You are on page 1of 1

Kendrick Pangilinan (195970) 26 Agosto, 2019

Fili 11 VV G. Allen Bisarra

Kakanyahan ng Wikang Filipino

Malaking bagay ang paggamit ng wikang Filipino ngayon. Kamakailan lamang ang

impluwensya ng “Filipino” ay nawawala, kahit sa kolehiyo. Maraming tao kasi walang

kaalaman gaano kahirap at matagal sa oras lumipas upang mabuo ang wika. Kahit sa

simpleng pag-unawa ng pasulat, pabigkas o pagsasalita ay mahalaga; dahil sa konteksto na

yan ay nararating sa pagpapabuti sa ating kultura. Sa karanasan ng mga henerasyon ngayon

ay hindi masyado nakakabit sa ating sariling wika dahil maraming nakatutok sa kultura ng

Amerikano at sa kanilang wika na ‘Ingles’. Naguugnayan ang wika at kultura dahil kapag isa

ay nawala sa kanilang koneksyon, mawawala ang kapangyarihan sa pagturo sa mga tao. Ang

wikang Filipino kasi ay maraming dayalekto galing sa mga nakaraan na pinanggalingan, kaya

hindi lahat may kaalaman saan galing ang mga ibat-ibang salita at ang kanilang kahulugan.

Sa paggamit ng wika, napapalawak ang impormasyon ng kultura sa lipunan. Para sa mga

estudyante nag-aaral pa sa mga eskuwelahan, nakakatulong ang wika upang malaman ang

mga bagong ideya. Kaya, dapat lahat tayo ay palaguin ang aming pagmamataas upang

gumawa ng isang ‘channel’ kung lahat tayo ay naiintindihan ang bawat isa.

You might also like