You are on page 1of 6

Kagawaran ng Edukasyon

SANGAY NG MARINDUQUE
Boac

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT


Araling Panlipunan- Unang Baitang

Pangalan:_______________________________ Petsa:___________
Baitang:_________________________________ Guro:___________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon at sagutin


Ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sa anong uri kabilang ang iyong paaralan?


A. pampubliko C. pang katutubo
B. pampribado D. para sa mga dayuhan

2. Ang lokasyon ng aming paaralan ay matatagpuan sa _________?


A. isla C. barangay
B. bayan D. siyudad

3. Ilang silid-aralan ang bumubuo sa inyong paaralan?


A. 2-3 C. 7-10
B. 4-6 D . 11 o higit pa

4. Ang aming kinabibilangang klase ay _________?


A. Science Class
B. Monograde o iisang seksyon lamang
C. Double Grade o Magkasama ang dalawang baitang
D. Multi-grade o magkakasama ang tatlo o higit pang baitang
sa iisang silid-aralan

5. Ano ang pisikal na katangian ng inyong paaralan?


A. napapaligiran ng kabundukan
B. maliit ang espasyo at kakaunti ang silid-aralan
C. Katamtaman ang espasyo para sa mga silid-aralan at halaman
D. Malawak ang kapaligiran, maraming silid-aralan, puno at
halaman

6. Malayo ang tinitirhan ni Angelica mula sa paaralan. Ano ang


maaaring maging epekto nito sa kanyang pag-aaral?
A. Papasok araw-araw C. Nagbabaon ng pagkain
B. Laging liban sa klase. D. Pumapasok tuwing Sabado
at Linggo
7. Walang pinagkukunan ng tubig ang paaralang pinapasukan ni
Nene maliban sa ilog sa kabilang bundok, kaya naman silang
magkakamag-aral ay laging dumarayo ng pag-igib ng tubig roon.
Ano ang magiging epekto nito sa kanila?
A. Magiging malusog
B. Maagang papasok at uuwi
C. Lalago ang mga pananim
D. Mababawasan ang panahon sa pag-aaral ng leksyon

8. Maraming anay at sira na ang kisame ng silid-aralan ng Unang


Baitang. Sa tuwing umuulan, nagsasahod sila ng timba at di na
makapagklase. Ano ang magiging epekto nito?
A. Matutuwa ang mga mag-aaral.
B. Magagalit ang mga magulang.
C. Mabagal ang pagkatuto ng mga bata.
D. Madadagdagan ang kaalaman sa bagong teknolohiya.

9. Kung ang dentist ang nangangalaga sa mga ngipin ng


mamamayan, sino naman ang nagtuturong bumasa at sumulat sa
mag-aaral?
A. guro B. doktor C. dentista D. punong-guro

10. Ano ang mahalagang tungkuling ginagampanan ng nars at


doctor sa bawat paaralan?
A. Nagpapanatili ng mabuting kalusugan ng mag-aaral
B. Nagbibigay ng mga damit at gamut sa mag-anak
C. Bumibisita upang mangumusta sa lahat
D. Sumusubaybay sa matatandang mag-aaral

11. Upang maging matibay at malulusog ang ating mga ngipin,


kanino tayo dapat kumunsulta?
A. nars B. guro C. dentista D. arkitekto

12. Siya ang namumuno at nagpapasunod sa mga guro.


Gumagawa rin siya ng mga plano para sa ikabubuti ng paaralan.
Sino siya?
A. magulang B. punong-guro
C. kapitan D. tagamasid-pampurok

13. Ang kalinisan at kaayusan ng paaralan ay kanyang pinanga-


ngalagaan. Sino siya?
A. dyanitor B. librarian C. sekretarya D. mamamayan

14. Tinaguriang “Boses ng mga Magulang” at katuwang ng punong-


guro sa pagsasagawa ng mgaplano at proyekto sa paaralan.
A. Kapitan C. Ingat-Yaman
B. Punong-guro D. Pangulo ng PTA
.
15. Bakit mahalaga ang paaralan sa isang pamayanan?
A. upang kumita ang pamayanan sa paaralan
B. upang maging masaya ang mamayanan
C. upang makilala ang kanilang lugar
D. upang matutong sumulat at bumasa ang bawat mag-aaral

16. Kung walang paaralan, ano ang mangyayari sa isang


pamayanan?
A. uunlad ang barangay
B. pupunta sa Maynila
C. kulang sa kaalaman at maghihirap ang mamamayan
D. magkakaroon ng negosyo sa iba’t-ibang lugar

Panuto: Pag-aralan ang timeline sa ibaba. Sagutin ang mga tanong


tungkol dito. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1932 1957
Itinatag ang Paaralang Ito ay naging Paaralang
Primarya ng Banogbog Elementarya ng Banogbog at
na binubuo ng 22 mag- naisagawa ang kauna-unahang
aaral mula sa Unang pagtatapos sa paaralan.
Baitang hanggang Nadagdagan ang mga guro mula
ikaapat na baitang. sa 3 ito ay naging 6. Ang
kabuuang bilang ng mga mag-
aaral ay 76.

