You are on page 1of 3

Ang Plaster ni Bong

Isang araw, pumasok si Bong sa klase na naka-benda ang kamay. Nagtaka ang
kanyang mga kaklase at unti-unting naglapitan sa kanya. “Anong nangyari sa iyo,
Bong?”, tanong ni Annie.

“Plaster yan, hindi ba? Naku, nabalian ka ng buto!” ang malakas na sigaw ni Tito mula
sa likuran

“Oo, Tito. Nabali ang buto ko sa braso. Nag-bisikleta kasi ako sa madulas na kalsada
at nadisgrasya. Dapat talaga nakinig ako kay Nanay. Hindi pa sana nangyari ito.”,
mahinang sagot ni Bong.

“Hayaan mo na, Bong. Gagaling din yan pagkatapos ng ilang buwan.”, sabi ni Emy
habang inaalalayan si Bong sa kanyang upuan.

Tumahimik ang lahat ng dumating si Gng. Santos. Hudyat na ito ng simula ng klase.
Matapos nilang magdasal ay nagsalita ang guro sa lahat.

“Salamat sa pag-aalala ninyo sa inyong kaklase. Tulungan muna natin siya sa ilang
mga gawain habang ang kamay niya ay naka-plaster.”

Ano ang damdaming ipinahayag ng bawat sinabi ng mga karakter sa kwento? Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang.

________1. Bong ________ 2. Annie ______ 3. Tito

________4. Emy __________5.5. Gng. Santos

a. pagbibigay pag-asa b. pagbibigay paalala c. pag-aalala

d. pagtataka e. pagsisisi

Isulat ang iyong palagay sa mga sumusunod na katanungan.

1. Ano kaya ang nangyari kung sinunod ni Bong ang utos ng kanyang ina?

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

2. Bakit kaya naisip kaagad ni Tito na nabalian ng buto si Bong?

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

3. Paano kaya ipapakita ng mga kaklase ni Bong ang pagtulong sa kanya habang ang
kamay niya ay naka-plaster?

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________
Ang Alamat ng Langaw

Noong unang panahon, mayroong isang bayang kahit saan ka lumingon at may basura.
Ang mga tao ay masasayang namumuhay sana ngunit hindi sila marunong maglinis ng
kanilang mga bakuran. Ang mga bata ay laging marurumi at hindi marunong maligo.
Ngunit walang gumagawa ng hakbang para luminis ang lugar. Kuntento lamang ang
mga tao sa kanilang buhay hanggang isa-isang nagkawalaan ang mga tao.

Natakot ang mga mamamayan ng bayan. Napadalas kasi ang pagkawala ng kanilang
mga kababayan. Iniutos ng hari na magkaroon ng mga grupo ng tao na mag-iikot araw
at gabi upang magbantay. Doon nila nakita ang higanteng si Angaw.

“Masarap talagang kumain ng tao lalo na kung ito’y marumi, ” narinig pa nila itong
sinabi ni Angaw habang nag-iikot sa kadiliman ng gabi. Isinumbong ito ng mga
mamamayan sa hari.

Dahil doon, ipinagutos ng hari na magtulong-tulong ang lahat na maglinis ng kanilang


bayan. Tinuruan din nila ang mga batang maglinis ng katawan. Bumango at luminis
ang bayan.

Natigil ang pagkawala ng mga tao mula sa bayang ito. Nagtaka sila kung anong
nangyari kay Angaw. Sa kanilang paghahanap, nakita nilang ito’y namatay na sa gutom
dahil wala nang makaing maruruming tao. Inihagis nila ang bangkay nito sa isang
malalim na bangin kung saan nila itinapon ang mga basura ng kanilang bayan.

Pagkatapos ng ilang lingo ay nawala ang bangkay ni Amok at nagkarooon ng


maraming lumilipad-lipad na insekto dito. Tinawag nila itong Langaw upang maalala
ang higanteng si Angaw. Tinabunan nila ang basura ng lupa at nawala ang mga langaw
na lumilipad-lipad.

Magmula noon ay hindi na pinabayaan ng mga mamamayan ang kalinisan sa kanilang


lugar at mga katawan. Ayaw na nilang bumalik ang mga langaw sa kanilang lugar.

1. Ano ang pangyayaring nagdulot ng takot sa mga mamamayan ng bayan?

______________________________________________________________________

2. Ano ang pangalan ng higanteng kumakain ng tao sa kanilang lugar?

______________________________________________________________________

3. Bakit gustong-gustong kainin ng higante ang mga tao sa kanilang bayan?

______________________________________________________________________

4. Ano ang ginawa ng mga tao upang mapuksa ang higante?

______________________________________________________________________

5. Ano ang kanilang natagpuan sa bangin kung saan nila itinapon ang bangkay ng
higante?

______________________________________________________________________
Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa pamamagitan ng pagsulat ng mga bilang 1
hanggang 4.

______Naglinis ng pamayanan at katawan ang mga tao.

_______Kinain ng higante ang mga taong marurumi.

______Pinabayaan ng mga mamamayan na maging marumi ang kanilang mga sarili at


ang kanilang bayan.

___ Natagpuan nila ang mga insektong lumilipad-lipad sa bangin kung saan nila
itinapon ang bangkay ng higante.

Tungkol saan ang paksa ng bawat talata? Bilugan ang titik ng iyong sagot.

1. Maraming kayong magagamit sa paglilinis ng bahay. Una na dito ang sabong


panglaba. Ginagamit ito sa paglalaba at sa pag-alis ng dumi sa mga gamit. Maari ring
gamitin ang suka sa pagtanggal ng mantsa.

a. Ang suka ay mabisang pangtanggal ng mantsa.

b. Ginagamit ang sabon sa paglalaba.

c. Ang suka at sabong panglaba ay mabisang panlinis.

2. Ang langaw ay isang insektong hindi nakakatuwa dahil marami itong sakit na
dinadala. Kumakapit ang mikrobyo sa mga paa nito sa tuwing dadapo ito sa basura.
Ang mikrobyo naman ay nalilipat sa pagkain kapag dumapo na ang langaw. Maaaring
magkasakit ang taong makakakain ng pagkaing dinapuan ng langaw.

a. Nakakakuha ng mga sakit sa langaw.

b. Maliit lang na insekto ang langaw.

c. MIkrobyo ang dahilan ng sakit.

You might also like