You are on page 1of 19

Republic of the Philippines

Cagayan State University


Andrews Campus
COLLEGE OF ALLIED HEALTH SCIENCES

Masining na Pagpapahayag

Eksistensiyal na Pagbibihis ng Mga Salita sa Duyan ng Globalisasyon at Nayon ng

Dinamikong Pag-aaral

Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng

Magkaanib na Pangkalusugang Siyensiya sa Kursong Batsilyer ng Teknolohiyang Medikal

ng Pamahalaang Pamantasan ng Cagayan- Andrews Campus

Bilang Pagtupad sa Pamahaging Pangangailangan ng Asignaturang Filipino: Masining na

Pagpapahayag

Isusumite ni:

TALON, KEVIN L.
BS-MLS 1D

Isusumite kay:

CORAZON GLENDA G. MILAN


Instruktor sa Filipino

Abril, 2019

P a g e 1 | 19
Republic of the Philippines
Cagayan State University
Andrews Campus
COLLEGE OF ALLIED HEALTH SCIENCES

Masining na Pagpapahayag

TALAAN NG NILALAMAN

I. PANIMULA

II. DEPINISYON

III. TALAKAYAN

IV. KONKLUSYON

V. SANGGUNIAN

P a g e 2 | 19
Republic of the Philippines
Cagayan State University
Andrews Campus
COLLEGE OF ALLIED HEALTH SCIENCES

Masining na Pagpapahayag

I. PANIMULA

Malaki ang naging kontribusyon ng wika sa ibayong pag-unlad ng bawat

Pilipino mula sa mga nagdaang panahon. Nagsilbi itong mata ng agila sa pamamagitan ng

pagtahak sa hangin paimbulog sa kaparangan ng perlas ng silanganan.

Sa pagpatak ng oras ng ginintuang panahon ng mundo, ang naturang punla ng

lumang wika ay unti-unti nang umiihip sa transisyonal nitong kondisyon. Bagamat nagkaroon

ng pagbabago sa mga ponolohiya, anyo at kabuuang pulgada ng mga salita, maaaninag na

ito’y binhi ng umuunlad na sining ng mga salita. Halimbawa nito ay ang globalisasyon na

mismong kalakalang galyon ang hatid sa nagsusulputang bagong salita. Ang tila barter na

sistema ng pagpapalit saklaw o anyo ng mga wika ay dahil sa impluwensya ng mga bansa sa

Timog Silangang Asya, Asya-Pasipiko, Europeo at Amerika. Ang mga salitang banyaga na

gumapos ng kolonyalismo sa ating lupang tinubuuan ang siyang nagsilbi mismong mitsa ng

panghihiram sa mga ito kayat kalaunay kabilang na sa mga bagong sibol ng wikang Filipino.

Dagdag pa rito, ang lebel ng wikang filipino sa Kamara sa pamamagitan ng

paggamit ng mga baong salita ay isang sangkap ng ibayong tampulan sa debate ng mga

mambabatas. Umiiral ang mas lalong pagkakaintindihan ng mga honorable sa kataastaasang

katungkulan gamit ang globalisasyon sa pambansang wika at Ingles bilang sekundaryang

pangwika upang magpanday ng mga batas sa ikabubuti ng nasasakupan.

Samakatuwid, ang lagom ng wikang Filipino sa bansa ay naging sandigan sa

ilalim ng reporma ng mga batas lalo sa ratipikasyon ng Konstitusyon ng 1987 ng Pilipinas

P a g e 3 | 19
Republic of the Philippines
Cagayan State University
Andrews Campus
COLLEGE OF ALLIED HEALTH SCIENCES

Masining na Pagpapahayag

mula sa pag-upo ni dating Pangulong Corazon Cojuangco Aquino matapos ang EDSA People

Power Revolution.

