pagsisiyasat at pananaliksik.

2
Fil2 Midterm

Hal: nagmula sa salitang “dula” mula sa Cebuano na ang ibig sabihin ay “laro”. Ang mga
katangian ng “dula” ay maaaring nahalaw sa mga salita at katuringang iniuugnay sa salitang
“dula”.
5. Sarbey ng mga Sanggunian
• Ang panimulang sarbey ng sanggunian o kaugnay na pag-aaral ay listahang bibliyograpikal ng
mga pag-aaral na makatutulong sa pagpapahusay ng pagsisiyasat.
• ito ay bahagi ng pagtitiyak na ang isasagawang pag-aaral at pananaliksik ay nagmumula sa mga
nagawa nang pananaliksik at nakabatay sa mga kaalamang lalong pagyayamanin ng isasagawang
pagsisiyasat at pananaliksik.
6. Metodolohiya o Pamamaraan ng Pananaliksik
• sa pangkalahatan, maaaring uriin ang mga metodo sa ilang pangunahing pamamaraang
ginagamit– ang pananaliksik sa mga aklatan at arkibya, pagsasagawa ng field work, pag-
eeksperimento sa laboratoryo o sa isang kontroladong espasyo.
7. Pag-aayos ng mga Datos
• nangyayaring makapangalap ng mga datos at impormasyon na kinakailangang ilagay sa masinop
na paghahanay upang madaling masuri at maisistematays.
1. Ang Gamit ng Tala, Note Cards at Reference Cards
a. Ang 3x5 notecard ay pinagtatalaan ng mga sanggunian. Isang kard kada isang sanggunian ng
gamit upang madaling makita kung ilang sanggunian na ang nasusuri ng mananaliksik.
 Sa 3x5 note card ng sanggunian, maaaring itala ang bibliographic entry ng sanggunian
sa gitna.
 Sa kaliwang itaas na bahagi makikita ang call number o ang pinagmulan ng
sanggunian(kung saan ito nakuha o nakita).
 Sa kanang itaas na bahagi naman ay ilalagay kung ano ang pangkalahatang paksa ng
sanggunian.
b. Ang 5x8 note card naman ang pinaglalagyan ng mga datos o tala na makukuha sa mga
babasahi. Maaaring ilagay rito ang iba’t ibang uri ng datos. Makakatulong din kung
maglalagay ng mga pamagat ng paksa at tanda ng tala sa bawat kard.

c. Sa pagtatala , maaring pumili ng iba’t ibang paraan ng pagkuha ng tala---paggawa ng buod,


tuwirang sipi, presi, pagsasalin sa Filipino mula Ingles at iba pang wikang banyaga.

a. Tuwirang Sipi-pinakamadaling pagtatala ang pagkuha ng tuwirang sipi. Walang ibang


gagawin kundi ang kopyahin ang ideya sa kard. Mangyaring ipaloob sa panipi ang sipi
upang matandaan na ito ay tuwirang sipi.
b. Buod, Presi(paraphrase) at Hawig-Ang buod o sinopsis ay isang uri ng pinaikling
bersyon ng isang panulat. Taglay nito ang mga pangunahing ideya ng panulat nang may
bahgyang pagdedetalye upang mabigyan ng pangkalahatang ideya ang nagbabasa sa
tinatalakay na paksa.
Ang presi ay galing sa salitang Pranses na ang ibig sabihin ay pruned or cut-down
statement. Ibig sabihin , ito ay isang tiyak na paglalahad ng mga mahahalagang ideya ng
isang mahanang prosa o berso, gamit ang sariling salita ng nagbabasa. Inilalahad ang mga

3
Fil2 Midterm

ideya ng akd sa paraang walang komentaryo o interpretasyon at sa parehong mood o tono,


