You are on page 1of 3

Schools Division Office

DIAGNOSTIC TEST SY 2021-2022


ARALING PANLIPUNAN 2

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na


pahayag/tanong. Itiman ang bilog ng letra ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi pansariling
pangangailangan ng isang batang tulad mo?
A. kasuotan B. laruan C. pagkain
2. Ito ang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod na pagbabagong
naganap sa buhay.
A. Talahanayan B. Timeline C. Timezone
3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagbabago sa
katangiang pisikal at kayang gawin ng isang bata?
A. Namamasyal ang pamilya ni Ben.
B. Nag-aagawan ang magkapatid na Jade at Jane.
C. Si Ana ay marunong nang bumasa at sumulat.
4. Uri ng pamilya na binubuo ng tatay, nanay, anak/mga anak,
lolo, lola at kamag-anak.
A. Extended Family
B. Single Parent Family
C. Two-Parent Family
5. Uri ng pamilya na binubuo ng tatay, nanay at anak/mga anak.
A. Extended Family
B. Single Parent Family
C. Two-Parent Family
6. Ang ________________ ay pagsasalarawan ng mga kasapi ng
pamilya at ang ugnayan ng bawat isa.
A. Extended Family B. Family Tree C. Timeline
7. Kaninong larawan ang dapat idikit sa ugat ng talaangkanan?
A. anak B. lolo at lola C. magulang
8. Bakit kailangang magtulungan sa gawain ang bawat kasapi ng
mag-anak? Ito ay para-
A. maiwasan ang pagtatalo
B. mapadali ang mga gawain
C. matugunan ang pangangailangan
9. Saang bahagi ng paaralan tinuturuan ng guro ang mga mag-
aaral?
A. kantina B. silid-aklatan C. silid-aralan
10. Sa ___________ dinadala ang mga may masamang
pakiramdam at nasusugatan upang bigyan ng paunang lunas.
A. kantina B. klinika C. silid-aralan
11. Alin sa mga sumusunod ang magandang epekto ng pisikal na
kapaligiran sa iyong pag-aaral?
A. Hirap na mag-aral si Leni dahil walang maayos na ilaw.
B. Hindi nakapag-aral si Nika dahil maingay sa kanilang
kapaligiran.

AP 2- Diagnostic Test 2021-2022


Schools Division Office
DIAGNOSTIC TEST SY 2021-2022
ARALING PANLIPUNAN 2

C. Nakapag-aaral nang mabuti si Niko dahil tahimik at malinis


ang paligid.
12. Sino ang pinuno at namamahala sa buong paaralan?
A. guro B. nars C. punong-guro
13. Sino ang nagtuturo ng mga aralin, mga kaalaman at
mabuting pag-uugali?
A. guro B. nars C. punong-guro
14. Ito ang bahagi ng pamayanan kung saan pumapasok at nag-
aaral ang mga kabataan.
A. ospital B. paaralan C. palengke
15. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng mga estraktura
patungo sa paaralan?
A. Nakatutulong sa paglalaro.
B. Makapunta sa iba’t ibang lugar.
C. Gabay upang makapunta sa paaralan.
16. Bilang isang mag-aaral paano mo mapapa-unlad ang iyong
kakayahan o talento?
A. Itatago ko ang aking mga kasanayan.
B. Tatangi ako lumahok sa mga paligsahan.
C. Mag-ensayo palagi at sumali sa mga paligsahan na
naaangkop sa aking kakayahan.
17. Ang __________ ay nagpapakita ng lapit o layo sa pagitan ng
dalawang bagay.
A. direksyon B. distansya C. mapa
18. Ang _________ ay nagtuturo ng lokasyon o kinalalagyan
ng isang lugar.
A. direksyon B. distansya C. mapa
19. Saang bahagi ng paaralan nag-lalaro ang mga mag-aaral?
A. kantina B. klinika C. palaruan
20. Sino ang tagapangalaga ng kapaligiran sa paaralan?
A. dyanitor B. guro C. punong-guro
21. Napansin ni Ana na mainit at masama ang pakiramdam
ng kanyang kaklase. Kanino siya lalapit?
A. dyanitor B. punong-guro C. nars
22. Bakit kailangan nating kumain ng masusustansiyang
pagkain?
A. Maging popular sa klase
B. Lumakas at maging malusog ang pangangatawan
C. Mabagal matapos ang takdang-aralin at gawaing bahay

23. Saang bahagi ng bahay madalas nagtitipon-tipon ang pamilya


at tumatanggap ng bisita?
A. kusina B. sala C. silid-tulugan
24. Ito ang bahagi ng bahay kung saan nagluluto ng pagkain at
kumakain ng sama-sama.
A. kusina B. sala C. palikuran

AP 2- Diagnostic Test 2021-2022


Schools Division Office
DIAGNOSTIC TEST SY 2021-2022
ARALING PANLIPUNAN 2

25. Saang bahagi ng bahay nagpapahinga at natutulog ang


miyembro ng pamilya?
A. kusina B. sala C. silid tulugan
26. Malapit lang ang bahay ni Jacob sa paaralan kaya gumagamit
lamang siya ng ______ upang makarating sa paaralan.
A. bisekleta B. kotse C. trak
27. Si Ben ay malayo ang bahay sa paaralan , upang mapabilis
ang kanyang patungo sa paaralan sumasakay siya ng_____.
A. bisekleta B. jeepney C. trolley
28. Kaarawan ni Elsa bukas, nais ng kanyang ina na mamili ng
panghanda . Saang lugar sila dapat pumunta?
A. paaralan B. palengke C. palaruan
29. Si Bela ay masunuring bata, palagi niyang sinusunod ang
utos ng kanyang ina. Ano sa palagay mo ang mararamdaman
ng kanyang ina?
A. magalit B. malungkot C. masaya
30. Ang mga sumusunod ay kahalagahan na pag –alam sa
direksyon ng pupuntahan maliban sa isa.
A. Mabilis makarating sa lugar na pupuntahan
B. Maligaw sa lugar na nais puntahan para matagal ang
pamamasyal
C. Magkaruon ng sapat na kaalaman sa direksyon ng bawat
lugar .

AP 2- Diagnostic Test 2021-2022

You might also like