You are on page 1of 24

MODYUL

SA PAG-AARAL
NG
MGA
KONTEMPORARYO
NG ISYU

GRADE 10
1.ANO ANG KONTEMPORARYONG ISYU?
Ang contemporary o kontemporaryo ay nagmula sa salitang
com+tempor na nangangahulugang current o napapanahon.
Kapag sinabing kontemporaryong isyu, ito ay tumutukoy sa mga
isyu na nangyayari sa kasalukuyan o tumutukoy sa mga napapanahong
isyu. Sa madaling sabi, ito ng pinakapinag-uusapan sa ating lipunan
ngayon. Matutunghayan sa ibaba at sa susunod na pahina ang mga
isyu ngayon.

2. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPOARYONG


ISYU

Kaliwa’t kanan ang mga isyu na nahaharap ng ating lipunan


ngayon kaya dulot nito’y nahihirapan ang mga iba’t ibang sektor ng
pamahalaan sa pagsolusyon sa bawat isa. At bilang isang mamamayan
ng ating bansa, naaapektuhan tayo sa mga isyung ito gustuhin man
natin o hindi. Sa pang-araw-araw nating pamumuhay, hindi
maiiwasang malaman natin ang mga nangyayari sa mundo kung kaya’t
kailangan rin nating maging isang aktibong mamamayan na may
pakinabang sa ating inang bayan. Huwag sana tayong magbingi-
bingihan at magbulag-bulagan. Gamitin natin ang kontemporaryong
isyu upang makatulong sa kung ano man ang dapat paunlarin.

3.ISYUNG PANGKAPALIGIRAN

Ang mundo sa panahon natin ngayon ay lubhang nakababahala


dahil sa mga nangyayari sa ating kapaligiran na hindi natin inaasahan.
Ilan sa mga pangyayari ay hindi na natural at maaaring buhat ito ng
mga pagbabago sa ating mundo at maaaring ito’y kagagawan rin ng tao
na masyadong umaabuso sa kalikasan. Bagama’t maraming mga
makabagong teknolohiya ang nagsilabasan sa ngayon ay hindi pa rin
maikakaila na ang ating mundo ay nakararanas na ng mga matitindi at
hindi natural na sakuna. Ito ay konektado sa pinakamatinding isyu sa
ating bansa ngayon katulad ng isyu sa mga sakuna o disaster, climate
change, at lalo na ang mga isyu sa sarili nating pamayanan.
2.1 DISASTER RISK MITIGATION AT MANAGEMENT
Ano ang sakuna?
Ayon kay Kenneth Biasong sa kanyang Disaster Risk Reduction
Manual, ang sakuna ay itinuturing na “emergencies”. Ibig sabihin ito’y
maaaring mangyayari sa mga ‘di inaasahang pagkakataon katulad na
lamang ng nangyari na lindol sa Bohol, Cebu, at iba pang kabisayaan.
Dinagdagan pa niya na kapag ito ay nangyari hindi maaaring ang mga
affected lamang ang mismong tutulong sa kanilang mga sarili.
Kinakailangang sa panahon ng sakuna ay handa ang mga sektor ng
gobyerno sa pagresponde. Ang mga sakunang ito’y maaaring natural o
epekto lamang ng kagagawan ng tao. At mas maliit ang tsansa ng mga
biktima o affected ng mga sakuna kung ito’y higit na napaghandaan.
Sa kanyang pag-aaral, nalaman niya na mas magiging maliit ang
bahagdan ng affected kung ang isang bansa ay mayroong tinatawag na
DISASTER RISK REDUCTION AT MITIGATION.
Ano ang pinagkaiba ng dalawa?
Nakasaad sa kanyang manual na ang Disaster Risk Mitigation :
“ are activities that prevent a disaster, reduce the chance of a
disaster from happening, or reduce the damaging effects of
unavoidable natural phenomenon”
Dinagdagan pa niyang:
“ It is an act of preventing or minimizing the adverse effects of
disaster---causing phenomena through the introduction of
measures designed to prepare and protect life and property of the
members of the society before the occurrence of a phenomenon”.
Ibig sabihin, ito iyong mga kadalasang ginagawa ng mga paaralan
at mga pamanatasan katulad ng pagkakaroon ng drills. Ang pagtatayo
rin ng mga typhoon-resistant o earthquake-resistant na mga
kabahayan at gusali. Sa madaling sabi, ito ay ang paghahandang
ginagawa natin upang hindi tayo lubusang masaktan sa sakuna.
Sa kabilang dako naman, ang Disaster Risk Management ay:
“disaster prevention to ensure sustainable development that
people can lead a good, healthy, and happy life without creating
damage to the environment”.
Halimbawa nito ay ang pagtukoy sa mga lugar na may mataas
na posibilidad na pagtama ng mga sakuna o mas kilala sa tawag na
hazard mapping. Kasama rin diyan ang vulnerability analysis, at ang
strategic disaster prevention. Kasama sa ating paghahanda ay ang
pagtukoy sa mga ahensya o sektor ng gobyerno na namamahala kapag
mayroong sakuna o kalamidad. Ito ang ilan sa mga nangunguna:

1. UNISDR- United Nations Internatonal Strategy for Disaster Risk


Reduction
2. NDCC- National Disaster Coordinating Council na may iba’t ibang
ahensya sa iba’t ibang lugar
3. LGU- Local Government Unit

2.2 CLIMATE CHANGE

Ang Global Warming at dulot nitong Climate Change ang isa sa


pinakamalaking usapin ngayon na kinakaharap ng mamamayan ng
daigdig. Isang usaping nangangailangan ng kagyatan at
pangmatagalang solusyon sa pinakamaagang panahon.

Milyun-milyong mamamayan na sa daigdig ang matinding


dumaranas ng epekto ng climate change dulot ng global warming --
pagkawala ng buhay at kabuhayan; pagkawala ng seguridad sa
pagkain at mapagkukunan ng ligtas na tubig; pagkasira di lang ng mga
bahayan at istruktura kundi ng buo-buong nasyon, laluna sa mga
rehiyon ng Africa, Arctic, Asya at mga maliliit na islang-nasyon sa
Pasipiko. Ito ang ilan sag a indikasyon ng climate change:
Ang impormasyong ito ay buhat sa Non-Government Organization.
Dahil ditto ay mas madali nating malalaman at matutukoy kung
umaapekto na nga ba ang cimate change sa ating bansa.

