You are on page 1of 1

Produkto ng hindi perpekto ngunit masayang pamilya.

Pinagbuklod ng pagmamahalan, at pinagtitibay ng


paniniwala at pagtitiwala sa Panginoon. Hindi man perpekto ang pinagmulan, nagkaroon naman ng
produktibong produkto ang pamilyang ito, produktong may pangarap, produktong magsusukli sa lahat ng
paghihirap.

Sa labing pitong taong pamumuhay iba't ibang karanasan ang nagpamulat sa natutulog na isipan.
Nariyan ang pagtayo sa mga sariling paa simula noong mawalay sa ina. Napakaraming pagbabago ang
hindi niya nasaksihan, mga lungkot na hindi niya nadamayan. Ngunit sa kabila nito ang pagsaludo sa
kanyamg sakripisyo para sa pamilya. Sakripisyong hindi mapapantayan ng kahit ano at tanging tagumpay
lamang ang sapat na kabayaran.

Lumaking sanay sa pakikisalamuha kaya't iba't-ibang hilig ang nabuo gaya ng computers games na
binabalanse naman ng mga isports na basketball, biking at swimming. Pagkain ang karaniwang nagiging
takbuhan tuwing nalulungkot at sandaling pag-iisa ang nagbibigay liwanag sa isipan. Hindi ninanais na
makagulo sa kapwa kaya't nagiging maingat sa lahat ng pagkakataon, kasabay nito ang takot na sumubok
pa ng iba pang bagay. Sa kabilang banda, isa ring tapat, mapag-mahal at mabait ang nagsisilbing
kalakasan. Hindi naman mawawala ang kalokohan na nagbibigay sigla sa bawat pagpasok ng eskwelahan.
May magandang samahan sa mga kaibigan na nagiging karamay sa mga bagay-bagay maging sa
eskwelahan man o sa personal na pangangailangan.

"Gawin mo ang nakapagpapasaya sayo at huwag kang magsisisi." Paniniwalang aking sinasangayunan
dahil naniniwala ako na walang maling desissyon. Ang mali ay ang pagtakas sa responsibilidad na
kaakibat ng desisyong ito. Kaya't gawin mo ang nagpapasaya sayo at panagutan mo ang kaakibat na
responsibilidad nito.

You might also like