You are on page 1of 103

Republic of the Philippines

State Universities and Colleges


GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

I. Ang Sining at Agham ng Pagtuturo

Ang kahalagahan ng Agham at Sining sa Pagtuturo

Ang pagtuturo ay isang SINING. Isang larangan din naman ito ng AGHAM.Ito
ay isang sining sapagkat ito ay maayos na paraan ng pagsasagawa ng pagkikintal ng
kaalaman.

Ang pagtuturo ay sangay ng karunungang nauukol sa paglikha ng maririkit na


bagay at magagandang kaganapan. Ang pagiging malikhain at pagka- resourceful ay
nagbubunga ng mabisang pagtuturo. Kaya’t kung ikaw ay isang guro, ikaw ay
manggagawa at alagad ng sining at siyensiya.

Ang Guro

Malaki ang pananagutan ang nakaatang sa balikat ng isang guro. Maselang


tungkulin ang kanyang ginagampanan sa paghubog hindi lamang ng kaisipan at mga
katangiang pisikal ng mag-aaral kundi ng buo nitong katauhan.

Mga Katangian ng Mabuting Guro

 May malawak na kaalaman sa paksang itinuturo. May kabatiran sa mga aralin


at sa iba pang aralin kaugnay ng kanyang itinuturo.
 May kakayahan sa pagtuturo at mga kasanayang propesyunal. Ang isang guro
ay dapat makaalam ng iba’t ibang mga pamaraan sa pagtuturo.
 May kasanayan sa pakikipagtalastasan. Nararapat na mahusay sa paggamit
ng wikang panturo upang madaling maunawaan ng kanyang mga mag-aaral
 May wastong saloobin hinggil sa propesyon. Ang guro ay dapat magkaroon ng
mataas na pagpapahalaga sa propesyong pagtuturo.
Page | 1
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 May kaaya-ayahang katauhan


 Maunlad at mapanaliksik. Ang isang guro ay dapat mapanuklas sa mga
bagong kalakaran sa pagtuturo na makatutulong sa pagpapabuti ng pag-
aaral.
 Malikhain at may pagkukusa. Ang isang malikhaing guro ay hindi masisiyahan
sa pagtahak sa doon at doon ding landas ng pagtuturo.
 Maka-Diyos, Makabayan at Makatao. Ang gurong makatao sa kanyang
pakikitungo sa kanyang mga mag-aaral, mga kasamahan at mga pinuno, at
sa pamayanang kanyang pinagtuturuan ay isang gurong mapapamahal sa
kanyang tinuturuan at mga kasamahan at madaling makakukuha ng
kooperasyon o pakikipagtulungan sa pamayanan.

Mga Tungkulin ng Guro

 Ang Guro ay Tagapagturo – Pangunahing tungkulin ng isang guro ang


pagtuturo. Ang mahabang oras sa panahon ay ginugugol sa harap ng klase sa
loob ng silid-aralan upang magbigay ng impormasyon. Gumigising ng
kawilihan ng mga mag-aaral sa paksang tinatalakay. Handang magpaliwanag,
makipagtalakayan, magtanong at tumugon sa mga katanungan ng mga mag-
aaral.
 Ang Guro ay Modelo o Huwaran - Ang pagiging uliran o modelo ay isa sa
mgaroles ng guro. May mga asignaturang higit na mabisang 'maituro' o '
maikintal' sa pamamagitan ng Values Education. Dito ay higit na maihahawa
ng guro ang mag-aaral sa kanyang kabutihang-asal, pagiging modelo ng
integridad, moralidad at kabutihang loob. Gayundin naman sa pagtuturo ng
mga kasanayan at kakayahan saPhysical Education, sa Home Economics at
iba pang kauring asignatura.
Page | 2
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 Ang Guro ay Tagapamahala o Manedyer

Nasa mabuting pangangasiwa ng guro ang pagkakaroon ng


episyenteng galaw at mga gawain pati ang pamamahala ng mga gawaing
higit na magdudulot sa mga mag-aaral ng mga kapaki-pakinabang na
karanasan. Kasali sa mabuting pangangasiwa ng guro ang paghahanda ng
mabuting banghay-aralin, paghahanda ng pagsusulit, pagbibigay ng grado o
marka at iba pa. Naisasagawa ng klase ang mabilis, maayos at hindi
magulong mga routines gaya ng pagpasok at paglabas sa silid, pagpasa ng
aklat, papel o kagamitan, mga pangkatang gawain at iba pa.

 Ang Guro ay Tagapayo at Tagapatnubay

Bagamat sa malalaking paaralan ay may sadyang tanggapan para sa


tinatawag na mga Guidance Counselors, hindi pa rin maiiwasan ng guro ang
maging tagapayo at tagapatnubay ng mag-aaral upang matulungan sila sa
paglutas ng kanilang suliranin. Malaking bagay na sa mga mag-aaral na may
mga guro silang handang makinig upang madamayan sila sa kanilang mga
problema.

 Ang Guro ay Pangalawang Magulang

Ang mga guro ay mga Surrogate Parent. Pinangangalagaan nila ang


kanilang mga mag-aaral tulad ng pag-aalaga ng isang magulang sa kanyang
mga anak. Pinangangalagaan hindi lamang ang intelektuwal na pagkalinang
kundi maging ang ibang kapakanan ng mag-aaral sa aspektong emosyonal,
sosyal, moral-ispiritwal at maging pisikal man.

Page | 3
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Hakbang sa Siklo ng Pagtuturo

 Pagsusuri sa mga kakayahan, kawilihan, pangangailangan ng mag-aaral;


pagbuo ng mga layuning nakatutugon sa tinutukoy ng mga pangangailangan.
 Pagpili ng nararapat na kagamitang angkop sa kakayahan at kawilihan ng
mga mag-aaral.
 Paghahanda ng mga pagkatutong sitwasyunal at pagpili ng nararapat nga
istratehiya sa pagtuturo na tutulong sa pagtatamo ng mga layon at tunguhin.
 Paghahanda ng mga yunit instrukdyunal at banghay –aralin. Ilahad ang
alyunin,gamit at teknik sa isang resource yunit na masasangguni sa arw-araw
 Pagganyak sa mga mag-aaral sa aktibong pakikilahok sa mga gawain
Gabayan sa prodedo ng pagkatuto sa pamamagitan ng epektibong
mekanismo ng Feedback.
 Ebalwasyon sa naging performance ng mga mag-aaral,( Pasalita 0 pasulat na
pagsususlit)

Iba’t ibang Terminolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto

1. Metodo - Ito and tawag sa panlahat na pagplano para sa isang sistematikong at


epektibong pagtuturo ng isang aralin. May tiyak na hakbang na sinusunod and
bawat metodo o pamaraan.

2. Istratehiya - Sa wika, ito ang tawag sa mga kagamitan at gawaing ginagamit sa


bawat hakbang ng pagtuturo. Halimbawa ay ang gamit ng mga awtentikong teksto,
larawan, o larong pangwika.

Page | 4
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

3. Teknik - tawag sa paraan ng organisasyon ng interaksyong pangklase. Alinman


sa mga kagamitang pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum, upang
maisakatuparan ang mga layunin ng isang aralin.

4. Dulog - isang set ng pagpapahalagang hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at


pagtuturo.

5. Pamaraan – isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong


paglalahad wika at batay sa isang dulog.

6. Metodolohiya – ito’y isang pag-aaral ng mga gawaing pedagohikal (kasama rito


ang mga paniniwalang teoretikal at kaugnay na pananaliksik). Ito’y tumutugon din
sa anumang konsiderasyon kaugnay ng tanong na “paano ang pagtuturo”.

7. Silabus – Ito’y isang disenyo sa pagsasagawa ng isang partickular na


programang pangwika. Itinatampok dito ang mga layunin, paksang aralin,
pagkakasunod-sunod ng mga aralin at mga kagamitang panturo na makatutugon sa
mga pangangailangang pangwika ng isng tiyak na pangkat ng mga mag-aaral.

Mga Katangian ng Mabuting Pamamaraan sa Pagtuturo

1. Ang mabuting pamaraan ng pagtuturo ay yaong payak at madaling isagawa.Hindi


na mangangailangan ng mahabang araw ng paghahanda ng mga kagamitan at mga
pantulong ang guro.

2. Nasasangkot sa lahat ng mag-aaral sa mahahalagang gawain gaya ng:

- pagbabalak -pagsusuri -pagtatanong -pagtatalakayan

Page | 5
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

- paghahambing at pageeksperimeto

- pakikimatyag -pagpapasiya

- paglalahat

- pagsasanay at pagkakapit ng mga simulain

- tuntunin at paglalahat na nabuo at natutuhan

3. Ang mabuting pamaraan ay nagbibigay ng mabuting bunga at kahihinatnan.May


mga dapat isaalang-alang ang guro sa pagpili ng pamamaraang kanyang gagamitin.

-Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mag-aaral

-Angkop sa paksang aralin at sitwasyon.

4. Ang mabuting pamaraan ng pagtuturo ay humuhubog sa mabuting pag-uugali at


kaasalan ng mag-aaral.

-Hindi diwa ng paglalaban o kompetisyon ang dapat malinang kundi ang diwa
ng pag-unawa at pakikipagtulungan.

5. Nakikitulong sa paglinang ng maraming kakayahan gaya ng :

- pananaw -pakikinig

- paghipo -panlasa

- pang-amoy

Page | 6
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

nasasangkot din ang:

-pang-unawa -pagpapahayag

-pagsusuri -pagpapakahulugan

-pagbibigay ng palagay -masusing pagmamasid

6. Ang mabuting pamaraan ng pagtuturo ay humahamon sa kakayahan ng mag-


aaral.

-Gumaganyak ito sa mga mag-aaral sa pagsasakatuparan ng mga gawain.

7. Ang guro ay tagasubaybay at tagapayo at papasok lamang sa bahaging hindi na


kaya ng mag-aaral ang gawain.

8. Ang isang mabuting pamaraan ng pagtuturo ay umaalisunod sa mga simulain ng


pagkatuto at sa pilosopiya ng pagtuturo at sikolohiyang edukasyunal.

Panukatan ng isang mabisang Estratehiya sa Pagtuturo

1. Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral

2. Bunga ng pagtutulungan ng guro at ng mga mag-aaral.

3.Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral.

4. Humahamon sa kakayahan ngh guri=o at mag-aaral.

5. Nagtataglay ng maayos na pagkakasunod-sunod ng mga hakbang.

Page | 7
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

6. Nakakaakit sa ng aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral.

7. Nagsasaalang-alang sa nakaraang karanasan ng mga mag-aaral.

8. Bunga ng masusing paghahanda ng gurong nagsasagawa nito.

9. Nakatutulong sa ikatutupad ng layunin.

10. Nagsasaalang-alang sa mga batas o simulain ng pagkatuto.

Pangunahing Teorya sa Pagkakatuto at Pagtuturo ng Wika

A. TEORYANG BEHAVIORIST
 Ipinahahayag ng teoryang ito na ang mga bata ay ipinanganak na may
kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa
pamamagitan ng pagkontrol ng kanilang kapaligiran
 Ang kakayahang intelektwal ng mga bata ay mapayayaman at mapauunlad sa
tulong ng mga angkop na pagpapatibay ditto

Binigyang diin ni Skinner (1968)


Kailangang alagaan ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng
paggkanyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos.
Ayon sa mga behaviorist:
Ang pagkatuto ng wika ay bunga ng panggagaya, paulit-ulit na pagsasanay
hanggang sa mamaster ang tamang anyo nito, at positibong pidbak.

Page | 8
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 Ang mga gurong umaayon sa paniniwalang ito ni Skinner ay palaging kariringgan


ng mga papuring:
 “Magaling!”
 “Kahanga-hanga”
 “Tama ang Sagot mo”
 “Sige, Ipagpatuloy mo”

 Ang teoryang behaviorsit sa pagkatuto ay nagbigay sa mga guro ng set ng mga


simulain at mga pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo.

Audio – lingual Method (ALM)


 Naging popular noong 1950-1960
 Ibinatay sa teoryang behaviorist

Mga Katangian:
 Binibigyang-diin ang mga kasanayan sa pakikinig
 Binibigyang-diin ang pag-uulit at mga dril
 Paggamit lamang ng target na wika
 Kagyat na gantimpala/ pagpapatibay sa bawat tamang sagot
 Kagyat na pagwawasto ng kamalian
 Ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro

B. TEORYANG INNATIVE
 Sa pagkatuto ay batay sa paniniwalang lahat ng bata ay ipinanganak na may
“likas na salik” o “likas na talino” sa pagkatuto ng wika.

Page | 9
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Chomsky (1975, 1965)


na ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas itong nalilinang
habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanayang kapaligiran

 Ang pananaw na ito ang nagpapahayag na ang wika ay nakapaloob at


nabibigyang-hugis ng sosyo-kultural na kaligiran kung saan ito nabubuo
 Inilahad ni Chomsky na ang isipan ng mga bata ay hindi blangkong papel na
kailangan lamang punan sa pamamagitan ng panggagaya ng wika na kanilang
naririnig sa paligid.
 Sa halip, inihahayag niya na ang mga bata ay may espesyal na abilidad na
tuklasin sa kanilang sarili ang nakapaloob na mga tuntunin o sistema

Chomsky
Ang prosesong ito sa pamamagitan ng analohiya ng isang likhang-isip na
“aparato” na taglay ng mga bata at tinawag niya itong language-acquisition
device

Language-Acquisition Device (LAD)


 Tumatanggap ng mga impormasyon mula sa kapaligiran sa anyo ng wika.
Ang wikang ito ay sinusuri at pagkatapos marinig bubuuin na sa isipan ang
mga tuntunin
 Ang mga tuntunin ay inilapat habang nakikipag-usap ang mga bata.
 Ang LAD ay patuloy na ginagamit ng mga bata bilang sistema ng pagbuo
ng mga tuntunin hanggang sa marating nila ang kaganapan ng kanilang
edad (maturation)

Page | 10
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 Sa kasalukuyan, inilaglag ni Chomsky at ng kanyang mga kapanalig sa


LAD; sa halip, Universal Grammar (UG) na ang tawag nila sa aparatong
pang-isipan na taglay ng mga bata pagsilang (Chomsky 1981; Cook 1988;
White 1989)

C. TEORYANG KOGNITIB
 Ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang nag-aaral ng
wika ay palaging nangangailangang mag-isip at gawing sanaysayang bagong
tanggap na impormasyon, alamin ang pumapailalim na tuntunin at mailapat ang
mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap
 Ayon sa mga kognitibist ang pagkakamali ay isang palatandaan ng pagkatuto at
eskpirementasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinawasto
 Ang pagkakamali ay tinatanaw na kognitibist bilang isang integral na bahagi ng
pagkatuto
 Nakatuon sa mga mag-aaral ang mga pagkaklaseng batay sa teoryang konitib.
 Nakapokus ito sa pagtuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na
pasaklaw at pabuod.

PABUOD
 Ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa pamamagitan ng ilang tiyak na
halimbawa at ipasusuri ito niya ang mga ito upang makatukals sila ng
isang paglalahat
PASAKLAW
 Kabaliktaran ng Pabuod. Nagsisimula sa paglalahat patungong halimbawa.

Page | 11
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 Ang teoryang kognitib ay palaging nakaposkus sa kaisipang ang pagkatuto ay


isang aktibong prosesong pangkaisipan.
 Sa ganitong pananaw, tungkulin ng guro ang paglalahad ng mga bagong
impormasyon kung saan ang mga impormasyong ito’y maiuugnay ng mga mag-
aaral sa kanilang umiiral na istrukturang pangkaisipan at kanilang dating
kaalaman.

Teoryang Kognitib at Teoryang Innative ay nagkakapareho sa itong


aspekto:
 Parehong pinanghahawakan ng mag teoryang ito na ang mga tao ay
ipinanganak na may likas na kakayahan upang matutuhan ang isang wika
(Page at Pinnel, 1979)
Pagkakaiba sa Larangan ng Impikasyon ng Pagkatuto:
 Inativist - Hindi na kailangang suportahan ang bata sa pagtamo ng wika
dahil sa likas niya itong matutuhan
 Kognitibist - Kailangan ang pagtuto at mga kaligiran sa pagkatuto na
magpapabilis sa pagkatuto ng wika

D. TEORYANG MAKATAO
 Ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga salik na pandamdamin at
emosyonal.
 Ito’y nananlig na ang pagtatagumpay sa pagkatuto ay mangyayari lamang kung
angkop ang kaligiran, may kawilihan ang mga mag-aaral at may positibong
saloobin sila sa mga bagong kaalaman at impormasyon.

Page | 12
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Kung ang mga kondisyong ito’y hindi matugunan, ang anumang paraan o
kagamitang panturo ay maaaring hindi magbunga ng pagkatuto

Sa larangan ng pag-aaral ng wika, kailangang may magandang saloobin ang mga


mag-aaral sa wikang pag-aaralan, sa mga gumagamit ng wika at sa mga guro ng
wika.