Nagtakda rin ang sangay ng Ehekutibo, Lehislatura; Senado at Kongreso at

Hudikatura ng mga batas, bills at kautusang tagapagpaganap gamit ang wikang Filipino sa

transisyonal na pag-aakda at pagsalungat sa naturang basehan ng mga mayorya ng bansa.

Ang pagkakaroon ng masusing pag-aaral at pakikipag-ugnayan ng pamahalaang

Pilipinas sa bansang Tsina sa Kumbensyon ng Internasyonal na Batas Pandagat mula sa

Nagkakaisang Bansa sa pamamagitan ng politikong-girian sa West Philippine Sea na Special

Economic Zone ng Pilipinas. Ang naturang isyu ay nagpapaliwanag na ang istandard na wika

ng bansa at ng bansang Tsina ay nagtatagpo sa mariing pagsasalinwika dahil sa impluwensya

ng globalisasyon.

Sa kabilang banda, ang naturang paggamit ng diyalektong Iloko sa mga Ilokano

ay nakatatak ding magkaroon ng saysay bilang isang ganap na linggwahe ng Pilipinas ngunit

hindi pa ito tiyak kung kalian magkakaroon ng pwersa sa Komisyon.

Nakatatak sa lipi ng mga Ilokano ang mga pinag-ugatan nitong salita na naging

sambitla sa paraang pasalindila. Ito ang bumabaybay sa natatangi nitong kultura upang

magkaroon ng pagkakaunawaan sa duyan ng mga taga Norte at Ilocandia. Saknong nito ang

pag-aaral ng mga neolitikong sipi, pahayag at modernisadong instruksyon kagyat ng

dinamikong estado ng mga wikang ginagamit.

Ang retaso ng mga naghahalohalong mga salita sa kasalukuyan; maging

Ilokano, Tagalog, Itawes, Ybanag, Bikolano at iba pa ay naging sangkap sa pagbubuo ng mga
P a g e 4 | 19
Republic of the Philippines
Cagayan State University
Andrews Campus
COLLEGE OF ALLIED HEALTH SCIENCES

Masining na Pagpapahayag

buod upang magkatagpo-tagpo sa iisang direksyon. At Diyan naipanganak ang lingua franca

ng Pilipinas-FILIPINO.

Kaya, napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon sa

kasalukuyan

P a g e 5 | 19
Republic of the Philippines
Cagayan State University
Andrews Campus
COLLEGE OF ALLIED HEALTH SCIENCES

Masining na Pagpapahayag

II. DEPINISYON

Bilang pormal na depinisyon, ang globalisasyon ay kaparaanan kung paano nagiging

global o pang-mundo ang mga lokal o mga pamook na gawain at pamamaraan.

Ayon sa pag-aaral ni Dr. Bienvenido Lumbera, Tagapangulo ng Komisyon ng Wikang

Filipino (KWF), upang mapagtakpan ang buktot na pakanang nag-aanyong biyaya ng mga

dambuhalang empresang nakabase sa Kanluran, may bayarang intelektwal na umimbento sa

pariralang “borderless world” at itinapal ito sa mapagsamantalang mukha ng kapitalismo. Sa

ganyang anyo iniharap sa atin ang “globalisasyon” na may utopian, ipinangangakong isang

mundong wala nang hangganan. Sinasabing sa mundong wala nang hangganan ay pantay

pantay ang kakayahan ng bawat bansa na kamtin ang kaunlaran.

Para sa isang bansang malaon nang nabalaho sa di-pag-unlad, ang Utopiang pangako

ng globalisasyon ay tunay na katakamtakam sa sikmura ng mga Pilipino. Naroon ang

paglaganap at pagtibay ng demokrasya. Pagkakaroon ng masiglang kalakalan sa industriya at

ekonomikong aspeto.

