You are on page 1of 3

*Pilosopong Tasyo naglalakad*

*dumating si Kapitan Basilio*

*kumikidlat*
(sa lansangan)
Kapitan Basilio: Masaya po ata kayo Mang Tasyo
Pilosopong Tasyo: Totoo po, Kapitan. . . mayroon po kasi akong hinihintay
*tumingin sa langit habang gumuguhit ng kidlat*
Kaptitan Basilio: Hinihintay na ano?
Pilosopong Tasyo: Ang unos!
Kapitan Basilio: Ang unos? *haha* maliligo ba kayo?
Pilosopong Tasyo: Hm pwede na rin, di naman masama. Lalo na kung
nakatungtong ng marumi, ngunit may hinhintay ako na mas mabuting
mangyayari!
Kapitan Basilio: Ano nga po iyon?
Pilosopong Tasyo: Kidlat na papatay ng mga tao at susunog ng mga
bahay.
Kapitan Basilio: Edi ipanalangin mo na ring maging delubyo ang kidlat, ano
ka ba naman.
Pilosopong Tasyo: Yan nga ang bagay satin e! Pati na rin sakin. Sampung
taon ko ng hinihiling sa bawat bagong kapitan ang pagbili ng pang-akit ng
kidlat ngunit pinagtatawanan ako ng mga tao.
*Kumidlat*
Kapitan Basilio: Susmaryosep! Santa Barbarang mahal! *pabulong*
*Tumawa ng malakas si Pilosopong Tasyo at nagtungo sa simbahan,
nakita niya ang dalawang lalaki na magkapatid*

*Aalis si Kapitan Basilio*


*dumating si Basilio at Crispin*
( simbahan )
Pilosopong Tasyo: Tayo na, mga bata! Ipinaghanda kayo ng inyong ina ng
pangkurang hapunan!
Basilio: Ayaw po kaming paalisin ng sakristan mayor hanggang alas-otso
ng gabi.
Pilosopong Tasyo: Ano ang gagawin ninyo ngayon?
Crispin: Tutugtugin po namin ang kampana sa kampanaryo para sa mga
kaluluwa.
Basilio: Crispin, mahuhuli na tayo. Sige po Mang Tasyo mauuna na po kmi.
Pilosopong Tasyo: Magingat kayo! Huwag kayong lalapit sa kampana
kapag kumukulog.

*lumabas ng simbahan si Pilosopong Tasyo*


Don Filipo Lino: Daan muna kayo!
Pilosopong Tasyo: Ano po ba ang binabasa ninyong iyan? *tinuro ang
libro*
Don Filipino Lino: Tungkol po sa mga hirap na tinitiis ng mga banal na
kaluluwa sa purgatoryo.
Pilosopong Tasyo: Sus! Palagay ko’y sobrang talino ng sumulat niyan.
*habang umaakyat sa bahay*

*nakasalubong ni Donya Teodora at Donya Teodora si Tasyo*

Donya Teodora: ‘Nakita nyo ba sa sementeryo ang anak ng nasirang Don


Rafael Ibarra na kararating lamang mula sa Europa?
Pilosopong Tasyo: Opo, nang siya’y bumaba sa karwahe.
Donya Teodora: Nagpunta raw roon para hanapin ang libing ng kanyang
ama. Malamang na ito’y nagsilbing matinding dagok sa kanya.
*Nagkibit ng balikat si Pilosopong Tasyo*
Donya Teodora: Parang walang kwenta sayo ang nangyari sakanya.
Pilosopong Tasyo: Ginang. . . alam naman ninyong aanim katao ang
nakipaglibing sa kanya, at isa ako sa mga iyon. Ako rin ang siyang
nagpakita sa Kapitan-Heneral nang ang lahat dito, kabilang na ang mga
awtoridad, ay magsawalang kibo pagkaraang lapastanganin ang kanyang
libing. Kung sabagay, ang isang mabuting tao ay mas pinahahalagahan ko
kung buhay kaysa kung patay na.

Donya Teodora: *nabanggit ang tungkol sa purgatoryo*


Don Filipo Lino: *nasabi na si pilosopong tasyo ay hindi naniniwala sa
purgatoryo*
*napatayo si pilosopong tasyo*
Pilosopong Tasyo: Hindi ba ‘kanyo naniniwala sa purgatoryo. Aba, e alam
ko pa nga ang kasaysayan nito. Ang isipang nananalig sa purgatoryo ay
mabuti, banal, at makatwiran. Dahil sa purgatoryo ay hindi nalalagot ang
pagkakaugnay ng mga buhay sa mga patay.
*palakas ng palakas ang kidlat*

You might also like