You are on page 1of 6

BLOCK PLAN TEMPLATE FOR THE WEEK IN

ARALING PANLIPUNAN Grade 8


Teacher’s Name ___RHONGIE PEARL MACASERO____
Quarter: __1ST QUARTER____ Week No ___1_
Date Submitted. __OCT. 11 2017

Content Standard Ang mga mag aaral ay maipamalas ang pag unawa sa interaksiyon ng taosa kaniyang kapaligiran
na nag bigay-daan sapag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang
humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon
Performance Ang mga mag aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at
Standard preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa kasalukuyan at sa
susunod na henerasyon
Learning Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig at Naiuugnay ang heograpiya sapagbuo at pag-unlad
Competency ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Daily Essentials Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday
Learning Napahalagahan ang katangiang Nakagawa ng
objectives Nasusuri ang (5) kabihasnang heograpikal ng mga sinaunang “geography
umusbong sa daigdig at ang kabihasnan checklist” ayon
heograpiya nito sa paksa

Level 1 (15%) Pangalawang


QA) Knowledge Gawain:
Activities Unang Gawain: pagtatala ng
panunuod ng mga natutunan
isang video
documentary

Level 2 (25%) Ikatlong Gawain:


QB) Process Map Reading
Activities Ikaapat na Gawain:
paghahambing ng
sibilisasyon
Ikalimang Gawain:
paint me a picture
Level 3 (30%) Ikaanim na
QC) Gawain :
Understanding & pagkilala sa mga
Reflections pinuno
Ikapitong
Activities
Gawain: Mga
Dahilan sa
Pagbagsak ng
sibilisasyon
Ikawalong
Gawain :
impromptu
speaking
Level 4 (30%) Pangsiyam na
QB) Activities on Gawain:
Products or Paggawa ng
Performances geography
checklist
Summative
assessment
Teacher’s Remarks

Principal’s
Comments
DESIRED LEARNING ACTIVITIES (DLA) TEMPLATE

DLA NO. 1 ASSIGNATURA: ARALING PANLIPUNAN BAITANG: BAITANG 8

Pamantayan sa pagkatoto: : nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig at Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad
ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

Paksang aralin: : Impluwensya ng heograpiya sap ag usbong ng sinaunang kabihasnan

Mga layunin:

1. Nasusuri ang (5) kabihasnang umusbong sa daigdig at ang heograpiya nito

2. Nakagawa ng “geography checklist” ayon sa paksa.

3. Napahalagahan ang katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan

Worksheet no.1 Diagnostic Assessment

Panuto: upang simulan ang talakayan, hahayaan ng guro ang mga mag aaral na sagutin ang isang katanungan

Ano ang kabihasnan?

1. Getting to know the lesson (knowledge)

Unang Gawain: panunuod ng isang video documentary

Panuto: Ang guro ay magtatanghal ng isang video documentary sa klase. Pagkatapos ng presentasyon ay magtatanong ang
guro gamit ang mga katanungan

Katanungan:

1. Ano ang kabihasnan?


2. Ano ano ang mga kabihasnang umusbong sa daigdig?
3. Saan matatagpuan ang mga kabihasnang ito?

Pangalawang Gawain: pagtatala ng mga natutunan

Panuto: Kailangan maitala ng mga estudyante ang mga kabihasnang nabuo sa daigdig.

2. Skill development (process)

Ikatlong Gawain: Unawain ang Mapa (Map Reading)

Panuto: Batay sa mapa, ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia, Egyptian,
Indus, at Tsino?

Ikaapat na Gawain: paghahambing ng sibilisasyon

Panuto: Magtala ng dalawang tanyag na sibilisasyon at ihambing ang kanilang pagkakaiba at pagkakapareho

Ikalimang Gawain: paint me a picture

Magkakaroob ng aktiviti ang klase at hahatiin sa lima ang buong klase. Ang aktibidad ay patungkol sa limang sinaung
sibilisasyon
Panuto: Bawat grupo ay bibigyan ng tag iisang minute upang isipin ang kanilang gagawin.

Kriteria:

Relevance- 10

Creativity-10

Facial expression- 10

Total – 30 pts

C. understanding meanings ( understanding reflections)

Ikaanim na Gawain : pagkilala sa mga pinuno

Panuto: Bawat sibilisayon ay pinamumunuan ng isang magiting na leader. Kaya ang mga estudyante ay aatasan nga guro na
kilalanin ang mga pinuno ng bawat sibilisasyon. Pagkatapos nilang kilalanin ay kailangan nilang , magbigay ng isang talata
tungkol sa leader na ito. Isusulat ito sa isang buong papel.

Ikapitong Gawain: Graffiti wall

Panuto: isulat sa graffiti wall ang sariling ideya tungkol sa tanong sa ibaba. Masasagot ito sa pamamagitan ng anyo ng
pangungusap o guhit.

Paano maipapakita ang pag unawa sa kahalagahan ng mga pamanang


ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa hamong dulot
ng kapaligiran nito?

Ikawalong Gawain : impromptu speaking

Panuto: bawat mag aaral ay bubunot ng papel na may pangalan ng isa sa limang sibilisasyon. Bibigyan ang mag aaral ng 1
minuto upang pag isipan ang talumpati na kanyang sasabihin patungkol sa sibilisasyon. Bibigyan lamang sya ng 3 minuto
upang matapos ang talumpati.