Ang salitang nakabinbin tungkol dito ay patunay na tila nalalagas na ang dahon ng ating

pagkapilipino. Gaya nang conyong salita na isang uri ng balbal na kung saan pinaghahalo ang

P a g e 6 | 19
Republic of the Philippines
Cagayan State University
Andrews Campus
COLLEGE OF ALLIED HEALTH SCIENCES

Masining na Pagpapahayag

Wikang FilipinoFilipino Ingles upang maging sosyal kung pakinggan ay nagiging lansa

sa paggamit ng ating naturang wika. Maiihahambing ito sa mga putaheng inihahain sa hapag

na may halong mga pa-arte upang maging maningning sa mata ng mga bisita. Hindi

nagkakaroon ng pagpapanatili ng mismong birheng paggamit ng puro at pulidongb mga wikang

Filipino.

Sa band ng salitang jejemon naman, ang buktot ng paggamit nito ay nababahiran ng

maayos na pagbabaybay ng mga mag-aarakl. Ang jejemon ay kabilang sa pangkat ng mga

islang na salita kung saan iniiba at pinapa-iksi ang ang tamang baybay ng mga salita. Dito

namomonopolyo ang paggamit nang tama o maling salita sa pamamagitan ng wastong

pagbabaybay. Sa kalaunan, kung ito’y wala sa kontrol at pag-aaral ng mga tao upang mapunto

ang mga pagpanday ng wikang Filipino

Hindi maipagkaka-ilang kasabay ng modernisasyon sa lipunan ay siyang pagbabago rin

ng mga nakasanayan ng mga mamamayan. Kabilang ditto ay ang wikang nakasanayan. Ayon

kay Mario I. Michaat, Ph.D, mula sa artikulo na “ Ang Klagayan ng Wikang Filipino Sa

Panahon Ngayon”, hindi ngayong dekada lamang sumulpot ang problema ng pambansang wika

o lingua franca. Hindi rin noong panahon nina quezon sa pamahalaang Commonwelath

kalahating siglo ang nakararaan. Isa sa mga salik na siyang nagiging dahilan ng mga samo’t

saring suliranin patungkol sa wika ay ang paglitaw ng mga makabagong salita na nagbubunsod

ng pag-aalburuto ng bawat isa. Kabilang na rito ang paglaganap ng jeje words, beki

language/gay language .

P a g e 7 | 19
Republic of the Philippines
Cagayan State University
Andrews Campus
COLLEGE OF ALLIED HEALTH SCIENCES

Masining na Pagpapahayag

Sa Investigative Documentaries ni Malou Mangahas, isang journalist at taga-ulat ng

GMA Netwok, ang ang mga matatanda ay nahihirapang intindihin ang mga jeje words dahil sa

sari-saring karakter na ginamit upang mabuo ang salita samantalang mabilis naman itong

intindihin ng mga kabataan. Sinubukan din ng nassabing dokumentaryo na alamin ang talas ng

mga kabataan sa tamang pagbabaybay sa wikang jejemon. Nadiskubre rito na higit na

binibigyang pansin ng iba ang pagiging malikhain sa pagsususlat ng mga salita kaysa sa

kahulugan nito. Mawawalang silbi ang kakaibang baybay kung iilan lamang ang nakuunawa

at nakakalimutan na ang tamang paggamit nitio.

Kung gayon, dapat lamang na tangkilikin, payabungin at payamanin ang wikang

kinagisnan. Hindi masama ang susuong sa dagat ng globalisasyon ng wika ngunit marapat na

bigyang limitasyon ang wikang nasa hinog na antas ng etikal na pamamaraan.

P a g e 8 | 19
Republic of the Philippines
Cagayan State University
Andrews Campus
COLLEGE OF ALLIED HEALTH SCIENCES

Masining na Pagpapahayag

III. TALAKAYAN

1. Magtanong-tanong sa mga matatanda ukol sa mga salitang ginamit nila noong kanilang

kapanahunan subalit nawala na sa kasalukuyan. Ibigay ang kahulugan.

