You are on page 1of 1

Kasaysayan ng Kulitan: sulat Kapampangan

Ang mga sinaunang Kapampangan ay ipinagmamalaking sariling Sistemang panulat na tinawag


nilang kulitan. Ang kulitan ay hango sa salitang “culit” o “kulit” o iguhit sa kawayan. Ito ay itinuturo sa
lupa. Ang kulitan ay natatangi lamang sa mga Kapampangan sapagkat tanging mga salitang Kapampangan
lamang ang pwedeng gumamit at maisulat dito. Ito ay mula sa “indic script” na nagmula sa Indian brahmi
na kung saan magmula ng iilan sa mga sistemang pansulat ng asya. ang kulitan ay ginagamit ng mga
espiritista o sulat ng mga kulto at maging sa pambabarang o pangkukulam. Tinatawag din itong sulat nunu
sa kadahilanang ginagamit ito upang makausap ang mga ninunong namayapa na. ang paraan ng pagsulat
ng mga Kapampangan sa kulitan ay nakabase sa galaw ng araw,mula sa kanan pakaliwa at mula sa taan
paibaba, bilang pagkilala o pagpupugay kay Apung Sinukuan. Ang pagsulat nito ay nakadipende sa haba o
diin ng pagbigkas sa pantig nang salita.

anting aldo sislag banua,

keti sulip aslagan na.

sisilang king alaya,

king pinatubu lulbug ya.

TRANSLATION IN ENGLISH

Like the sun that shines from heaven,

Its radiance reaches down on Earth.

Rising from Bundok Alaya,

It Descends on Mount Pinatubo.

Ginamit din ito ng mga Hukbalahap bilang kanilang pangunahing pagsulat noong panahon ng mga
hapon. Ang dahilan kung bakit iilan na lamang na Kapampangan ang marunong sumulat ng kulitan ay
dahil ito ay hindi basta basta itinuturo lalong lalu na sa mga dayuhan at hindi rin ito pwedeng gamitin
upang isulat ang mga salitang dayuhan.

You might also like