IMPLIKASYON AT EPEKTO NITO

SA LIPUNAN

 PANLIPUNANG DISLOKASYON (SOCIAL DISLOCATION)

Sinasabi ng mga islang-nasyon, na kapag tumaas pa ang temperatura


ng mundo sa 1.5 degrees
Celsius, na may katumbas na
0.9 metrong pagtaas sa lebel
ng tubig-dagat, ay lulubog
ang maraming nasyong tulad
nila at iba pang mabababang
lugar laluna sa Asya at
Pasipiko. Nanganganib na
maging climate refugees ang
buo-buong populasyon ng mga
islang-nasyon gaya ng
Maldives, Vanuatu at
Tuvalu. Magaganap ang
malakihang migrasyon dahil
sa pagbaha, matinding tagtuyot
at mga kalamidad. Papatong pa
dito ang dislokasyong dulot
naman ng mga so-called
“development projects” na
lumilikha naman ng
mga “development refugees”,
gayundin sa mga internal na
dislokasyon dulot ng armed
conflict.
 PAGDAMI NG MGA NAGKAKASAKIT SA LIPUNAN
Ang climate change at malawakan at malakihang migrasyon dahil sa
epekto nito ay malaki ang kontribusyon sa paglaganap ng mga sakit
laluna ang may kinalaman sa pagdami ng peste, insekto at mga sakit
na air at water-borne. Patuloy sa pagtaas ang porsyento ng
nagkakasakit ng malaria, dengue at yellow fever sa buong daigdig,
laluna sa Africa. Hindi lang ang pagdami ng lamok na nagdadala nito
kundi ang paggalaw ng mga populasyon o migrasyon ang itinuturong
dahilan ng paglaganap. Testigo tayo sa paglaganap ng sakit dulot ng
mga sakuna’t kalamidad nang, matapos ang hagupit ni Ondoy, ay
lumaganap at marami ang nangamatay sa sakit na leptospirosis (rat-
borne disease) sa kamaynilaan. Maaaring ang sakit ay makuha rin sa
kakapusan sa tubig at pagkain sa isang partikular na lugar sa isang
bansa na kung saan hindi sapat ang mga pangunahing
pangangailangan ng tao. Bagama’t laganap ito sa iba’t ibang bansa,
maging inspirasyon sana ito upang masolusyonan ang problema sa
climate change.

EKONOMIY
A
 AGRIK
ULTURA

Kung ating
titingnan sa
kahit saang
aspekto, ang
ekonomiya
ang labis na
maapektuha
n kung
magpapatulo
y ang labis
na
pagbabago
ng klima sa
ating mundo (climate change). Pinakaunang maapektuhan dito ay ang
mga produkto sa ating agrikultura katulad ng palayan. Ayon sa balita,
maraming mga palayan ang higit na napinsala sa init ng panahon.
Hindi maitatangging ang lahat ng ito’y nagdulot ng kakulangan ng
suplay sa bigas kung kaya’t ang Pilipinas sa taong ito ay nag-aangkat
na lamang ng mga bigas upang mapunan ang kakapusan. Sa tindi ng
init na tinatamasa ng Pilipinas ngayon, gumawa naman ang
pamahalaan at iba’t ibang sektor ng gobyerno ng mga paraan upang
magkaroon ng maayos na irigasyon sa tubig ang mga palayan upang
hindi tayo araw-araw na kakapusin sa bigas. Ginagawa nila ang
kanilang makakaya upang maging sapat para sa mga Pilipino ang
bigas na nakukuha natin mula sa pagtatanim, kaya sana ang lahat ay
maging masinop rin sa pagkain hindi lamang sa bigas kundi sa ulam
at iba pa nating pagkain. Hindi dapat tayo basta-bastang nagtatapon
ng anumang pagkain.

 IMPRASTRAKTURA AT MGA TIRAHAN

Hindi lamang sa Pilipinas ang lubos na naapektuhan ng climate


change kundi pati
na rin sa ibang mga
bansa sa buong
mundo. Ayon sa
isang artikulo sa
The Atlantic na
isinulat nina Diana
Liverman at Amy
Glasmeier
tinatayang umabot
sa humigit-
kumulang 1.8
milyun ang
napinsala buhat sa
hurricane Sandy
na ayon sa isang eksperto ay epekto ng matinding pagbabago ng
panahon o ang tinatawag nating climate change.
Sinasabi na mas naapektuhan ang mga gusali na kung saan naroon
ang mga negosyo ng malalaking kumpanya. Bagama’t ito’y isang
malagim na pangyayari para sa mga taong naapektuhan,
kinakailangan pa ring magpatuloy ng mga tao sa kani-kanilang buhay
sapagkat hindi lamang natatapos diyan ang pamumuhay ng mga tao
Ang epekto ng Climate Change ay nakakasira sa lahat. Higit sa
lahat, nakaaapekto ito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay kaya’t
dulot nito ay nagkakaroon rin ng pagbabago sa ating bansa. Kahit itigil
pa ng mga tao ang mga Gawain na nakapagdudulot nito ay hindi na
kayang ibalik ang mga nasira at hindi na rin mapipigilan ang paglawak
ng epekto nito, ngunit kaya nating gumawa ng isang hakbang na
makakapagpigil sa emisyon ng mga naturang gas na nagdudulot ng
climate change at gumawa ng paraan o mitigasyon na kung saan
makakayanan natin ang epekto ng climate change.

Sa katunayan ay gumawa na ang iba’t ibang sector ng gobyerno


ng mga solusyon para sa climate change. Nitong taong 2012 ay
nagkaron ang DENR ng “Strategy Paper for Private Sector
Participation in the Implementation of the National Climate Change
Action Plan (NCCAP)”. Ito ang ilan sa mga layunin ng proyektong ito:

The NCCAP 2011- 2028 outlines the country’s agenda


for adaptation and mitigation to comprehensively
address the challenges of climate change. It is a
comprehensive plan that provides key actions that
enhance adaptive capacity and resilience of
communities and natural ecosystems to climate
change. The Plan also adopts the total economic
valuation of natural resources that also ensures
biodiversity conservation. It recognizes the competitive
advantage of putting value on the direct use, indirect
use, option to use and non-use of environment and
natural resources, as a short to long-term sustainable
development goal.