 Sarutsu- lagari

 Gurabis- posporo

 Al-o- kasangkapan sa pagbayo ng palay

 Kampit- kutsilyo

 Ballay- malaking lalagyan ng mais

 Tayab- banga

 Kambung- lalagyan ng tubig

 Ungut- bao ng niyog

 Labig- anahaw

 Tugyang- lumang bag

 Arimata- buhatin

 Taway- tikman

 Mullut- ilaw na may gas

 Nasudi- akma

 Agpelles- magbihis

P a g e 9 | 19
Republic of the Philippines
Cagayan State University
Andrews Campus
COLLEGE OF ALLIED HEALTH SCIENCES

Masining na Pagpapahayag

 Sugi- pulbura

 Naisawang- nasabi

 Atep- bubong

 Darisay- dumi ng manok

 Nasupra- maalat

 Natan-ok- maginhawa

 Naemma- mapagmahal

 Ikalumbabam- buksan

 Abriem- susugatan

 Naslag- maliwanag

 Naumagen- nawala na

 Pegges- pagbalik

 Pamuspusan- gustuhin

 Bannatiran- ibon

 Maidasay- mabibigyan

 Nagsaway- nakabibighani

 Umasping- makapapantay

 Nakaitangpakan- kinalalagyan

 Bingiem- ingiti

 Marfil- marmol

 Umapiring- isusuot sa daliri

P a g e 10 | 19
Republic of the Philippines
Cagayan State University
Andrews Campus
COLLEGE OF ALLIED HEALTH SCIENCES

Masining na Pagpapahayag

 Naganus- hindi pa hinog

 Pirak- salapi

 Maabrut- makuha

 Sumken- maalala

 Mapusay- mamatay

 Agarubos- tutulo

 Sukogen- pagpoporma ng banga

 Nanumu- mahirap ang pamumuhay

 Warakiwakan- ikalat

 Asog- pag-iyak

 Marigasul- bughaw

 Nakissit- nangitim ang bigas sa sobrang luto

 Nadangru- mabaho

 Kired- madiskarte

P a g e 11 | 19
Republic of the Philippines
Cagayan State University
Andrews Campus
COLLEGE OF ALLIED HEALTH SCIENCES

Masining na Pagpapahayag

2.

A. Maglista ng mga salitang nilikha ng ilang dalubhasa nang nakaraan lamang na lima

o sampung taon at ito’y hindi na ginagamit sa kasalukuyan.

Ang globalisasyon sa punto ng paggamit ng wika ay nakaaapekto sa pamamagitan ng

pagtuklas ng mga makabagong salita. Ang pinid ng mga salitang ito ay nagsilbing sandalan sa

modernong panahon batay sa uso, kilala at bininigyang buhay na salita.

Sa larangan ng siyensya partikular na sa asignaturang Kapnayan (Kimika), ang

terminong dagipiking bigkis na ang kahulugan ay ionic bond sa Ingles ay hindi na ginagamit

ngayon bagkus ang mismong Ingles na lamang na termino ang kinikilala ng mga mag-aaral sa

antas sekundarya at terserya. Tumutukoy ang terminong ito sa pagkumpol ng mga atomos kung

saan mayroong pagbabahagi ng dagisik sa pagintang ng mga nasabing atomos.

Pangalawa ang salitang Lakdasingaw o kilala sa salitang Ingles na Sublimation ay

tumutukoy naman sa pagbabago mula buhanging himtang (gaseous state) papuntang danuming

himtang (liquid state). Ang Buhanging himtang naman ay pagbabago ng isang solusyon mula

sa solidong porma hanggang sa pisikal na katangiang umuusok. Samantalang ang Danuming

himtang ay pagbabago sa pisikal na anyo ng solusyon mula sa solidong porma patungong

pagtutubig na kaanyuhan.