 Tungkulin ng guro na maglaan at lumikha ng isang kaaya-ayang kaligiran sa


klasrum at isang pagkaklaseng walang panakot kung saan maginhawa ang ang
pakiramdam na bawat mag-aaral at malaya nilang nagagamit at nasusuri ang
bagong wikang natutuhan
 Kailangan linangin ng guro ang pagpapahalaga sa sarili ng mga mag-aaral
 Pangunahing binibigyang pansin ng teoryang makatao ang mga mag-aaral sa
anumang porseso ng pagkatuto
 Bilang isang guro, kailiangang may sarili kang paniniwala tungkol sa kalikasan ng
mga bata at kung paano sila natuto.
 Ang mahalaga ay ang sarili mong paniniwala hinggil sa kung paano natuto at
kung paano nakapagtatamo ng wika ang mga bata.
Mga Simulaing Kognitibo
Tatawagin nating mga simulaing “kognitibo”ang unang set dahil ang mga ito’y
may kaugnayan sa mga tungkuling mental at intelektwal.
1. Otomatisiti
Isinasaad ng simulaing ito na ang mabisang pagkatuto ng wika ay
nakasalalay sa isang sistematiko at limitadong pagkontrol ng ilang anyo ng wika na
maglulundo tungo sa otomatikong pagpoproseso ng di mabilang na mga anyo ng
wika. Tumutugon din ang simulaing ito sa paniniwalang natutuhan ng mga bata ang

Page | 13
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

kanilang unang wika nang walang kamalayan o di binibigyang-pansin ang anyo ng


wikang sinasalita. Sa pamamagitan ng mga input na naririnig at pagsubok sa mga
ito, lumalabas na natutuhan nila ang wika na hindi “iniisip” ang anyo nito.
Binibigyang –halaga ng simulang ito ang sumusunod:
1.Natural o di namamalayang pagkatuto ng wika sa pamamagitan ng
makabuluhang paggamit nito.
2. Mabisa at mabilis na paglayo sa pokus na anyo ng wika ang binibigyang
diin patungo sa pokus na ang sentro ay ang layunin sa paggamit ng wika .
3. Epektibo at mabisang pagkontrol ng ilang aspekto ng wika patungo sa
walang limit at otomatikong pagpoproseso ng anyo ng wika .
4. Naiiwasan ang pagsusuri ng mga maliit na detalye sa anyo ng wika.

Implikasyong Pangklasrum ng Simulaing Otomatisiti


1. Ang isang klase sa wika na labis na nakatuon sa porma at aspektong
istruktural ay maaaring makahadlang sa katatasan sa pagsasalita.
2. Ang mga aralin ay dapat nakatuon sa gamit ng wika na siyang tunay na diwa
ng kontekstong dapat na mararanasan sa loob ng klasrum.
3. Hindi agad natatamo ang otomatikong pagpoproseso sa wika. Kailangan
matiyaga ang guro habang unti –unti niyang sinasanay ang mga mag –aaral na
maging matatas sa pagsasalita.

2. Makabuluhang Pagkatuto
Sa payak na pananalita, isinasaad ng simulaing ito na ang makabuluhang
pagkatuto ay nagbubunga ng higit na pangmatagalang pagkatuto kaysa sa
pagsasaulo lamang.

Page | 14
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Mga Implikasyong Pangklasrum


1. Punahin ang kahalagahan ng makabuluhang pagkatuto sa pamamagitan ng
pagpukaw sa kawilihan at interes ng mga mag-aaral ,pag –alam sa kanilang
tunguhing pang –akademiko , at mga layuning panghinaharap.
2. Sa tuwing maglalahad ng bagong paksa o tapik , sikaping maiugnay ito sa
dating alam ng mag-aaral upang maging makabuluhan ang kanilang pagkatuto.
3. Iwasan ang maaring negatibong bunga ng rote learning gaya ng:
a. labis na pagpapaliwanag ng gramatika
b. labis na dril o pagsasanay
c. mga gawaing di-tiyak ang mga layunin
d. mga gawaing malayo sa pagtatamo ng mga layunin
e. mga teknik na mekanikal na kung saan nakapokus ang interes ng mga
mag-aaral sa kayarian ng wika sa halip na mensahe o kahulugan nito.

3. Pag –asam ng Gantimpala


Ang simulang ito’y maipahahayag sa tulong ng operant conditioning
paradigm ni Skinner. Isinasaad nito na ang bawat tao ay nagaganyak na
kumilos sa pag-asang may matatamong gantimpala o pabuya na maaaring
materyal o di- mateyal.
Mga Implekasyong Pangklasrum
a. Maglaan ng hayagang pagpuri at pampalakas ng loob.
b. Himukin ang mga mag-aaral na igalang ang kakayahan ng bawat isa sa
pamamagitan ng pagbibigay suporta sa anumang gawain.
c. Magbigay ng kaukulang pidbak hinggil sa mga katuparan ng mga gawaing
pangklase.

Page | 15
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

d. Magpakita ng kasiglahan sa pagkaklase sa lahat ng pagkakataon.

4. Pansariling Pangganyak
Sa maikling pananalita, ang simulaing ito’y nagsasabi na ang
pinakamabisang gantimpala ay yaong pagganyak na bukal sa sarili. Dahil ang kilos o
gawi ay nag-uugat mula sa sariling pangangailangan o nais, ang mismong pagkilos
ay gantimpala na sa ganang sarili, kaya nga hindi na kailangan pa ang gantimpala
na galing sa iba.
Nanghahawakan pa rin ang simulaing ito sa paniniwalang ginawa ng mga
mag-aaral ang gawain dahil sa ito’y kawili-wili, mahalaga o di kaya’y mapanghamon
at hindi sa anu pamang gantimpala maging ito’y kognitibo o pandamdamin man na
maaaring galing sa guro.

5. Strategic Investment
Noong mga nakalipas na dekada, ang tanging binibigyang-diin sa pagtuturo
ng wika ay kung paano maipapaangkin sa mag-aaral ang wika. Ang mga pamaraan,
batayang aklat at mga balangkas pambalarila ang kinikilalang mga pangunahing
salik sa matagumpay na pagkatuto. Dahil sa mga pananaliksik at pag-aaral sa wika,
binibigyang pokus na ngayon ang mga mag-aaral sa pagtuturo. Ang mga “ paraan”
na ginagamit ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng wika ay kasinghalaga rin ng mga
paraan na ginagamit ng guro. Ito ang tinatawag na simulaing Strategic
Investment.
Isinasaad ng simulaing ito na ang matagumpay na pagkatuto ng wika ay
nakasalalay sa” puhunang” inilalaan ng mga mag-aaral gaya ng oras, pagsisikap at
atensyon sa wika sa pamamagitan ng mga pansariling istratehiya upang maunawaan
at masalita ang wikang pinag-aaralan.

Page | 16
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Iba Pang Simulain sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Wika at ilang


Implikasyong Metodolohikal

1. Simulaing nakapokus sa mga mag-aaral

 Ang bawat klase sa wika ay binubuo ng mga mag-aaral na taglay ang


kanilang iba’t – ibang katangian: kopgnitib, pandamdamin at kagulangang
sosyal , kaalaman sa wika: motibasyon kakayahan sa pagkatuto ng wika, istilo
sa pagkatuto, mga mithiin at pangangailangang subhetibo. Sa simulating ito
itinuturing ang bawat mag-aaral na may taglay na sariling pangangailangan at
interes.

2. Simulaing nagsasangkot sa mga mag-aaral

 Isinasaad sa simulating ito na dapat bigyan ang bawat mag-aaral ng


maraming pagkakataon upang makilahok sa iba’t ibang uri ng gawaing
komunikatibo. Ganyakin din ang mga mag-aaral na makipagsapalaran habang
unti-unti nilang nasasalita ang wikang pinag-aaralan. At higit sa lahat, sa
simula pa lamang kailangang mayroon na silang sariling istratihiya upang
magawa nilang mapunan ang mga di-maiwasang pagkakataon na
mangangapa sila sa paggamit ng wika.

3. Simulaing nakatuon sa target na wika

 Binibigyang halaga ng simulating ito na kailangang bigyan ng guro ang mga


mag-aaral ng mga input na komunikatibo na abot ng kanilang pang-unawa at
makabuluhan para sa sarili nilang pangangailangan at interes. Magagawa
lamang ito ng isang guro kung lilikha siya ng isang sitwasyon na kung saan

Page | 17
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

mararamdaman ng mag-aaral na nagagamit niya ang target na wika ng


natural at hindi pilit.

4. Simulaing nakapokus sa ilang anyo ng wika

 Upang mahusay na malinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-


aaral sa loob ng maikling panahon kailangan ng guro ang mga mag-aaral sa
ilang anyo at gamit ng wika, mga kasanayan at estratehiya na makatutulong
upang magamit ang wika sa isang kalagayang limitado ang pagkakataon ng
paggamit nito.

5. Simulaing Sosyo-kultural

 Ang wika ay hindi mahoihiwalay sa kultura ng mga taong gumagamit


nito.Sina Gumpers (1970), Widdowson (1977) at Wilkins (1976) ay kaisa sa
paniniwala na mahalagang magkaroon ng mga kaalamang kultural upang
maunawaan at mabigyang kahulugan ang sinasabi ng kausap. Tungkulin ng
guro na ipadama sa mag-aaral na kailangan ang pagpapahalaga sa mga
karanasang pang-kultura na dala nila sa pag-aaral ng wika at mapagyaman
ito sa kultura ng mga taong gumagamit ng target na wika.

6. Simulain ng kamalayan

 Ang pag-aaral ng wika ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na lubos


na maunawaan ang ugnayan ng wika at kultura. Kailangan ng isang mag-
aaral ng wika ang pagiging sensitibo sa wika at kultura ng ibang tao.

Page | 18
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 Ang pagsasaalang-alang sa kultura ay magiging daan upang madama


ang lakas ng wika upang mapaglapit ang diwa atisipan ng iba’t-ibang tao sa
daigdig.

7. Simulain ng Pagtataya

 Ang kamalayan hinggil sa sariling pag-unlad sa pag-aaral ng wika ay


maaaring maging pampasigla para sa ibayo pang pagkatuto.
Kaya’t mahalaga na palagiang may pidbak ang mag-
aaral hinggil sa kanilang pagsulong sa pagkatuto at kailanganitong maging re
alistiko.

8. Simulain ng Pananagutan

 Mahalaga sa anumang larangan ng pag-aaral ang pagkakaroon ng


sariling pananagutan anuman ang maging
bunganito at malinang ang pagkatuto sa sariling sikap.

Ilang Implikasyong Metodolohikal ng Walong Simulain sa


Pagkatuto ng Wika

1. Simulaing Nakapokus sa mga Mag-aaral

 Isaalang-alang ng lubos ang mga mag-aaral sa pagtiyak ng nilalaman at mga


proseso sa pagkatuto.

 Pukawin ang imahinasyon at pagiging malikhain ng mga mag-aaral.

Page | 19
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 Lumikha ng isang kaligirang maglilinang sa mga mag-aaral ng pagtitiwala sa


sarili upang mahimok sila sa pakikipagsapalaran sa paggamit ng wika.

 Gumamit ng iba’t-ibang istratehiya sa pagkatuto upang maisaalang-alang ang


pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral.

2. Simulaing Nagsasangkot sa mga Mag-aaral

 Pahalagahan at itaguyod ang isang awtentikong komunikasyon

 Himukin at itaguyod ang isang aktibong pakikisangkot ng lahat ng mag-aaral


sa pagsisiyasat, pagbabalik- isip at pagtuklas.

 Itaguyod ang isang may kalidad na interaksyon sa pagitan ng mag-aaral , ng


guro, ng mga kagamitan at ng kaligiran sa pagkatuto.

3. Simulaing Nakatuon sa Target na Wika

 Lumikha ng isang kalagayan sa klasrum na kung saan magagamit ng mag-


aaral ang target na wika at maisaalang-alang ang kultura ng mga taong
gumagamit nito.

 Bumuo ng mga gawain sa pagkatuto na angkop sa kakayahan ng mga mag-


aaral.

 Maglaan ng iba’t – ibang istimulong pangwika mula sa maraming


mapaghahanguang kalagayanng pangwika,hal. mga usapang guro, usapan
sa klasrum, usapan sa audio at video tapes, nakasulat at nakalimbag na
impormasyon, mga tunay na bagay at iba pa.

Page | 20
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

4. Simulaing Nakapokus sa Ilang Anyo ng Wika

 Gumamit ng mga pagsasanay sa paglinang ng talasalitaan, kayarian,


kasanayan, at mga estratihiya upang suportahan at mahimok ang mga mag-
aaral na gamitin ang target na wika, hal. Laro, role playing, sining, musika at
iba pa.

 Himuykin ang sama-samang pag-aral upang makatuklas ng bagong hulwaran


at mga kombensyon ng wika.

5. Simulaing Sosyo- kultural

 Maglaan ng pagkakataon na magagamit ang target na wika sa angkop na


tekstong sosyo-kultural at maglaan din ng mga impormasyong sosyo-kultural
na mahalaga sa mga mag-aaral, hal. Kaibigan sa panulat, audio at video
tapes at mga awtentikong dokumento.

6. Simulain ng Pagtataya

 Itaguyod ang anumang pagkatuto sa pamamagitan ng bpidbak.

 Himukin ang mga mag-aaralna maging kabahagi ng proseso sa pagtataya,


hal. Sariling pagtataya, at pagtataya ng mga kaklase.

7. Simulain ng Pananagutan

 Linawin ang mga tunguhinat layunin ng pagkatuto ng wika at kung paano


matatamo ang mga ito.

Page | 21
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 Itaguyod ang paglinang ng pagpoproseso ng mga kasanayang kognitib, kung


paano ang pag-aaral para matuto, at mga kasanayan para sa interaksyong-
sosyal.

PAMAMARAAN AT DULOG SA PAGTUTURO NG WIKA

 Pamaraang Pabuod

 Pamaraang Pasaklaw

 Pamaraang Pabalak

 Pamaraang Patuklas

PAMARAANG PABUOD (INDUCTIVE METHOD)

 Isang pamaraan ng pagtuturo na bukod sa nagdudulot ng kawilihan ay


humahamon pa sa kakayahan ng mga mag-aaral.

 Ang pamaraang ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na siyang


makatuklas ng kaalaman, konsepto, kaisipan, simulain, at paglalahat.

 Tinatawag din itong “Herbatian method”

 Nagsisimula sa nalalaman patungo sa hindi pa alam

Limang Hakbang sa Pamaraang Pabuod

1. PAGHAHANDA (PREPERATION)

 Sa bahaging ito ay inihahanda ng guro ang kaisipan ng mag-aaral para sa


araling tatalakayin. Sinasariwa rito ang dating aralin na may kaugnayan sa
Page | 22
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

bagong pag-aaralang aralin. Ginigising din sa bahaging ito ang kawilihan ng mga
mag-aaral hinggil sa bagong aralin.

2. PAGLALAHAD (PRESENTATION)

 Sa bahaging ito inilalahad ang bagong aralin sa pamamagitan ng pangungusap,


talata, dula, tugma o anumang lunsaran.

3. PAGHAHAMBING AT PAGHAHALAW (COMPARISON & ABSTRACTION)

 Hayaang ang mga mag -aaral ang makatuklas sa kaibahan ng gamit na salita.

4. PAGLALAHAT (GENERALIZATION)

 Sa bahaging ito ay pinagbubuo ang mga mag-aaral ng tuntunin o ng paglalahat.


Tandaan na dapat ang mga mag-aaral ang bumuo ng tuntunin o paglalahat at
hindi ang guro.

5. PAGGAMIT (APPLICATION)

 Sa bahaging ito , susubukin na ng guro kung nalalaman na ngang talaga ng mga


mag-aaral ang paksang-aralin

PAMARAANG PASAKLAW (DEDUCTIVE METHOD)

 Nagsisimula sa pagbubuo ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga


halimbawa. Tinatawag din itong “rule” o “rule example”.

Limang Hakbang sa Pamaraang Pasaklaw


Page | 23
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

1. Panimula

2. Pagbibigay - tuntunin

3. Pagpapaliwanag

4. Halimbawa

5. Pagsubok

PAMARAANG PABALAK

 Nilalayong magsagawa ng proyekto. Angkop gamitin sa lahat ng asignatura.

Hakbang sa Pamaraang Pabalak

1. Paglalayon

2. Pagbabalak

3. Pagsasagawa

4. Pagpapasiya

PAMARAANG PATUKLAS (DISCOVERY METHOD)

 Ang guro ay gumaganap ng tungkulin bilang tagasubaybay na namamatnubay


sa mga gawain

 Bilang kasangguni

 May sapat na kakayahang magpayo

 Karagdagang kabatiran kung hinihingi ng pagkakataon


Page | 24
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 Hindi nagdidikta ang guro ng kaalaman at mga paglalahat

 Ang mga mag-aaral ang tumutuklas nito sa sistematikong pamaraan

 Aktibong kasangkot ang mga mag-aaral sa pagtuklas ng karunungan

Balik-tanaw sa mga Klasikong Pamamaraan sa Pagtuturo ng


Wika

Ang pagtuturo ng kahit anumang wika ay hindi nag-iiba kung ang ating
paguusapan ay pananaw at pamamaraan nito.

Sa kahit na anong pagtingin, ang pagtuturo ng wika ay nagiging epektibo


kung ang isang guro ay gumagamit ng isang epektibo teknik, pamamaraan o
metodolohiya upang mailipat ang pagkatuto sa wikang ninanais matutunan ng mga
mag-aaral.

1. Paglilipat-Baybay (Grammar Translation)

Karl Plotz (1819-1881),

Ang pagtuturo ay nakabase sa L1(unang wika /mother tounge) at

L2 (target na wika)

A. MITHIIN
 Mabasa ang literatura ng target na wika.
 Maisaulo ang mga tuntuning balarila at talasalitaan ng target na wika
B. KATANGIAN

Page | 25
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

1. Ginagamit sa pagtuturo ang katutubong wika at bihirang gamitin ang target


na wika.

