You are on page 1of 2

1

JFCM BIÑAN
13 Oktubre 2019

Ang Diyos Natin ay Matapat


Various Texts

Controlling Question: Sa paanong paraan matapat ang Diyos kay Abraham?

Introduction
Ang bawat bata ay mahilig sa mga super-heroes. Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay
nagtatagumpay ang mga pelikula nila Spiderman, Superman, Batman at marami pang iba. Ang iba
ay halos dinudiyos na ng mga bata. Ang tingin nila sa mga ito ay tagapagtanggol, tagapagligtas,
gumagawa ng himala at mga perpektong nilikha. Ginagaya nila ang kanilang mga asta at kilos at
ayaw na ayaw nilang makikita na sila ay natatalo. Si Abraham ay maaari nating tawaging bayani rin
subalit sa ibang kaparaanan. Ipinakita rin ng biblia ang mga kahinaan niya. Subalit sa kabila ng
mga kahinaang ito ay tinawag pa rin siyang “ama ng pananampalataya.” At kung ating susuriin ay
matatanto natin na siya ay isang bayani hindi dahil sa mga natatangi niyang kapangyarihan kundi
dahil sa katapatan ng Diyos sa kanya. Matapat ang Diyos kay Abraham sapagkat nanampalataya
siya sa kabila ng maraming pangyayari sa buhay niya at siya ay nanagumpay.

Balangkas

1.0 MATAPAT ANG DIYOS KUNG TAYO AY MATAPAT SA KANYA


Tinawag ng Panginoon si Abraham at nangako Siya na pagapapalain Niya ito (Gen. 12:1-2).
Ang katawagan ng Diyos ay may kaakibat na pangako mula sa Kanya at pagsunod naman mula sa
mga tinawag Niya. Papaano itong tinupad ng Panginoon sa buhay ni Abraham?
a. Matapat ang Diyos sa PANG-KASALUKUYAN. Ginanap ng Panginoon ang pangako Niya
kay Abraham habang patuloy na nanampalataya, nagtitiwala at sumusunod si Abraham
sa Diyos.
 Pinagpala ng Diyos ang mga gawa ni Abraham (Gen. 13:7-12).
 Pinanagumpay siya ng Diyos laban sa kanyang mga kaaway (Gen. 14:12-16).
 Ipinagkaloob ng Diyos si Isaac sa kabila ng kanyang katandaan (Gen. 18:9-15).
 Nagbigay ang Diyos ng handog na inialay sa halip na si Isaac (Gen. 22:10-14).
b. Matapat ang Diyos sa PANG-HINAHARAP. Ang pangako ng Diyos kay Abraham ng
maraming inapo (Gen. 15:1-6) ay hindi niya nakitang natupad sa kanyang panahon
subalit ito ay patuloy pa ring tinutupad ng Panginoon maging hanggang ngayon. Ayon
kay San Pablo ay si Abraham ang ama ng lahat ng sumasampalataya sa Panginoon sa
ganoon ding kaparaanan. Ang pangakong ito ay natupad sa baying Israel, sa Panginoong
Hesus at maging sa iglesia ngayon.
 Si Isaac lamang ang anak ni Abraham. Malamang na hanggang mga apo lamang niya
ang kanyang nakita subalit matapat pa rin ang Diyos na ginaganap ang pangakong
ito maging ngayon.
c. Pagsasalarawan. Atin bang kinukunsidera ang katapatan ng Panginoon sa mga desisyon
natin sa ating buhay? Ano man ang ating maging desisyon sa ating buhay ngayon ay
magkakaroon ng ugnayan sa ating kinabukasan bagaman at hindi lubusang nalalaman
ang mga mangyayari sa hinaharap.

Raymond Mangahas/Preaching/Biñan/Oct2019
Preached by Elder Jojo Tabares & Bro. Kevin Escleto
2

d. Pagsasabuhay. Ang Diyos ay naghahanap ng mga taong magtitiwala sa Kanya kahit na


hindi nila nakikitang ang mga dagliang resulta ng kanilang pagsunod sa Diyos.

2.0 ANG DIYOS AY MATAPAT KAHIT NA HINDI TAYO MATAPAT SA KANYA


Maraming mga Kristiyano na ang tendency kapag nagkakasala ay lumayo sa Diyos. Marahil
ay dahil ito sa isang maling kaisipan na sila ay inabandona na ng Panginoon. Ang totoo niyan ay
matapat at mananatiling matapat ang Diyos kahit na tayo ay hindi. Subalit huwag nating
ipagkakamali na nasisiyahan Siya sa ating mga kasalanan. Ang katotohanan lamang nito ay walang
anuman ang maaaring makapagpabago sa katapatan ng Diyos.

Ang hindi pagiging tapat ni Abraham Ang katapatan ng Diyos

 Nagsinungaling siya kay Faraon  Dumanas ng katakut-takot na


(Gen. 12:10-20). karamdaman si Faraon.
 Sumiping siya kay Hagar (Gen.  Pinagpala rin Niya si Ismael (Gen. 21:11)
16:1-2). at nilingap si Sara at tinupad pa rin ang
pangako Niya kay Abraham na si Isaac
(Gen. 21:1).
 Nagsingaling si Abraham kay  Binalaan ni Yahweh si Abimelec at
Abimelec (Gen. 20:1) pinagpala siya sa pamamagitan ni
Abraham.

Paglalagom
Matapat ang Diyos sa lahat ng pagkakataon – sa mga panahong matapat tayo sa Kanya o hindi.
May mga hakbang ang Panginoon na hindi natin lubusang nauunawaan. Maari din na maranasan
natin o hindi sa ating panahon ang Kanyang mga pangako subalit hindi nangangahulugan ito na
hindi Siya matapat sapagkat ang Kanyang pangako ay sumasakop sa lahat ng panahon. Kung
magkagayon ay huwag tayong mawawalan ng lakas ng loob sa mga pagsubok na kung saan ay
magkakaroon tayo ng pag-aalinlangan. Mananatili ring matapat ang Panginoon sa kabila ng ating
hindi pagiging matapat kung minsan. Sa mga panahong nagkakasala tayo sa Kanya ay manumbalik
agad tayo at huwag lumayo sa Kanya sapagkat Siya ay tunay na matapat. Subalit huwag din nating
aabusuhin ang Kanyang kagandahang-loob sapagkat sa takdang panahon ay may naghihintay na
kaparusahan ang sinumang hindi susunod sa Kanya. Sa kabuuan ay matapat Siya at ito ay hindi
magbabago.

Raymond Mangahas/Preaching/Biñan/Oct2019
Preached by Elder Jojo Tabares & Bro. Kevin Escleto

You might also like