You are on page 1of 2

DUAL STORYTELLING: TIKTAKTOK AT PIKPAKBUM

Narrator: Magkapatid sina Tiktaktok at Pikpakbum. Pero magkaiba ugali nila. Kaya madalas ay
nag-aaway sila. Isang araw ay naglalaro ng bola si Pikpakbum. Kanyang inihagis ang bola at
isinapo naman ng kanyang kapatid na si Tiktaktok.
Pikpakbum: Akin ang bola! Ibigay mo sakin!
Tiktaktok: Gusto ko lang naman makipagpalaro, Pikpakbum.
Narrator: Malungkot na sabi ni Tiktaktok. Lumapit si Pikpakbum at itinulak ang kanyang kapatid
para makuwa ang bola.
Pikpakbum: Buti nga sayo! Ang kulit mo kasi.

Narrator: Gustong mapalapit ni Tiktaktok sa kanyang kapatid na si Pikpakbum. Pero patuloy


itong inilalayo ang sarili sa ibang hayop. Palakaibigan at maraming kalaro si Tiktaktok. Marami
naming kagalit si Pikpakbum dahil siya ay kilalang palaaway.
Tiktaktok: Halika at isali natin ang aking kapatid na si Pikpakbum.
Mga hayop: Ayaw nga namin. Aawayin lang kami niyan. Dapat diyan walang kalaro!
Narrator: Umali sang mga hayop, pero naiwang tinitignan ni Tiktaktok ang kapatid na si
Pikpakbum na nakasimangot.
Pikpakbum: Edi wag! Wala naman namimilit sa inyo!

Narrator: Madalas maglibot si Pikpakbum at patuloy lang nakasunod ang kapatid na si Tiktaktok.
Mahilig magbilang si Tiktaktok habang ito ay naglalakad at binibilang ang mga bulaklak sa
paligid.
Tiktaktok: Isa, dalawa, tatlo—
Pikpakbum: Ang tatay mo kalbo! Tumigil ka nga diyan! Ang ingay mo lagi!
Narrator: Mapait na sabi ni Pikpakbum sa kaniyang kapatid.

Narrator: Malusog si Tiktaktok dahil mahilig sa gatas, gulay at itlog ang tuta. Pero sakitin si
Pikpakbum dahil ito ay mahilig sa softdrinks, tsokolate at kendi.
Tiktaktok: Pikpakbum, Tikman mo itong gatas ng kalabaw! Malinamnam! Sabi ni nanay
pampalusog ito at nakakabuti sa katawan.
Pikpakbum: Ayoko nga! (Singot sa sipon) Di totoo yan!

You might also like