at punto de vista ng orihinal na akda, sa pinakamaikling paraan.
Ang presi ay higit na maikli kaysa sa orihinal nang may 5 hanggang 40 porsyento ng haba
ng orihinal na akda.
Maaring ang presi ay isang pangungusap o isang talata na maaaring ito ang sentral na
ideya o sintesis na mahahalagng ideya.
Bukod sa paggawa ng presi, mahalaga ring matutunan ang paggawa ng hawig. Di tulad
ng presi na naglalahad ng mahahalagang pangyayari sa orihinal na akda, ang hawig o
paraphrase ay isang hustong paghahanay ng mga ideyang gamit ang higit n payak na salita
ng nagbabasa.
2. Salin-mahalaga na matutunan ang pagsasalin sa Filipino upang maging malawak ang batis ng
impormasyong magagamit sa pananaliksikSa pagsasalin, pinaanatili pa rin ang dangal ng
paggamit ng wikang piangsasalinan nang may pagsasaalang-alang sa akdang nakasulat sa
ibang wika.
3. Sintesis-pagsusuma ng mga mahahalagang paksang tinalakay sa isang akda.
Hal.Marami sa atin ang mapanghusga sa kapwa dahil lamang sa katayuan sa buhay ng isang tao .
Ang Kalupi ni Benjamin Pascual
8. Pagbabalangkas
• Pagbuo ng sistematikong paghahanay ng mga ideya upang malinaw ang kanilang ugnayan.
• Sa pamamagitan nito, magagabayan ang pagsasaayos ng mga ideya mula sa pinakamalawak at
tiyak na ideya.
• Ang ulo ng balangkas ay tumutukoy sa pinakamalawak na konsepto sa pananaliksik.
• Dahil ito’y malawak na konsepto, maaari pang maglagay ng suporta at kaugnay na ideya.
• Sa pinakamahigpit na kaayusan mg balangkas, ang suportang ideya sa bawat ulo ng balangkas ay
kinakailangang pantay-pantay.
• Ang lalim at detalye ng mga ideyang nakapaloob sa balangkas ay tinitiyak ng bilang ng antas ng
balagkas.Hal.Ang mabilis na pag-unlad ng mga Tsino kaysa sa mga Pilipino sa larangan ng
pagnenegosyo sa Pilipinas
I. Panimula
A. Panukalang Pahayag
B. Paglalahad ng Suliranin
C. Kabuluhan ng Pananaliksik
D. Layunin ng Pananaliksik
E. Saklaw at Delimitasyon
F. Metodolohiya
II. Kahulugan ng mga Katawagan
III. Katawan
A. Intoduksyon sa Negosyo
B. Kasaysayan ng pagnenegosyo sa Pilipinas
C. Datos/Buhay ng mga negosyanteng Tsino
1. Unang kapanayam
2. Ikalawang kapanayam

4
Fil2 Midterm

D. Datos/Buhay ng mga negosyanteng Pilipino


1. Unang kapanayam
2. Ikalawang kapanayam
3. Ikatlong kapanayam
IV. Pagtalakay at Pagsusuri ng Resulta/Panayam
V. Konklusyon
Uri ng Balangkas
a. Balangkas na talata
• paghahanay nang isa-isang mga ideya.
• ang mga ideya ay inihahanay lamang sa pamamagitan ng mga buong pangungusap na
nasa anyong pasalaysay(deklarativ)
b. Balangkas na Paksa
• gumagamit ng karaniwang anyo ng balangkas.
• gumagamit ng salita,parirala sa paghahanay ng datos.
• ang mga salita,parirala ay nagsisimula sa malaking titik at hindi gumagamit ng tuldok sa
pagtatapos ng talata.
c. Balangkas na Pangungusap
• gumagamit ng buong pangungusap sa paghahanay ng mga datos.
• pasalaysay kung tiyak na ang datos na ilalagay;patanong kung nasa antas pa lamang ng
pagbuo ng mga datos na nais kalapin.
• kailangan maging konsistent sa gamit ng uri ng pangungusap.
• kailangan maipakita rin dito ang wastong gamit ng malaki at maliit na titik at wastong
pagbabantas.
LOHIKAL AT MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT
• Ang lohika ay tumutukoy sa agham at sining ng tamang pag-iisip.
• Sa akademikong pagsulat, ang lohika ay isang pangangailangan. Ito ang batayan ng panghikayat
sa mambabasa, katulad nga ng nabanggit na. Sa larangang ito, madalas na may mga katwirang
kailangan pangatwiranan.
May iba’t ibang ebidensyang maaring magamit. Ito ay ang mga sumusunod:
a. Pangyayaring nauugnay sa argumento;
b. Obserbasyong pansarili o kaya’y ng ibang tao;
c. Mga saksi; at
d. Mga awtoridad na makapagbibigay ng mga pahayag na makapagkokolaboreyt sa isang
argumento.
Lohikal na Pangangatwiran
(a) Pangangatwirang Pabuod – ito ay nagsisimula sa maliliit na halimbawa o kaya’y sa mga
partikular na bagay at katotohanan at nagtatapos sa isang panlahat na tuntunin, kaisipan o konsepto.
(b) Pasaklaw na Pangangatwiran – ito naman ay nagsisimula sa panlahat na tuntunin, konsepto
o ideya na sinusundan nga mga partikular na bagay na sumusuporta o nagpapatotoo sa inilahad sa una.
Ang ganitong pangangatwiran ay madalas na gumagamit ng silohismo tulad ng mga
sumusunod:

5
Fil2 Midterm

Tiyakang Silohismo
Pangunahing Premis:
Lahat ng katoliko ay Kristiyano
Pangalawang Premis:
Si Juan ay Katoliko
Kongklusyon:
Si Juan ay Kristiyano
Kondisyunal na Silohismo
Pangunahing Premis:
Kung si Juan ay isang mabuting
Kristiyano, siya ay pupunta sa langit.
Pangalawang Premis:
Si Juan ay isang mabuting Kristiyano.
Kongklusyon:
Si Juan ay pupunta sa langit.
Pasakaling Silohismo
Pangunahing Premis:
Kung masama kang Kristiyano, hindi
makakarating sa langit.
Pangalawang Premis:
Si Pedro ay hindi masamang Kristiyano.
Kongklusyon:
Makakarating si Pedro sa langit.
May Pamiliang Silohismo
Pansining sa ganitong pangangatwiran ay kailangang maging matibay ang pangunahing premis
sapagkat kung hindi, hahantong ka sa isang maling kongklusyon. Halimbawa:
Pangunahing Premis:
Lahat ng lumalangoy ay isda.
Pangalawang Premis:
Si Nena ay lumalangoy.
Kongklusyon:
SI Nena ay isda.
Palasi ng Pangangatwiran
Sa Pagsulat ng akademikong papel, kailangang iwasan ang mga palasi ng pangangatwiran dahil
nagpapahina ang mga ito ng isang argumento .
a. Argumentum ad misericordiam – pagpapaawa o paggamit ng awa sa pangangatwiran.
Hal.Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral sapagkat lalo silang magiging kaawa-
awa kung sila ay lalagpak.
b. Argumentun ad ignorantiam – nagpapalagay na hindi tototo ang anumang hindi napatutunuyan
o kaya’y totoo ang anumang hindi napagsisinungalingan.
Hal. Ito ay isang ebidensya at kailangang tanggapin dahil wala namang tumututol dito.

6
Fil2 Midterm

c. Non sequitur – paggamit ng mga argumentong hindi magkakaugnay o ng argumentong does


not follow the premise
Hal.Ang mga babae ay higit na masisipag magtrabaho kaysa mga lalaki, kung gayon, sila ay
may higit na karapatang magreklamo sa trabaho.
d. Ignoratio elenchi – pagpapatotoo sa isang kongklusyong hindi naman siyang dapat
patotohanan.
Hal. Hindi siya ang naggahasa sa dalaga, sa katunaya’y isa siyang mabuting anak at
mapapatunayan iyan ng kanyang mga magulang, kapatid, kamag-anak at kaibigan.
f. Maling Paglalahat – pagbatay ng isang kongklusyon sa isa o ilang limitadong premis.
Hal. Mahirap mabuhay sa Maynila kung kaya’t masasabing mahirap mabuhay sa buong
Pilipinas.
g. Maling Analohiya – paggamit ng hambingang sumasala sa matinong kongklusyon.
Hal.Magiging mabenta ang sorbetes kahit tag-ulan, kasi’y mabenta naman ang kape kahit na
tag-init.
h. Maling Saligan – paggamit ng maling batayan na humahantong sa maling kongklusyon.
Hal. Lahat ng Amerikano ay nasa Amerika, kung gayon, si Pedro Madlangbayan ay isang
Amerikano dahil siya ay nasa California.
j. Maling Awtoridad – paggamit ng tao ng sangguniang walang kainalaman sa isang paksa.
Hal. Wika nga ni Aiza Seguerra, higit nating kailangan ang wikang Ingles kaysa wikang Filipino.
k. Dilemma – pagbibigay ng dalawang opsyon lamang na para bang wala nang iba pang alternatib.
Hal. Alin sa dalawa ang mangyayari: ang pumatay o kaya ay mamatay.
l. Mapanlinlang na Tanong – paggamit ng tanong na ano man ang maging sagot ay maglalagay ng
isang tao sa kahiya-hiyang sitwasyon.
Hal. Hindi ka na ba nagtataksil sa iyong asawa?

You might also like