Pangatlo ang terminong Sakintay. Hindi na ito ginagamit pa sa intrusksyon sa kolehiyo

. Ito ay tumutukoy sa pagbabago mula siksining himtang (solid state) papuntang danuming
P a g e 12 | 19
Republic of the Philippines
Cagayan State University
Andrews Campus
COLLEGE OF ALLIED HEALTH SCIENCES

Masining na Pagpapahayag

himtang (liquid state). Pang-apat ay ang Hidagisik na tumutukoy sa proseso kung saan

nababawasan ang sadagisiking himtang (oxidation state) nang isang sangkap dahil sa

pagdaragdag ng dagisik (electron).

Sa larangan ng medisina, mapupulot dito ang mga panawag sa mga eapoesyalista noong

mga nakaraang taon. Halimbawa nito ang terminong Sirhiyon na ang ibig sabihin ay Sugeon-

Barber. Ang terminong Apotekaryo na pinid ang herbalista at ang Manlilinta na leech-crafter.

B. Anu-ano ang mga salitang nilikha ang tinanggap ng bayan?

Sa panahon ngayon, madami nang naglalabsang bagong mga salita at unti-unti nang

nakakalimutan ang salita ng matatanda. Kung tutuusin, ang mga salita ng mga matatanda ay

orihinal na salitang Pilipino hindin katulad ng mga bagong salita na naglalabasan ngayon.

Kaya, talagang napakalaking puwang sa pagbabago ng mga ito sa kadahilanang nahahaluhan

ito ng ibang lingguwahe.

Isinapubliko ng rappler.com ang mga umusbong na salita na naging popular o dili kayan

nominado sa taong 2014. Halimbawa nito ang salitang Selfie kung saan tila umusbong ang mga

bagong impluwensya at produkto ng teknohiya, inhinyerya at siyensya sa bawat komunidad.

Dahil sa globalisasyon, sa pagdami ng gumagamit ng mga android at smartphones, naging

palasak sa timpla ng mga pinoy ang salitang ito. Katunayan, ang Makati City at Laguna ang

nagunguna sa listahan nang may pinakamalaking bilang na nag “seselfie”.

P a g e 13 | 19
Republic of the Philippines
Cagayan State University
Andrews Campus
COLLEGE OF ALLIED HEALTH SCIENCES

Masining na Pagpapahayag

Ang mga ekspresyong milenyal kung saan ito ay higit na makabagong ekpresyon ay

unti-unti naring nagiging parte sa pagkakaroon ng absolut na sangay ng ating wika na

ginagamit ng mga tao. Halimbawa nito ang mga salitang Humuhugot, Ligwak Ganern, Ansabe,

Werpa, Lodi, Petmalu, E di Wow, Ginigigil mo ako at Pak! Ang mga terminong ito ay unti-

unting nauso at natanggap ng mga tao sapagkat isang salik ang globalisasyon. Sa pamamagitan

ng mga social networking sites na nagiging madali na lamang ang pagtuklas at gawing popular

ang isang salita o bagay upang maging tanyag sa henerasyong ito.

Iba pang mga halimbawa ay mga sumusunod: SKL o share ko lang; SML o share mo

lang; WMP o walang may pake; Advance ka mag-isip ibig sabihin di ka delayed; boundary-

para sa mga sabat nang sabat sa pananalita; Sakit sa eyes/ears o masakit pakinggan/ Makita;

Geh talon una ulo- trip mo/nila,; HAKDOG- pag nag “ha?” ka; Wala na finish na- kapag may

dumating na pa-epal; Aytts-para may maisabi; How true- gaano katotoo?; Kwass- iba pang

termino ng “crush” at Jekaw o nagjojoke ka na naman.

C. Maglista ng mga salitang balbal at ibigay ang kahulugan

Ang balbal o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang

particular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye. Ito ang mga

salitang nabuo o nalikha sa impormal na paraanito rin ay nabuo sa mga pinagsamasama o

pinagdugtong na salita, maaari itong mahaba o maikling salita lamang.