This deliverable embraces the guiding principles of


National Framework Strategy on Climate Change
(NFSCC) 2010-2022, e.g., “Policy and incentive
mechanisms to facilitate private sector participation in
addressing adaptation and mitigation objectives shall
be promoted and supported” and “The goal to build the
adaptive capacity of communities and increase the
resilience of natural ecosystems to climate change, and
optimize mitigation opportunities towards sustainable
development.”

Ibig sabihin, ito ay makakatulong upang hindi tayo lubusang


maperwesyo sa mga nagiging mapait na epekto ng climate change.
Nangangailagan lamang ng pagtutulangan upang maipatupad ang ilan
sa mga plano at proyrekto ng mga sektor ng gibyerno katulad ng
DENR. Bagama’t hindi magiging madali para sa ating lahat ang mga
pagbabago ay kinakailangan nating magtiwala at higit sa lahat
makipagtulungan upang maging mas epektibo at may kabuluhan ang
ginagawang proyekto ng gobyerno.

3. ISYUNG PANG-EKONOMIYA

Hindi lamang sa isyung pangkapaligiran ang kinakaharap ng


buong mundo ngayon kundi pati na rin ang Isyung Pang-ekonomiya
lalo na ang Pilipinas. Ilan sa mga Isyung Pang-ekonomiya ay ang
Kawalan ng Trabaho o Unemployment, Globalisasyon, at ang
Sustainable Development.

3.1 UNEMPLOYMENT

Dati rati kapag pinag-uusapan ang unemployment, ito ay


tumutukoy lamang sa mga taong walang trabaho. Ngunit sa nakaraang
taon ay binago ng National Statistical Coordination Board (NSCB) ang
depinisyon ng walang trabaho (unemployed). Sa kasalukuyang
depinisyon ng gobyerno, ang mga walang trabaho ay yaong naghahanap at
handang magtrabaho pero walang mapasukan. Kahit iniulat ng gobyerno
ang kumikinang´ na 7.9% paglago sa gross domestic product (GDP) sa
pangalawang kwarto at dalawang magkasunod na panahon ng higit sa
karaniwang paglago´, hindi ito sinabayan ng katumbas na pagdami ng
tunay na trabaho o disenteng sahod. Ayon naman resulta ng Truth Survey
ng Radyo Veritas, ang kawalan ng trabaho ang pangunahing concern o
issue sa ating lipunan ngayon. Noong nakaraang January 2012 kasi,
umabot sa 2.9 million o 7.2% ng 40.3 milyong Pilipinong kasama sa
labor force ang walang trabaho. Kumpara sa iba pang bansa sa Asya,
medyo naging kulelat ang Pilipinas. Kung sa atin ay 7.2 ang
unemployment rate, sa Indonesia, 6.6 percent lamang, habang 3.1
percent sa Malaysia, 2 percent sa Singapore, 0.4 sa Thailand, 4.1 sa
China, at 3.7 percent sa South Korea.
Ayon pa sa mga eksperto, medyo mahirap maka-alpas sa 7
percent na unemployment rate dahil nadadagdagan ng isang milyon
ang bilang ng mge unemployed kada taon. At nitong nakaraang taon
lamang ay umabot na sa tatlong (3) milyon ang bilang ng mga Pilipino
na walang trabaho. At pinakamataas na bahgdan na naitala ay ang
National Capital Region na umabot pa hanggang 11.2% na higit na
mataas kaysa noong taong 2013 na nakapagtala rin ng 9.5%. Sa mga
walang trabaho, 63.9 dito ay binubuo ng mga kalalakihan. Ngunit
kung sa kabuuan, ang mga taong may edad 15 hanggang 24 ang
bumubuo sa 48.2% na walang trabaho samantalang ang mga taong may
edad na 25 hanggang 34 ay nagtala ng 29.9%. Kung pagbabasehan
naman ang edukasyon, ikalimang bahagi ng mga walang trabaho ay
nakatapos sa kolehiyo. At para sa mga nakatungtong ng kolehiyo
ngunit hindi nakapagtapos ay umabot ito sa 13.3%. At 34% naman para
sa mga nakapagtapos sa sekundarya.
Sa kabuuang tala, 92.5% ang mga may trabaho, pinakamataas na
naitala ang mga manggagawa sa sektor ng paggawa (services sector) na
may 54.1% bahagdan, 30% naman para sa sektor ng agrikultura, 15.9%
naman sa sektor nh industriya.

SANHI NG KAWALAN NG TRABAHO

 TINITINGNAN ANG SAHOD SA TRABAHO


Nagiging rason din ang mababang sweldo nila mula sa kanilang
karera kung magtatrabaho sila sa ilalim ng gobyerno. Halimbawa na
lang ay ang mga nakapagtapos ng nursing, may ibang na mas
pinipiling mag-apply at magtrabaho sa industriya ng call center kaysa
magsilbi sa mga pampublikong ospital dahil sa maliit na sahod mula sa
gobyerno.

 INIISIP ANG BIGAT AT DAMI NG TRABAHO


Karamihan sa mga nagtatrabaho ay hindi nagtatagal sa
pinapasukang kumpanya dahil
nagrereklamo sa bigat ng responsibilidad na nakapatong sa kanya
bilang isang empleyado. Dulot nito’y umaalis ang isang tao sa kahit
saang kumpanya at nawawalan ng trabaho.

 HINDI SAPAT ANG KAALAMAN NA NATUTUNAN


Ang Pilipinas na lamang ang sinasabing pinakahuling sumunod
sa K+12 na paraan sa edukasyon kung kaya’t karamihan sa mga
nakapagtapos ng kolehiyo ay kulang pa sa kaalaman pagdating sa
pinapasukan nilang trabaho. Ang ibang Pilipino na nagtrabaho sa
ibang bansa ay nagdagdag ng taon sa kanilang pag-aaral upang magig
sapat ito sa ibang bansa. Sa madaling sabi, ang kaalaman na
natutunan mula sa pag-aaral sa ma kilalang pamantasan ay hindi pa
sapat para makapagtrabaho.

 HINDI NAKAPAGTAPOS NG PAG-AARAL


Ang pinakamalalang dahilan kung bakit karamihan sa mga
Pilipino ay walang trabaho ay dahil ang ilan sa atin ay hindi
nakapagtapos ng pag-aaral o di kaya’y hindi talaga nakapag-aral. Ilan
sa mga dahilan nito ay ang kahirapan, maagang nabubuntis, o di
kaya’y nalulong sa droga na impluwensiya ng pagkakaroon ng
problema sa pamliya.