2. Hiwalay na ginagawa ang paglinang ng mga talasalitaan.

3. Binibigyang diin ang pagbasa at pagsulat at halos hindi nalilinang ang


pakikinig at pagsasalita.

4. Pabuod na tinuturo ang balarila. Ilalahad ang tuntunin" pag-aaralan at


pagkatapos ay magkakaroon ng maraming pagsasanay sa pagsasalin.

5. Ang pagbabasa ng mga kahirapang teksto ay isinasagawa nang hindi


isinasaalang-alang angkahandaan ng mga mag-aaral.

6. Kawastuhan sa pagsasalita ang mahalaga. Inaasahan na magaling sa


pagsasalin ang mgamag-aaral mula sa target na wika.

Ang pamamaraang ito ay maituturing na kadugtong ng mga pamamaraang


ginagagamit noong klasikal na panahon hanggang sa kasalukuyang panahon
ng pagtuturo ng wika.
Ito ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga salita, pangungusap, etc.
Ang pagtuturo nito ay ibinibigay gamit ang sinusong wika ng mga mag-aaral.
Kakaunti lamang ang pangangailangan sa pag-gamit ng wikang ninanais
matutunan.
Ang tuon ng pamamaraang ito ay ang pagtuturo ng balarila, baybay, at
pagkakabuo ng isang mensahe. Maagang pinapabasa ang mga mag-aaral ng
mahihirap na babasahing nasusulat sa nais matutunang wika
Ang kadalasang pagsukat ng kakayahan ng mga mag-aaral ay base sa
paglilipat ng wika mula sa sinusong wika papunta sa wikang nais matutunan.

Page | 26
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Ang kahinaan ng pamamaraang ito ay ang kawalang kakayahan ng mga mag-


aaral na gamitin ang wikang ninanais matutunan sa pasalita sa kadahilanang
ang kasanayan ng mga mag-aaral ay sa pasulat na pamamaraan.
2. SERIES METHOD

FRANCOIS GOIUN

“The art of learning and studying Foreign Language”

Pranses na guro ng Latin ay isa sa mga haliging batao sa


pagtuturo ng wika. Siya ay tinaguriang tagapagtatag ng
metodolohiya.

Ang pagkatuto ng wika ay ang transpormasyon ng mga pananaw sa wika at


isang konsepto na madaling maintindihan.

MITHIIN

Mabasa gamit ang target na wika ang isang serye ng mga magkakaugnay na
pangungusap nangtuwiran o walang pagsasalin

Teknik: Pagbasa ng Talata sa Ibaba

Itinuturo ng tuwiran (walang pagsasalin)

Papunta ako sa pintuan. Papalapit na ako sa pintuan. Nasa may pintuan na ako.
Huminto ako sa may pintuan.Inabot ko ang door knob. Inikot ko ang door knob.
Binuksan ko ang pinto. Itinulak ko ang pinto.Gumalaw ang pinto. Bumukas ang
pinto. Binitiwan ko na ang door knob.

Page | 27
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Paniniwala

Ang pamaraang ito’y naniniwala sa kaisipang ang pagkatuto ng wika ay ang


transportasyon ng mga pananaw sa wika sa isang konsepto na madaling
maintindihan.

3. DIREKTANG PAMAMARAAN (DIRECT APPROACH)

Charles Berlitz

November 23, 1913December 18, 2003)


Amerikanong polyglot at guro ng wika

Ang pamamaraang ito ay reaksyon mula sa paggamit ng paglilipat baybay


(grammar-translation) at sa kawalang kakayahan nitong makapagturo sa mga
mag-aaral na gamitin ang target na wika sa pasalitang komunikasyon.
Sa pamamaraang ito, hindi pinapayagan ang pag-gamit ng sinusong wika.
Ang mga aralin ay kadalasang nagsisimula sa mga dayalogo o kasabihan na
gagamitin upang magkaroon ng ugnayang-komunikasyon o pag-uusap.
Ang pagkumpas, pag-gamit ng katawan, at mga larawan ay ginagamit upang
lubos na maunawaan ang nais iparating ng komunikasyon.
Ang pagtuturo ng balarila ay hindi direkta at kung kinakailangan lamang.
. Ang mga gawang pampanitikan ay pinapabasa sa mga mag-aaral upang
maglibang lamang at hindi upang analisahin ang nilalaman nito.

Ang kultura ng wikang ninananais matutuhan ay hindi din direktang itinuturo sa


mga mag-aaral. Ang guro ay dapat may lubos na kakayahan sa pagtuturo ng target
na wika ng mga mag-aaral

Page | 28
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

4. PAMARAANG AUDIOLINGUAL METHOD (ALM)

Ano ang Audio-lingual Method?

Ayon kay Badayos (2008), ang audio-lingual method o ALM ay batay sa mga
teoryang sikolohikal at linggwistik.
• Naging bukambibig ng maraming guro ang ALM sa loob ng mahabang
panahon, subalit naglaho rin noong 1964 sa pangunguna ni Wilga
Rivers
• Ayon sa kaniya, ang pagkatuto ng wika ay hindi natatamo sa
pamamagitan ng maraming pag-uulit at pagsasanay, na ang
pagkakamali ay bahagi ng pagkatuto at hindi itinatakda ang wikang
dapat matutunan.
• Katulad ng ibang paraan, marami ang naging kahinaan ng ALM sa
pagtuturo ng wika.
Ang pamamaraang ito ay isang reaksyon mula sa problema at kakulangang
nakita sa reading approach.
Mula sa kabiguan ng reading approach na makapagsanay ng mga mag-aaral
na nakakapagsalita at nakakapakinig sa komunikatibong antas.

Ito ay nagmula sa reporma ng direktang pamamaraan ngunit dinagdagan lamang


ng saklaw ng structural linguistics.

Ang mga aralin ay sinisimulan sa paglalatag ng mga dayalogo.

Ang pagmememorya at panggagaya ng mga salita ay ginagamit bilang isang


mabisang teknik dahil sa paniniwala na ang wika ay natutunan mula sa pagkasanay
na gamitin ito.

Page | 29
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Ang pagsasanay sa pagbaybay ng mga salita ay ang tuon mula sa simula ng


pagaaral. Masidhi ang pagpigil sa pagkakamali ng mga mag-aaral sa pag-gamit ng
wika.

Ang wika ay itinuturo sa pamamagitan ng pagmamanipula ng guro at hindi


tinutuunan ng pansin ang pakahulugan ng mensahe. Ang guro ay dapat may lubos
na kakayahan sa pagtuturo ng balarila at pagbibigkas (ponolohiya).

MGA KATANGIAN

 Inilaláhad ang mga bagong aralin sa pamaraang dayalog.


 Ang mga panggagaya, pagsasaulo ng mga parirala, at paulit-ilit na
pagsasanay ang mga pangunahing istratehiya sa pagkatuto
 Ang kayariang balangkas ay itinuturo sa paggamit ng mga paulit-ulit na
pagsasanay.
 Halos walang pagpapaliwanag sa mga tuntuning pambalárila (grammar rules).
 Gaya ng nauna, sa paulit-ulit na pagsasanay ang pagtuturo ng balárila.
o Ang gamit ng mga bokabularyo ay limitado at itinuturo ito ayon sa
pagkakagamit sa pangungusap.
 Malaki ang pagpapahalaga sa pagbigkas at karaniwang sa language labs ito
isinasagawa at sinasangkapan ng pagsasanay na pares-minimal.
o Ang katutubong wika ay hindi ginagamit ng guro sa pagkaklase
 Agad na pinagtitibay ang mga tugon sa mga tanong/pagsasanay.
 Sinisikap ng guro na gamitin ng mga mag-aaral ang target na wika nang
walang kamalian. (Halaw kina Prator at Celce-Murcia, 1979)

Page | 30
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

ANG MGA DESIGNER METHODS NG DEKADA ‘70

Ang dekada ‘70 ay makahulugan sa kasaysayan ng pagtuturo ng wika sa


dalawang kadahilanan: una, sumigla ang pagkatuto ng wika sa loob at sa labas ng
klasrum, at ikalawa, nabuo ang ilang inobasyon kung hindi man mga
“rebolusyonaryong” paraan sa pagtuturo.

Ang mga designer methods ay ibinahagi sa maraming guro bilang


pinakabago at pinaka mahalagang bunga ng mga pananaliksik pangwika.

1. COMMUNITY LANGUAGE LEARNING

Noong dekada ‘70 kinilala ng marami ang pagpapahalaga sa damdamin ng


mga mag- aaral sa wika. Ilan sa mga pamaraang lumabas noon ay karaniwang may
pagbibigay- diin sa likas na damdamin ng tao. Ang Community Language
Learrning (CLL) ay isang klasikong halimbawa ng pamaraan na batay sa domeyn
na pandamdamin.

Sa pamaraang ito, ang pagkabahala ay nababawasan dahil sa klase ay isang


komunidad ng mag- aaral na laging nag-aalalayan sa bawat sandali ng pagkaklase.
Ang guro ay tumatayo bilang isang tagapayo at laging handa sa anumang
pangangailangan ng mga mag- aaral. Naiiwasan ang anumang pagdadahilan sa pag-
aaral dahil sa magandang ugnayan ng guro at mag- aaral.

Ang pamaraang ito ay ekstensyon ng modelong Counselling- Learning ni


Charles A. Curran na nagbibigay diin sa pangangailangan ng mag- aaral – kliyente
na nagsama- sama bilang isang komunidad na binibigyan ng kaukulang pagpapayo.

Page | 31
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

MGA KATANGIAN:

1. Isinasaalang- alang ang balarila, pagbigkas, at bokabularyo ayon sa


pangangailangan. Binibigyang diin ang pagkaunawa at pagsasalita.

2.Isinasanib sa pagtuturo ng wika ang mga aspekto ng kultura.

3. Wala itong tiyak na paraan ng pagtataya. Ginagamit ang mga interaktibong


pagsusulit kaysa sa mga obhektibo o tiyak.

4. Hinihikayat din ang sariling pagtataya upang mabatid ng mga mag- aaral ang
kanilang pag- unlad.

2. SUGGESTOPEDIA

Ang pamaraang ito ay mula sa paniniwala ni George Lozanov ( 1979 ), isang


sikologong Bulgarian, na ang utak ng tao ay may kakayahang magposeso ng
malaking dami ng impormasyon kung nasa tamang kalagayan sa pagkatuto, katulad
halimbawa ng isang relaks na kapaligiran at ipinauubaya lamang sa guro ang
maaring maganap sa klase. Mahalaga sa pamaraang ito ang musika na tinaguriang
Baroque na may 60 kumpas bawat minuto at may tanging indayog na lumilikha ng
isang “relaks na kapaligiran” at nagbubunga ng isang pagkatuto na lagpas sa
inaasahan.

Ayon kay Lozanov, habang nakikinig ang mga mag- aaral sa musikang Baroque,
nagagawa niyang makapagtamo ng maraming impormasyon dahil sa pagbilis ng
Alpha Brain Waves at pagbaba ng presyon ng dugo at pulso.

Page | 32
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Ang pamaraang ito ay halos katulad ng ibang tinalakay na ngunit ang kakaiba’y
sinasagawa ang mahahalagang bahagi nito sa isang kalagayang palagay ang
kalooban ng bawat mag- aaral at relax ang kanilang isipan.

MGA KATANGIAN:

1. Ginagamit ang lakas ng pagmumungkahi upang matulungan ang mga mag- aaral
na maging panatag ang kalooban.

2. Nasa isang kumportable at maayos na kapaligiran ang pagkatuto at may maririnig


na mahinang tugtugin.

3. Inilalahad at ipinaliliwanag ang gramatika at bokabularyo ngunit di tinatalakay ang


komprehensibo.

4. Napalilinaw ang mga kahulugan sa pamamagitan ng pagsasalita sa katutubong


wika.

5. Nangyayari ang komunikayon sa dalawang dimension: ang may kamalayan (


conscious ) kung saan nakikinig sa isang binabasang diyalogo at ang kawalang-
kamalayan ( sub- conscious ) kung saan ang musikang naririnig ay nagpapahiwatig
na ang pagkatuto ay madali.

6. Isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng musika, awitin, at drama.

7. Bahagi ng ginagawa ng mga mag- aaral sa klase ang ebalwasyon; walang pormal
na pagsubok na ibinibigay.

Page | 33
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

3. SILENT WAY

Ang Silent Way ay nanghahawakan sa paniniwalang mabisa ang pagkatuto kung


ipinauubaya sa mga mag- aaral ang kanilang pagkatuto (Gattegno, 1972).

Naglahad sina Richards at Rogers (1986) ng isang lagom hinggil sa teyorya ng


pagkatuto na pinagbatayan ng Silent Way:

1. Mas mabilis ang pagkatuto kung ang mga mag- aaral ay tutuklas o
lilikha ng mga sariling Gawain sa halip na ipasaulo o ipaulit nang
maraming beses kung ano ang natutuhan.

2. Napadadali ang pagkatuto sa tulong ng mga kagamitang panturo tulad


ng mga bagay na nakikita at nahahawakan ng mga mag- aaral.

3. Napadadali ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga araling


kinapapalooban ng mga Gawain na may suliraning tutuklasin ang mga
mag- aaral.

 Ang pamaraang patuklas ay naging popular noong 1960 ang nag taguyod
ng pagkatuto sa pamamagitan ng sariling pagtuklas ng kaalaman at simulain
sa halip na sabihin ito sa mga mag- aaral. Ang pamarraang Silent Way ay
namuhunan sa mga hakbang na pagtuklas na pagkatuto.

 Nananalig si Gattegno (1972) na dapat mayroong tiwala sa sarili ang mga


mag- aaral at naroroon rin ang kanyang pananagutan sa kanyang sariling
pagkatuto.

 Ang mga nag- aaral sa isang Silent Way na klasrum ay nag tutulungan sa
prosesong pagtuklas ng mga kasagutan sa mga suliraning pangwika. Sa

Page | 34
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

ganitong kalagayan nananatiling tahimik ang guro kaya ang katawagan ay


Silent Way.

 Kinakailangang paglabanan ng guro ang pagtulong sa sandaling humingi ng


tulong ang mga mag- aaral at kung maaari ay lumabas ang guro habang
bumubuo ng solusyon sa isang suliranin ang buong klase.

Cuisinere rods --- mga kahoy na may iba’t ibang kulay, haba at serye na mga
makukulay na tsart. Ito ay ginagamit sa paglinang ng talasalitaan (mga kulay,
bilang) Pang- uri (maikli, mahaba at iba pa) mga Pandiwa (kunin, ibigay, damputin,
ilagay) Sintaks (panahunan, paghahambing, pagpaparami, ayos ng mga salita at iba
pa). Sa mga klaseng tulad nito kakaunti lamang ang mga pampasiglang salita,
parirala at mga pangungusap ang binibigay ng guro at hinahayaan niya ang klase na
palinawan ang sariling pang- unawa at pagbigkas sa aralin at kung magbibigay man
ng pagwawasto, ito’y bahagya lamang. Ang mga tsart naman ay ginagamit sa
paglalahad ng mga modelo sa pagbigkas, istruktura ng wika, at iba pa.

May kahirapan ang pamaraang ito lalo’t higit sa mga mahihinang mag- aaral.
May mga aspekto sa pag- aaral na kailangang ipinaliliwanag sa mga mag-aaral
upang hindi na sila mag- aksaya ng oras sa pagtuklas kung paano ang pagkatuto
nito.

Sa kabilang dako, makabuluhan naman ang simulaing pinagbatayan nito ---


hindi dapat ibigay ang lahat sa mga mag- aaal, hayaan silang mag- isip o tumuklas
kung ano ang nararapat na matutuhan. Mas epektibo ito sa kanilang pagkatuto.

Page | 35
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

MGA KATANGIAN:

1. Pangalawa lamang ang pagtuturo sa pagkatuto. Pananagutan ng mga mag- aaral


ang kanilang sariling pagkatuto.

2. Tahimik ang guro ng maraming oras ngunit aktibo sa pagbibigay ng sitwasyon at


pakikinig sa mga mag- aaral; nagsasalita lamang siya kung magbibigay hudyat
(clues), pinapayagan ang interaksyong mag- aaral --- mag- aaral.

3. Di ginagamit ang pagsasalin ngunit ang unang wika ang tinuturing na


pinagmumulan ng kaalaman ng mga mag- aaral.

4. TOTAL PHYSICAL RESPONSE (TPR)

Dinebelop ni John Asher (1977) at ang interes niya sa TPR ay nag simula
noong 1960 subalit naging bukang bibig lamang ang pamaaang ito pagkaraan ng
higit kumulang isang dekada. Ang pamaraang ito ay humango sa ilang kaisipan sa
Series Method ni Gouin na nagsasabi na ang pagkatuto ay epektibo kung may kilos
na isinasagawa kaugnay ng wikang pinag- aaralan.

Pinatunayan din ito ng mga saykologist sa kanilang trace theory ng pagkatuto


na nagsasaad na ang pag- aalala ay napabibilis kung may kaugnay na kilos ang pag-
aaral. Ang kaisipang ito ay ipinagbatayan ni Asher sa kanyang pamaraang TPR.
Naniniwala parin si Asher na ang isang klasrum sa wika ay hindi dapat kabakasan ng
pagkabahala at ang mga mag- aaral ay masisigla at nagagawa ang gustong gawinsa
ilalim ng mabuting patnubay ng guro.