P a g e 14 | 19
Republic of the Philippines
Cagayan State University
Andrews Campus
COLLEGE OF ALLIED HEALTH SCIENCES

Masining na Pagpapahayag

Ang jeprox ay isang salitang balbal na inimbento ni mike Hanopol, isang rakistang mang-

aawit na ang ibig sabihin ay laki sa layaw . Sumikat ang awiting “Laki sa layaw Jeprox” noong

dekada sisenta na kalaunan ay naging tila opisyal na salita na ibig ikahulugan ng balbal na ito.

Baktol naman ang naging pampakintab ng ngipin ng mga nagbibirong tao sapagkat ito ang

ikatylong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. Ang baktol ay pareho ng amoy ng nabubulok

na bayabas. Ito ay dumidikit sa damit at humahalo sa pawis. Magpapaalala ito sa tuwing sale

sa mall dahil sa sobrang siksikan ng mga bumibili.

Sa kabilang banda, ang islang na burnik ay katatawanang bagay. Ito ay taeng sumabit sa

buhok sa pwet na madalas nararanasan ng mga taong gumagamit ng tissue pagkatapos

magbawas. Katunayan, ang burnik ay mahirap alisin lalo kung ito’y natuyo. Kaya naman,

ipinapayo ng mga espesyalista na maligo lamang upang maalis ang mga taong mayroon nito.

Hindi rin maikaiila ang salitang balbal na mulmul. Ito ay isang klase ng buhok na nasa

gitna ng isang nunal.

Iba pang mga halimbawa nito ay tumakda sa terminong tsimay- katulong; erpat- tatay;

ermat-nana; kosa-kaibigan; tipar-handaan; parak-pulis; yosi- sigarilyo; repapits/pards-

tawagan; dehins- hindi; bakokang- peklat; utol-kapatid; sisteret-kapatid na babae; chibog-

pagkain; dyogs- parte ng katawan ng babae; wa epek- walang epekto; akech- ako; amats- may

tama; charr- joke; chaka- pangit; dabyana- mataba; fes- mukha; pudra- tatay; mudrabels-

nanay; japorms- porma; malabs- mahal; keribels- kuha mo; masharap- masarap; okray- akto

ng pagbibiro; sinetch itey- sino ito; waley- hindin nakakatawa; kano- mga taong taga

Amerika; emo- emosyonal; chika- sabi; chong- tiyo; kute- kuya/ate; jegs- natatae.
P a g e 15 | 19
Republic of the Philippines
Cagayan State University
Andrews Campus
COLLEGE OF ALLIED HEALTH SCIENCES

Masining na Pagpapahayag

D. Magbigay ng mga makabagong panghihiram ng mga salitang banyaga na nagiging

salitang Pilipino na.

Mula sa mga dayuhang sumakop sa ating bansa ng ilang mga taon, ang kanilang

impluwensya sa lingguwahe ay tumatak na sa bandila ng kanilang tinitirahan at armas

na nagbunga ng naikintal na kaalaman. Dito nahubog ang ating mga ninuno na

magsalita ng mga salitang impluwensya ng mga kolonisador sa Pilipinas- Espanyol,

Commonwealth, Amerikano, at Hapones.

Isa sa katangian ng wika ay pagiging buhay nito. Nababago ang mga salita,

mamaaring may madagdag at magkaroon ng ibang mga nayo nito. Tulad ng alpabetong

Filipino na tumatanggap ng bagong titik na c, f, j, n, q, v, x, at z, may mga salitang

banyaga na itinuturing naring wikang Filipino.