 TUMATAAS ANG POPULASYON


Dahil sa tumataas din na populasyon ay napagkakaitan ng
trabaho ang ilan sa mga Pilipino. Hindi lahat ay nakakapasok agad sa
trabaho dahil marami ng kompetensiya. Kaya ang ilan hindi na
nakakapasok sa kanilag ina-aplayan

Ilan lamang ito sa mga sanhi ng pagtaas ng unemployment rate sa


isang bansa. Kung ating susuriin sa pangkalahatan, marami pang
dahlin ngunit ito ang sinasabing pinkapuno’t dulo kung bakit
nagkakaroon ng unemployment.

EPEKTO NG KAWALAN NG TRABAHO


Ang pinaka-pokus na epekto ng unemployement ay ang pagdaraanas ng
KAHIRAPAN. Sakop nito ang iba’t ibang aspekto. Narito ang mga
epekto ng kawalan ng trabaho na sakop ng kahirapan:
 TUMATAAS ANG BAHAGDAN NG PROSTITUSYON
Sanhi nga nang pagkawala ng pinagkukunan ng hanap buhay,maraming
kababaihan ang nahihikayat na pumasok sa prostitusyon.Ayon sa The
International Labor Organization (ILO) at The
Coalition Against Trafficking in Women-Asia Pacific (CATW-AP),
umabot ng kalahating milyon ang bilang ng mga prostitutes sa Pilipinas,
noong taong 1993 at1994, at 400,000 naman noong 1998. Ang turismo sa
prostitusyon ay lalong tumataas sa ngayon. Ang prostitusyonsa Pilipinas ay
kumekeyter sa mga lokal na kostomer at mga dayuhan na siya namang
madalas na maging kliyente ng mga nasabing
prostitutes. Kahit na ipinagbabawal ang mga ganitong gawain, hindi
maiiwasan ang mga ito. At kahit marami na ang mga nahuhuli, hindi pa
rin nasusupil angprostitusyon.

 TUMATAAS ANG BIILANG NG KRIMEN


Dahil sa kawalan ng mapagkakakitaan ay nagagawa ng mga tao na
magnakaw, mangholdap, at umbot pa sa sukdulan na pagpatay upang
makakuha lamang ng perang gagastahin para sa pang-araw-araw na
pangangailangan. May iba na hindi sanay sa ganitong gawain ngunit
napipilitan silang makibagay sa ganitong sitwasyon dahil sa ganitong
paraan ay mas madali ang kumita nang pera. May iba na gumagamit
na lamang din ng droga upang hindi na makaramdam ng pagkagutom
na dahilan rin sa kawalan ng trabaho.
Ang dalawang epektong ito sa kawalan ng trabaho ang
pinakalaganap sa ngayon lalo na sa mga bansang napapabilang sa
third-world countries. Maging implikasyon sana ito sa ating mga
Pilipino upang maging masikap at hindi matulad sa mga ganitong
pangyayari.

SOLUSYON NG GOBYERNO SA KAWALAN NG TRABAHO

 TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT


AGENCY
Ito ay unang naitatag noong Agosto 25, 1994 bilang batas ni
dating Pangulong Fidel V. Ramos. Sa tulong ng iba’t ibang mga sektor
ng gobyerno nabuo ito. Ilan sa mga kabilang ay ang National Youth
Council (NYC), Department of Labor and Employment (DOLE),
Bureau of Technical and Vocational Education (BTVE), DepEd
(Department of Education), Bureau of Labor and Employment (BLE).
Ito ay may layuning paigtingin ang partisipasyon ng mga
manggagawang Pilipino; pagtutulungan ng pamahalaan, industriya,
teknikal-bokasyonal, at pribadong sektor para iangat ang antas na
may kakayahan; at bigyang-kaalaman ang bawat Pilipino.
 ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM (ALS)
Ginagawa ito sa Pilipinas para sa mga batang walang kakayahan na
makapasok sa paaralan. Binibigyan sila ng pagkakataon ng DepEd na
magsanay sa loob ng 10 buwan o maaaring higit pa dito at pagkatapos
nito, binibigyan sila ng Equivalency Test at Accreditation. Dito
nalalaman kung ang iyong natutunan ay katumbas ban g diploma sa
mababa at mataas na paaralan. Sa mga edad na 12 pababa, katumbas
nito ng diploma para sa elementarya, 16 naman para sa sekundarya.
At maaaring ang paraan ng pagkuha ng ALS ay sa modyul o sa
internet.

3.2 GLOBALISASYON
Kaliwa’t kanan ang pagsulpot ng mga multinasyonal na
kumpanya o korporasyon na nag-aalok ng mga produkto at serbisyo na
hindi likas na nagmumula sa Pilipinas. Nagbibigay ito ng suliranin
hindi lamang sa pamahalaan ngunit maging sa mga sambahayan at
bahay-kalakal sa kung ano at paano sasabay sa globalisasyon sa buong
mundo. Simula sa isyu ng kakayahang magtrabaho sa ibang bansa
hanggang sa mga produktong dapat tangkilikin, lahat ay apektado ng
globalisasyon.

Ano ang Globalisasyon?


