You are on page 1of 2

barko ang kay Don Cesar ay magkakaabutan na lamang sila ng mga mangingisad ni Don Cesar, “Ilang

araw na kayo sa laot, ha?" Itatanong niya. Siya'y sasagutin ko. At, “ako'y tatlumpong araw," sasabihin
niya pagkatapos.

Nang matapos ang bahay-bahayan, Ang ganda-gandang tingnan. May pitong talampakan ang taas,
may disenyo ng alambre at makikitid na piraso ng kawayang tinakpan ng manipis na papel na puno ng
iba't ibang kulay. Nagmukhang may karnibal dahil sa mga bulaklak na pilak na nakakalat sa buong bahay.
May papel na swimming pool (bilog, dahil hindi naiintindihan ng tao ang hugis kidney) na inilagay sa loob
ng bahay; may apat na alila para makapagsilbi sa amo nila, na nakapuwesto sa pagitan ng dalawang
kotse, isang malinaw na chevrolet at isang Mercedes.

Nang oras na, dinala ang bahay na papel sa libingan ni Tay Soon at sinilaban doon. Nagliwanag nang
mabuti, at pagkatapos ng tatlong minuto, naging bunton ng abo ang libingan.

Mula sa Maikling Kuwentong

Singaporean na “Papel"

Ni Catherine Lim

Mababasa sa ibaba ang ilang paraan ng paglalarawan da damdamin o emosyon nang hindi na malayo at
konektado pa rin sa tauhan:

•Pagsasaad sa aktuwal na nararanasan ng tauhan- Maaaninag ng mambabasa mula sa aktuwal na


nararanasan ng tauhan ang damdamin o emosyon na taglay nito.

Halimbawa: Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang Tonyo. Nagdidilim na ang kanyang paningin at
nanglalambot na ang mga tuhod sa matinding gutom na nadaraman. Dalawang araw na pala nang huling
masayaran ng pagkain ang nanunuyo niyang mga labi.

•Paggamit ng diyalogo o iniisp- Maipakikita sa sinasabi o iniisip ng tauhan ang emosyon o


damdaming taglay niya.
Halimbawa: sa halip na sabihing naiinis siya sa ginawang pagsingit sa pila ng babae ay maaaring itong
gamitan ng sumusunod na diyalogo: “ Ale, sa likod pa ang pila. Isang oras na kaming makapila rito kaya
dapat lang na sa hulihan kayo pumila!"

•Pagsasaad sa ginawa ng tauhan. Sa pamamagitan ng pagsasaad sa ginawa ng tauhan minsa’y higit


pang nauunawaan ng mambabasa ang damdamin o emosyon naghahari sa kanyang puso at isipan.

Halimbawa: “Umalis ka na!" ang mariing sabi ni Aling Lena sa asawa hambang tiim bagang na
nakatingin sa malayo upang mapigil ang luhang kanina pa nagpupumilit bumalong mula sa kanyang mga
mata.

•Paggamit ng tayutay o matatalinghagang pananalita. Ang mga tayutay at matatalinhangang


pananlita ay hindi lang nagagagamit sa pagbibigay ng rikit at indayog sa tula kundi gayundin sa prosa.

Halimbawa: Ito na marahil ang pinakamadilim na sandali sa kanyang buhay. Maging ang langit ay
lumuha sa kalungkutang dulot ng pagyao ng pinakamamahal niyang si Berta.

Mababasa sa kabilang pahina ang ilang halimbawa ng paglalarawan sa damdamin o emosyon ng mga
tauhan mula sa ilang kilalang akdang pampanitikan.

You might also like