You are on page 1of 3

"Ang mala-paraisong bayan ng Tanay"

Lalayo ka pa ba kung sa Pilipinas palang ay matatagpuan mo na ang isang lugar na


puno ng hiwaga,siksik sa mga pasyalan, mga nag tataaasang bundok, malamig na
simoy ng hangin, at mga makabagbag damdaming mga tanawin.

Hindi lang isa hindi lang dalawa at hindi lang tatlo ang maaari mong gawin sa mala
paraisong bayan ng Tanay sa mga nag gagandahang tanawing taglay ng lugar na ito
hindi na natin maikakaila na ang lugar na ito ay isang paraiso.

Mula sa Binangonan tatlong oras kaming bumayahe ng aking mga kasama at


pumunta sa aming unang destinasyon ang Rejina Rica ngunit sa kalagitnaan ng aming
paglalakbay aming natanaw ang mga nag lalakihang mga "windmill" na naka helera
na parang mga gusali.
Matapos ang tatlong oras na byahe aming narating ang Regina Rica at nang amin
itong pasukin aming naramdaman ang pagiging banal ng lugar ba ito buhat ng mga
nag lalakihang mga santong inyong makikita. Sa aming paglalakad kami rin ay
nakakita ng mga hele-helerang mga "sunflowers" na nakabibighani sa mga mata o sa
mga camera ika nga "instagramable".

Ang kahuli-hulihang ginawa namin sa Rejina Rica ay ang pag pasok sa kanyang saya
muka man itong nakakatawa ngunit sa ilalim ng kanyang saya aking naramdaman
ang pagiging malapit ko sa panginoon matapos non kami ay umakyat sa isang
hagdanan at paglabas bumungad sa amin ang napakagandang tanawin bukod pa
doon iyo ding mararamdaman ang kakaibang simoy ng hangin.

Nang matapos na ang aming pag bisita sa Tanay aming naramdaman ang pagod
ngunit di namin malilimutan ang mga kakaibang eksplorasyon at mga bagong
kaalamang aming natuklasan sa banal na lugar ng Regina Rica.

You might also like