2014
1998
Nagkaroon ng 98 na mag-
aaral, may 6 na guro at Naging 108 na ang bilang
pinamumunuan ng Punong- ng mga mag-aaral nito na
Guro pinatututo ng 6 na mga
guro at pinamumunuan ng
Pangulong - Guro

2016
Ang bilang ng mga
mag-aaral ay naging
78 na may 5 na guro
napinamumunuan ng
Pangulong-Guro
17. Kailan itinatag ang paaralan ng Banogbog?
A. 1932 B. 1957 C. 1998 D.2014

18. Sa anong taon nagkaroon ng pinaka mataas na bilang ng mag-


aaral?
A. 1988 B. 1998 C. 2014 D. 2016

19. Kailan naman nagkaroon ang paaralan ng pinakakaunting


bilang ng mag-aaral?
A. 1962 B. 1952 C. 1942 D. 1932

20. Ilang taon bago nagging ganap na Paaralang Elementarya ng


Banogbog ang nasabing paaralan?
A. 22 B. 23 C. 24 D 25

21. Ano kaya ang naging dahilan ng pagbawas ng bilang ng guro sa


paaralan?
A. dahil sa layo ng paaralan sa bayan
B. dahil sa pagbaba ng bilang ng mga mag-aaral
C. dahil sa pagkasira ng mga silid-aralan
D. dahil sa pagbaba ng bilang ng mamamayan sa pamayanan

22. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng alituntunin sa inyong


paaralan?
A. Matulog nang maaga
B. Makilahok sa talakayan sa klase
C. Humingi ng maraming baon.
D. Ayusin ang mga laruan matapos gamitin

23. Tuwing rises, inilalagay ni Reina Liz sa basurahan ang balat ng


kanyang pinagkainan. Alin sa mga alituntunin ng paaralan ang
kanyang sinusunod?
A. Pumasok nang maagap
B. Magtapon ng basura sa tamang lalagyan
C. Lumahok sa talakayan
D. Magsuot ng uniporme.

24. Laging nagpapaalala si Bb. Manalo sa pagtatapon ng basura sa


tamang basurahan na nasa paligid ng paaralan, subalit di pa rin
sumusunod ang iba. Ano kaya ang maaaring maging epekto nito sa
kanilang kapwa?
A. Matutuwa ang guro sa kanilang ginagawa
B. Gagayahin sila ng iba sa pagtatapon kahit saan
C. Magsusumbong palagisa guro
D. Magiging malinis ang kapaligiran
25. Anong pag-uugali ang ipinakikita ng batang sumusunod sa mga
alituntunin ng paaralan?
A. Kalinisan C. Pagiging masipag
B. Pagkamasunurin D. Pagiging matapat

26. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng alituntunin sa paaralan?


A. makikilala ng husto ang mga guro
B. mapaparusahan ang di sumusunod sa utos
C. upang matutong sumunod sa patakaran ng paaralan
D. Upang manatili ang kalinisan at kaayusan ng paligid.

27. Kung hindi ipinatutupad ang alituntunin sa pagpasok nang


maaga, anong pag- uugali ang mananatili sa mga mag-aaral?
A. maagang pumasok C. palaging hulis aklase
B. pagiging mahiyain D. pagiging tamad kumain

28. Ito ay gawain sa paaralan bago magsimula ang unang araw ng


pasukan na kung saan ang mga guro, mga magulang ay tulong-
tulong sa pag-aayos at paglilinis ng paaralan. Alin ito?
A. Brigada Eskwela C. PTA Meeting
B. Early Registration D. School Encampment

29. Sa pangunguna ng pangulo ng PTA at mga magulang,


isinasagawa ang pagkakaisa at pagtutulungan na nagpapakita ng
diwa ng bayanihan.
A. Brigada Eskwela C. School Encampment
B. Early Registration D. PTA Bayanihan

30. Ito naman ang pagkakataon ng pakikipag-ugnayan ng guro sa


mga magulang. Dito ay ipinararating ng guro ang katatayuan ng
mga mag-aaral, mga programa at mga proyekto ng klase at iba pa.
A. PTA Meeting C. Brigada Eskwela
B. Early Registration D. General Assembly

GOOD LUCK !!!


SUSI SA PAGWAWASTO
Unang Baitang
Araling Panlipunan Mother Tongue
1. A 16.C 1. D 16. mababa
2. kahit alin ay tama 17. C 2. D 17. madilim
3. tanggapin lahat
ng sagot
18. B 3. C 18. masaya

4. tanggapin lahat
ng sagot
19. C 4. A 19. maputla

5. tanggapin lahat 20. B 5. D 20. malapit


ng sagot

6. B 21. B 6. B 21. mata’t


ilong
7. B 22. A 7. D 22. kutsara’t
tinidor
8. B 23. B 8. B 23. baka’t
baboy
9. B 24. C 9. C 24. Bb.

10. B 25. B 10. B 25. Dr.

11 C 26. A 11. E 26. B


12 A 27. C 12 . D 27. B
13. C 28. A 13. C 28. B
14D 29. D 14.B 29. A
15. A 30. D 15. A 30. A

You might also like