Ang isang tipikal na TPR na pamamaraan ay gumagamit ng maraming


kayarian sa pagsasalita na nag- uutos. Ang mga pag- uutos ay payak at madaling
Page | 36
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

isagawa. Ito ay mabisang paraan upang ang mga mag- aaral ay kumilos at gumalaw
nang may kawilihan: Isara mo ang bintana, Tumayo, Umupo, Kunin mo ang
libro, ibigay mo ito kay Andrew, at iba pa. Hindi na kailangan sa ganitong
gawain ang pasalitang sagot.

Maari ring gamitin ang mga kompleks na kayarian ng pangungusap na nag-


uutos kung saan ang kasiyahan sa klase at sa mga gawain ay natural na
mararanasan ng mga mag- aaral : Lumakad ng marahan sa may pintuan at
hawakan ang pinto. Gumuhit ng isang rektanggulo sa pisara.Pumunta sa
may bintana at lumundag. Ilagay ang iyong sepilyo sa iyong bag.

Madali ring maipauunawa ang mga tanong gaya ng mga sumusunod:

Nasaan ang libro?

Sino si Jeypee ?

- Nakaturo ang mga mag- aaral sa libro o kay Jeypee.

Sa ganitong paraan, magiging relaks ang mga mag- aaral at magkakalakas


loob sila na maibigay ang sagot sa anumang tanong o di kaya’y sila ang
magtatanong.

MGA KATANGIAN:

1. Nagsisimula ang mga aralin sa pamamagitan ng mga utos mula sa titser na


isinasagawa ng mga mag- aaral.

Page | 37
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

2. May interaksyong guro – mag- aaral o mag- aaral – mag- aaral , nagsasalita ang
mga guro, tumutugon ang mga mag- aaral, nagbibigay sila ng mungkahi sa mga
kapwa mag- aaral sa pamamatnubay ng guro.

3. Binibigyang- diin ang komunikasyong pasalita; isinasaalang- alang ang kultura ng


mga katutubong tagapagsalita sa pagkatuto ng pangalawang wika.

4. Pinalilinaw ang mga kahulugan sa pangalawang wika sa pamamagitan ng mga


kilos.

5. Inaasahang magkakamali ang mga estudyante sa pagsisimula nilang magsalita:


mga kamaliang global lamang ang iwinawasto.

5. NATURAL APPROACH

Ang mga teorya ni Stephen Krashen (1992, 1991) hinggil sa pagtatamo ng


pangalawang wika ay nasa mainit na isyu ng mahabang panahon. At ang
pinakatampok na bunga ng pananaw ni Krashen ay ang pamaraang natural
Approach na dinebelop ni Tracy Terrel, isang kasamahan ni Krashen. Naniniwala sina
Krashen at Terrel na kailangang komportable at relaks ang mga mag- aaral sa isang
klasrum pangwika. Nakikita rin nila ang pagsasaisang- tabi muna ng pagsasalita sa
wikang pinag- aralan hanggang sa sumapit ang panahong naroon ang intension at
pagkukusa sa pagsasalita.

Kailangan mabigyan sila ng maraming pagkakataon sa komunikasyon upang ang


“pagtatamo” ay maganap. Sa katunayan, ginagamit sa pamaraang ito ang mga
Gawain sa TPR sa panimulang lebel ng pagkatuto kung saan mahalaga ang mga
comprehensible input upang mapasigla ang pagtatamo ng wika. Nilalayon ng Natural

Page | 38
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Approach na malinang ang mga personal na batayang kasanayang


pangkomunikasyon tulad ng gamiting wika para sa araw- araw na siwasyon gaya ng
pakikipag- usap, pamimili, pakikinig sa radio, at iba pa.

 Ang unang gawain ng guro sa pamaraang ito ay maglaan ng comprehensible


input o iyong sinasalitang wika na nauunawaan ng mga mag- aaral o di
kaya’y iyong mataas na lebel ng pagsasalita at pag- unawa.

 Hindi kinakailangang magsalita ang mag- aaral sa yugtong ito ng silent period
hanggang sa panahong maramdaman nilang may kahandaan na sila.

 Ang mga guro ang hanguan ng mga input at tagalikha ng iba’t ibang kawili-
wiling gawaing pangklasrum gayang laro, utos, maikling dula- dulaan at
pangkatang gawain.

Tatlong Yugto ng Pagkatuto

1. Preproduction – kung saan nililinang ang kasanayan sa pakikinig.

2. Early Production – kakikitaan ng mga pagkakamali habang nagpupumilit ang


mga bata sa paggamit ng wika. Ang mensahe ang pokus ng guro at hindi ang anyo
ng wika kaya nga halos hindi iwinawasto ang mga kamalian maliban doon sa
pagkakamali na makahahadalang sa pag- unawa (gross error).

3. Ekstensyon ng Production – mahahabang diskurso at nakapaloob dito ang


mga mag mahihirap na laro, role play, dayalog, talakayan at pangkatang gawain.
Layunin ng yugtong ito ang katatasan sa pagsasalita, kaunting pagwawasto sa
kamalian.

Page | 39
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Katulad ng ibang pamaaran, marami ring kahinaan ang Natural Approach


gaya ng Silent Period ( pag- antala ng oral production ) at ang pagbibigay nito ng
ibayong diin sa Comprehensibale Input.

MAKABAGONG PANANAW SA PAGTUTURO NG WIKA

Malaki na ang pagbabagong nagaganap sa kalakaran ng pagtuturo ng wika.

NOON - Kaalamang istraktural o kayarian ng wika ang pinagtutuunan ng pansin


NGAYON- Paglinang ng kahusayan sa paggamit ng wika, kasanayan sa
pakikipagtalastasan o ang kasanayang KOMUNIKATIB.

Ano nga ba ang kasanayang KOMUNIKATIB?

Ayon kay CHOMSKY, ang kasanayang komunikatib ay magkasamang


language competence (kaalaman sa wika) at language performance (kakayahan sa
paggamit ng wika).

TITON, ang kasanayan sa wika ay hindi lamang sa kaalaman sa gramatikao


sa tuntuning gramatikal kundi gayundin ang kasanayan sa angkop at matagumpay
na pag-unawa at pagpapaunawa ng nais ipahayag ng nag-uusap.

A. KOMUNIKATIBONG PAGTUTURO
Limang Katangian ng KPW ayon kay David Nunan (1991)
1. Binibigyan-diin ang kasanayan sa pakikipagtalastasan sa pamamagitan
ng interaksyon sa taget na wika.
Gumagamit ng mga awtentikong teksto sa Nag-ugat sa “Notional-
function Approach” (pokus sa mensahe kaysa sa porma o istruktura)
na pinaunlad ni David Wilkins ng Britanya (Higgs at Clifford, 1992)
Page | 40
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Pinansin at binago ni Wilkins ang kanyang sariling pagtuturo ng wika


kung saan ginawang niyang magkapantay ang pagsasaalang-alang ng
porma at mensahe para matamo ang kakayahang komunikatibo
(Communicative competence)
2. Gumagamit ng mga awtentikong teksto sa pagtuturo.
3. Nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na bigyan pokus hindi
lamang ang wikang pinag-aaralan kundi pati na rin ang proseso sa
pagkakatuto nito.
4. Itinuturing ang mga personal na karanasan ng mga mag-aaral bilang
mahalagang input sa pagkatuto.
5. Sinisikap na maiugnay ang mga pagkakatuto sa loob ng klasrum sa
mga gawaing pangwika sa labas ng klasrum.

MGA SANLIGAN NG KOMUNIKATIBONG PAGTUTURO NG WIKA


(Michael Canale at Merrill Swain)

Apat na Aspekto/Elemento ng Communicative Competence:

1. Linguistic Competence – kakayahang umunawa at makagawa ng mga


istruktura sa wika na sang-ayon sa mga tuntunin sa gramatika.
2. Socio-Linguistic Competence – isang batayang interdisciplinary.
Nakakaunawa at nagagamit ng kontekstong sosyal ng isang wika.
3. Discourse Competence – may kinalaman sa pag-unawa, hindi ng isa-
isang pangungusap kundi ng buong diskurso.
4. Strategic Competence – wala raw taong perpekto ang kaalaman
tungkol sa kanyang wika at nakagagamit ng kaalamang ito sa tuwina na
walang problema. (Coping o Survival Strategies)

Page | 41
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

ANG GURO, MAG-AARAL AT ANG KOMUNIKATIBONG PAGTUTURO

1. Layunin ng gurong gumagamit ng KPW


 naghahangad na malinang ang kakayahan ng kanyang mag-
aaral sa aktwal na paggamit ng wika sa mga tiyak na
pagkakataon.
 ninanais ng guro na makapag-angkin ang kanyang mag-aaral ng
kakayahan sa maayos na pakikipagtalastasan sa iba’t ibang
sitwasyon.
 hinahangad niyang madala ng bawat mag-aaral ang kanilang
sarili sa wastong kalagayan sa paggamit ng wika.
 malinang sa mga mag-aaal na maging mabuting tagapagsalita at
tagapagpakinig.

2. Tungkulin ng Guro; ng Mag-aaral


Guro
 Tagapamatnubay/facilitator sa iba’t ibang Gawain sa klasrum
 Tagasubaybay sa mga interaksyong nagaganap sa mga mag-aaral

Mag-aaral

 Tungkulin nilá ang aktibong pakikilahok sa iba’t ibang gawaing


pangkomunikatibo
 Linangin ang kanilang kasanayan sa iba’t ibang paksang pinag-aaralan

3. Ang Proseso sa Pagtuturo/Pagkatuto


 Nauunawaan ng mga mag-aaral ang dahilan kung bakit niya ginagawa
ang isang Gawain at kung paano niya ito isinasagawa

Page | 42
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 Ang komunikasyon ay daynamik, ibig sabihin ang pakikipagtalastasan


ay nagaganap nang biglaan, ang tuon ng pagsusuris ay ang
makahulugang palitan ng usapan at hindi ang mga magkahiwalay o di
magkaugnay na pahayag.
 Ang pagbibigay halaga hindi lamang sa kayariang panglingwistika
kundi gayon din sa paraan ng pakikipagtalastasan.
 Pagbibigay ng sapat na pagkakataon sa pag-aaral at pagsasanay sa
paggamit ng target na wika.

4. Interaksyong Guro-Mag-aaral/ Mag-aaral-Guro


Guro-Mag-aaral
 Nakapukos ang malaking bahagdan ng Gawain sa mag-aaral, maaaring
75% mag-aaral at 25% ang sa guro

Mag-aaral-Mag-aaral

 Magkapantay na pagkakataon ang bawat isa sa iba’tibang gawain


 Bigyang laya na makipag-interaksyon ang mag-aaral sa kapwa mag-
aaral

5. Lawak at Kasanayang Pangwika sa KPW


 Sa KPW hindi maihihiwalay ang kaalamang panlinggwistika. Ito ang
instrumento upang mapalawak ang kakayahang komunikatibo.
 Ang lawak na bumubuo sa KPW ay ang:
a. Kaalaman sa gramatika
b. Tuntuning sosyokultural sa paggamit ng wika
c. Tuntunin sa diskurso

Page | 43
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

d. Paghuhula sa maaaring sabihin ng kausap

6. Ebalwasyon sa KPW
 Ang ebalwasyon ay isinasagawa sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng
pagsusulit.
 Ang pagsusulit ay maaaring pagsulat at pasalita
 Close test o C-test ang isa sa pinakamaganda at mabisang uri ng
pagsusulit sa wika.
7. Pagwawasto ng Kamalian
 Ang pagtanggap o pagtugon sa pagkakamali sa dulog na ito ay
maaaring gawing global o panlahatan
 Maaaring ipaunawa sa mga mag-aaral ang kanyang kamalian sa
isahang komperensya
 Dapat na iwasto ang kamaliang global oiyong nakahahadlang sa
komunikasyon o sa pagpapahayag ng mensahe
 Kailangang iwasto rin ang mga kamaliang madalas na nasasambit ng
tagapagsalita

8. Ang Mag-aaral na May Kakayahang Komunikatibo


 May kakayahang komunikatibo ang isang mag-aaral sa wika kung
nagagamit ng mabisa ang iba’t ibang tungkulin ng wika
 Nakikipag-interaksyon at epektibong nagagamit ang wika
 Nakapaghahatid ng mensahe at nakatatanggap ng kasagutan
 Nagagamit ang wika sa epektibong kaparaanan at wastong sitwasyon.

Page | 44
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

MGA PAALAALA SA PAGGAMIT NG KPW

1. Tiyakin na hindi hanggang sa salta lamang ang mga kabatiran sa mga


simulain ng KPW. Dapat naipakita itong nailalapat sa pang-araw-araw na
pagtuturo.
2. Siguraduhin na hindi ka nagpapakalabis sa paglalapat ng ilang simulain ng
KPW. Ang mabisang paglalapat ng mga simulain ay nangangailangan ng
moderasyon at sentido kumon upang maisaalang-alang ang lahat ng mga
kontekstong pangklasrum na makatutulong sa pagpapadali ng pagkatuto.
3. Maging mapamili sa iba’t ibang interpretasyong mababasa/maririnig
tungkol sa KPW. Huwag isaisip na lahat ay umaayon sa ilang simulain nito.
Hanggang patuloy ang iyong kabatiran na ang KPW ay bukas sa maraming
bersyon, magpapatuloy itong mangingibabaw na dulog sa pagtuturo ng
wika.

B. ANG PAGTUTURONG NAKAPOKUS SA MAG-AARAL (Learner-


Centered Teaching)
Ang bawat klase sa wika ay binubuo ng mag-aaral na taglay ang
kanilang iba’t ibang katangiang: kognitib, pandamdamin, at kagulang sosyal,
kaalaman sa wika; motibasyon, kakayahan sa pagkakatuto ng wika, istilo sa
pagkakatuto, mga mithiin at mga pangangailangang subhetibo.
Ang pag-aaral na nakapokus sa mag-aaral ay nagbibigay halaga sa
pangangailangan, tunguhin at istilo ng mag-aaral.
Bawat mag-aaral ay may kanya-kanyang katalinuhan, natatangin
kahusayang taglay na maaaring makita sa istilo ng kawilihan at pagkatuto.
(Garner’s Multiple Intelligence)

Page | 45
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Sa simulaing ito, itinututring ang bawat mag-aaral na may taglay na


sariling pangangailangan at interes.
Ang pagtuturong nakapokus sa mag-aaral ay gumagamit ng mga
teknik na:
 Nakapukos sa mga pangangailangan, tunguhin at istelo sa pag-
aaral;
 Bagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral (pangkatang
Gawain o pagsasanay)
 Nakadaragdag sa pagtitiwala sa sariling kakayahan at
kagalingang pansarili
 Kurikulum na may konsultasyon at isinaalang-alang ang input ng
mag-aaral at hindi itinatakda kaagad-agad ang mga layunin.

Ang ganitong kalagayan sa loob ng klasrum ay nagbibigay ng


kamalayan na “maangkin” ng mga mag-aaral ang kanilang pagkatuto at
nakadaragdag sa kanilang intrinsic na motibasyon.

Halimbawa ng Istratehiya:

1. Mga Laro
2. Mga Larawan
3. Pagguhit
4. Pantomina
5. Pag-uulat
6. Pagsasatao o role Play
7. Pagkukwento
8. Journals

Page | 46
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

C. Ang Pagkatuto ng Tulung-tulong


(Cooperative Learning)

Ang Pagkatuto ng Tulung-tulong (Cooperative Learning) ay isang


matagumpay na estratehiya sa pagtuturo kung saan ang mga maliliit na
grupo ng mga mag-aaral na may iba't ibang antas ng kakayahan ay
gumagamit ng iba't ibang mga gawain sa pag-aaral upang mapabuti ang
kanilang pang-unawa sa isang paksa.

Ang isang klasrum na kooperatib- samakatuwid ay hindi pagalingan o


paligsahan kaugnay ng mga katangian ng pagkatutong nakapokus sa mag-
aaral. Sa pagiging kasapi sa isang pangkat, nagagawa nilang magbahaginan
ng mga impormasyon na la ging naroon ang pagtutulungan sa isa’t-isa. Ang
mga mag-aaral ay isang “koponan” na ang layunin ng bawat manlalaro ay
mapagtagumpayan ang anumang itinakdang Gawain.

Dagdag na konotasyon ng “kooperatib” ay ang pagbibigay diin nito sa


sama-samang (collaborative) pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo
ang mga itinakdang layunin. Ang kolaborasyong ay maaaring sa mga mag-
aaral lamang di kaya’y kolaborasyong mag-aaral-guro sa pagpili at paglalapat
ng mga teknik at sa ebalwasyon na nagaganap sa pagkatuto.

 Pagsasatao (Role Playing)


Ang pagsasatao ay ang pagpapanggap na ibang tao o pagpapanggap
na nasa isang partikular na sitwasyon. Ginagawa ito upang akayin ang mga
saloobin, aksyon, at diskusyon lalo na sa isang sitwasyon na may paniniwala
sa pagsisikap na maunawaan ang magkakaibang pananaw o sosyal na
pakikipag-ugnayan.
Page | 47
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 Mag-isip, Humanap ng kapareha at Makikinig (Think, Pair, and


Share)

Ang Mag-isip, Humanap ng kapareha at Makikinig (Think, Pair, and


Share) ay isang pamamaraan sa pag-aaral ng kooperatiba kung saan iniisip
ng mga estudyante sa pamamagitan ng mga tanong na gumagamit ng
tatlong magkakaibang hakbang, na naghihikayat sa indibidwal na paglahok.