Ito’y isang phenomenon na nagsimula nang matagal na panahon
subalit nagiging mahalaga ito sa mga huling dalawang siglo. Sa
maikling salita, ang globalisasyon ay ang pagtutulungan ng mga bansa
sa buong mundo upang malayang makaikot ang mga produkto at
serbisyo sa bawat bansa. Ito ay patuloy na integrasyon at
homogenisasyon ng political at sosyal na aspto ng kalakalan. Madaling
makikita ang globalisasyon sa mga kalakal at pamumuhunan ng mga
bansa. Ang mga sikat na tatak sa bansa tulad ng Hershey’s
McDonald’s, Coca-cola, Toyota, Samsung, at LG ay
nakakaimpluwensiya sa buhay ng mga Pilipino. Ang mga dayuhang
kompanya sa Pilipinas tulad ng Intel, Citibank, Procter and Gamble, at
ACER ay nagbibigay ng mga trabaho at nagpapataas ng output at mga
export ng bansa. Ganon pa man, higit pa sa pangangalakal at mga
pamumuhunan ang globalisasyon. Kasama rito ang pagdaloy ng mga
ideya at karunungan na dulot ng pagpapahusay sa komunikasyon at
transportasyon. Marahil ang malayang pagdaloy ng mga ideya at
karununganay nagdudulot ng malaking impact sa tao ng ga umuunlad
na bansa.
Ang konsepto ng globalisasyn ay binubuo ng mga sumusunod na
mga elemento:
1. Privatization o pagsasapribado ng mga negosyo
Hinihikayat ng konsepto ng globalisasyon na isapribado ang mga
negosyo na hawak at pagmamay-ari ng gobyerno.
2. Deregulasyon
Kailangang maging malaya sa paggalaw ang mga bahay-kalakal sa
paggawa at pamamahagi ng mga pangkaraniwang kalakal o
produkto tulad ng tubig, langis, at kuryente. Ito ay batay sa konsepto
ng laissez-faire o let-alone policy ni Adam Smith. Kailangan
pabayaan ng pamahalaan ang mga sambahayan at pakikipag-
ugnayan sa isa’t isa upang maging matatag ang ekonomiya.
3. Liberalisasyon
Ang mga patakaran o polisiya hinggil sa pag-aangkat ng mga
produkto ay kailangang maamyendahan o baguhin upang maging
malaya ang kalakalan sa bansa. Halimbawa nito ay ang batas taripa at
quota.

MABUTI AT MASAMANG EPEKTO NG GLOBALISASYON


Malaking papel ang ginagampanan ng globalisasyon sa pagbabago
sa pamumuhay ng tao. Ang una ay ang siyentipikong kaalaman ay may
kinalaman sa mga bagay na may buhay.
Ang ikalawang pagbabago ay ang mura at mabilis na
transportasyon. Modernong mga napapakinabangan na mga tren, mga
kotse, barko, at mga sasakyang panghimpapawid na posible nang
magdala ng mga pagkain, mga serbisyo, mga ideya, at karunungn mula
sa isang lugar patungo sa iba.
Ang ikatlong pagbabago ay ang mabilis at murang
komunikasyon. Noon, matagal ang paglalakbay ng mga sulat. Kung
minsan, inaabot ito ng dalawang lingo kun ipadala sa ibang kontinente.
Maaaring umabot sa matagal na panahon ang magadala ng sulat sa
mula sa isang kontinente patungo sa iba. Ngayon, ang mga sistemang
telepono, telebisyo, internet, at mga satellite ay nagbunsod sa mga tao
na mag-ugnayan sa isa’t isa at magpalitan ng mga ideya na Malaya.
Ano ang pagkakaiba ng mundo ngayon sa dati? Nanatili pa rin
ang batas ng kalikasan katulad ng mga nagdaang siglo. Mayroon ding
parehang sinag ng araw ilang mga siglo na ang nakaraan. Subalit higit
na mas malaki ang output per capita ng mundo kaysa sa dati. Noong
1990, ang output ng mga pagkain at mga serbisyo ng mundo ay 40
beses na mayroon ito dati noong 1820 at ang output per capita ay pitong
beses na mas nakahihigit. Responsable sa pag-unlad ng karunungan
ang pagpapaunlad ng produktibidad. Ang pag-unlad ng agrikultura ay
dahil sa pagpapalaya ng agrikulturang paggawa t magsagawa ng
alokasyon ng human capital upang makapagdagdag ng karunungan.
Nang mga institusyon sa pananaliksik, mga unibersidad, at mga
istasyon ng pananaliksik sa agrikultura kung saan ang mga imbensyon
noon 1990 ang dahilan ng pag-unlad ng karunungan. Ang pagkalap ng
karunungan ay nagdudulot ng pag-unlad ng output at ng mga buhay.
Sa kabilang banda, marami rin ang nagsasabing hindi maganda
ang konsepto ng globalisasyon. Ito raw kasi ay ginawa lamang ng mga
mayayamang bansa upang isulong ang kanilang interes. Lalao lamang
yumayaman ang mga mauunalad na bansa habang patuloy na
nahihirapan ang mga papaunlad pa lamang na mga bansa. Malaya raw
nakapapasok ang mga produkto ng mga mauunlad na bansa samga
third world countries samantalang kabaligtaran naman ang nangyayari
sa mga produkto ng mga papaunlad na bansa. Hindi makapasok ang
produkto ng mga maliliit na bansa dahil may taripa at quota na umiiral
sa mayayamang bansa. Nasisira tuloy ang mga produkto o kalakal
dahil hindi na maibabalik sa bansang pinanggalingan ng mga ito. Ang
teknolohiya at kaalaman ay iniipit din daw ng mga mayayamang bansa
upang protektahan ang kanilang interes. Ang ipapalaganap lamang
nilang teknolohiya ay yaong mga papabor sa kanilang mayayamang
bansa. Ang mga karapatan at kabutihan ng mga manggagawa ay
nasasakripisyo rin dahil sa pagiging ganid ng mga bahay-kalakal sa
pagkamit ng kita mula sa negosyo ngunit walang magawa ang
pamahalaan upang ipagtanggol sila dahil sa mga batas hinggil sa
pribatisasyon, deregulasyon, at liberalisasyon. Maging ang kalikasan
ay nasasakripisyo rin para lamang makalikha ng produkto o kalakal
ang mga negosyante o mamumuhunan. Kaliwa’t kanan ang sakuna
dahil sa kagagawan ng mga tao. Nariyan ang maruming hangin at
tubig gayundin ang nakakalbong bundok at kagubatan. Namatay din
ang mga maliliit na local na industriya dahil hindi nila kayang
makipagsabayan sa mga higanteng multi-nasyunal na korporasyon.
Pagtugon sa Hamon ng Globalisasyon
Sa pag-aaral na isinagawa ni Ginoong Epictetus E. Patalinghug
na pinamagatang “Globalization and State Capacity: The Philippines”,
inilahad at inilarawan niya ang mga batas at patakaran gayundin ang
mga ahensya at institusyon na tumutukoy sa kakayahan ng
pamahalaan ng Pilipinas upang maipalaganap ang kalakalan,
pamumuhunan, at pagpapalago ng ekonomiya.
Aniya, kailangan ng epektibo at mabisang pamamalakad ng
pamahalaan gayundin ang malakas na upang maging kapaki-
pakinabang ang globalisasyon sa Pilipinas. Kailangang iisa ang
adhikain ng mga sangay ng gobyerno upang makamit ang tagumpay
mula sa globalisasyon at iwasan ang hindi pagkakasundo-sundo sa
implementasyon ng polisya hinggil sa globalisasyon. Kailangang
maprotektahan ang kalikasan kaalinabay ng paghahatid ng
pampublikong produkto at serbisyo sa mga mamamayan. Iwasan din
dapat ang sobrang pampulitika upang maging sapat ang pondo para sa
mga programa at proyekto ng pamahalaan gayundin ang korapsyon ng
pamahalaan. Paigtingin dapat ang pangongolekta ng buwis upang
lalong lumaki ang kakayanan ng gobyerno sa pagpapalaki ng
proyektong ito. Ang pagsasama-sama ng iba’t ibang ahensya ng
pamahalaan upang isulong ang Investment Priorities Plan (IPP) ay
lubhang kailangan upang makinabang ang Pilipinas sa globalisasyon.
Itaas din dapat ang antas ng kakayanan ng mga sangay ng gobyerno at
ng mga manggagawa upang makasabay sa globaalisasyon. Malinaw din
dapat ang pananagutan ng lahat ng ahensya hinggil sa kalakalan at
pamumuhunan upang lalong maengganyo ang mga negosyante na
mamuhunan sa Pilipinas.
Sa kabuuan, inirekomenda niya na dapat ay magkaroon ng pag-
aanalisa at pagbabago sa mga sumusunod na isyu upang makinabang
ang Pilipinas mula sa globalisasyon:
1. Kapasidad sa pagpapalaganap ng masiglang kompetisyon
2. Kapasidad na pasiglahin ang industriya at bawat yunit ng
lipunan
3. Patakaran hinggil sa kagalingang panlipunan, pagkakapantay-
pantay, at pagpababa ng antas ng kahirapan.
4. Patakaran sa pagpapalaganap ng kakayahan ng bawat yunit
ng lipunan upang lahat ay maging produktibo
5. Patakaran para protektahan ang kalikasan

