You are on page 1of 1

Sa pagsusulat ng anumang babasahin, napakahalaga ang pagkakaroon ng sapat na

kaaalaman hinggil sa paksa o isyung isusulat.

Narito ang ilang paraan o estratehiya upang maging maayos at hitik sa impormasyon ang
susulating popular na babasahin:

1. PAGBABASA AT PANANALIKSIK
Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga libro at iba pang mga materyales.

2. OBSERBASYON
Magagawa ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat,
pangyayari, at mga katangian na kaugnay ng paksa.

3. PAKIKIPANAYAM O INTERBYU
Magagawa ito sa pamamagitan ng pakikipagpanayam sa mga taong malaki ang karanasan at
awtoridad sa paksang hinahanapan ng impormasyon.

4. PAGTATANONG O QUESTIONING
Magagawa ito sa pamamagitan ng paglalatag ng mga katanungang nais masagutan hinggil
sa paksa.

5. PAGSULAT NG JOURNAL
Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtatala ng mga mahalagang pangyayari upang hindi
makalimutan.

6. BRAINSTORMING
Magagawa ito sa pamamagitan ng pangangalap ng opinyon at katwiran ng ibang tao.

7. PAGSUSURVEY
Magagawa ito sa pamamagitan ngpagpapasagot ng isang questionnaire sa isang grupo ng
mga respondent.

8. SOUNDING-OUT FRIENDS
Magagawa ito sa pamamagitan ng isa-isang paglapit sa mga kaibigan,
kapitbahay, o kasama sa trabaho para sa isang impormal na talakayan hinggilsa paksa.

9. IMERSIYON
Magagawa ito sa pamamagitan ng sadyang paglalagay sa saril sa isang karanasan o
pakikisalamuha sa isang grupo ng tao.

10. PAG-EEKSPERIMENTO
Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsubok ng isang bagay bago sumulat ng akda.

You might also like