 Brainstorming

Ang Brainstorming ay ang isang pamamaraan ng pangkat sa paglutas


ng problema na nagsasangkot ng kusang kontribusyon ng mga ideya mula sa
lahat ng mga miyembro ng grupo.

 Graphic Organizer

Ang graphic organizer ay isang visual display na nagpapakita ng mga


relasyon sa pagitan ng mga katotohanan, konsepto o ideya. Ang isang
graphic na organizer ay gumagabay sa pag-iisip ng mag-aaral habang
pinupuno nila at itinatayo ang isang visual na mapa o diagram.

D. Ang Pagkatutong Interaktibo (Interactive Learning)


Ayon kay Wells (sa Rivers 1987):
“Ang interaksyon sa klase ay kinapapalooban ng tatsulok na
ugnayan ng tagapaghatid ng mensahe, ng tagatanggap at ng konsteksto ng
sitwasyon,maging pasalita o pasulat na komunikasyon.”

Ang Pagkatutong Interaktibo (Interactive Learning) ay isang


estratehiya upang matulungan ang mga mag-aaral na maging mas nakatuon
Page | 48
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

at panatilihin ang mas maraming materyal. May teknolohiya man o wala, ang
interaktibo na pag-aaral ay tumutulong sa mga estudyante na palakasin ang
paglutas ng problema at mga kasanayan sa kritikal na pag-iisip.

Kailangan sa interaksiyon hindi lamang ang pagpapahayag ng sariing


ideya kundi pag-unawa rin sa ideya ng iba. Ang mga kalahok ay gumagawa
ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon, na lagi nang nauunawaan sa
isang konstekto, kasama ng mga di pasalitang pahiwatig na nagdaragdag ng
ibang aspeto ng kahulugan bukod sa pasalita. Ang mga pagpapakahulugan sa
isang diskorso ay karaniwang produkto ng isang negosasyon ng pagbibigay at
pagtanggap habang nagaganap ang usapan. Karaniwang makikita sa isang
klaseng interaktib ang mga sumusunod:

- madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan


- paggamit ng mga awtentikong wika bilang input sa konstekto ng tunay
na paggamit nito
- paglikha ng mga tunay na wika para sa makabuluhang komunikasyon
- pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda para
sa aktwal na paggamit ng wika sa “labas”
- pagpapasulat na totoo ang target sa awdyens.
 Venn Diagram
Ang venn diagram ay isang diagram na naglalahad ng impormasyon.
Ang diagram na ito ay binubuo ng dalawa o higit pang bilog na nag "i-
intersect" sa isa't isa.
Ang espasyong nabuo ng "intersection" ay karaniwang ginagamit na
lugar kung saan nakikita mo dito ang pagkakatulad ng impormasyon sa mga

Page | 49
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

bilog na nag-intersect. Ang espasyo naman na hindi nabuo gamit ang


"intersection" ay para sa impormasyon na taglay ng bilog lamang.

 KWL (Know, Want to Know, Learned)


Ang KWL ay isang madiskarteng paraan ng pagtuturo sa pagbabasa na
ginagamit upang gabayan ang mga mag-aaral na kumukuha sa kanila sa
pamamagitan ng ideya at teksto.
Isa itong paraan bago simulan ang bagong aralin na inaalam kung may
alam na ang mag-aaral tungkol dito.
Pagkatapos inaalam naman ang nais matutuhan ng mga mag-aaral sa
bagong aralin.
Pagkatapos mapag-aralan ang bagong aralin, itatanong kung ano ang
natutuhan tungkol dito.
K-now W-ant to Know L-earn
Ano ang alam? Ano ang gusting mapag- Ano ang natutuhan?
aralan?

 Author’s Chair

Ang Author’s chair ay upuan ng may-akda ay isang espesyal na upuan na


itinalaga para sa mag-aaral na basahin ang kanilang pagsusulat nang malakas sa
Page | 50
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

klase. Ito ang huling hakbang sa proseso ng pagsulat na kung saan hinihikayat ang
mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang gawain sa klase. Ang pagbabasa ay isang
mahusay na paraan para sa mga mag-aaral na magkaroon ng tiwala sa kanilang
sinulat.

 Broadcasting
Ang Broadcasting ay ang sabay-sabay na paghahatid ng parehong
mensahe sa maraming mga tatanggap.
Ang Broadcasting o Pagsasahimpapawid ay ang pamamahagi ng
nilalaman ng audio o video sa mga tagapakinig o tagapanood
sa pamamagitan ng anumang elektronikong komunikasyon sa daluyan ng
komunikasyon , ngunit karaniwan ay gumagamit ng electromagnetic
spectrum.
Ang Broadcast journalism ay ang larangan ng mga balita iyon ay na
inilathala ng mga de-koryenteng pamamaraan sa halip ng mga mas lumang
pamamaraan, tulad ng mga naka-print na pahayagan at poster. Kasama sa
mga pamamaraan ng pagsasahimpapawid ang radyo (sa pamamagitan ng
hangin, cable, at Internet),telebisyon at sa World Wide Web.

Radio Iscrip

Ang Radio Iskrip ay isang isinulat na material na naglalaman ng mga


salitang kilos(pandiwa)na kailangan sa programa.Sinasabi sa atin kung ano ang
gagawin, sasabihin o kailan at paano.Nilalayon nitong matiyak ang tamang
teknikal at impormasyon.Masiguro ang daloy ng programa at masulit ang airtime.

Balangkas ng Radio Script (Balita)


 Station ID
Page | 51
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 Time Check
 News Plug
 Intro
 Headlines
 Details
 Extro
 Chamber Theater
Ang Chamber theatre ay isang paraan ng pag-angkop sa mga gawaing
pampanitikan sa entablado gamit ang pinakamalaki na halaga ng orihinal na
teksto ng trabaho. Sa silid ng kamara, ang pagsasalaysay ay kasama sa
isinagawa na teksto at ang tagapagsalaysay ay maaaring gampanan ng
maraming aktor.
Ito ay isang paraan o imahinasyon ng pagtakas ng mga tao mula sa
riyalidad papunta sa mundo ng pantasya.
Ito ay maihahalintulad sa masining na pagkukuwento.Maaari lamang
silang gumamit ng silya at mesa.

Mga Sangkap ng chamber Theater

1. Iskrip/Dayalogo -Ito ay tumutukoy sa binabasa ng mga aktres o


actor sa kalahok sa Readers Chamber Theater.
2. Paksa -Ito ang temang nakapaloob sa loob ng iskrip.
3. Aktor/aktres -Mga taong gumaganap sa Readers Chamber
Theater.
4. Tagapagsalaysay -Taong inatasan na magbasa sa linya ng bawat
sitwasyon o pangyayari sa isinagawang pagbabasa.

Page | 52
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Kabutihan ng Paggamit ng Reader Chamber Theater

1. Hindi kailangang imemorya ang bawat linya.


2. Hindi na kinakailangan ang mga props at costume.
3. Maaaring isagawa kahit sa mga simpleng silid-aralan lamang.
4. Ito ay mabisang paraan upang mahasa ang aspetong pananalita at
pagbasa ng isang indibidwal.

 HOTS (Higher Order Thinking Skills)


Ang HOTS ay isang konsepto ng reporma sa edukasyon batay sa pag-
aaral ng mga taxonomy. Ang ilang mga uri ng pag-aaral ay nangangailangan
ng higit pang nagbibigay-malay na pagproseso kaysa sa iba, ngunit mayroon
ding mas pangkalahatang mga benepisyo.

Ang HOTS ay isang konsepto ng reporma sa edukasyon batay sa


mga taxonomy ng pag- aaral (tulad ng Bloom’s Taxonomy ). Ang ideya ay
ang ilang mga uri ng pag-aaral ay nangangailangan ng mas maraming
nagbibigay-malay na pagproseso kaysa sa iba, ngunit mayroon ding mga mas
pangkalahatang benepisyo. Halimbawa, sa taxonomy ng Bloom, ang mga
kasanayan na kinasasangkutan ng pagtatasa, pagsusuri at pagbubuo
(paglikha ng bagong kaalaman) ay inaakala na mas mataas kaysa sa pag-
aaral ng mga katotohanan at konsepto na nangangailangan ng iba't ibang
pamamaraan sa pag-aaral at pagtuturo.

Ang mas mataas na pag-iisip ay nagsasangkot sa pag-aaral ng mga


kumplikadong mga kasanayan sa paghatol tulad ng kritikal na pag-iisip at
paglutas ng problema. Ang mas mataas na pag-iisip ay mas mahirap matuto o
magtuturo ngunit mas mahalaga dahil ang mga kasanayang ito ay mas
Page | 53
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

malamang na magagamit sa mga nobelang sitwasyon (ie, mga sitwasyon


maliban sa kung saan natutunan ang kasanayan).

E. Pagkatutong Integratibo
Binibigyan diin dito ang integrasyon o pagsanib ng paksang aralin sa
pag-aaral sa wika. Ang paglalahad ng wika ay hinango sa nilalaman o ng
paksa. Taliwas ito sa nakagawiang pagtuturo na ang kasanayan sa wika ay
itinuturo ang hiwalay at malayo sa konteksto ng paggamit nito.
Nakapokus sa mag-aaral at at integrasyon ng apat na kasanayan;
Pakikinig,Pagsasalita,Pagbasa,Pagsulat
1. Istratehiyang Partisipatibo
2. Pasilitatibo
3. Konsultatibo
Dito ang guro ay tagapagdaloy lamang ng pagkatuto, ang mga mag-
aaral ang nagsasagawa ng mga gawain. Ang guro ay taga-gawa lamang ng
iskrip ng pagkatuto, consultant, taga-gabay, tagakumpas, subalit sa kabuuan
ng pag-aaral ng aralin. Ang mag-aaaral ang sentro o ang bida; siya ang
aktibong nagsasalita, nakikinig, bumabasa at sumulat kung kinakailangan.

Estratehiya Batay sa Pagdulog Integratibo

 Tematik na Pagtuturo
May tema na nauugnay sa lahat ng mga kasanayan ng ibat-ibang
disiplina.
Ayon kay Nelson, ang pagsanib ng ibat-ibang asignatura upang
makapagbigay ng mayaman at mas reyalistikong kagiliran sa pagkatuto ng
mga mag-aaral.

Page | 54
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Nakikita dito ng mag-aaral ang kanilang mga sarili bilang mga


mambabasa, manunulat, artista at iba pa.
Nauunawaan nila ang mga layunin ng mga gawaing pagkatuto at kung
gaano kalawak ang aplikasyon na maaari nilang magawa buhat sa kanilang
mga pagsisikap.
Binibigyan-diin dito ang integrasyon ng paksang-aralin sa pag-aaral ng
wika sa loob ng klasrum.

Mga Istratehiya at Kagamitan sa Pagtuturo

 Simulasyon
Ang pag-uugali ng sistema ay maaaring pag-aralan sa mga tiyak na
oras gamit ang isang modelong pang-simulasyon. Ang modelong ito ay
nagagawa lamang base sa iba't ibang palagay sa sistemang inoobserbahan.
Ang mga palagay na ito ay maaaring sa pormang matematikal, lohikal o
simbolikong relasyon sa pagitan ng mga entitites o ang bagay na interes ng
pag-aaral. Kapag ang mga ito ay nadebelop na at napatunayan na tama, ang
modelong nagawa ay maaari nang gamitin upang malaman ang mga
posibilidad na mangyari sa isang sistema kaspag pinatupad ang isang tiyak na
polisiya o pagbabago rito. Ang mga potensiyal na pagbabago sa sistema ay
maaaring gayahin muna at tingnan sa modelo, para makita ang mga
potensiyal na epekto nito at makita ang mga gastos ng mga ito.
Ito’y pagbibigay ng mga halimbawang sitwasyon, pangyayari o
kaganapan sa tunay na buhay. Binibigyan nito ng pagkakataon ang mga mag-
aaral na tularan o gayahan ang mga halimbawang sitwasyon pangyayari o
kaganapan sa pamamagitan ng paligsahan, pakikiangkop, pakikiisa, pagsusuri
at paggawa ng desisyon.

Page | 55
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 Graphs
Ito ay pagsasalarawan ng mga angkop na datos o impormasyon.
Mas magiging mas madali ang pagbibigay ng interpretasyon sa mga nakalap
na impormsyon dahil sa Anyong Palarawan.

Uri ng Tsart o Graph

 Flow Chart
 Proseso mula umpisa hanggang wakas.
 Ipinapakita nito ang iba’t ibang paraan ngpalalahad ng proseso.
 Maaaring gumamit ng larawan, simbolo o kaya ay kahon.
 Karaniwang ito ay sinisimulan sa kaliwa patungo sa kanan o kaya ay
pataas pababa.
 Sa bawat kahon o larawan ay may nakasulat na paliwanag upang
ganap na maunawaan ang proseso

Halibawa:

 Pie
 Sumusukat at paghahambing sa pamamagitan ng paghahati nito.
 Ang isang pie chart ay isang pabilog statistical graphic , na kung
saan ay nahahati sa hiwa upang ilarawan numerical proporsyon. Sa
isang pie chart, ang arko haba ng bawat slice (at dahil dito ang gitnang

Page | 56
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

anggulo at lugar ), ay proporsyonal sa dami na kinakatawan


nito. Habang ito ay pinangalanan para sa kanyang pagkakahawig sa
isang pie na kung saan ay na-hiwa, may mga pagkakaiba-iba sa
paraan na maaari itong iharap.

 Bar
 Sumusukat ng datos na patayo o pahalang laban sa pamantayang
nagpapakita ng halaga, bilang, panahon, o dami.
 Isang Bar Graph (tinatawag ding Bar Chart) ay isang graphical na
pagpapakita ng data gamit ang mga bar ng iba't ibang taas.

Halimbawa:

Page | 57
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 Line

Ang isang line graph, na kilala rin bilang isang tsart ng linya, ay isang
uri ng tsart na ginamit upang mailarawan ang halaga ng isang bagay sa
paglipas ng panahon.

Ang linya ng graph ay binubuo ng isang pahalang na x-axis at isang


vertical y-axis. Karamihan sa mga graph ng linya ay nakikitungo lamang sa
mga positibong halaga ng halaga, kaya ang mga axes na ito ay karaniwang
bumalandra malapit sa ilalim ng y-axis at sa kaliwang dulo ng x-axis. Ang
punto kung saan ang mga axes intersect ay palaging (0, 0).

Ang graph ng linya ay isang makapangyarihang visual tool para sa


marketing, finance, at iba pang mga lugar. Kapaki-pakinabang din ito sa
pananaliksik sa laboratoryo, pagmamanman ng panahon, o anumang iba
pang function na kinasasangkutan ng isang ugnayan sa pagitan ng dalawang
numerical value.Kung dalawa o higit pang mga linya ay nasa tsart, maaari
itong magamit bilang paghahambing sa pagitan ng mga ito.

Page | 58
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 Pictograph
 Inilalarawan ang halaga o bilang ng aytem para sa paghahambing.
 Ito ay isang paraan ng pagrerepresenta ng isang bagay sa
pamamagitan ng mga larawan.

Halimbawa:

 Journal
 Isang uri ng sulatin na ginagamit ng isang indibidwal upang magbigay
gabay o magbigay ng pag-alala sa mga bagay na nangyari, nagyayari
at mangyayari pa lamang.
 Talaan ng pansariling gawain, mga reaksyon, mga iniisip at nadarama.
 Ang pagsulat sa isang journal ay isang paraan upang matuklasan ang
mga sagot sa iyong mga katanungan, upang ipahayag ang iyong sarili
nang malikhain, upang mahanap ang tinig ng iyong kaluluwa, palakasin
ang iyong koneksyon sa iyong bukas na puso, at harapin ang iyong
mga takot at pagtagumpayan ang mga hadlang. Higit sa lahat, ito ay
isang paraan upang mamahinga at galugarin ang mga kalaliman ng
iyong pagkatao.

Page | 59
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 Ang pagsusulat ng journal ay maaaring maging kasing pambihira o


pangkaraniwang gawain na gusto mo. Halimbawa, maaari mong
gamitin ang iyong journal bilang pang-araw-araw na talaan ng mga
pangyayari, damdamin, pangarap, at mga hangarin. O maaari kang
maging mas malikhain, gamitin ito bilang isang sasakyan para sa kung
ano ang tinatawag ni Jung "pangangarap ang panaginip pasulong".
 Halimbawa:

PAGKATUTONG INTEGRATIBO

STORY MAPPING
 Ito’y paraan upang ipakita ang tagpuan, tauhan, problema, pangyayari,
solusyon at kongklusyon. Paraan din ito upang ipakita ang pagkakasunod-
sunod ng kwento.

Page | 60
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

MIND MAP

 Ito ay ginagamit upang mag-organisa ng mga impormasyon.

 Mula sa pinakamaliit na detalye hanggang sa mabuo ang ideya.

MODELING

 Ito ay makabagong pamamaraan kung saan gumagamit ang guro ng


instrumento bilang paraan ng pagtuturo na kung saan ay makikita ng mga
mag-aaral ang proseso,hakbangin o anumang kinakailangan para sa gawain.