3.3 SUSTAINABLE DEVELOPMENT

UNITED NATIONS GENERAL ASSEMBLY

WORLD COMMISSION ON ENVIRONMENT


AND DEVELOPMENT
(PINANGUNAHAN NI
PRIME MINISTER GRO HARLEM BRUNDTLND
NG NORWAY)

OUR COMMON FUTURE

BRUNDTLAND REPORT
Noong 1983, napakalaking isyu sa mga ordinaryong mamamayan
ang kapaligiran kung kaya’t pinagtuunan ito nang pansin ng United
Nations General Assembly (UNGA). Bumuo sila ng panibagong
komisyon o organisasyon na siyang mamamahala sa mga kritikal na
isyu na may kaugnayan sa kapaligiran at pag-unald o development .
Sa madaling sabi, nagkaroon ng panibagong samahan upang pag-
aralan ang kritikal na mga isyu sa kaugnyan ng konseptong
kapaligiran at kaunlaran.
Sa pamumuno ni Prime Minister Gro Harlem Brundtland ng
Norway, ang malayang samahan na ito ay nabuo at nabigyan ng
bagong pangalan bilang World Commission on Environment and
Development (WCED) sa taong 1987. Kasama sa pagbuo ng nito ay
tatlong layunin na kanilang ginawa upang mas mapagtibay pa ang pag-
aaral na ito. Ito ang ilan sa mga sumusunod na layunin:

1. Ang masuring muli ang mga kritikal na isyu sa likod ng


konseptong kapaligiran at kaunlaran upang makagawa ng
isang inobatib, konkreto, at makatotohanan na action plan.
2. Ang mapagtibay ang internasyonal na kooperasyon ng
konseptong kapaligiran at kaunlaran.
3. Ang mapataas ang lebel ng pang-unawa at pagkakaugnay sa
paggawa ng solusyon sa mga nararanasan sa mga institusyon,
pampublikong mga sektor, negosyo, at lalo na ang problema sa
bawat mamamayan.

Sa sumunod na tatlong (3) taon ang samahan o komisyon na


nabuo ay nagkaroon ng pampublikong pagpupulong. Ginanap ito sa
iba’t ibang bansa at kaalinsabay nito ang pagkuha ng mga iba’t ibang
impormasyon o mga dokumento mula sa mga bansang kabilang. At
base sa kanilang nakalap ay bumuong muli ang United Nations
General Assembly ng panibagong report o pag-aaral na pinamagatang
Our Common Future.
Napapaloob sa pag-aaral na ito ang walong (8) isyu na maaaring
maging hadlang sa pambansang kaunlaran. Halimbawa nito ay kung
paano mapapaunlad ang ating bansa sa ngayon nang walang
nasasakripisyo na mga likas na yaman o mga resources na maaaring
maisalba sa darating na panahon. Kabilang sa walong isyu ay ang mga
sumusunod:
1. Population on Human Resources
2. Industry
3. Food Security
4. Species and Ecosystems
5. The Urban Challenge
6. Managing the Commons
7. Energy
8. Conflict and Environmental Degradation

Source: Adapted from Macleod, H. (1992) Teaching for Ecologically Sustainable


Development, Queensland Department of Education, Brisbane.
Ang mga isyung ito ay tinalakay sa malakihang pagpupulong na
ginanap sa Rio de Aneiro, brazi noong 1992. Ang pagpupulong na ito ay
mas kilala sa tawag na United Nations Conferenece on Environment
and Developmenyt o Earth Summit kung ating paiikliin. Ito’y
dinaluhan nang higit-kumulang 150 na head of state. Sa kanilang
ginawang pagpupulong ay napagdesisyunan at napagkasunduan nilang
magkaroon ng global action plan para sa Sustainable Development.
Ang Earth Summit ay dinaluhan rin ng humigit-kumulang 50,000
na opisyal at mamamayan sa iba’t ibang panig ng mundo. Bukod sa
isyung ito ay nagkaroon rin sila ng papupulong ukol sa apat na isyu;
ang climate change, biological diversity, desertification, at high-seas
fishing. Sa pagpupulong ding ito, nabuo ang panibagong komisyon na
United Nations Commission on Sustainable Development upang
masubaybayan ang mga napagkasunduang mga gawain at solusyon sa
mga isyu at upang maging opisyal rin ang internasyunal na
pagpupulong patungkol sa environment at development. Ang komisyon
ding ito ang naging daan upang magkaroon ng action ang mga bansa at
lokal na sektor ng bawat bansa na siyang namamahala sa bawat
lalawigan. Ayon sa isang sarbey, mayroong 2000 town at siyudad sa
buong mundo na nakakalikha nang sarili nilang action plan.