Sa teleseryeng ipinalabas ng ABS-CBN noong 2017 na pinagbibidahan nina

Jodi Sta. Maria at Richard Gomez, matatangtong ang actor na si Richard Gomez ay

binansagang tisoy sapagkat naaaninag sa kanyang katawan ang kulay at kisig. Ang

salitang tisoy ay dulot ng globalisasyon sa pamamagitan ng panghihiram ng wika at

paggamit ito bilang wika nan ang humiram na bansa. Ang terminon ito ay galling sa

Latin America na “Meztizo”. Dalawang lahi ang pinagsama para magkaroon ng

ganoong produkto ang sellula.

P a g e 16 | 19
Republic of the Philippines
Cagayan State University
Andrews Campus
COLLEGE OF ALLIED HEALTH SCIENCES

Masining na Pagpapahayag

May mga salitang hiram sa Espanyol na naging daan upang maging salitang

Filipino gaya ng Convencion- kumbensyon; Conferencia- kumperensya; Convento-

kumbento; Vocabulario- bokabularyo; Telefono- telepono; Celebracion- selebrasyon;

Cheque- tseke; Litro- litro; Liquid- likido.

Sa sangay ng hudikatura, ang writ of habeas corpus at writ of amparo ay

pawang mga salitang hiram sa mga banyaga na kalianman ay hindi napapalitan o

natatakpan ng pagsasalinwika sa Filipino. Nariyan din ang coupt d’etat, na kudeta at

blitzkrieg bilang bliskrig sa wikang Pranses at German.

Ang globalisasyon sa pamamagitan ng ekonomikong larangan ay nababatiran

sa mga hiram na wika na ginagamit parin bilang prinsipyo nito gaya ng laissez faire ng

ekonomistang si Karl Marx na nagsasabing ang mga produkto at resorses ay kailangang

mabigyan ng taripa para magkaroon ng pagbubuwis sa mga ito.

P a g e 17 | 19
Republic of the Philippines
Cagayan State University
Andrews Campus
COLLEGE OF ALLIED HEALTH SCIENCES

Masining na Pagpapahayag

IV. KONKLUSYON

Malaki ang impluwensya ng wika sa pagtatakda globalisasyon sa anumang

panig ng mundo. Ito ang nagiging transportasyon sa paggalugad ng mga iba pang mga

kaalaman para sa epektibong pananaw sa pag-aaral ng wika.

Ang pag-unlad ng ating wika ay kabalikat ng globalisasyon sa ibat-ibang estilo

at anggulo. Masasabing ang wika ay sadyang dinamiko o dili kayay nababago dahil ityo

ang nagbibigay bunga sa mgab susunod na henerasyon kung anon ang mga mahaahsang

salita na lalabas sa bagong bokabularyo.

Ang mga salitang naging himlayan ang takbo ng dekada o panahon ay

nagsisilbing basehan na ang mga wika sumasabay sa transisyonal na pamamaraan at

nanganagilangan ng patuloy at ibayong pormulasyon.

Sa pag-aaral na ito, ang globalisasyon ay sadyang alisto sa galaw ng mga

pangyayari pagdating sa kinaukulang komunikasyon at gramatika o retorika. Ito ang

tumatatak sa kabuuang pagbabago ng mga salita kung saan patuloy na nagbibihis ang

nayon sa darating na umaga.

P a g e 18 | 19
Republic of the Philippines
Cagayan State University
Andrews Campus
COLLEGE OF ALLIED HEALTH SCIENCES

Masining na Pagpapahayag

V. SANGGUNIAN

 Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino nina Dines et, al.

 https://www.books.google.com

 https://www.academia.edu

 https://www.prezi.com

 https://www.jw.orgsinaunangeksperto

 https://www.academia.edusalitangnabago

 https://wwwamazon.comdynamusicilokano

 https://www.iloko.tripod.com

 https://www.amp-rappler-com.cdn.ampprojectsalita2014

 https://www.globalisasyonlasonsawikangfilipino

 https://www.scribd.comangwikangfilipino

 https://www.youtube.commillenials

 https://www.academia.edunijonalynalbayepektong

P a g e 19 | 19

You might also like