6 Teaching Strategies to Model Learning


1. Look what I am currently reading posters
2. Bring an example of your own independent work
3. Share what learned while studying the curriculum content
4. Utilize social media blogs
5. Be a storyteller
6. Show students your old work

Page | 61
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

INTERVIEW

 Isang pagtatanong upang makakuha ng impormasyon tulad ng opinion,


kaisipan o tanging kaalaman ukol sa isang paksa.

 Personal na anyo na pakikipagtalastasan ng dalawang taong magkasundo na


magtatagpo, na ang isa sa kanilang may layunin at hangad na matupad ang
layuning ito sa pamamagitan ng wastong kasagutan mula sa isa.

1. Sino ang gusto mong makapanayam

2. Pag-alam tungkol sa mga hakbang o pamamaraan

3. Pagpapaliwanag at pagsusuri ng resulta o bunga ng panayam

4. Mga pamamaraan ng Pakikipanayam

5. Paggawa ng mga tiyak na mga tanong

6. Ano ang dapat gawin

7. Ano ang dapat iwasan

 THINKING HOTS

Higher order thinking skills include critical thinking skills which are logical,
reflective, meta-cognitive and creative. They are activate when individuals
Page | 62
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

encounter unfamiliar problems, uncertainties, questions, a dilemmas.


Applications of the skills result is reasoning, evaluating, problem solving,
decisions making and analyzing products that are valid within the context of
available knowledge and experience that promote, continued growth in these
and other intellectual skills.

DIAGRAM

 Isang simbolo na nakahantong upang maunawaan ang isang impormasyon.


Isang paglalarawan o drawing para maipakita ang presentasyon.

Venn Diagram

Page | 63
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Fish Bone (Ishikawa Diagram)

WEB

 Fact storming Web – malawak ang saklaw nito dahil makikita rito
ang lahat ng detalye.

 Spider Web – karaniwang nahahati ang aralin sa apat na parte ng


gagamba.

 Semantic Web – ay may apat na elemento.

◦ Ang core question na paksang aralin.

◦ Ang web strand na sagot sa core question na nakasulat sa


apat na kahon.

◦ Ang strand support na sumusuporta sa wave strand.

◦ Ang strand tie na linyang nagdurugtong sa lahat ng web


strand.

Page | 64
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Page | 65
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

WHOLE LANGUAGE EDUCATION

 Ang katawagang ito’y bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at ginagamit


upang bigyan diin ang “Kabuuan” ng wika laban sa pananaw na pagbabahagi
ng wika sa mga maliit nitong elemento gaya ng ponema, morpema at sitaks.

 Sa interaksyon at ugnayan sa pagitan ng pasalitang wika (pakikinig at


pasalita) at wikang pasulat (pagbasa at pagsulat).

 Ang kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat na ito’y likas at umuunlad na


katulad din ng alituntuning pasalita.

 Sa kasalukuyan ay malawak ang nasasakop ng katawagang ito sa edukasyon.


Ang Whole Language ay isang leybel na ginagamit upang mailarawan ang:

 Tulong-tulong na pagkatuto

 Pagkatulong partisipatori

 Pagkatulong nakapokus sa mag-aaral

 Integrasyon ng apat na kasanayan; pakikinig, pagsasalita, pagbasa at


pagsulat

 Paggamit ng mga awtentiko at natural na wika

Page | 66
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

CONTENT-CENTERED EDUCATION

 Ayon kina Brinton, Snow, at Weshe (1989) ang content – centered education
ay ang integrasyon ng mga pagkatuto ng mga nilalaman sa mga layunin ng
pagtuturo ng wika. Ito’y ang magkasabay na pag – aaral ng wika at paksang
– aralin, na ang anyo at pagkakasunod – sunod ng paglalahad ng wika ay
idinidikta ng nilalaman o ng paksa.

 Taliwas ito sa nakagawiang pagtuturo na ang mga kasanayan sa wika ay


itinuturo nang hiwalay at malayo sa konteksto ng pagagamitan nito.

Mga Halimbawa ng Content – Centered Education:

 Graphic Organizer

◦ visual displays

◦ Including diagrams, tables, columns and webs

◦ facilitating recall of cognitively demanding content

◦ Language Experience Approach

◦ writing story about their life experiences

◦ practicing reading with the assistance of teacher

◦ Process writing

◦ brainstorming about the topic

◦ product-oriented

◦ collect and evaluate what students have written

◦ shifting the emphasis in teaching writing

 Dialogue Journals

◦ keeping dialogue in journals

Page | 67
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

◦ Using journals in class or for homework

◦ writing a response but not correcting form

PAGKATUTONG TASK-BASED

 Ayon kay Michael Breen (1987) ang task - based ay alinmang binalangkas na
pagkatutong pangwika na may tiyak na layunin, nilalaman, paraan at mga
inaasahang matatamo ng mga magsasagawa ng task. Sa katunayan, ang task
ay isang espesyal na anyo ng teknik subalit mas “malaki” ang saklaw nito
kaysa teknik.

 Ang pagkatutong Task – based ay hindi bagong pamaraan. Binibigyang –


pokus lamang nito ang Task sa pagtuturo. Tinatanaw nito ang proseso sa
pagkatuto bilang isang komunikatib task na tuwirang nakaugnay sa mga
layuning pangkagawian at ang mga hangarin nito’y lagpas sa nakagawiang
pagsasanay ng wika.

BRAIN BASED LEARNING

 Ayon sa pag-aaral ni Caine, 1991 ang pagkatuto ay pangunahing gampanin


ng utak.

 At inilahad niya ang mga simulain sa brain-based learning at paglaan ng


paraan kung paanoilalapat ang ilang kaalaman sa utak sa pagtuturo ng wika.

Page | 68
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Mga Simulain

 Nagagawa ng utak na makapagproseso nang maramihan at sabay-sabay.

 Kasangkot sa anumang pagkatuto ang kabuuan ng ating pgysiology (katawan


at mga bahagi nito)

 Ang paghahanap at pagbuo ng kahulugan ay likas sa tao.

 Ang utak ay nakadisenyo upang makapaghulo at makalikha ng mga larawan.

 Ang mga emosyon ay mahalaga sa memorya.

 Sabay-sabay na pinoproseso ng utak ang mga bahagi at kabuuan ng isang


kaisipan.

 Kasangkot sa pagkatuto ang atensyong may tiyak na pokus at mga pang-


unawa sa kapaligiran kaugnay nito.

 Tinatayang may dalawang uri ng memorya ito ay memoryang spatial at


memoryang rote.

 Nagiging mabisa ang pagkatuto kung ang mga kaalaman at kasanayan ay


nakapaloob sa likas na memoryang spatial.

 Ang pagkatuto ay napasisigla ng mga hamon at nahahadlangan ng


pagbabanta at pananakot.

 Bukod-tangi ang bawat utak.

Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika

A. Mga Yugto ng Isang Aralin sa Pakikinig


a. Bago Makinig

Maaring isagawa ng guro ang alinman sa mga sumusunod sa yugtong


ito:

Page | 69
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Pagpukaw sa kawilihan ayon sa tekstong napakinggan;

 Pagtukoy sa ilang dating kaalaman / impormasyon na


makatutulong sa pag-uunawa ng tekstong napkinggan;

Paglilinaw ng ilang talasalitaan na maaring makasagabal sa pag-


uunawa.

Pagtalakay sa layunin ng isinasagawang pakikinig.

 Mga gawaing mailalapat sa yugtong ito ng pakikinig


 Impormal na talakayan
 Pag-uusap tungkol sa isang larawan
 Pagtatala ng mga mungkahi, opinion, atb.
 Pagbasa ng isang kaugnay sa teksto
 Pagbasa sa mga tanong na kailangang masagutan
habang nakikinig.
 Paghula sa maaring mangyari
 Pagtalakay ng uri ng wikang maririnig sa teksto
b. Habang Nakikinig
Ito ang pokus ng aralin. Ang mga gawain sa yugtong ito ay
naayon sa mga punto na nais bigyang-diin ng guro.
Mga gawaing mailalapat sa yugtong ito:
 Pagsagot ng mga tanong na maraming pagpipiliang
sagot;
 Mga tanong na tama/mali
 Pagtukoy sa mga maling impormasyon

Page | 70
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

c. Pagkatapos Makinig
Sa yugtong ito, maaring bigyan ang mga mga-aaral ng mga
gawaing bungang ginawang pakikinig. Halimbawa, pagsulat ng liham
sa tagapagsalita bilang personal na tugon sa sinabi ng tagapagsalita.

B. Mga Estratehiya o Gawain sa Pagsasalita

Mga Gawain sa Pagsasalita sa Iba’t Ibang Konteksto

a. Dayalogo/Usapan - Ito ay diskurso ng dalawa o marami pang tao o tauhan.


Madalas na ito ay makikita sa mga isinulat o ginuhit gaya ng comics. Tawag
to sa pampanitikan na limbag gaya ng drama, script at mga dula.

Halimbawa:

Mga Gawaing Mailalapat:

 Pagpuno ng mga gap sa dayalog.


 Binalak/ binalangkas na usapan kung saan ay may panutong susundin ang
mga tagapagsalita;

Halimbawa: Batiin. Sabihin ang taong hinahanap ay wala. Humingi ng paumanhin.

 Pabibigay ng mga impormasyong personal.

Page | 71
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Halimbawa: A: Ano ang pangalan mo?

B. ____________________

A. Saan ka nakatira?

b. Pagkukuwento / Masining na Pagkukwento – Ito ay mabisang paraan


upang mapukaw ang interes ng mga mag-aaaral sa aralin sa Filipino. Sa
pamamagitan ng paraang ito ay napapagana ang malilikot at malawak na
imahinasyon ng mga bata, maari silang makapunta sa iba’t ibang lugar at
panahon, maari silang maging hayop, kakaibang bagay o tao, maaari ring
magawa ang mga bagay na sa isip lamang nila, iyon ay sa pamamagitan ng
mga kuwento na kanilang maririnig o mapapanood.

Ang Mabisang Tagapagkuwento

 Alamin ang kuwento.


- kayang ikuwento ninuman ang istorya ayon sa gusto niyang
palabasin at sa sarili niyang paraaan ng pagkukuwento.
 Gawing kawili - wili ang pagkukuwento.

Paraan ng Pagkukuwento:

 Gumagamit ng mga puppet o mga props na makatutulong upang magbigay


buhay sa mga pangyayari sa kwento.
 Gumamit ng bata bilang tauhan sa kwento, habang nagsasalaysay ang guro,
sila naman ang gumagawa ng kilos ng tauhan.
 Pag- iba ng boses ayon sa karakter ng mga tauhan. Dapat malaman ng mga
bata kung ang nagsasalita ay bata o matanda, babae o lalaki, bida o
Page | 72
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

kontrabida. Sa pamamagitan ng boses ng tagapagkwento ay maihahatid niya


sa nakikinig kung ano ang damdamin ng nagsasalita, kung ito ba ay
nagagalit, natutuwa, nalulungkot, natatakot, atbp. Ang lakas at hina din ng
boses ay malaking bagay upang mas maging maganda ang pagkukuwento.
 Ekspresyon o hitsura ng mukha ng nagkukuwento.

Mga Gawaing Mailalapat sa mga Kuwento:

1. Pagbubuod ng kuwentong narinig sa guro, sa teyp, o binasa sa


pahayagan.
2. Pagkukuwento sa tulong ng mga larawan.
3. Pagkukuwento sa tulong ng mga tala.
4. Pagbuo ng sariling pagtatapos sa isang kuwento.
5. Pagbuo ng isang dugtungang pagkukuwento. Halimbawa:
Inumpisahan ng guro ang pagkukuwento at ang bawat mag-aaral ay
magdadagdag ng isa o dalawang pangungusap na siyang lohikal na
kasunod ng sinundang pangungusap.
6. Pagbibigay ng buod ng isang kuwentong napakinggan o nabasa.
c. Pagbibigay Panuto - ay ang tagubilin sa pagsasagawa ng iniuutos na
gawain. Maaaring pabigkas o nakasulat ang mga panuto. Makatutulong sa
maayos, mabilis, at wastong pagsasagawa ng gawain ang pagsunod sa
ibinigay na panuto. Dapat malinaw ang pagkakagawa at madaling intindihin
upang madaling mababasa at maiintindihan ng mga babasa ang mga panuto.

Mga Gawaing Mailalapat:

1. Pagbibigay ng isa hanggang dalawang panuto na maaaring isagawa ng isang


kamag-aaral o ng buong klase.
Page | 73
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Halimbawa: Tumayo; kunin ang bag at ilagay sa mesa ng guro.


2. Pag- awit ng mga awiting may kilos o galaw.
3. Paggamit ng mga seryeng larawan/tsart sa pagbibigay ng panuto kung paano
isasagawa ang isang bagay.
4. Pagbibigay ng panuto habang binubuo ang dayagram o larawan ng isang
tagapakinig.
d. Paglalarawan - Ang paglalarawan ay isang diskurso na ang layunin ay
ipamalas sa nakikinig o bumabasa ang nakikita ng mata, naamoy ng ilong,
ang nararamdaman ng balat o ng katawan, ang nalalasahan ng dila o kaya
naman ay naririnig ng tainga. Ito ay isang anyo ng pagpapahayag na
naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa
o nakikinig sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na salitang naglalarawan,
gaya ng pang- uri at pang-abay, malinaw na naipakikita ang katangian ng
tao, bagay, lugar o pangyayari na ating nakikita o naririnig o nadarama.
Napapagalaw at napakikislot din ng paglalarawan ang ating mga guni-guni.,
imahinasyon at nakatawag ng paningin at pansin ng mga mambabasa.

Mga Katangian ng Isang Mahusay na Paglalarawan

1. May tiyak at kawili- wiling paksa.


2. Gumagamit ng wasto at angkop na pananalita.
3. Malinaw na pagbuo sa mga larawang nais ipakita.
4. Isinasaalang- alang ang pagpili ng sariling pananaw sa paglalarawan.

Mga Gawaing Mailalapat:

1. Paggamit ng mga larawan / litrato sa paglalarawan ng isang tao, bagay o


lunan.
Page | 74
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

2. Paghahambing ng mga larawan.


3. Pagpuno ng gap sa isang impormasyon kung saan may alam na impormasyon
ang bawat isa sa hindi alam ng kausap.
4. Pagbigay ng isang detalyadong ulat sa isang pangyayaring nasaksihan.
Halimbawa: aksidente sa daan, isang sunog, atbp.
e. Talakayan – Ito ay proseso ng pagsasalita tungkol sa isang bagay para
makabuo ng isang desisyon o makapagpalitan ng kuro- kuro o ideya. Ito ay
isasagawa kung kalian magkaroon ng bagay na hindi mapagkaunawaan ay
nangangailangan ng paglilinaw ng magkatunggali sa layunin upang
mangingibabaw ang katotohanan, kaya nararapat na ayusin ang mga salita,
linawin ang mga katibayan, iwasan ang mga agam -agam sa salita o pananaw
at paniniwala.

Mga Gawaing Mailalapat:

1. Pakikipagtulungan sa isang pangkat sa paglutas ng isang suliranin sa


pamamagitan ng pagbigay ng mungkahi/rekomendasyon. Pag-uusapan
pangkat ang mga rekomendasyon upang makabuo ng isang konsensus.
2. Pagpuno ng gap ng impormasyon kung saan may talakayang magaganap sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng sariling impormasyon upang matamo ang
isang layunin.
Halimbawa: Pinakamurang mapapasyalan sa bakasyon; pinakamagandang
paliguan; pinakamurang palengke, atbp.
3. Pagtatakda ng prayoridad.
Halimbawa: tatalakayin ng pangkat kung alin lamang ang mahahalagang
bagay ang dapat dalhin sa isang overnight camping.
4. Pagtalakay tungkol sa isang napapanahong isyu.
Page | 75
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Halimbawa: Maraming tinedyer ngayon ang nalulong sa msasamang bisyo.


5. Pagbibigay ng sariling opinyon tungkol sa isang sitwasyong nasaksihan.
Halimbawa: Nakarinig ka ng iyak ng isang bata na pinagbubuhatan ng kamay
sariling ama. Ginagawa ito ng 2 hanggang 3 beses sa isang lingo.

f. Pagsasatao – Ang pagsasatao ay tumutukoy sa isang gawain kung saan


binibigyang buhay ang isang wala namang buhay na bagay o pangyayari.

g. Talumpati - Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang


tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga
pangkat ng mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran,
magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang
paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Sining ito ng
pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita
sa harap ng tagapakinig.
Paghahanda sa talumpati
Sa pagpili ng paksa, maaaring suriin kung saklaw ng paksang napili
ang kaalaman, karanasan at interes at mapukaw sa sarili o sa makikinig ng
talumpati. Kapag nakapili na ng paksa, maaaring magtitipon ng mga
materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na siya namang
gagamitin sa isusulat na talumpati. Maaaring pagkunan ng mga impormasyon
ay ang dating kaalaman at mga karanasan na may kinalaman sa paksa, mga
babasahing kaugnay ng paksa, mga awtoridad sa paksang napili.
Pagkatapos makatipon ng mga materyales na gagamitin sa
talumpati, maaari ka nang magbalangkas ng mga ideya at hatiin sa tatlong

Page | 76
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

bahagi: panimula, katawan at pangwakas. Maaari pang mapabuti ang


talumpati sa paglinang ng kaisipan na kung saan nakapaloob ang mahalagang
impormasyon na sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na inilahad sa
balangkas.
Para maging epektibo ang talumpati, pinapayuhan ang
mananalumpati na magkaroon ng magandang personalidad, maging malinaw
ang pananalita, may malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay, may
mahusay na paggamit ng kumpas, at may kasanayan sa pagtatalumpati.
Dapat din tandaan ng mananalumpati ang tindig, galaw, pagbigkas,
pagbibigay din at kaugnayan (rapport) sa madla.
h. Dagliang Talumpati - Ang panandaliang talumpati (extemporaneous
speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati
at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw. Maaaring may
paghahanda o walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag na
impromptu sa wikang Ingles ang talumpating walang paghahanda kung
saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang
kaalaman ng mananalumpati sa paksa.
i. Monologo - Ito ay isang uri ng pagsasalita kung saan ang isang tauhan
ay sinasabi ang kanyang isinasaisip sa isa pang tauhan o kaya sa
kapulungan ng nakikinig. Ang mga monologo ay gumagamit sa iba’t ibang
medya gaya ng mga dula, pelikula, animasyon, atbp.
Halimbawa ng Monologo:

Page | 77
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

j. Deklamasyon – Ang deklamasyon ay uri ng pagpapahayag ng damdamin


sa pamamagitan ng pagsasalita base sa emosyon na hinihingo ng linya.
Ang laman ng isang deklamasyon ay iba – iba, maaring personal,
pampulitika, sosyal, o global na mga isyu.

