Professional Documents
Culture Documents
Panahon NG Republika Batas Myralyn B. Caringal
Panahon NG Republika Batas Myralyn B. Caringal
Caringal
Marso 26, 1954- Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg.186 na
nagsusog sa Proklama blg. 12, serye ng 1954 sa pamamagitan nito’y inililipat ang
panahon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa taon-taon simula sa ika-13
hanggang ika-19 ng Agosto.
Agosto 13, 1959 (Kautusang Pangkagawaran Blg. 7)- Nagsasaad na kalian ma’y
tutukuyin ang Wikang Pambansa , ang Saligang Pilipino ay siyang gagamitin.
Nobyembre 4, 1962 (Kautusang Pangkagawaran Blg. 24)- Nilagdaan ni Kalihim Jose
Romero at nag-utos na simula ng taong-aralan 1963-1964 ang mga sertipiko at diploma
ng pagtatapos ay ipalilimbag sa Wikang Filipino.
Oktubre 24, 1967 (Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96)- Nagtatadhanang ang lahat
ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay papangalan na sa Pilipino.
Hulyo 19, 1974 (Kautusang Pangawaran Blg. 25)- Naglagda ng mga panuntunan sa
pagpapaunlad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal.
Agosto 12, 1986 (Proklamasyon Blg. 19)- Ipinahayag na taon taon ang panahong
Agosto 13 hanggang 19, araw ng pagsilang ng naging Pangulong Manuel L. Quezon,
itinuturing na “Ama ng Wikang Pambansa.”
Agosto 14, 1991 (Batas Republika Blg. 7104)- Lumikha ng komunikasyon sa wikang
Filipino, nagtatakda ng mga kapangyarihan nito, mga tungkulin at mga gawain,
naglalaman ng mga dapat gugulin ukol dito at para sa ibang mga layunin.
Hulyo 15, 1997 (Proklamasyon Blg. 1041)- Sa bias ng lagda ni Pangulong Ramos,
inilipat ang pagdiriwang ng linggo ng wika. Sa halip na linggo ginawang buwan ng
Agosto ang pagdiriwang ng Wikang Pambansa.
Sanggunian:
https://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-republika.html
https://issuu.com/vheaval20/docs/panahon-ng-republika-1.pptx
https://prezi.com/m/cnjrvx-phcvq/ang-sitwasyong-pangwika-sa-panahon-ng-bagong-republika-hangg/