You are on page 1of 3

LAKI SA HIRAP ni LUIS P. GATMAITAN M.D.

Gusto kong magreklamo sa aking Tatay at Nanay. Kasi’y mulang pagkabata, kulang
na ako sa maraming bagay sa buhay: magandang damit, masarap na pagkain, at
maayos na bahay.
Iyong mga damit naming, panay luma. Karamihan dito’y bigay ng mga kamag-
anak o kapitbahay na naawa sa amin. “Pangmayaman lang ‘yung pumipili ng damit,”
paalala ni Nanay.
Sa pagkain, salat din kami. Kung hindi sa gulay, puro isda naman. Biro ng
aking Nana, “tutubuan na kami ng kaliskis sa kakakaing ng isda!” “Anak ,
pinagkakasya lang natin ang suweldo ng inyong Tatay,” pagpapaunawa ni Nanay. “At
saka, masustansya naman ang gulay at isda! Aba, ‘yan ang kinakain ngayon ng
mayayaman!” Ang dami rin naming magkakapatid. Nandiyan si Dodong, Jeng-Jeng,
Klang-Klang, at Boom-Boom. Lumalaki ang aming pamilya. Pero hindi naman
nadagdagan ang sweldo ni Tatay. Kakaunti na nga ang pagkain, marami pa kaming
naghahati-hati sa kakainin. Gusto ko sanang isagot.. “Bakit po kasi kayo nag-anak ng
marami?” Pero hindi na lang ako kumibo. Madalas, nahihia akong pumasok sa
eskuwelahan. Sino bang matutuwa sa kupasing uniporme, lumang sapatos na halos
mabutas na ang swelas, at pinaglumaang bag? Lagi akong nagkukubli kapag kakain
ng baong tanghalian. Hindi ko maipagmamalaki ang baon ko: kung hindi nilagang
itlog ay tuyo, o galunggong, o talong. Sa ulam pa lang, kitang-kita na ang pagkakaiba
ng mayaman sa gaya kong mahirap. “Uy Millet, nandiyan ka pala! Halika, sabay
tayong kumain. Hati tayo sa ulam ko. Hati rin tayo sa ulam mo,” bati ng isa kong
kaklase. “A, kay hirap maging mahirap. Pilit naming pinagkakasya ang lahat. Ang
pagkain naming sa araw-araw ay halos hindi sumasapat. Dumating man ang Pasko at
bertdey, hindi uso ang bagong sapatos at damit. Hanggang tingin na lang ako sa mga
bagay na gusto ko. Paano kaya kami makakaahon sa buhay na mahirap? Isang gabi,
nilagnat si Tatay. Matindi ang kanyang ubo. Ilang araw siang hindi nakapamasada sa
traysikel. Simula noon, hindi na ako nakakita ng isda sa aming hapag. Puro gulay na
lang. Naging masmalabnaw rin ang gatas na dinedede ni Baby. Wala na akong
maipambili ng project sa eskwelahan. “Kailangan kasi tayong bumili ng gamut para
kay Tatay,” paliwanag ko sa aking mga kapatid.

Tumagal pa ng ilang araw ang sakit ni Tatay. Lalong nabawasan ang inihahandang
pagkain ni Nanay. Hindi na rin kami nakakapasok sa eskwelahan kasi’y wala ma
kaming baon. Nang gabing ‘yun narinig kong nag-uusap sina Tatay at Nanay.
“Pahintuin muna kaya natin sa pag-aaral si Millet?” sabi ni Nanay.

“Naku, huwag na huwag! Ipangutang mo muna para may pambaon,” sagot ni Tatay.
“Hindi siya dapat huminto ng pag-aaral. Hindi siya dapat magaya sa atin.” matatag
ang tinig ni Tatay. “Pero marami na tayong utang…” tutol ni Nanay.

“Basta’t gawan mo ng paraan. Dagdagan ko pa ang aking sipag ‘pag gumaling ako.
Hindi tayo maghihirap nang ganito kung nakatapos tayo ng pag-aaral…”A, kaya pala
pilit nila akong iginagapang sa pag-aaral. Kaya pala sobrang pagtitipid ang ginagawa
nila sa araw-araw. May pangarap sila para sa akin. Gusto rin nilang umunlad ang
aming buhay.