Pamantayan sa Gawain

Pagpapasya- 10

Pagsasalita- 10

Paggamit sa oras- 10

Pag oorganisa- 10

Kabuuan -40 pts


IV. learning transfer (products and performances)

Pangsiyam na Gawain: Paggawa ng geography checklist

Panuto: Gumawa ng isang geography checklist patungkol sa sinaunang kabihasnan.

Pamantayan sa paggawa

Pagkamalikhain-15

Nilalaman – 20

Detalye sa proyekto- 10

Organisasyon – 5

Kabuuan- 50 pts

Summative assessment

Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot
ang isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa isa sa limang tema ng heograpiya na tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad na katangiang
pisikal o cultural?

A. lokasyon C. paggalaw B. lugar D. rehiyon

2. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamaagang panahon sa pag-unlad ng tao batay sa
mga ginamit na kasangkapan at naging hudyat din ng pagtatapos ng Panahong Pleistocene ?

A. Mesolitiko C. Neolitiko B. Metal D. Paleolitiko

3. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng kulturang kinakitaan ng organisadong
pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng pagsulat?

A. imperyo C. kalinangan B. kabihasnan D. lungsod

4. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para sa kaniyang asawa at kabilang sa
“Seven Wonders of the Ancient World” ?

A. Alexandria C. Pyramid B. Hanging Gardens D. Ziggurat

5.Alin sa sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng Indonesia?

A. Tropikal na klima B. Maladisyertong init C. Buong taon na nagyeyelo D. Nakararanas ng apat na klima

6. Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa isang bansa?

A. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya. B. Maraming sigalot sa mga bansa. C. May posibilidad na maraming
mamamayan ang hindi magkakaunawaan. D. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa.

7. Alin sa mga sumusunod ang may wastong pagkakasunod-sunod ng prosesong naganap sa mga sinaunang tao sa
Panahong Prehistorya?

I. agrikultura III. labis na pagkain II. kalakalan IV. pangangaso

A. IV, I, III, II C. IV, I, II, III B. II, I, IV, III D. I, II, III, IV

8. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao ?
A. Pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko. B. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong
Paleolitiko. C. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan. D. Dumami ang maaaring gawin
ng mga tao nang gumamit na sila ng metal.

9. Ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia, Egyptian, Indus, at Tsino?

A. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining. B. Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog. C. Umunlad sa
isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan. D. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan.

11. Aling pahayag ang may wastong impormasyon ?

A. May pagkakapantay-pantay sa lipunang Egyptian noong sinaunang panahon. B. Ang mga alipin at mangangalakal ay
may pantay na karapatan sa Egypt. C. Mas mataas ang posisyon ng mga paring Egyptian kaysa sa mga mandirigma. D.
Ang Pharaoh, maharlika, at magsasaka ang nasa mataas na antas ng lipunang Egyptian.

12. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunang tao? (U) A. Mas maunlad ang
mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa kasalukuyang panahon. B. Karaniwan lamang ang mga
nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t kaunti ang kanilang mga ambag. C. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik
ng tao sa kasalukuyan ang mga pamanang ito. D. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang
makagawa ng mga kahanga-hangang bagay sa daigdig.

13. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?
(U) A. Ang Germany ay miyembro ng European Union. B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga
Kristiyano. C. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan. D. Matatagpuan ang
Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea.

14. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng
kanilang mga paniniwala? (U) A. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon. B. Makisalamuha sa mga taong
may magkatulad na relihiyon. C. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon. D. Panatilihin
ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon.

15. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na pinasimulan ng mga sinaunang tao noong
panahong Neolitiko? (U) A. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan. B. Walang pagbabago sa
sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo ng sapat na pagkain. C. Limitado ang karne dahil hindi marunong ang
mga makabagong tao na magpaamo ng hayop. D. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng
pagkain ng mga tao sa kasalukuyan.

16. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakikinabangan pa rin sa kasalukuyan? (U) A.
Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura. B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa. C. Nagkakaloob ito ng
kaayusan at katahimikan sa lipunan. D. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao.

17. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang heograpiya-kasaysayan? (U) A. May klimang tropikal
ang mga bansa malapit sa equator. B. Napaliligiran ang China ng malalawak na disyerto at nagtataasang bulubundukin.
C. Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga lungsod-estado ng Sumer na nagbigay-daan sa pagtatag ng unang imperyo sa
daigdig. D. Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa kapakinabangang dulot ng Nile sa mga sinaunang taong
nanirahan sa mga lambak nito.

18. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan sa Mesopotamia, aling sitwasyon ang hindi
nararapat na maganap sa iyong lungsod-estado?(U) A. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi
madaling masakop ang mga teritoryo nito. B. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na
magpapaunlad sa iyong pamumuhay. C. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang bagay. D.
May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng lungsod.

19. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesoamerica? (U) A. Dahil itinatag ang
mauunlad na kabihasnang ito sa America. B. Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga tagaMesoamerica
kaysa sa mga kabihasnang itinatag sa Asya at Africa. C. Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa
kasalukuyang panahon. D. Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay na pamayanan sa
kabila ng mga hamon ng kapaligiran sa kanilang buhay.
20. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog ng mga sinaunang kabihasnan sa
kasalukuyang panahon? (U) A. Limitado lamang ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa pagnakaw ng mga
kayamanan at pagkasira ng mga estruktura nito. B. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang
naimbento ng mga sinaunang Tsino. C. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging asignatura
sa mga paaralan sa kasalukuyan. D. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang kabihasnan
sa daigdig.

You might also like