Halimbawa ng Deklamasyon:

Pulubi! Mahina! Mahirap! “Palagi ko nalang naririnig. Palagi na lang ba?


Paulitulit…. Nakakasawa…. Nakakabingi! Ano, ano masaya na ba kayo?
Bakit niyo ako pinagtatawanan? Bakit niyo ako hinihila pababa? Diyos ba
kayo para gawin niyo iyan? Pero bago niyo ako husgahan pakingga niyo
muna ang sasabihin ko.

Mga Dulog at Istratehiya sa Paglinang ng Komprehensiyon

a. Ugnayang Tanong-Sagot – (Raphael 1982 -1986) bumuo ng “Ugnayang


Tanong-Sagot” (UTS/QAR sa Ingles) Ito’y nabuo dahil sa obserbasyon ni
Raphael na palaging may pinapasgutang tanong ang mga guro pagkatapos
bumasa subalit hindi lamang nabibigyan ng kaunting patnubay ang mga bata
kung paano sasagutin ang mga tanong. Binubuo ni Raphael Santiago 1982 -
1986 upang mapataas ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pag-
unawa sa pamamagitan ng isang sistematikong pagsusuri sa mga tanong. Sa
istratehiyang ito inaasahang magagawa ng mga bata ang tukuyin ang iba’t-
ibang uri ng tanong

Page | 78
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Iba’t ibang uri ng tanong

 Nasa Teksto Mismo - Ang sagot ay nasa teksto at madaling hanapin. Ang
salitang ginagamit sa tanong at ang mga salitang gagamitin sa pagsasagot
ay nariyan na mismo.
 Isipin at Hanapin - Ang sagot ay nasa kwento ngunit kailangan mong pag-
ugnay-ugnayin ang iba’t ibang bahagi ng kwento para makita ang tamang
sagot. Ang mga tanong at sagot ay di tuwirang makikita sa isang
pangungusap o talata. Galing ito sa iba’t ibang bahgi ng kwento.
 Ikaw at Ang Awtor - Wala sa kwento ang sagot. Kailangang gamitin mo
ang dating kaalaman at kung ano ang sinabi ng awtor sa teksto at pag-
uugnayin ang dalawang ito.
 Sa Aking Sarili - Wala sa kwento ang sagot. Masasagutan mo ang tanong
na hindi kailangan basahin ang kwento. Gagamitin mo lamang ang iyong
karanasan.

Ang mga simulaing isinasaalang-alang sa paggamit ng istratehiyang UTS


(ugnayang tanong-salita) ay ang sumusunod:

1. Pagbibigay ng kagyat na pidbak


2. Pagsisimula sa maikli patungo sa higit na mahabang teksto o seleksyon;
3. Paghikayat na maging independent ang mga mag-aaral sa pamamagitan
ng pagbibigay ng angkop na gawain; at
4. Paghandaan ang transisyon mula sa madaling gawain na pagtukoy o
pagkilala sa sagot patungo sa higit na mahirap na kasanayan sa pagtuklas
ng kasagutan batay sa iba’t ibang impormasyon.

Page | 79
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

b. DR-TA (Directing Reading – Thinking Activity) o Pinatnubayang


Pagbasa – Pag-iisip (Stauffer 1969,1976) - Ang dulog DR-TA (Directing
Reading – Thinking Activity) ay para sa paglinang ng komprehensyon ng
buong klase/pangkat.

Layunin:

Matulungan ang mga bata sa pagtatakda ng sariling layunin sa pagbasa,


pagbibigay ng sariling hula o palagay na ginagamit ang dating kaalaman at
kaalamang buhat sa teksto, pagbuo ng isang sintesis ng mga impormasyon,
patnubay at pagbabago ng mga prediksyon at pagbuo ng isang konklusyon

Dalawang Bahagi ng DR-TA

1. Pagbibigay ng patnubay sa proseso ng pag-iisip sa kabuuan ng


kwento.

May tatlong (3) siklo ang bahaging ito ng DR-TA:

Una, Pagbibigay ng mga hula na ginagamit ang mga impormasyong galing sa


teksto at personal na dating kaalaman;

Ikalawa, Pagbasa upang tiyakin o di kaya’y baguhin ang mga hula batay sa
mga bagong impormasyon na galing sa teksto at sa dating kaalaman; at

Ikatlo, Pagbibigay ng mga suporta at patnubay sa pagbibigay ng mga hula


batay sa tekstong binasa at personal na kaalaman.

2. Mga panubaybay sa gawain batay sa mga pangangailangan ng mga


bata.
Page | 80
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Ang ikalawang bahagi ay may panubaybay ng mga gawain tulad ng paglinang


ng talasitaan, pagbibigay ng lagom at konklusyon sa tulong ng Group Mapping
Activity (GMA).

c. DRA (Directed Reading Activity o Pinatnubayang Pagbasa) - Ang


pagdulog na ito sa pagturo ng pagbasa ay matagal nang ginagamit sa mga
paaralan. Bagama’t may ilang modipikasyon na ipinasok sa pagdaraan ng
mga taon.

Layunin:

Maihanda nang husto ang mga bata sa pagbasa, mabigyang –diin ang
pagkilala sa salita at ang paglinang ng mga kasanayan sa pag-unawa at
mapatnubayan ang mga bata sa pagbasa ng isang itinakdang kuwento.

Limang Hakbang ng DRA

1. Paghahanda sa pagbasa - Sa hakbang na ito’y ginigising ang dating


kaalaman ng mga bata na may kaugnayan sa kuwento.
2. Pinatnubayang tahimik na pagbasa - Sa yugtong ito, magbibigay ang
guro ng mga tanong na pangganyak na siyang magiging patnubay ng mga
bata sa pagbasa.
3. Pagtalakay - Sa bahaging ito’y sasagutin ang mga tanong na pangganyak at
susundan ito ng pagtalakay ng mga kasagutan sa iba pang pamatnubay na
tanong upang mapaunlad ang pagkaunawa.
4. Makabuluhang Muling Pagbasa - Layunin ng bahaging ito na mabigyan
ng pagkakataon ang mga bata na basahin nang malakas ang kuwento
pagkatapos nang tahimik na pagbasa.

Page | 81
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

5. Panubaybay na mga gawain at pagpapaunlad ng kasanayan -


Maaaring ilahad sa bahaging ito ang mga gawaing may kaugnayan sa
talasalitaan, komprehensyon o di kaya’y kasanayan sa pagsulat.

d. RECIPROCAL QUESTIONING (REQUEST) o Tugunang Pagtatanong -


Ang istratehiyang ReQuest ni Manzo (1990) gumagamit ng tugunang
pagtatanong kung saan naghahalinhinan ang mga guro at mga mag-aaral sa
pagganap ng mga tungkulin ng tagatanong

Layunin:

Linangin ang aktibong pag-unawa sa pagbasa ng mga bata sa pamamagitan


ng pagbuo ng mga tanong, pagbuo ng layunin sa pagbasa, at pag-uugnay ng mga
impormasyon. Isinasaalang-alang din ang istratehiyang ito ang pagmonitor sa sarili
hinggil sa prosesong isinasagawa sa pag-unawa ng isang teksto.

PITONG HAKBANG NG ISTRATEHIYANG ReQuest

1. Panimula – Sisimulan ang pagkaklase sa pamamagitan ng isang paglalahad


gaya ng nasa ibaba:

“Ang layunin ng araling ito ay tulungan kayong mapaunlad ang inyong pag-
unawa sa pagbasa. Babasahin muna natin nang tahimik ang unang talata ng
kuwento. Pagkatapos ay magtatanungan tayo tungkol sa nilalaman ng talata. Kayo
ang unang magtatanong at pagkatapos ay ako naman ang magtatanong.”

“Makapagtatanong kayo nang kahit ilang tanong. Kapag ako ang tatanungin ninyo,
isasara ko ang aking aklat at isasara rin ninyo ang inyong aklat kung ako naman ang
magtatanong.”
Page | 82
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

2. Panimulang Pagbasa at Pagtatanong ng mga Mag-aaral – Babasahin


nang tahimik ng guro at ng mga mag-aaral ang unang talata. Pagkatapos,
isasara ng guro ang kanyang aklat at hahayaang magtanong ang mga bata
tungkol sa talatang binasa.
3. Pagtatanong ng Guro at Pagmomodelo - Pagkatapos ng mga bata, ang
guro naman ang magtatanong. Pasasarahan din ang aklat o di kaya’y
patatakpan ang bahaging binasa bago magtanong ang guro.
4. Patuloy na Tugunang Pagtatanong – Babasahin nang tahimik ang
susunod na talata o bahagi ng teksto at sundin ang mga isinasagawa sa una
at ikalawang hakbang.
5. Pagtatakda ng Layunin sa Patuloy Pagbasa – Ipagpatuloy ang pagbasa
hanggang sa magkaroon ang mga mag-aaral nang sapat na kabatiran upang
makuha na nila ang ideya/kaisipan ng kuwento para makapagbigay na sila ng
panghuhula sa kalalabasan ng mga pangyayari.
6. Tahimik na Pagbasa – Ipabasa ang kabuuan ng teksto at alamin kung tama
ang kanilang mga hula.
7. Panubaybay na Talakayan – Pagkatapos basahin ang buong kuwento,
umpisahan ang talakayan sa pamamagitan ng tanong na hango sa hulang
isinagawa ng mga bata. Mahalaga ito dahil nagpapakita ito na ang patnubay
na tanong ang unang dapat tugunin pagkatapos basahin ang teksto.

e. STORY GRAMMAR o PAGSUSURI SA KAYARIAN NG KUWENTO -


Mahalaga para sa pag-unawa ang pagkakaroon ng kaalaman sa kayarian ng
kuwento (story sense). Ito’y makatutulong upang mahaka ng bumabasa ang
proseso kung paano inilalahad ng may-akda ang isang kuwento. Ang

Page | 83
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

kaalamang ito ang higit na nakapagpapaliwanag na ang kuwento ay binubuo


ng sunod-sunod at magkakaugnay na pangyayari.

Upang magkaroon ng lubusang kaalaman sa kayarian ng kuwento dapat


malaman ng guro at ng mag-aaral ang mga sumusunod na katangian ng kuwento.

a) Ang kuwento ay binubuo ng isang tema at banghay;


b) Ang banghay ay serye ng mga pangyayari o episodo;
c) Ang isang buong episodo ay may tagpuan at serye ng mga pangyayari;
d) Inilalarawan sa tagpuan ang panahon, lugar, at ang pangunahing tauhan;
e) Ang serye ng mga pangyayari ay binubuo ng mga sumusunod;
 Panimulang pangyayari na nagtatakda ng layunin o suliranin;
 Pagtatanka upang matamo ang layunin o malutas ang suliranin
 Pagtuklas sa suliranin o pagtatamo ng layunin
 Reaksyon ng mga tauhan sa pangyayari

f. GMA (Group Mapping Activity) - Isang istratehiya sa pagtuturo na mabisa


sa paglinang ng pang-unawa o komprehensyon sa pamamagitan ng
integrasyon at sintesis ng mga ideya at konseptong nakapaloob sa kuwento.

Sa istratehiyang ito, ang mga bata ay pabubuuin ng isang


grapikong representasyon na maglalarawan ng kanilang personal na
interpretasyon na kaugnay ng mga tauhan sa mga pangyayaring naganap sa
isang kuwento o di kaya nama’y ang kanilang sariling interpretasyon sa
konseptong inilahad sa isang babasahing ekspositori.

Page | 84
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Dalawang hakbang sa Istratehiyag GMA

Unang Hakbang GMA: Pagbuo ng mga Mapa

Ikalawang Hakbang GMA: Pagbabahagi at Pagpapakita ng mga Mapa

g. KWWL (What I know, What I Want to Learn, Where Can I Learn


This, What I Learned) - Ang KWWL (Jan Bryan,1998) o AGSN - ay isang
elaborasyon ng KWL nina Carr at Ogle (1987).

Ang istratehiyang KWWL ay naglalayong matulungan ang mga mag-aaral na gamitin


ang dating nalalaman sa paksa lalo na sa mga tekstong ekspositori. Tinutulungan
nito na magamit ng mga bata ang dating kaalaman sa pagbasa ng mga bagong
paksa at matulungan ang mga mag-aaral na suriin at saliksikin ang mga
impormasyong nasa loob at labas ng teksto.

A – kumakatawan sa kung ano na ang alam ng mga bata sa paksa;

G – ang gustong malaman

S – saan malalaman

N – ano ang nalaman

Apat na Hakbang ng KWWL

Page | 85
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Ilustrasyon ng mga Istratehiya sa Pagtuturo

PANIMULA

Isa sa mga salik na tumutulong upang maging matagumpay ang


pagtatamo ng layunin ng isang aralin ay ang pagpili ng angkop na istratehiya sa
pagtuturo. Nakatutulong ito upang maging mabilis ang daloy ng aralin. Ang pagpili
ng angkop na istratehiya na ayon sa kakayahan ng mga mag-aaral ay nakakatulong
sa mabilis na pagkatuto ng bawat mag-aaral.

KATANGIAN NG MABUTING ISTRATEHIYA

1. Simple at madaling maisagawa.


2. Nagsasangkot sa lahat ng mag-aaral.
3. Nagbibigay ng mabuting bunga.
4. Humuhubog sa mabuting pag-uugali.
5. Nakatutulong sa paglinang ng maraming kakayahan ng mag-aaral.
6. Humahamon sa kakayahan ng mag-aaral.
7. Higit na marami ang gawain ng mag-aaral kaysa guro.
8. Umaalinsunod sa mga simulain ng pagkatuto at pilosopiya ng pagkatuto.
 K-W-L

Page | 86
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Mga Hakbang ng KWL

 Ang pagbibigay o pagtatala ng mga mag-aaral ng lahat na alam nila tungkol


sa paksa.
 Maaaring magkaroon ng brainstorming.
 Aalamin ng guro ang lawak ng kaalaman ng mga bata sa pagbibigay ng ilang
tanong.
 Itatala ng mga mag-aaralang mga bagay o impormasyong nalaman nila at
mga kasagutan sa kanilang tanong.

Ilustrasyon ng mga Istratehiya sa Pagtuturo Naglalaman na


(Know) Gustong Malaman (Want to Know) Natutunan
(Learned)

 WEBBING/PAGHAHABI –ginagamit upang ilahad ang mga detalyeng


sumusuporta sa pangunahing ideya/paksa.

Halimbawa:

Page | 87
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 Fact Storming Web- nasa sentro ang ang pangunahing konsepto at


nakapaligid dito ang mga kaugnayan na konsepto.

 Spider Web- karaniwang binubuo ng apat at bawat isa ay tumutukoy sa paa


ng gagamba. Binubuo ng pangunahing konsepto at sumusuportang datos ang
bawat pangkat

 Semantic Web- may apat na elemento:

1. Ang core question na paksa ng aralin

2. Ang web strand na sagot sa core question na nakasulat sa apat


na kahon

3. Ang web strand na sumusuporta sa web strand

4. Ang strand tie na linyang nagsdurugtong sa lahat ng web

 PIN- Nakatutulong sa pagkilatis ng mga mag-aaral ng positibo at


negatibong epekto ng isyu.

Page | 88
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 FISH BONE- pagbibigay ng sanhi at bunga mula sa naipahayag.


Sanhi at Bunga
-ang sanhi ay nagsasaad ng kadahilanan ng mga pangyayaring naganap at
ang epekto ng pangyayaring ito ay tinatawag na resulta o bunga. Sa madaling
sabi, may pinag-ugatan ang pangyayari at dahil dito ay nagkakaroon ng
kasunod. Halimbawa:
Sanhi: Illegal na pagpuputol ng mga puno sa kagubatan
Bunga: Baha sa mababang lupain, pagguho ng lupa at
pagkamatay ng maraming tao.

 P-SOLVE - Pagbibigay ng kahihinatnan, hakbangin at ng konklusyon sa


suliranin na isinasaad.