KAHULUGAN NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT


Ang Sustainable Development at proteksyong pangkapaligiran
kung minsan ay naipagpapalit nang hindi namamalayan sa ilang
pagkakataon, dahil ditto nababalewala ang ibang mahalagang
komponent ng sustainable development. Dahil dito nagkakaroon ng
mga polisiya at programa na nagbibigay-tuon lamang sa mga
proteksyong pangkapaligiran habang ang ibang kritikal na isyu na
dapat sana’y bigyan din ng pansin ay nababalewala na.
Ayon sa pagpapakahulugan ng Komisyon ng Brundtland o
Brundtland Report, ang sustainable development ay ang:
“ability to make development sustainable--- to ensure that it
meets the needs of the present without compromising the ability
of future generations to meet their own needs.”
Ayon naman kina Jan Bojo, Karl Goran Maler at Leena Unemo,
maaaring ang pormal na depinisyon ng Brundtland ay
nangangahulugang “all options be preserved which would imply the
preservation of all kinds of resources.” Nangangahulugan na walag
dapat masayang na mga resources kahit oil o iron man lamang upang
may magagamit pa sa panghinaharap. At para makabuo ng
implikasyon ang tatlo ay bumuo sila ng panibagong operasyonal na
depinisyon ng sustainability na maaaring panghalili dito.
Ayon sa kanila, “economic development in a specific area (region,
nation, the globe) is sustainable if the total stock of resources----human
capital, physical reproducible capital, environmental resources,
exhaustible resources---doesn’t decrease over time.”
Sa pagpapahayag naman ng isang Neo Marxist na si M.R.
Redclift, nasabi niya na “ unless poor people are involve in meeting
their aspirations, development can never be appropriately sustainable.”
Sinagot naman ito ng kalihim ng Brundtlandt Report sa
pamamagitan ng paglagay ng temang ito sa kanilang isinagawang pag-
aaral, “overriding priority should be given… the concept of need in
particular the essential needs of the world’s poor.”
Sa paliwanag ni Redclift, nais niyang ipahiwatig na kung ang
sustainable development ay tumutukoy lamang sa kaunlaran na hindi
isinaalang-alang ang mga kalagayan na hindi katanggap-katanggap
ang sitwasyon, mananatiling ang kaunlaran na ito’y mangyayari
lamang sa konteksto ng mga internasyunal na kumpanya o mga
bansang napapabilang sa first world. Sa madaling sabi, ang pulitikal na
kapangyarihan sa pagpapasya ay kailangang nakaugnay sa partikular
na pagbibigay-pahintulot sa mga manggagawa upang makagawa ng
mga solusyon partikular na iyong hindi ikasisira ng ating kapaligiran
upang mapaunlad ang ating bansa.
Ang mga depinisyong ito ay iilan lamang sa mga interpretasyon
ng mga kilalang tao sa kasaysayan. Kahit sabihin pa natin na
nagkakasalungat ang iba, iisa parin ang nais na maiparating dito. Ang
Sustainable Development ay hindi nangangahulugan sa pagpapabaya
sa ekonomiya o economic stagnation kundi ang kaunlaran na maaaring
pakinabangan ng iba pang henerasyon.

ELEMENTO NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT


Pulitikal at ekonomikal, iyan ang dalawang mahalagang layunin
na isinaalang-alang ng iba’t ibang sektor ng gobyerno upang makamit
ang kaunlaran. Bukod ditto ay mayroon ding mga elemento na
kailangang mabatid, kabilang na dito ay ang mga sumusunod (Jacobs
1991 cited in Roseland 1992):
1. Integrasyon ng kapaligiran at kaunlaran sa paggawa ng
polisiya
2. Ang pagkakaugnay sa Social Equity
3. Reoryentasyon sa konsepto ng kaunlaran tungo sa kwalitatib
na pagpapaunlad

INTEGRASYON NG KAPALIGIRAN AT KAUNLARAN

Dahil ang kapaligiran at kaunlaran ay hindi maaaring


paghiwalayan sa konsepto ng Sustainable Development, nararapat
lamang na sa pagpapaunlad ng ating bansa kinakailangang isaalang-
alang ang mga isyung pangkapaligiran. Sumusunod ito sa prinsipyong
“economic development cannot continue at the expense of
environmental quality.” Samakatwid, ang kaunlaran ng isang bansa ay
nakasalalay sa kug anong uri ng resources mayroon tayo. Kung
mangyari man na ang natirang resources ay inuubos para gamitin sa
pagpapatayo ng iba’t ibang mga negosyo, malaki ang posibilidad na ang
epekto nito ay makakadagdag lamang sa problema ng ating bansa.
Sa madaling sabi, ang kaunlaran at kapaligiran ay kailangang
magsama kung gagawa man ng kooperatibong plano ang pamahalaan
ukol sa pambansang kaunlaran. Ito’y nangangahulugan din na sa
bawat layuning pang-ekonomiya may katumbas ding layuning
pangkapaligiran.

SOCIAL EQUITY

Kadalasan ang mahihirap ang siyang nakasisira ng ating


kapaligiran at sila rin mismo ang lubos na naaapektuhan sa mga
pangyayaring dulot ng pag-aabuso sa kapaligiran. Ito’y makikita sa
sitwasyon ng isang bansa na ginagawa ang kaingin upang may
matirhan ngunit sa pagdaan ng ilang taon nagiging dahilan ito sa mga
di-pangkaraniwang kalamidad na nagiging epekto na ng pang-aabuso.
Sa kabilang banda, may ilan rin na tinatapon na lamang ang mga
dumi at basura sa sapa kung kayat tuwing may baha kumakalat ang
mga iba’t ibang sakit. Kaya ginawa ang paliwanag na ito:
“Environmental problems cannot be effectively addresses without
considering the people who depend on the environment for survival. If
sustainable development is to be achieved, therefore, poverty must be
eradicated.”
Ang maunlad at naghihikahos na bansa ay kasama sa
pagkakaugnay ng Social Equity sa pambansang kaunlaran kung kaya’t
iisa lamang ang nais iparating ng Social Equity. Ito ay ang
pagkakapantay-pantay sa pagbibigay-prayoridad sa mga biktima na
iba’t ibang kalamidad dulot ng isyung pangkapaligiran.

