You are on page 1of 1

Oktubre 14, 2019

G. Edwin T. Casila
Punong-guro
Mind and Integrity College, Inc
Selina-Liz Bldg, National Highway, San Cristobal, Calamba, Laguna

G. Casila,

Isang magandang araw po!

Ako po si Ronnie F. Pastrana, nais ko po na ipabatid na hindi po ako makadadalo sa aking tungkulin ngayon
sapagkat hindi po maayos ang aking pakiramdam. Sinubukan ko pong hindi lumiban ngunit hindi po kaya ng
aking katawan, kung kaya’t minabuti ko na lamang po muna na makapagpahinga upang hindi na rin po
makahawa pa ng iba.

Siniguro ko rin po na ako ay nag-iwan ng gawain sa aking mga mag-aaral nang sa gayon po ay mayroon po
silang pinagkakabalahan habang ako po ay wala.

Akin pong tatapusin sa aking pagbabalik ang mga gawain na hindi ko po maisasagawa sa mga araw na ako
po ay hindi makapapasok.

Humihingi po ako ng paumanhin at nawa’y inyo pong maintindihan ang aking pagliban.

Maraming salamat po!

Lubos na gumagalang,

Ronnie F. Pastrana
Guro

You might also like