Page | 89
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 PECS- Pagbibigay ng problema, sanhi, epekto at kung ano ang solusyon sa


problema. Karaniwan ito ay nagsisimula sa pagbibigay ng suliranin at
pagsusuri ng mga kalagayang lumilikha ng nasabing suliranin. Ang mga
paliwanag na isinama ay hinggil sa kaligirang maaaring kakitaan ng lunas.
Halimbawa:
Problema sa pera dahil sa kawalan ng trabaho. Kung walang trabaho,
kailangan maghanap. Maraming paraan upang makahanap ng trabaho kung
gugustuhin lang natin. Pwede tayong humingi ng tulong sa kakilala, maghanap sa
dyaryo o enternet.

 INVERTED PYRAMID-Pagkakasunod-sunod ng istorya/pangyayari papunta


sa pinakakasasabik na pangyayari o pinakamahalagang kahihinatnan / climax.

Sino, ano, saan, kailan,bakit

Pansuportang impormasyon
(pinakamahahalagang
impormasyon
karagdagang )
pansuportang detalye
di- gaanong mahahalagang
impormasyon

Page | 90
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 CARAVAN- Pagkilala sa mahahalagang pangyayari sa paksa/aralin.

Page | 91
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 WALK-A-BOUT TECHNIQUE- Pagtatanong ng taga-ulat tungkol sa


natalakay na nakaraang aralin.

KAHALAGAHAN NG PAGBABAGO-BAGO NG ISTRATEHIYA

1. Nagkakaroon ng kasiglahan ang klase.


2. Nagkakaroon ng mabuting relasyon ang mag-aaral at guro.
3. Nakapaglilinang ng mga natatanging kakayahan ng mag-aaral.
4. Nakaaalis ng kabagutan sa klase.
5. Nakapag-iisip ng malalim at nakalilikha ang mga mag-aaral.
6. Nakapagtatatag ng pagtitiwala sa sarili at kapwa.
7. Nakapagpapaunlad ng kasanayang pampamumuno.

Page | 92
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Mga Mungkahing Patnubay sa Pagtuturo ng Pagsulat


1. Gawing maluwag ang kalagayang pangklase- upang magkaroon ng isang
bukas, tapat at kaiga-igayang kalagayan sa klase. (pagpares-paresin ang mga
mag-aaral sa unang araw ng pasukan at hayaang kapanayamin ang isa’t isa.
Pagkatapos hayaang ipakilala sa klase ng bawat isa ang kanilang kapares.

2. Linangin ang kasanayan sa pagmamasid sa paligid- ang mga manunulat


upang mailarawan ang mga bagay tungkol sa kanilang sarili at sa daigdig na
kanilang ginagawa. Upang maging matapat sa kanilang paglalarawan,
kailangang maging sensitibo sila sa mga detalye.

Narito ang mga panuto na makakatulong sa iyo sa pagsulat.

 Humanap ng isang lugar na makapagmamasid at makakasulat ng hindi


makakakuha ng atensyon.
 Pumili ng isang tao na ilalarawan hanggang sa kaliit-liitang detalye. Isama
ang mga detalye tungkol sa edad, taas, buhok, mukha, pananamit, tindig,
kilos, galaw, pananalita at iba pang katangiang iyong mapagtutunan ng
pansin.

Halimbawa: Isang mama, humigit kumulang limang talampakan ang taas,


itim ang buhok, medyo mahaba ang buhok na, apatnaput limang taong
gulang, pango ang ilong, hindi nag-aahit, nakasuot ng puting t-shirt, nag-iisa.

 Ilarawan ang iba’t ibang salita kaugnay ng panlasa


Halimbawa: Matamis na tsokolate, mapait na kape, maanghang na
sawsawan, maalat na tapa

 Ilarawan ang iba’t ibang amoy


Halimbawa: Amoy ng kumukulong kape, amoy ng sibuyas, mausok amoy ng
inihaw na isda, amoy bawang.

 Pakinggang mabuti ang mga tunog sa paligid katulad ng usapan, lagay, at


musika.

Page | 93
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 Halimbawa: Sagitsit ng pinipritong karne, ugong ng mga sasakyan,


kalampagan ng mga pinggan, tunog mula sa jukebox, kalansing ng pera sa
kaha, busina ng mga sasakyan

Ang mga ito ay malaking maitulong upang madagdagan ang ating


kaalaman sa pagtuturo ng pagsulat. Laging ipaalala ang wastong gamit ng
salita, bantas, at kasarian ng pangungusap.

Mga Estratehiya sa Paglinang ng Talasalitaan

A. Pagsusuring Pangkayarian (Structural Analysis)

Nauunawaan ang salita sa pamamagitan ng mga bahagi nito:

- salitang-ugat
- panlapi
- pagkakabuo ng salita

Halimbawa: buhay
kabuhayan
nabubuhay
buhay-buhay
buhay-alamang

B. Paggamit ng mga Palatandaang Nagbibigay Kahulugan (Context Clues)

1. Sa pamamagitan ng kasingkahulugan ng salita na napapaloob din sa


pangungusap.

Halimbawa: Masarap mamuhay sa bansang may kasarinlan na kung saan may


kalayaan ka sa pagkilos at pagsasalita.

2. Sa pamamagitan ng kasalungat na kahulugan ng salita.

Halimbawa: Masugid si Renato na makatapos ng hayskul ngunit tila matamlay


naman ang kanyang ama na tustusan siya dahil sa kakulangan ng salapi.

Page | 94
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

3. Sa pamamagitan ng katuturan ng salita.

Halimbawa: Ipinamalas ng mga tao sa EDSA ang marubdob o matinding


pagnanasa na magkaroon ng kalayaan.

4. Pag-uugnay sa sariling karanasan. Nakikilala ang bago o mahihirap na salita sa


pamamagitan ng pag-alala sa mga naging karanasan.

Halimbawa: Dahil sa bahang dala ng bagyong si Roming, inilikas sa ligtas na


pook ang mga tao sa aming lugar.

5. Ayon sa sitwasyong pinaggamitan ng salita. Dito nauunawaan ang salita ayon


sa mga pangyayari o sitwasyon na kaugnay nito.

Halimbawa: Pinag-iibayo ng pangulo ang kampanya laban sa lumalaganap na


kilusan ng mga pangkat laban sa pamahalaan. Itinaas niya ang moral at
sahod ng mga kawal.

6. Sa pamamagitan ng buod o lagom ng binasa.

Halimbawa: Naranasan niya ang matinding kahirapan noong siya ay bata pa.
Salat na salat silang mag-anak sa pagkain, damit at maayos na tirahan. Mula
siya sa isang maralitang mag-anak.

7. Sa pamamagitan ng halimbawa.

Halimbawa: Maiiwasan ang sigalot tulad ng patayan, nakawan, awayan kung


ang mga mamamayan ay matututong kumilala sa Diyos at magmahal sa
kapwa.

8. Sa pamamagitan ng pormal na depinisyon ng salita.

Halimbawa: Mahilig tayo sumulat ng sanaysay. Ito ay isang kathang tuluyan


na naglalahad ng kaalaman, kuru-kuro at damdamin ng sumulat.

9. Sa pamamagitan ng paglalarawan.

Page | 95
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Halimbawa: Sa kabuuan ng kanyang mukha. Sa mga mata niya at sa


nagbabagong pangangatawan, sa balat niyang manilaw-nilaw at
pinamumutukan ng maraming tagiyawat. Ang mga ito ay naglalarawan na
siya ay lumipas na sa pagiging musmos.

10. Sa pamamagitan ng pahiwatig na tono o damdamin.

Halimbawa: Mula sa kusina, ang tibok ng aking puso ay nakipag-unahan sa


aking mga hakbang. At ang aking agam-agam ay napawi nang makita ko siya
sa sala.

C. Pag-uugnayan ng mga Salita

(Word Association)

1. Pagsasama ng salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan


(collocation). Nabibilang dito ang mga matalinhagang salita o parirala.

Halimbawa: puso = bahagi ng katawan ng tao

bato = matigas na bagay

pusong bato = matigas ang puso o sa tunay na kahulugan ito ay


naglalarawan ng taong hindi marunong mahabag o maawa.

2. Pagbibigay ng iba pang salita na halos kapareho rin ng kahulugan ng


pangunang salita. (clustering)

Halimbawa: Anu-ano ang iba pang salita na maaaring ipalit sa salitang


tingnan?

3. Pagkilala ng pagkakaugnayan ng mga salita ayon sa antas o tindi ng


kahulugan na ipinahahayag (clining). May mga salita na ginagamit ayon sa
tindi ng damdamin na nais ipahayag. Halimbawa, hindi maaaring sabihing
nagalit ka kung naiinis ka lamang. Pansinin ang ayos ng mga salita ayon sa
tindi ng damdaming ipinahahayag o ayon sa haba ng panahon. Damdamin:

Page | 96
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

inis, yamot, suklam, galit


Panahon: noon, kamakalawa,ngayon, mamaya,bukas, sa isang buwan

4. Pagpapangkat ng mga salita ayon sa antas ng paggamit o pormalidad ng


gamit nito (level of formality). May mag salitang ginagamit sa mga di-pormal,
pormal na kalagayan o sa pangkalahatan.

Halimbawa: Ang iba pang salita na itinatawag sa kasama ay maaaring


pangkatin ayon sa paggamit sa sitwasyon na maaaring:

PORMAL DI-PORMAL NEUTRAL


kapanalig kabagang kaibigan
kaanib abay kasama

katoto utol kaakbay

5. Pagpapangkat ng mga salita ayon sa punong salita o paksa (classification).

Halimbawa:

Panlasa – mapait, matamis, maanghang, matabang

Kilos – mabagal, mabilis, maliksi, makupad, dahan-dahan

6. Pagbibigay ng mga salitang kaugnay sa isang paksa o ideya (association or


word network). Ang mga salitang nauugnay sa isang paksa o bagay ay
naaayon sa karanasan o nakaraang kaalaman.

7. Paggamit ng Semantic Mapping – ito ay isang paraan ng pagpapalawak ng


kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga kategorya
ng salita na nauugnay rito. Ito ay nababatay sa panuntunan na ang mga
bagay na natututuhan ay kaugnay ng mga karanasan at dati nang alam.

Page | 97
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Mga Viswal na Istratehiya sa Paglinang ng Talasalitaan

1. Mapa ng salita (Word Map)

2. Mapa ng Kahulugan (Definition Map)

3. Web ng bahagi ng salita (Word-part web)

4. Pagpapakahulugan ayon sa konteksto (Contextual redefinition)

Mga Salita Hinulang Kahulugan Konteksto na


Kahulugan Bago Pagkatapos ng pinagagamitan ng
ang Pagbasa Pagbasa pagsasalita
1. bumulwak lumabas Biglang paglabas Bumulwak ang
ng isang likidong dugo sa kanyang
bagay mula sa dibdib dahil sa tama
pinagmulan nito ng baril
Halimbawa:

tubig, dugo

Mga Mungkahing Istratehiya Sa Pagtuturo Ng Mga Akdang


Pampanitikan

ANG PAGTUTURO NG MAIKLING KATHA

Mga mungkahing Gawain sa pagtuturo/ pag-aaral ng maikling katha


(Sage 1987)

1. Kilalanin/ hanguin sa mga karanasan ng mag-aaral ang dating alam sa


pamamagitan ng pagkukwento o pakikinig nila bago talakayin ang akda (pre-reading
activity).

Page | 98
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

2. Maging holistic o ganap ang pagtalakay ng akda sa pamamagitan ng pagmamasid


ng mga ugnayan sa mga aspekto ng kwento

Halimbawa: Pansinin ang diyalogo at kaugnayan nito sa kapaligiran at panahon sa

“Nagmamadali ang Maynila”

ni Serafin Guinigundo

3. Isaalang-alang ang natural na daloy ng kwento bilang patnubay sa pagtuturo nito.


Ito ba’y kwento ng tauhan? tagpuan? simbolo? katutubong kulay?

4. Magbigay ng sapat na kaligirang talakay bago pag-aralan ang kwento.

Tungkol sa bokabularyo? kultura? mga idyomatikong pagpapahayag? haba ng


pangungusap? estilo ng pagkakasulat at iba pa.

5. Patnubayan ang mag-aaral (tungkol sa kung paano at kalian dapat basahin ang
kwento).

a. Maaring pumili ng bahagi ng kwento na babasahin nang malakas upang


mapasimulan ang pagtalakay ( para bang binibigyang-diin ang

 key moment o climax ng kwento.)

b. Hayaang basahin ng mag-aaral ang kwento ng dalawa o mahigit pang ulit


upang masuri at mabigyan ito ng malalim na kahulugan.
6. Ipaliwanag ang katuturan ng mga terminong pampanitikan upang mapagaan ang
diskusyon
(Halimbawa: punto de bista, epiphany o pagkamulat, interior
monologue).
7. Ipakita o ipadama sa mag-aaral ang matuling bahagi ng isang akda

Page | 99
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 ( masusumpungan kay Macario Pineda, Sikat, Matute at iba pang katulad na


awtor.)
 Masalimuot at mahirap ang pagtuturo ng tula dahil sa may iba itong
istruktura o kayariang balangkas.
 “Poetry uses a deviant language” sabi ni Widdowson (1982)

Dapat Mabatid Ng Guro Ang Sumusunod Tungkol Sa Isang Tula

 Ang bawat tula ay may angking iwing katangian at kabuuan. Lumilikha ito ng
sariling daigdig.

 Malaya ang makata na baguhin ang istruktura ng pangungusap. May lisensya


siyang gawin ito.

 Gumagamit ang tula ng sariling jargon o talasalitaan.

 Isipin at unawain ang tula sa iba’t ibang dimension; biswal, pandinig,


pandama, panlasa at iba pa.

 Ang ganda ng tula ay napayayabong ng iba’t ibang pagpapakahulugan.

Sino ngayon ang may tamang interpretasyon? Depende ito sa karanasan,


kasanayan,katalinuhan, saloobin, pagkawili at pamaraan o pagdulog ng guro

 Ang magandang pagbasa ng tula (ang tula ay tulad ng musika) ay


makapagpapagaan ng pagtuturo nito.

Page | 100
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

Mga patnubay sa pagtuturo ng tula

1. Pagganyak at pagpukaw sa marangal na damdamin

 Ang pagpukaw ng marangal na damdami ay nag-aangat sa pag-iisip


tungo sa isang mataas na layunin at pagpapahalaga sa buhay.

2. Ang pagbibigay ng malikhaing guniguni

 Kailangang makita sa ating guniguni ang mga larawang likha ng makata


upang mapukaw ang ating damdamin.Kailangang maantig ang lahat ng ating
pandama,paningin,pandinig,panlasa,pang-amoy at pakiramdam.

3. Ang pagkakaroon ng marangal na diwa

 Kailangang taglayin ng tula ang marangal at makatotohanang paksa upang


makapukaw ng magagandang damdamin at makaguhit ng larawan sa
guniguni.

4. Ang pagtataglay ng tula sa isang magandang kaanyuan

 Ito’y nauukol sa pamamaraan ng makata sa pagbuo ng kanyang tula. Ito’y


nauukol sa paggamit ng tugma,sukat,aliw-aliw at mga piling-piling salita.

5. Mahahalagang Tayutay

 Ito’y nauukol sa pananagisag (symbolism) ng makata,gaya ng pawangis


(metaphor), patulad (simile),panawagan (apostrophe), pabaligho
(paradox) at padiwang tao (personification). Nagpapayabong ang mga ito
sa mga ito sa mga larawang diwa na siyang pumupukaw ng mga mararangal
na damdamin ng mambabasa.

Ang pagbasa ng tula

 Ang tula ay isinusulat upang basahin nang malakas o isaulo at bigkasin


kaya, upang maipadama ang damdamin,nilalaman at ang kasiningan nito sa
mambabasa at tagapakinig.
Page | 101
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

 Upang maging magaling ang pagbasa o pagbigkas ng tula, narito ang ilang
mungkahi at mga paliwanag:

a. Paraan

1. Wastong paghinga ( Punuin ng hangin ang dibdib bago simulan ang


pagbasa.)
2. Ang tinig ay kailangang sa dayapram nanggagaling.
3. Wastong “pagpupukol” nito sa nakikinig.
4. Katamtamang lakas ng tinig.

b. Uri at sangkap ng tinig

1. Lakas (volume)

…Dapat na ito’y timplado. Hindi iyong nagpapalahaw.

2. Uri ng Tinig

a. Anglakas ng bulong (whispering force)- nagpapahiwatig ng malaking takot,


pangamba.

…palihim na pagsasalita: “Ito ba ang aking mapapala?”

… kahinaan ng katawan: “ Kung sadyang wala akong pag-asa,


magtitiis ako!”

b. Ang inimpitna lakas (suppressed force). Ito ay nasa pagitan ng pabulong at


katamtamang lakas.

3. Ang taas ng tono ng tinig (pitch of voice)

a. Karaniwang tono… nagpapahiwatig ng malamig na damdamin/ ng


malaking galit.

Page | 102
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 304 – Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pgtuturo ng Filipino

b. Pataas na padulas (upward slide) ...nagpapahayag ng alinlangan o ng


pagkagulat.

c. Pababang padulas (downward slide) … nagpapahayag ng kapangyarihan at


pagsusumikap.

4. Ang lundo (wave) ng tinig

May pataas –pababang lundo gaya ng :

Si Brutus

Bbaay marangal

tao.

5. Ang bilis ng pagbigkas ay may kaugnayan sa damdamin ng tula.

…Binibigkas nang mabilis, may mataas na tono at malakas na tinig ang


bahagi ng tulang may mapusok na damdamin. Mabagal, mahina at
mababang tono naman sa bahagi ng tulang may malungkot na damdamin.

Page | 103

You might also like