REORYENTASYON SA KAUNLARAN
Ang Kaunlaran ay kinakailangang bigyang-linaw upang
magkaroon ng kalidad ang ating ginagawa. Sinimulan ito sa pagbigay-
kaibahan ni Jacobs ng “standard of living” sa “quality of life” Aniya,
ang standard of living ay tumutukoy sa mga simpleng bagay na
nabibili ng ating pera na kinikita samantala ang quality of life naman
ang mga bagay na hindi kayang bilhin ninuman. Tumutukoy ito sa
kalidad ng buhay mayroon tay katulad ng pagkakaroon ng sariwang
hangin, malinis at sapat na tubig, at higit sa lahat ang pagkakaroon ng
maayos na klima na angkop sa ating bansa.
Ang mga salik ng kapaligiran na ito ay hindi makikita sa
pamamagitan lamang ng pag-aaral sa ekonomiya ng bansa katulad ng
Gross National Product (GNP) at Per capita income. Sa katunayan,
kahit iyong ibang bansa na nagtala ng pinakamataas na per capita
income ay nahihirapan pa rin sa pagrecover ng mg nasirang
kapaligiran kung kaya’t nararapat lamang na magkaroon ng
paglilinaw sa konseptong Sustainable Development.

PUNDASYON NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT


Isa sa pinakamahalagang kontribusyon ng Sustainable
Development ay ang hindi nito pag-inda sa istatus ng ekonomiya at ang
pagpapahalaga nito sa kultura ng isang bansa. Mas binibigyang-diin
nito ang ugnayan ng kaunlaran at kalikasan kung kaya’t itinuturing
ang komunidad, kapaligiran, at ekonomiya na tatlong mahahalagang
pundasyon ng sustainable development habang ang pagkakaugnay-
ugnay ng mga ito ay hindi mawawala. Pinangalan ito bilang tatong
pinakamahalagang pillar o pundasyon ng Sustainable Development sa
naganap na World Summit ng Sustainable Development noong 2002 sa
Johannesburg.
Society o Komunidad
Kinakailangan ang malalim na pag-intindi sa ating lipunan na
kinabibilangan ngayon halimbawa ang mga kabataan sa ngayon nang s
gayon ay makatulong sila sa pambansang kaunlaran. Sa paliwanag ng
mga sektor ng World Summit, ito ang naging ideya:
… an understanding of social institutions and their role in change
and development, as well as the democratic and participatory
systems which give opportunity for the expression of opinion, the
selection of governments, the forging of consensus and the
resolution of differences…
Kapaligiran o Environment
Isang pinakamahalagang pundasyon ng Sustainable Development ang
kapaligiran. Nangangailangan ng konsiderasyon ang ating kapaligiran,
ibig sabihin hindi na dapat ubusin pa ang matagal nang ubos na mga
likas na yaman upang hindi mangyari an gating mga kinatatakutang
kalamidad. Ito naman ang ilan sa pahayag ng iba ukol dito:
… an awareness of the resources and fragility of the physical
environment and the effects on it of human activity and decisions,
with a commitment to factoring environmental concerns into
social and economic policy development…

Ekonomiya
Sa ating ekonomiya nakasalalay ang kapakanan ng ating bansa, ngunit
hindi nangangahulugan na dapat nating ibuhos lahat ng mayroon tayo
upang mapaunlad ang ekonomiya. Ang mga negosyo ay dapat na
maging sensitibo sa ating kapaligiran kung kaya’t hindi maiaalis sa
isipan na ang dalawang konseptong ito ay magkakaugnay. Ito naman
ang paliwang ng ilan patungkol sa ekonomiya:

… skills to earn a living as well as a sensitivity to the limits and


potential of economic growth and its impact on society and on the
environment, with a commitment to assess personal and societal
levels of consumption out of concern for the environment and for
social justice…

LAYUNIN NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT


Ang General Assembly ng United Nations ay naganap noong
Setyembre 6-8, 2000 sa isang ispesyal na Millennium Summit na
pareho ding nangyari ang United Nations Millenium Declaration. Ang
deklarasyon na ito ay nagpapahalaga sa sosyal na aspetong sustainable
development gayundin ang paraan kung paano masosolusyunan ang
kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay. Sa kabuuan, ang
deklarasyon na ito ay nagsasaad na ang sustainable development ay
nakasentro sa pandaigdigang kapayapaan at kaunlaran para sa
susunod na henerasyon. Kaya naman ay bumuo sila ng walong (8)
development goals. Napapabilang dito ang mga sumusunod:

Source: United Nations Millennium Declaration, paragraph 2.


1. Maalis ang labis na kagutuman at kahirapan
2. Magkaroon ng pantay-pantay na edukasyon para sa lahat
3. Gender Equality at Pagpapatibay sa mga babae
4. Mareduce ang child mortality
5. Mapataas ang antas ng maternal health
6. Malabanan ang mga sakit na lumalaganap na sakit kada taon
7. Masiguro ang sustainable na kapaligiran
8. Magkaroon ng global na ugnayan para sa kaunlaran

SUSTAINABLE DEVELOPMENT SA PILIPINAS


Sa konteksto ng Sustainable Development sa Pilipinas, nagsimula
ito noong 1989 nang naaprubahan ng gobyerno ng Pilipinas ang
Philippine Strategy for Sustainable Development (PSSD). Ito ay
produkto ng multi-sektoral na nasyunal na workshop na naganap
noong May 1988 sa tulong Environmental Management Bureau (EMB)
ng Department of Envvironment and Natural Resources. Sa
pamamagitan nito ay nagkaroon ng sampung (10) istratehiya upang
makamit ang Sustainable Development (DENR, 1990):
1) Konsiderasyon sa kalagayan ng kapaligiran sa pagdesisyon
2) Price Reform na Istratehiya
3) Reporma sa property rights
4) Pagsasalba sa biodiversity
5) Rehabilitasyon sa mga nasirang mga likas na yaman
6) Pagpapatibay sa Residual Management
7) Pagkontrol sa populasyon
8) Stimulasyon ng kaunlaran sa rural na mga lugar
9) Pagkakaroon ng edukasyon ukol sa kapaligiran
10) Pagpapatibay ng partisipasyon ng mga mamamayan ukol sa
environmental management

You might also like