You are on page 1of 2

Kahalagahan ng Wika

Sa bawat kasaysayan ng isang bansa, isa ang wika sa may pinakamahalagang


ginagampanan sa buhay ng bawat indibidwal. Nabibilang ang ating bansa sa
may mga maraming etnolinggwistikong grupo. Samu’t-sari rin ang ating
lenggwahe at dayalektong ginagamit.

Idagdag pa natin ang mga global na wika na ating natutunan sa ating mga
kaibigang dayuhan, pati na rin ang mga namana natin sa mga mananakop
tulad ng Espanyol. Ang wika ay nagbibigay ng pagkakaisa ngunit kung minsan
naman ay ang hindi pagkakaunawaan.

Sa dami ng wika na ating ginagamit, hatid nito ay kalituhan. Ibang lugar, iba
ang lenggwahe, at ibang uri ng lahi, iba rin ang wikang gamit. Dahil sa
suliraning ito ng di pagkakaunawaan, isinabatas at iprinoklama ng noo’y
Presidente na si Manuel Luis Quezon ang pagkakaroon ng wikang Pilipino
bilang ating wikang pambansa. Mula noon ay binansagan na siya na ama ng
wikang pambansa.

Napakahalaga ng wika sa kasaysayan at kultura ng bawat lugar. Ito ang ating


gabay sa pakikipagtalastasan, sa pagpapahayag ng ating mga damdamin,
ekspresyon, ideya, mga pananaw at opinyon, wika ang ating gamit. Sa
pamamagitan nito malinaw nating naipaparating ang ating mga mensahe, sa
panulat man o sa pananalita.

Sa paglinang at paghubog ng ating pagkatao at kaisipan, wika rin ang


instrumentong gamit sa anumang uri at antas ng paaralan. Magmula sa ating
simpleng abakada hanggang sa pagtatapos ng ating mga propesyon, wika
ang tanging gabay at naging patnubay ng ating mga guro.

Sa gitna ng anumang sigalot, away at maging sa digmaan, wika ang


pinakamalakas na sandata. Sa mga lugar na kung saan may bangayan at
gusot, wika ang ating gamit pangpakalma ng sitwasyon at susi sa
pagkikipagnegosasyon. Lahat ay nadadaan sa mahinahon at mabuting
pakiusapan kapag tamang salita o wika ang ginagamit.
Maging sa mga pinakamataas na lider ng ating lipunan wika rin ang kanilang
kalansag at sandata sa pagpapahupa ng anumang tensiyon sa kanilang kapwa
lider o maging sa mga tagasunod. Gamit ang wika, mas malaki ang tsansa na
nagkakabuklod-buklod ang mga nagkakawatak-watak.

Dahil sa wika ay nalalaman ng bawat indibidwal ang ating pinanggalingan at


kung saan pa ang tatahakin sa ating hinaharap. Sadyang
napakakapangyarihan ang wika. Instrumento ito sa pagkakalat, paglilimbag at
paglalathala ng anumang uri ng babasahin.

Lumipas man ang iba’t-ibang uri ng henerasyon, at kahit mawala pa ang ibang
wika sa ating sirkulasyon, walang detalye ang makakaligtaan at habang buhay
na magiging parte ng ating historya gamit ang wika. Sa panulat man o sa
pananalita parehong mahalaga ang wika. Kung hindi man maisulat ng lapis sa
papel ay maaari namang mabigkas ng bibig.

Mula sa kamusmusan, pagkamulat ng ating kaisipan at hanggang sa ating


pagtanda habang buhay nating magiging instrumento, gabay, kalasag at
sandata ang ating wika. Lilipas man ang mga makalupang panahon at iba
pang salik lahi, ang wika ay mananatili pa rin.

Sa pagdating sana ng mga modernong kaalaman at kagamitan, isabay din


natin ang pagtaas ng ating kalinangan at kaisipan sa pag-aaral sa ating sarilng
wika. Tumulong tayo sa pagpanatili nito at huwag nating hayaan ang unti-unti
nitong pagkawala o pagkaluma sa sirkulasyon ng iba pang mga wika.

Hikayatin natin ang bawat kabataan at mamamayan na bigyan ito ng


pagpapahalaga at respeto. Gamitin natin ito ng may buong puso at
pagmamalaki. Dahil saang dako ka man ng mundo mapadpad, ito ang iyong
magiging tatak at sagisag bilang isang tunay na Pilipino.

You might also like