Hindi ko pala dapat ikahiya ang aming kahirapan. Ang mahalaga, may pagkakataon
akong makaahon sa buhay-mahirap. Kinabukasan, tinipon ko ang aking mga kaatid.
Sinabi ko sa kanilang kailangan naming tulungan sina Tatay at Nanay para hindi
kami mahinto ng pag-aaral. Kung namamasada si Tatay at naglalabada si Nanay,
kami naman ay magtitinda ng banana-Q, turon, sa-malamig, doon mismo sa harap ng
aming munting bahay.

Marunong na akong magluto kasi ako lagi ang nakaalalay kina Nanay at Lola sa
kusina. “Sige, ate ,tulong-tulong tayo!” hiyaw ng mga kapatid ko. “Ako naman ang
magduduro ng saging sa stik.” ani ni Dodong. “At ako ang magpriprito g turon at
banana-Q, mga apo,” sabad ni Lola na nkikinig pala sa aming plano.

Binasag ko ang aking naipon at napamaskuhan ko. Kulang ng konti sa limang daang
piso! Puwede nang puhunan para makabili ng ilang piling na saging,mantika at
asukal na pula.

Nagulat si tatay at Nanay nang makitang may nakalagay na isang mesa at isang
lumang paying sa harap n gaming bahay. Dinumog ng ng mga kapitbahay ang aming
mga paninda. Lalo akong sinipag. Pagkatapos bawasin ang puhunan, binigyan ko ng
pambaon sina Dodong, Jeng-Jeng, at Klang-Klang. At nakapagbigay pa kami ng
konting pera kay Nanay.

“Bukas ulit,Ate, magtinda tayo ng banana-Q.” hiyaw ni Klang-Klang. “Dagdagan pa


natin ng kamote-Q” susog ni Dodong. Sumabad si Nanay,” Papayagan ko kayong
magtinda sa hapon basta’t ipangako n’yong hindi n’yo pababayaan ang pag-aaral.”
Sunuo-sunod na tango ang sagot naming magkakapatid. Nabalitaan ng mga guro ko
na nagtitinda kami ng banana-Q, kaya patisila ay regular nang umoorder sa amin.
Minsaan nga, ginawa pa akong halimbawa ni Ma’am Tessie Arenas sa klase. “Itong si
Millet,dapat nating pamarisan…” sabi ni Ma’am,hindi puwedeng asahan ang lotto
omga game shows sa TV para umunlad ang aming buhay. Hindi maaring puro
“abilidad” lang. Kailangan may pundasyon. At mas may laban daw sa buhay kung
nakatapos ng pag-aaral. Laki ako sa hirap. Pero alam kong isang araw, mas bubuti
ang lagay ng maing buhay. Ang sabi, “Hindi kasalanang ipinanganak na mahirap. pero
malaking kasalanan kung mamatay nang mahirap.” Kaya heto, estudyante ako sa
umaga, tapos tinder naman sa hapon. At hinding-hindi ko kinahihiya ‘yun. Sa ngayon,
kailangang magtitiis ang aming bung pamilya. Sulsihan ang mga lumang damit.
Magkasya sa bahay na maliit. Magtipid at mag-impok. Huwag magsimula ng kahit
anong bisyo. Magtiyagang mag-aral hanggang sa makatapos. Magkaroon ng
disenteng hanapbuhay sa hinaharap. At makatulong din sa kagaya kong dumadaan
sa hirap. Hindi nagtagal at muling nagbalik ang lakas ni Tatay.Bukod sa
pamamasada sinimulan na rin niya ang isang alit na talyer sa aming bakuran. Si
Nanay naman, nagsimulang magluto ng all-year-round na bibingka at puto-bungbong
katabi n gaming banana-Q. Sosyo sila ni Lola. Nangako rin si Tatay na bunso na si
Boom-Boom. Hindi n siya masusundan ng isa pang kapatid, “Pupunta kami ng Nanay
mo sa health center at magtatanong kami tungkol a family planning.”

Ang buhay daw sabi ni Lola ay parang gulong Minsan, ito’y nasa ilalim,minsa’y nasa
ibabaw.Sa ngayon, nasa ilalim ang gulong naming. Pero sa tulong ng aking mga
magulang, na nangakong igagapang akong makapagtapos ng pag-aaral,alam kong
pasasaan at ang basta’t gugulong din ito….nang paibabaw.

Ang sabi,“Hindi kasalang ipinanganak kang mahirap. Pero malaking kasalanan kung
mamamatay nang mahirap”.

You might also like